webnovel

A Soul Raised By Love

This story is about a woman named Sofia who accidentally sinned against a woman who had died. When due to an accident Sofia's soul was separated from her own body. It was for the sake of the woman he had sinned against. There was a necklace of life that Sofia was destined to have. But it was captured by an evil soul with a desire to live again to take revenge. But there will come a man who can help Sofia and she will love him as much as she can bet even her own life.

Mae_Herrera · Teenager
Zu wenig Bewertungen
15 Chs

Chapter 10

Sofia's POV

Nakikita ko pa din ang pagkabigla sa mukha ni Cristhopher. At hindi ko naman siya masisi don.

"So ? Tutulungan mo pa rin naman ako diba kahit ganito yung sitwasyon? Kasi ikaw na lang talaga pag-asa ko e" sabi ko sa kanya.

Pero hindi pa man siya nakakasagot ay narinig ko ang boses ni Mommy na papalapit na sa kwarto ko kaya binalingan ko siya ng tingin.

Pero nagulat nalang ako ng makita ko na kasama niya si Risk. Magiging Fiance ko.

Si Risk ay bestfriend ko noon. Mag bestfriend din kasi ang mga magulang namin  . Sobrang magkakasundo sila sa lahat ng bagay. Sa negosyo. Desisyon. Layunin. etc.

Kaya nagkasundo sila na ipakasal ako kay Risk dahil kami lang ang malapit sa isa't isa  .

Yung mga kapatid ko kasi ay hindi gaanong friendly katulad din ng dalawang ate niya.

Masyadong hindi magkasundo noon ang mga kapatid ko at kapatid niya kaya hindi napagdesisyunan ng mga magulang namin na sila ang i arranged married . Baka daw hindi magkadevelupan at lagi lang mag away.

Kaya kami nalang daw dalawa  .

Kinausap na ako nila Mommy tungkol dito at wala naman akong magagawa.. And besides tama naman sila na mas okay kung magkasundo na agad. Pero yung feelings namin para sa isa't isa ay hanggang friends lang talaga sa ngayon.

Pero pareho na kaming pumayag sa disisyon ng mga magulang namin.

Binabalak nila na i announce din sana yung about sa arrange marriage namin sa mismong birthday ko pero hindi na yun matutuloy dahil sa sitwasyon ko ngayon.

" I hope Sofia became fine soon" sabi ni Risk kay Mommy.

" Yes. We all hope too. Namimiss na namin siya e" sabi naman ni Mommy at natawa pa ng slight

"Namimiss ko na rin po sya. Bukas na pi pala yung birthday nya hano? " sabi sabay tanong ni Risk.

" Oo nga sayang at excited pa naman siya doon. Pero nakakalungkot na ganito ang nangyari sa kanya" sabi naman ni Mommy sabay tingin sa akin mula sa salamin.

Napansin siguro ni mommy na mayroong tao kaya napalingon siya sa gawi ni Cristhopher.

" Ahmm iho ? Anong kailangan mo?" tanong ni Mommy kat Cristhopher.

"ahmm--"

" Sabihin mo kaibigan kita"

" Kaibigan ko po si Sofia"

Nagtakang tumingin naman sa kanya si Mommy.

Lahat kasi ng mga nagiging kaibigan ko ay kilala ni Momny dahil pinapakilala ko silang laha sa kanya kaya nagtaka siya ng sabihin ni Topher na kaibigan ko sya.

" Hindi ka napakilala ni Sofia sa akin" sabi naman ni Mommy at nagtatanong na nakatingin kay Topher.

" Sabihin mo hindi lang kita napakilala kasi busy ka palagi " sabi ko naman sa kanya na medyo nag papanik dahil naguguluhan na si Mommy.

" Hindi nya lang po ako napakilala dahil lagi po akong busy pag inaaya niya akong ipakilala sa inyo. Magkaiba po kasi kami ng school kaya hindi po kami lagi ding nagkikita " sabi naman niya.

Nakita kong napatango at nakumbinse naman si Mommy kaya hindi na ako nag alala pa.

"Christopher Palma po pala" sabi niya at sabay lahad ng kamay.

"Nice to meet you. Sofie Vallera. Mom of Sofia" sabi naman ni Mommy sabay tanggap sa kamay ni Topher.

"I'm Risk Sandoval . Best friend of Sofia " sabi naman ni Risk sa likod ng balingan siya ng tingin ni Topher.

