webnovel

Accidentally Love You

I hate his guts, ang bastos niya. Every time na magkikita kami para kaming mga aso't pusa. I told myself that, I won't fall for him. Then, one day kusa na lang tumibok ang puso ko sa kaniya and I can't help it. Should I give him a chance or not? Hahayaan ko na lamang ba na ang puso ko mahulog sa kaniya? Or do I deserve someone better than him?

Ylle_Elly · Urban
Zu wenig Bewertungen
7 Chs

Chapter 1

Isang umagang kay ganda sa aking sarili. Araw nang lunes at ngayon din ang unang araw ko sa bago kong trabaho bilang kahera sa isang gasolinahan.

Maaga akong gumising para hindi ako ma-late. Nagluto ako ng pagkain para sa sarili ko lamang. Oo, sa sarili ko lang dahil nangungupahan lang ako at nag-iisa. Nagbaon na rin ako kahit hindi naman ganoon kalayo ang inuupahan kong bahay sa bago kong trabaho.

"Magandang umaga po," bati ko sa aking landlady na si Nanay Cita pagkalabas ko sa bahay niya.

May limang kuwarto ang bahay niya at pinapaupahan niya ito lahat. Nag-iisa na lang ito sa bahay niya dahil anim na taon na rin siyang biyuda at ang nag-iisa nitong anak na lalaki ay nasa ibang bansa nagta-trabaho kaya naisipan niyang paupahan na lang ang mala-mansiyon niyang bahay para kahit papaano may makakasama rin siya. Mga bigatin din ang mga boarders niya maliban sa akin.

Apat sa boarders niya ay mga professionals. Dalawang guro, isang manager sa isang private company at isang CPA sa isang private company rin. Ako lang bukod tangi, hindi kasi ako nakapagtapos ng aking pag-aaral hanggang third-year college lang kasi ang inabot ko dahil kinapos sa pinansiyal at nagkasakit pa ang nanay ko. Sa halip na ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral, nagtrabaho na lang ako para may pang tustos sa pamilya ko at sa nanay kong may sakit. Saka ko na ipagpatuloy ang pag-aaral ko kapag naka-luwag-luwag na. Dahil hanggang ngayon wala pa rin akong ipon. Halos lahat kasi ng sahod ko pinapadala ko sa probinsiya sa mga magulang ko. Ang tanging natitira sa akin budget ko na lang sa pagkain at nagtatabi na rin ako pambayad sa upa nang bahay na tinitirhan ko.

Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay. Tricycle driver ang trabaho ng tatay ko at ang nanay ko naman ay sa bahay lamang nagbabantay ng munti naming tindahan at ng dalawa kong kapatid na kambal nang hindi pa ito nagkasakit. Ngayong may sakit ito, ang sumunod sa akin ang nag-aasikaso sa nanay namin at ang pangatlo ay sa kambal nakatuka.

"Magandang umaga rin. Ang aga mo yata?" tanong ni nanay Cita habang nagdidilig ng mga halaman niya.

"Kailangan po eh, baka po kasi masisante po ako, hindi pa naman ako nag-uumpisa sa bago kong trabaho baka palayasin niyo po ako," tumawa ako nang mahina.

"Ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan. O, siya mag-ingat ka. Good luck sa bago mong trabaho sana last mo na 'yan." Biro nito.

"Nanay Cita naman!"

"Biro lang, ikaw naman masiyado kang paniwalain," tumawa ito habang naka-focus ang paningin niya sa dinidiligang halaman.

Napakamot na lang ako sa ulo.

"Sige po. Alis na po ako."

Simula noong lumuwas ako ng Manila dito agad ako napadpad kahit nagpalipat-lipat ako nang trabaho dito pa rin ako nangungupahan kay Nanay Cita. Minsan nade-delay ang pagbabayad ko sa upa pero pinagbibigyan pa rin ako nito. Kaya kapag tuwing day off ko nililinis ko ang bahay niya para naman pa-consuelo sa kaniya at nang matuwa nang hindi niya ako sisingilin agad sa upa.

Sobrang pasalamat ko at napakabait niya sa akin. Parang pangalawang ina ko na siya.

Hindi ko namalayan malapit na ako sa bago kong trabaho. Agad akong dumiretso sa mga naka-duty roon at nagtanong.

"Hi! Magandang umaga, ako pala 'yong bagong aplikante na papasok bilang cashier," bati ko sa kanila.

"Ay oo, nabanggit nga iyon ni Sir Jake. Sige, hintayin mo na lang muna siya parang i-interview-hin ka pa yata eh," ngumiti ito sa akin. "Ano nga po pangalan ninyo, ate?" tanong niya pa.

"Joey Ann Perez po."

Tumango ito. "Ako naman si Jessa Espargosa."

