Alethea Torres' POV
"Ms. Torreeeees!!" Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ng lalaki. Napamulat agad ako at nakita ko si Mr. Park na nasa pinto at ang dalawang kambal na nakayuko sa likod nya.
"A-Ano bang problema mo ha? Alam mo bang nangiistorbo ka ng tao?!" Inis na tanong ko sa kanya.
Napangisi sya at inihagis sa akin ang isang piraso ng papel.
"Unang araw ng pasok mo dito late ka? Tss." Natigil naman ako sa sinabi nya.
Late? Teka anong oras na ba-- oh shiit! Tiningnan ko yung papel na inihagis nya sakin. 8:30 ang simula ng klase ko. 8:15 na!! Dali dali akong bumangon at kinuha ang tuwalya ko.
Hindi ko na sila pinansin at pumasok na ako sa banyo at ginawa ang dapat kong gawin don. Paglabas ko ng banyo ay wala na sila at nakasara na rin ang pinto. Nakaayos na sa higaan ko ang uniform at sapatos na kailangan kong gamitin.
Simple lang ang uniform nila dito. Isang puting blouse at kulay pulang necktie, kasama ang isang hindi gaanong maigsing paldang kulay pula at may stripes na itim. May parang jacket din itong kasama na iiibabaw sa blouse. May mahabang puting medyas din na nakatabi don kasama ang isang blackshoes.
Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng kwarto.
"Inabot ka nang dalawampu't limang minuto. Ang bagal mo kumilos tapos late ka gigising? Ibang klase." Sabi naman ni Mr. Park na nakaupo sa sofa. Napansin kong wala na rin ang kambal. Pumasok na siguro.
"Tara na, ma lelate ka na." Sabi nya at nauna ng lumabas ng dorm. Napabuntong hininga ako.
Dalawang Linggo kong makakasama ang lalaki na to? Hindi ko ata kakayanin.
Sumunod na din ako sa kanya. Naabutan ko syang naglalakad at medyo malayo layo na sakin kaya tumakbo ako ng kaunti para maabutan sya.
Grabe! Ang bilis nya lumakad. Palibhasa mahaba ang binti. Hindi man lang nya ako hinintay! Hindi sya katulad ni DO na gentleman. Speaking of DO. Kamusta na kaya sya?
"Narinig mo ba yung sinabi ko?" Nabalik naman ako sa ulirat ng marinig kong magsalita si Mr. Park.
"A-Ano uli yon? H-Hindi ko naintindihan. S-Sorry."
"Tsk! You're not paying attention. L-1485 ang locker mo, nandoon na lahat ng gamit na kakailanganin mo pero syempre, i will guide you. Baka kung ano-ano pang kabaliwan ang gawin mo." Sinamaan ko sya ng tingin. Akala nya siguro hindi ko narinig ang huli nyang sinabi.
Nagpunta na kami sa mga classrooms. Nasa room 027 ako. Marami-rami na ring tao. Nung makita kami ng mga studyante ay agad silang nag bow samin-- kay Mr. Park? Aishh! Nakalimutan kong kasama nga pala sya sa 'exotic'. Hayy.
Hindi na sya pumasok at huminto na sa pinto. Hindi pa naman ako nakakapasok sa loob ng room namin ay umalis na sya. Bastos talaga.
Wala pa naman ang teacher namin kaya na-upo nalang muna ako sa dulong kung saan may isang bakanteng upuan.
"Hi!" Napalingon ako ng may bumati sa aking babae. Naupo naman sya sa upuang bakante sa tabi ko.
"Hi." Nakangiti ko ring bati sa kanya.
"I'm Summer! Pwedeng ikaw nalang seatmate ko?"
"Sure!" Mabilis na pag-sang ayon ko. Atleast may kilala na ako dito sa classroom.
"Ikaw si Alethea Torres 'diba?" Napalingon naman ako sa kanya.
"Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko. Bago lang naman ako dito at kakaunti pa lang ang nakakakilala sa akin.
"Halos kilala ka na lahat ng juniors! Lahat kami rito ay kilala ka na. Nagpadala si madame Aurora ng liham sa aming junior students nang dumating ka." Napatango naman ako. So alam na nila? Ako nalang ang hindi? Wow. Just wow.
"Beautiful morning, Academians! Welcome to your new home."