"Christopher" sabi naman niya at nakipag kamay din .

Ialang sandali pa at nagpaalam na si Risk sa kanila at naiwal nalang si Topher at ang Momnh niya kasama sya shempre.

"So Chris. Can i Call you Chris?"

"Yes. Of course po"

"Hmmn.gaano na kayo katagal magkakilala nang anak ko?" tanong ni Mommy sa knya habang nakaupo na sila sa bench sa labas ng kwarto ko.

"sabihin mo matagal na  . Nagkakilala kamo tayo sa bithday ni Yanna" sabi ko para kilala nya talaga para pag nagtanong si Mommy ay kilala talaga.

"Nakakilala po kami dahil kay Yanna. Matagal tagal na din po " sabi naman niya.

" Ohh. Si Yanna . "

"Yes po"

"You know what? Miss na miss na namin si Sofia. Mabait na bata yan. Iyakin nga lang minsan. Sobrang mapagmahal niya din sa mga taong kakilala at importante sa kanya. Pati maga alaga nyang mga hayop ay mahal na mahal niya.Maski maids at drivers namin ay importante rin sa kanya "

"Kaya ipinag dadasal ko na gumaling na siya dahil hindi namin siya kayang mawala. Masyado pa syang bata at hindi namin siya kayang mawala" sabi ni Mommy at lumuluha na.

Naka tingin lang sa kanya si Topher at nakikinig lang.

Pati tuloy ako ay naiiyak na rin. Tama nga si Mommy iyakin ako.

" Hindi po sya mawawala. Matibay po sya at matapang. Hindi siya basta basta susuko." sabi naman ni Topher at chinicheerup si Mommy.

" Birthday na niya bukas. Sayang dahil debut na niya. Naka plano na ang lahat kaso naaksidente sya kaya pinacancel na namin lahat . " malungkot na sabi ni Mommy.

Siguro kung hindi nangyari to hindi na sila magiging malungkot.

..

Bago umalis si Topher ay hinintay niya munang mayroon nang kasama si Mommy.

Dumating din kasi si ate Samantha para samahan si Mommy.

Nag paalam na si Topher at pumuntang Children's park sa labasan.

Ako naman sumusunod lang sa kanya habang iniisip kung ano ba ang magiging plano namain at kung paano ba namin siaimulan yun.

" Huy! Kanina kapa nakatulala habang sumusunod sakin. Buti nalang at tumatagos ka sa mga tao kung hindi napakarami mo nang nabunggo"

" ah ? Iniisip ko kasi kung paano tayo magsisimula at kung paanong tulong ang gagawin mo sa akin " sabi ko naman at napakamot nalang sa ulo ko.

" ayy. Oo nga ano? " sabi naman niya bago mag isip. Napatango nalang ako ata nag isip ulit.

" Alam ko na! " sigawa niya.

Nagulat naman ako sa lakas nang sigaw nya. Sigurado ako kung may makakakita man sa kanya ngayon ay iisiping nababaliw na sya dahil makikitang wala naman siyang kausap. Mabuti nalang at gabi na at wala nang mga tao dito.

" Mag search nalang tayo sa internet about sa mga kaluluwang nahihiwalay sa katawan at paano sila makabalik. Tapos maghanap tayo nang mga ispiritista" sabi naman niya at mukhang excited pa ang mukha.

" Pwede,pwede. Hay hindi ko alam na ganito ka pala ka energetic hano? Mas mukha ka pang excited sa mga mangyayari.apaka seryoso mo kaya nung unang kita ko sayo" sabi ko naman sa kanya.

" Hay ano ka ba! Energetic naman talaga ako. Kaya nga aliw na aliw sa akin si Mi at Di e. Hindi apalang kasi kita kilala non. Chaka wala pa akong idea mula sayo non. Birthday gift ko na din sayo to bukas. Kaya tutulungan talaga kita " sabi naman niya.

" Promise ?" tanong ko naman.. Kailangan kong makasigurado dahil disperado na talaga ako dahil alam kong nahihirapan na sila Mommy sa sitwasyon namin ngayon.

" Okay .Promise " sabi naman niya at inilahad yung kamay niya para makipag shake hands.

Out of nowhere kinuha ko nalang yun bigla at nakipag shake hands din.

Unti unting nanlaki yung mata ko nang marealize ko na nahawakan ko yung kamay niya. Tumingin ako sa kanya pero nakangiti lang siya sa akin.