Ngumiti ako nang bahagya. "Parang 'yong singer na si Jessa kaso 'yong sa kaniya Zaragoza iyo ay Espargosa."

"Oo nga eh," tumawa ito nang mahina.

Umupo muna ako sa isang tabi habang naghihintay kay Sir Jake, ang manager nitong gasolinahan habang ang mga ito ay busy na sa pagkakarga sa mga sasakyan.

Maya-maya pa ay dumating na sir Jake at ipinatawag na ako nito sa office niya.

"Good morning po, Sir!" bati ko rito.

"Good morning! You must be Ms. Joey Ann Perez?" tanong kaagad nito.

"Yes, po!"

"Sige, umupo ka muna, iinom lang akong tubig then proceed sa interview." Dumiretso ito agad sa mini dispenser nito at kumuha ng tubig saka bumalik sa table niya.

"Brief interview lang ito. Na interview ka naman na ng agency, right?"

"Yes po, Sir!"

"Are you single?" unang katanungan nito sa akin.

Sa dinami-rami ng puwedeng itanong ang pagiging single ko kaagad? Alam kong NBSB ako at 24 years old pa lang naman, ngunit kahit minsan hindi pa sumasagi sa isipan ko ang pagno-nobyo.

"Yes po!" sagot ko naman rito.

Tumango-tango lang si Sir Jake.

In fairness ang guwapo ni Sir Jake at ang bango niya, parang ang sarap amoy-amuyin. Wari ko nasa 30 years old lang ito.

"May girlfriend na kaya siya?" tanong ko sa sarili ko.

Wala naman akong nakitang singsing sa palasingsingan nito, ibig sabihin lang single rin ito?

"Hoy, umayos ka, hindi ka pa nga nag-uumpisa sa trabaho mo lumalandi ka na," paalala ng other self ko.

Nagitla ako nang biglang tumikhim ito.

Tulala pala ako habang nakatitig dito.

"Miss Perez, are you with me?" tanong nito.

"Y-yes sir!" nauutal kong sambit.

"What are you thinking? Ba't tulala ka?" tanong ulit nito.

Naku patay na talaga. Ang tanga ko naman kasi pero hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung nakatitig lang ako sa kaniya. Ang guwapo niya kasi. Gusto ko sanang sabihin na siya ang iniisip ko.

"Kinakabahan lang po ako sir," palusot ko.

"Bakit ka naman kabahan? Hindi naman ako nangangain ng tao," seryosong biro nito.

Ngumiti ako nang bahagya.

Kinuha nito sa akin ang resume ko.

Nagtanong ulit ito. "According dito sa resume mo pang lima mo na itong trabaho. Ano ang nangyari sa dati mong trabaho?"

Tumikhim ako nang mahina para alisin ang bara sa lalamunan ko, para kasing mabubulunan ako sa sarili kong laway.

"Na endo po ako sa una ko pong trabaho. Pangalawa po, na lay off naman po ako. Pangatlo po, nag-resign po ako dahil sobrang baba po ang pasahod at ang pang-apat naman po resign din po," paliwanag ko.

"Bakit ka nag-resign?" tanong ni Sir Jake ulit.

"Kasi po, malayo po sa inuupahan ko 'yong pinapasukan ko po sir. Magastos po sa pamasahe," pagsisinungaling ko.

Ang katotohanan kasi niyan muntik na akong gahasain ng manyak kong boss. Kung hindi ako nakatakbo palabas ng opisina nito, malamang naisakatuparan na nito ang gusto nitong gawin sa akin. At wala kahit ni isa sa pamilya ko ang nakakaalam at wala rin akong balak na ipaalam sa kanila. Dahil kapag nalaman nila ang tungkol doon, siguradong balik probinsiya program ako. Isang tao lang ang tanging nakakaalam at pinagsabihan ko, ang matalik kong kaibigang si Mira.

Tumango na lang ito habang nakatitig sa resume ko.

"So, taga-Bohol ka pala?"

"Yes po sir."

"Malapit ba kayo sa chocolate hills?" tanong nito.

"Malayo po sir," sagot ko.

"Kumusta sila?"

"Okay lang naman po sir, nakatayo pa rin naman po."

Nagtaka ito sa sagot ko.

"I mean ang pamilya mo? Alam ko namang nakatayo pa rin 'yon," kahit siya natawa na rin sa kaniyang tanong.

"Si Sir, hindi niyo naman po kasi kinumpleto ang tanong po ninyo akala ko po kasi 'yong chocolate hills ang tinatanong niyo po eh," tumawa rin ako nang mahina.

Madami pa itong tanong sa akin at nasagot ko rin naman ng maayos. May mga paalala rin ito sa akin kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nasa trabaho na.