DAMIEN
"TWENTY.... NINETEEN... EIGHTEEN..."
Dinig na dinig namin ang malakas na countdown mula sa TV niya sa loob.
"Hintayin mo bago mo iputok," bilin niya sa akin. Nandito kami sa balcony ng condo niya. Binayaran niya ulit ako para may makasama raw siya ngayong gabi na nauwi sa mainit na kantutan sa balcony ng condo niya. Nasa twentieth floor naman kami kaya hindi kami nag-aalala na marami ang makakakita. Kung meron man, mga kapitbahay niya lang.
Madidiin na ulos ang ibinigay ko sa butas niya. Sinasabayan niya iyon ng pag-ungol. Baliw na baliw siya sa burat ko.
"FIVE... FOUR... THREE... TWO... ONE..."
Kasabay ng paglitaw ng mga naggagandahang paputok, sumabog ang katas ko sa loob ng butas niya.
Siya na ang naghugot ng burat ko mula sa butas niya. Humarap siya sa akin. "Happy New Year."
"H-Happy New Year," alangang bati ko.
Hindi ko inaasahang babatiin niya ako. Kasi wala naman kaming ibang connection kung hindi ang pagiging magkaniig sa kama. Bayaran ako. Binabayaran niya lang ako.
Pero bakit ang sarap sa pakiramdam ng ginawa niya?
Hinawakan niya ako sa braso at niyaya na sa loob. Tulad ng nakagawian, sabay kami naligo.
"Gusto ko pa," sabi niya. Gutom na gutom talaga siya sa kantot. Sinabon niya ang burat ko kaya tumigas iyon sa kamay niya. Tumalikod siya sa akin at tinutok ang burat ko sa butas niya.
Dahil madulas sa sabon at dahil katatapos lang naming magkantutan, walang kahirap-hirap na pumasok ang burat ko sa butas niya. Nagkantutan kami sa ilalim ng rumaragasang tubig mula sa shower.
Itinuon niya ang dalawang kamay sa pader at bahagyang tumuwad para mas malaya kang mabararuot ang gutom niyang butas.
"Sige pa! Harder! Fuck me harder, Damien!" maulol-ulol na pagsusumamo niya habang marahas kong binabayo ang burat niya.
"Tangina mong puta ka! Gutom na gutom yang butas mo! Sobrang sabik sa titi ko. Puwes, tanggapin mo tong kantot ko," nawala na rin ako sa sarili ko dahil sa sobrang sarap ng ginagawa namin.
"Puta mo ko, Damien. Pagsawaan mo ang butas ko. Iyong-iyo lang iyan."
Sinabunutan ko siya at siniil ng halik. Marahas ang laplapan naming dalawa. Parang gutom na gutom kami sa labi ng isa't isa.
"Ahhh... Ah.... Ah..." ungol niya. "Ibaon mo pa." Pinasikip niya ang butas niya na nagdulot sa akin ng kakaibang sarap.
"Tangina mo, Michael. Sobrang galing mong mag-muscle control. Parang lalabasan ako kaagad."
"Sige lang. Ilabas mo. Iputok mo sa loob ko. Buntisin mo ako, Damien."
"Bubuntisin talaga kitang puta ka," sabi ko. Mas dumiin ang pagkakasabunot ko sa kanya at mas lalong dumiin ang pag-ulos ko. Hanggang sa naramdaman ko na na malapit na ako sa sukdulan. Mararating na namin ang langit.
Nanigas ang tuhod ko at sumabog ang katas ko. Kapwa kami hingal na hingal na tinitigan ang isa't isa.
"Sobrang sarap mo talaga," sabi niya. "Ang sarap magpakantot sayo, gago ka."
Matapos ang wild na kantutan sa cr, nasundan iyon sa kwarto niya, sa kusina, at sa CR ulit. Hanggang sa nagpasya na kaming maghiwalay. Pagod na pagod ang katawan kong lumabas sa condo niya.
Walang lakas na pinindot ko ang elevator at sumakay doon.
"Damien?" naniniguradong tanong ng isang matandang babae nang makarating ako sa ground floor at bumukas ang elevator. Sa tantiya ko ay nasa 45 na siya.
Nagtatakang-tingin naman ang ibinigay ko sa kanya habang naglalakad palabas ng elevator.
"Damien? Ikaw ba iyan?" tanong niya.
"O-Opo," napilitan kong sagot. "Sino po kayo?"
"Cynthia," pagpapakilala niya sa sarili. "Best friend ako ng mommy mo. Grabe ang laki-laki mo na. Kumusta ka na? Kumusta na si Jade?"
Nalungkot ako nang marinig ang pangalan ng mommy ko. "W-Wala na po siya."
"I-I'm sorry," nalungkot din niyang tugon. "Huwag tayo rito mag-usap," sabi niya at niyaya niya ako sa cafe sa labas lamang ng condo. Nag-order siya ng pagkain at inumin naming dalawa.
"Eh ang papa mo?" walang siglang tanong niya.
"Wala na rin po," sagot ko.
"Mag-isa ka na lang?" tanong niya at tumango ako.
"Pero bakit hindi ko kayo nakikita?" tanong ko. Gusto kong siguraduhin na kilala nga niya si mommy.