Hindi pa siguro niya napansin.

" Oh My God ! NAHAHAWAKAN KITA!!"  sabi ko at napatingin na din siya sa kamay namin.

" Hala ka. Oo nga!" sabi niya at binawi na ang kamay niya. Naguguluhan at nagugulat siyang napatingin sakin.

" Paanong nahahawakan kita??"

" Gosh di ko din alam " sabi ko naman.

Napaisip ako. Hindi kaya dahil sa Promise?

" Baka --- "

"Dahil sa Promise !" sabay naming sabi at napatakip nalang ako sa bibig ko. Ganintong ganito yung napapanood ko sa tv e. Bakalimutan ko na yung pamagat pero ganito din yun.

Nang dahil sa promise ng isang tao sa kaluluwa . Nakakaroon nang pag asa sa puso ng  kaluluwa na nagpapalakas dito. At lalakas ang will nito na mabuhay ulit .

Nang dahil sa promise nagkakaroon ng matinding will ang kaluluwang makabalik sa kanyang katawan.

" Layo ka nga. Yung malayong malayo. Punta kang 3rd floor bilis!" sabi ko sa kanya.

Napabood ko din kasi na maaaring ma attach ang kaluluwang napangakuan sa taong nangako dito. At kahit saan pumunta ang tao na iyon. Palaging naka sunod ang kaluluwa dahil kung sino man ang nangako. Sa kanya na naka depende ang kaluluwa.

Kaya pinapalayo ko sya para malaman ko kung mahihitak niya ba ako.

Kasi katulad ng napanood ko.

Pakiramdam ko ay umamasa na ako sa kanya. Na si Topher na ang makakatulong sakin para mabuhay ulit.

" Bakit nanaman? Papagudin mo ba ako.?" tanong niya " kalayo layo ng 3rd floor ah" reklamo pa niya.

" May susubukan lang kasi ako " sabi ko " kasi maaaring ma attach din ang kaluluwa ko sayo. Ang ibig sabiuin lang non. Kahit san ka mapunta. Lagi mo akong... Kasama" sabi ko sa kanya.

"Totoo ba yun?" tanong naman niya.

" Nakikita mo nga ako e. " sabi ko " Noon ba naniniwala ka sa ganito. Hindi naman. Akala mo din noon hindi totoong may mga kaluluwang nakapaligid sayo. Pero ano ? Totoo diba?" tanong ko sa kanya.

"Kung sabagay. " kibit balikat niyang sabi " Sige na nga. Kahit mapagod pako" sabi niya at umalis na.

Ako naman nanatili ako sa park. Pero hindi pa nagtatagal ay parang mayroon nang humahatak sakin kung saan.

"Shit" nasabi ko nalang nang marealize ko na nahihitak na niya ako.

At di kalaunan ay nasa tabi na niya ako. Tinignan ko kung anong floor na at papataas palang sa second floor.

" diba sabi sayo e" napabuntong hininga oong sabi. Nagulat naman siya nang marinig yung boses ko.

May mga kasama siya sa elevator. Kaya hindi muna siya nagsalita.

..

Nang nagbukas ang pinto sa second floor ay lumabas na kami.

Nagsuot muna siya nag earpads bago nagsalita.

" Pano na ngayon to? Maisasama kita sa bahay? Hanggang sa kwarto ko?" naguyulat niyang tanong at himarap sakin " At pag naliligo ako ?" nanlalaki niyang matang tanong" kasama din kita?!" sabi niya nang parang nahihiyang natatakot.

Napanguwi nalang ako at hinampas siya.

" Baliw kaba?!. Hindi naman ako ganon kalapit na naka attach sayo. !" sabi ko." Chaka di naman ako bastos para samahan pa kita sa banyo para maligo!" sabi ko naman at inirapan siya.

" Di natin sure yan " mahina niyang sabi pero narinig ko pa rin

"Abat ang lalaking to! Hindi ako bastos no!!" sabi ko sa kanya.

" Tara na nga. Uuwi na ako. Gabi na ata baka hinahanap nako sa bahay. " sabi niya.

Kaya naglakad na kami papuntang parking lot kung saan naroroon yung kotse nya.

Pumasok na siya sa loob at pumasok na din ako.

..

Habang nasa bya kami ay tinanong ko muna siya nang kung ano ano.

" Malaki ba ang bahay nyo?" tanong ko at tumango lang siya.