Napatayo naman kaming lahat at nag bow sa babaeng dumating. Mukhang sya ang teacher namin. Mahaba ang itim na buhok nito na medyo kulot ang dulo. Kulay berde naman ang kaniyang mga mata at may matangos siyang ilong. Napaka puti nya at napaka kinis ng balat.
"I Mrs. Nancy O' Doherty will be your adviser for three months."
Nagulat ako. Three months?! Bakit masyado atang maikli? Nakakabilib talaga ang academy na ito.
"In three months will be learning or studying about different types of common powers. If your power is common or sabihin nating mas madalas na pumapasok sa ating isipan kapag sinabi ang salitang 'kapangyarihan'. But before anything else, Mrs. Amy Lim will come over to know what special power you have!"
"I'm so excited! Omg!"
"Ano kayang pwers ang meron ako? Sana common lang para madaling pag aralan."
"Omg! Omg! Omg! Narinig nyo ba? Darating ang exotic para kamustahin at batiin tayong mga juniors! Omg!"
Agad akong napalingon sa babaeng nagsabi non. Pupunta ang exotic? Makikita ko si-- psh! Nalungkot ako bigla nang maalalang wala nga pala si DO. *sigh*
Pero teka-- makikita ko nanaman ang mokong na yon? Waaaah! Naiinis ako sa pagmumukha nya! Hindi ko alam kung bakit. Pero naiinis talaga ako sa kanya. Ah basta! Ayoko sa kanya! A-yo-ko!
"Omg! Narinig mo ba yon Alethea? Pupunta dito ang exotic! Makikita natin ang pinaka gwapong nilalang sa mundo! Ang lalaking pinagpapantasyahan ng lahat!" Sabi naman ni Summer habang nakapikit at yakap ang sarili na tila kinikilig ito. Na curios tuloy ako kung sino sa members yon.
"Talaga? Sino ba yon?" Tanong ko naman sa kanya.
"Si Park Chan Yeol! Iiiih! Iniisip ko palang na pupunta sya ay kinikilig na ako!" Napanganga naman ako sa kanya. Seriously? Si Mr. Park?
"Gwapo? Yon? Tsk!" Sabi ko sa kanya sabay umirap at sumandal sa upuan ko. Yoon? Gwapo? Huh! Oo gwapo sya--pero masama ang ugali nya! Hindi sya gentleman! Hindi kagaya ni DO!
"Alethea ano ka ba? Hindi ka ba nahuhumaling sa kanya? Napaka bait non at gentleman! Hindi mo pa kasi sya nakikilala. Pero sinisigurado kong pag iyon ay nakilala mo na isa ka din sa mahuhumaling sa kanya!" Sabi nya sakin at parang siguradong sigurado sya sa sinabi nya.
Gentleman? Si Mr. Park? Wow. Napakasama nga ng ugali non! Akala mo kung sino makapagsalita!
"Okay Academians, please let us welcome Mrs. Amy Lim." Biglang nagsalita ang adviser namin kaya tumayo kami at nag bow sa babaeng nasa harapan.
Medyo may katandaan na ito. Sa tingin ko ay fifty plus na sya? Medyo kulubot na kasi ang kanyang balat at nahahaluan na ng kaunting kulay puti ang kanyang itim na buhok.
Kulay kahel ang mga mata nito at sakto lang ang tangis ng kaniyang ilong. Kayumanggi ang kulay nito at mahaba ang buhok na naka lugay. May suot itong hat na may isang feather na kulay pula. kulay berde ang hat nya na kapares ng kaniyang berdeng blouse at palda.
"Okay Academians, alam kong nasasabik na kayong malaman ang inyong taglay ng kapangyarihan kaya't sisimulan na natin. Isa isang junior ang lalapit sakin at ilalahad ang kanilang kamay. Yoon lang at napaka simple huwag kayong kabahan dahil wala namang mangyayari sa inyo." Nakangiti nitong sabi. Nagulat ako ng mapatingin siya sa akin. Derekta itong nakatingin sa akin.
Bigla tuloy akong kinabahan sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kumunot ang noo nya at hindi nagtagal ay inalis na rin sa akin ang paningin. Nandoon pa rin ang kilabot sa aking pakiramdam. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Bakit parang may kakaiba syang nakita sa akin?
...
Vote. Comment. Share.
Love lots! <3