Nalukot ang mukha niya sa lungkot. "Nag-away kasi kami ng mommy mo kaya siguro hindi niya ako nababanggit. Pero hindi nawala ang pagturing ko sa kanya bilang best friend ko. Kahit umalis ako at sa States na nanirahan."
"Hindi na nga ako nakaattend sa...," sabi niya at tila nag-aalinlangang magpatuloy. "kasal niya. Sa kasal niya sa lalaking hindi naman niya talaga mahal."
"Anong ibig ninyong sabihin?"
"Na baka buhay pa ang totoo mong ama, Damien," seryosong sagot niya.
Totoo kong ama? Buhay ang ama ko? May iba pa akong tatay bukod sa bangkay na ngayong nakalibing sa sementeryo?
"Ang kilala mong ama ay hindi ang unang lalaking minahal ni Jade. Pero lihim lang ang relasyon nila dahil hindi tanggap ng mga magulang ni Jade ang lalaki. Hanggang sa isang araw, lumapit sa akin si Jade. Umiiyak siya," pagkukwento niya. "Buntis siya. Dinadala ka na niya, Damien."
"Gusto niyang ipaglaban ang pagmamahalan nilang dalawa pero mas nanaig ang takot ni Jade sa mga magulang niya. Gustuhin man niyang itago ang tungkol sa pagbubuntis niya, lalabas at lalabas din ang totoo. Aabot sa oras na lalaki ang tiyan niya kaya siguradong mapapansin nila iyon," pagpapatuloy niya.
Tahimik lamang akong nakikinig sa bawat sinasabi niya.
"Umabot sa punto na gusto niyang ipalaglag ang bata pero naduwag siya. Natakot siya, Damien. Kitang-kita ko ang pag-iyak niya. Hindi ka niya kayang patayin. Mahal ka na niya. Anak ka nila ng lalaking mahal na mahal niya," sabi niya. "Hanggang sa nalaman ito ng mga magulang niya. Pinaghiwalay silang dalawa. Nagtangkang tumakas si Jade pero nabigo siya. Hanggang sa ipakasal siya sa ibang lalaki. Sa lalaking nakilala mo bilang ama."
"Wala na akong naging balita sa kanya. Nag-away kami sa mismong araw ng kasal niya. Hindi na kami nagkausap hanggang sa lumipat kami sa States. Doon na ako nagpatuloy ng pag-aaral ko. Doon na ako nakahanap ng mapapangasawa ko. At doon na ako nakabuo ng sariling pamilya ko," pagtatapos niya.
Napalunok ako. This is too much to digest. Ni hindi ko nga alam kung totoo ang sinasabi niya. Ni hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya. Ni hindi ko nga siya kilala.
Hindi maproseso ng utak ko ang mga sinabi niya. Narinig ko naman lahat ng sinabi niya pero parang nablangko ang isipan ko. Kaya ba hindi ako magawang mahalin ng kinilala kong ama? Kaya ba hindi niya ako matanggap?
Kasi hindi kami magkadugo? Kasi hindi ako galing sa kanya? Shit. Parang sumasakit ang ulo ko.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa mga kamay ko. "Alam ko nabigla ka sa mga sinabi ko pero I swear, totoo lahat ng sinasabi ko," tumayo siya at iniabot sa akin ang kanyang calling card. "I'll give you time to think... to process things. At kapag handa ka na, tawagan mo ako."
Umalis na siya. Naiwan akong tulala. Hindi nawala sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin. Kahit na nagse-sex kami ni Michael, naiisip ko ang sinabi niya. Naiisip ko ang posibilidad na ang totoo kong ama ay buhay pa. Na may kadugo pa ako. Na may pamilya pa ako.
"You're out of it," sabi ni Michael. Katatapos lamang ng pagniniig namin. Nakayakap siya sa hubad kong katawan. "May problema ba?"
"I'm sorry. May iniisip lang ako," sagot ko.
"May nagugustuhan ka na?"
Umiling ako. "Nope. It's about my dad."
"What about him? Hindi ba sabi mo, patay na siya?" tanong niya. Naikwento ko na rin kasi sa kanya ang buhay ko.
"Yeah. Pero baka hindi siya ang totoo kong ama. That my real dad is out there."
"Do you want to find him?"
Natigilan ako. Gusto ko nga ba siyang hanapin? Gusto ko nga ba siya makita? Ni hindi ko nga siya kilala. Hindi man lang siya naikwento ni mommy kahit isang beses.
Alam kaya niyang nabuntis niya si mommy? Alam kaya niyang may anak sila?
At kung alam niya, bakit hindi niya kami hinanap?
Grabe ang pagtatalo sa isipan ko. Gulong-gulo ako. Pero heto ako ngayon, hawak ang cellphone ko at nag-dial.
"Hello? Sino ito?"
"Tita Cynthia? Si Damien ito. May gusto akong malaman," sagot ko. "Gusto kong malaman ang pangalan ng tunay kong ama."
Natahimik siya sa kabilang linya. Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago nagpasyang masgsalita. "Robert... Robert Montemayor ang pangalan ng ama mo."