" Ano trabaho nang mga magulang mo?"

" My mom is a doctor and my dad is a mayor in lipa  . And my dad also has wine business " maikli niyang sagot " Kami din ang nag mamay ari nang ospital na pinang galingan natin kanina."

" Wow. Yaman nyo ahh " Sabi ko naman.

"  May kapatid ka?" tanong kopa.

" I have 1 kuya and 2 ate " he said " My kuya is finishing his study to beacame a lawyer. Then my 2 ate is finishing too for being a professional doctor. " sabi naman  niya at napatango nalang ako.

Yaman naman nila.

"Ikaw? Ano trabaho nang mga magulang mo ? " tanong rin niya.

Naexcite naman akong sagutin kasi .. Wala lang. Humarap muna ako sa kanya bago sagutin.

" My Mom is a chief. Meron din siyang resto. All over Philippines . Tapos nagbabalak siya na magkaroon din sa New Zealand . My Dad has wine business too. Maraming branches ang wine business ni Papa. A lot in Asia. And some more in other countries."

" I have one brother.Lawyer na siya same sa asawa niya. May anak na silang tatlo tas ka birthday ko yung isa ,yung bunso at 1 year old na siya bukas tas ako 18 . Meron din akong dalawang ate. Yung una big event organizer sya sa ibang bansa tas designer at dress maker den. Tas yung isa naman Chief din kagaya ni Mommy. " sabi ko .

" Marami akong alagang hayop sa bahay. Kagaya nang sabi ni Mommy. " sabi ko pa.

" Ay ikaw pala kailan birthday mo?" tanong ko sa kanya.

Pero di niya na nasagot dahil binukas na niya yung bintana ng koste niya at pinabukas yung gate sa isang guard sa tapat ng malaking bahay. I bet eto yung bahay nila.

Nang maipasok niya yung kotse sa garahe ay lumabas na kami sa kotse at pumasok na sa bahay nila.

Namangha naman ako kung gaano kaganda yung bahay nila. Sobrang luwang at 3rd floor pa . Tapos mayroong isang malaking chandelier na nakasabit sa pinaka gitna ng bahay na muna 3rd floor hanggang second floor ang haba. At abay napaka ganda .

"Ganda nang bahay nyo ahh!" sabi ko sa kanya at siniko ko pa siya " San kwarto mo dito ?"  tanong ko sa kanya. Hindi ko din alam kung bat ko natanong yun.

He grinned. " Ikaw ahh. Bakit gusto mong malaman kwarto ko?" tukso niya tanong sa akin.

" Ahmm..  Ano… bakit ba!... Bawal?!" sabi ko naman. Bakit ko ba kasi natanong yun . Goshh!

He grinned again.

" Hindi naman. Nakakatakot lang----"

Hindi pa nila natutuloy ang sasabihin niya nang hampas hampasin kona siya.

" Hindi ko manyak no! Baka ikaw! Pero hindi ako !Feeling mo naman!feeling mo naman ano ka---" sabi ko sa kanya.

"Ano?"

"Feeling mo naman pagnanasahan kita ! Gwapo ka lang pero dika macho no!" sabi ko naman .

" Well yah i know gwapo nga ako. " sabi niya naman with full of confidence pa.

"Kapal. " sabi ko pa.

" Well diba nga sabi mo pa gwapo ako " he said then he grinned again.

"Arggg!! Nakakainis ka !" sabi ko sa kanya.

Buti nalang at walang tao dito sa sala nila at walang nanakita sa kanya kung hindi ay mapag kakamalang siyang baliw.

" alam mo. Hindi ko alam pero ang komportable ko na sayo. Noh?"

" Oo nga " sabi ko naman at napangiti nalang.

" Yahh. Sa sobrang komportable mo nga ay nakakailang hampas kana sakin e . Para bang close na close na tayo kakahampas mo " sabi naman niya at natatawa pa.

" Well diko din alam. Pero pala hampas na kasi ako kaya sanay na akong mang hampas.  Sorry " sabi ko at medyo natawa din.

Hay buti nalang nakilala ko si Topher. Hindi na tuloy ako malulungkot. Dahil noong mga nakaraang buwan ay wala manlang akong maka usap.

Biruin nyo isang araw palang kaming magkasama pero close na kami agad.

Nakakatawa pero masaya din dahil may gaibigan na ako ulit.

To be Continue...

That's chapter 10 guys!!

Hope you all enjoy!!