webnovel

CHAPTER 1: One Minute

Ava's POV

Nagkayayaan kami nila Emma and Dani na mag-inom sa Kinaiya bar. It's not the first time na nagpunta kami dito kaya familiar na kami sa place. We've been too busy lately and ngayon lang kami nakapagliwaliw dahil sa acads. We're currently 2nd year college sa Kinaadman University. Since we like travel and leisure, nagtetake up kami ngayon ng BSHRM. Pero siyempre, may drama jan sa pagpili ng course. You know.. some Asian parents na gusto nila na maging doctor mga anak nila, although sila rin naman 'yung last type of people na gustong magpaconsult sa doctor.

Umupo kami sa spot kung saan kami usually nakatambay. Hindi siya ganoon kalayo sa dance floor. Medyo malakas din 'yung music sa spot. Nagplace na kami ng order, usually it takes us 2-3 buckets... ewan ko lang ngayon.

May biglang lumapit kay Emma na guy. He's wearing glasses, brown hair, naka white shirt and black jeans, and meron siyang tattoo sa braso. Medyo bad boy look pero hindi intimidating 'yung aura niya, kinda mild and sweet. Nadadagdagan 'yung appeal niya because of the party lights. Probably the vibe.

"Emma?" sabi nung guy. Napansin ko na may kasama rin siyang dalawang lalake sa likod niya.

Napalingon si Emma and nanlaki 'yung mata niya. "Jeff? Omg?!!" sabi ni Emma and nagkayakapan ang dalawa. "It's been a long time! Kamusta?" tanong ni Emma sa guy na naka-smile na ngayon.

"Good. Good. Ikaw?" tanong naman nung Jeff.

"Still the same. Still pretty as always! Anyways, here are my friends pala, there's Dani and Ava. Girls, this is Jeff. Classmate ko siya nung hs." sabi ni Emma. Nagwave "hi" kami kay Jeff and nagwave back din siya. Umurong siya ng kaonti.

"These are my friends, Noah and Nicholas." sabi naman ni Jeff and nagbeso-beso kami sa isa't-isa.

"Can we sit with you guys?" tanong ni Jeff and tinignan kami ni Emma.

"Sure." sabi ko and tumango rin naman si Dani na nakangiti.

It's the first time for us na pumunta dito sa bar na may kasamang guys, usually kasi kami-kaming girls lang. Although it feels a bit new and kinda nice to meet new people.

"Saan ka na nga pala ngayon nag-aaral?" tanong ni Jeff kay Emma.

Dumating na ang order namin and nagrequest pa sila sa waiter ng buckets.

Nalaman namin sa same university lang pala kaming lahat nag-aaral. Medyo malayo lang kasi building nila Jeff samin so siguro dahil doon hindi nila napapansin ang isa't-isa. They're all in business course.

Medyo kanina ko pa napapansin 'yung Nicholas. He caught my attention. Probably.. cuz he's my type. Tall, tanned, and pansin sa shirt niya 'yung ganda ng katawan niya. He probably has abs... ok stop staring...and his voice.. damn..ang deep... parang gusto ko nalang siyang pakinggan all night.

Noong tipsy na ay nagkayayaan na sa dance floor. Medyo nararamdaman ko na 'yung tama sakin nung beer. Although hindi pa naman ako ganoon ka lasing. Ramdam namin 'yung vibration ng bass sa floor kasabay ng pagkislap and pagbabago ng ilaw sa party lights.

Habang nagsasayaw ay nakita kong nakatingin narin si Nicholas sa'ken. Ooops.. napansin siguro niya na kanina pa ako sumisilip sa kaniya.

Naghype up ang DJ at sabay sabay kaming tumalon sa harap. Naramdaman kong tumagilid si Emma kaya naman ay dinala na namin siya ni Dani pabalik sa couch.

"You okay?" tanong ko at tumango si Emma. Napansin kong sumunod din 'yung boys. Binigyan ko ng tubig si Emma and agad niya naman 'tong ininom.

"What happened?" tanong ni Jeff.

"I'm okay. I'm okay guys, chill... You know what? Let's play!" masayang pagyaya ni Emma. Kumuha siya ng isang walang lamang bote and nilapag niya ito sa harap naming lahat. "Truth or Dare! You guys up for it?"

Damn.

Damn.

Damn.

Nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko alam kung bakit. Siguro i'm expecting something. Napa glance ako kay Nicholas and nakita kong nakangiti siya sa'ken. Damn.. damn.. damn....

"I mean.. why not? Right guys?" pagyaya ni Jeff and tumango naman silang lahat.

First spin..

"Dani!!!!! Truth or Dare?"

"Ackk bakit akoooo. F*ck haha. Sige truth!" Sabi ni Dani at kumuha ng mani.

Inispin ulit 'yung bottle...

"Jeff! You ask Dani something." sabi ni Emma na sumasayaw na ngayon sa inuupuan niya.

"Hmmm.... Let's see... who among us guys you think ang pinaka hot?" tanong ni Jeff sabay smirk. Napangiti naman doon si Dani and napatawa.

"I think it's Noah." sabi ni Dani sabay pa sweet smile kay Noah. Nakita naming nagblush si Noah and napatawa kaming lahat. Malakas din ang appeal ni Noah. Although sa kanilang tatlo, siya 'yung mukhang pinaka-inosente and cute. Idk if that's true though. Hahaha. Medyo may pagka-Korean 'yung face niya.

Second spin..

"Emma! Truth or Dare?"

"Dare! C'mon guys!"

Another spin..

"Dani! Anong dare mo kay Emma?"

"Bakit ako nanamaaaan!! Hmm.. hingin mo 'yung number nung guy over there." sabi ni Dani and tumuro dun sa may bar counter.

"EASYY.." pumunta si Emma and maya maya ay nakita naming nagtatawanan na sila nung guy. Bumalik siya and may dala na siyang tissue na may nakasulat na phone number. Napatawa kaming lahat sa lakas ng charisma and confidence ni Emma. Triny niyang tawagan 'yung number and legit nga! Sumagot 'yung guy sa may counter and nag-usap lang sila saglit ni Emma. Nagplan ng meet up. But knowing Emma, hindi na niya 'yun sisiputin, I swear. Hahaha. We might've not go sa bar for the next following weeks para hindi siya makita ulit nung guy.

Third spin..

Fourth..

Fifth..

"Nicholas! Truth or Dare?"

"Hm... Dare."

"That's my buddy!! HAHAH!!"

Another spin..

"Jeff! Tell Nicholas what his dare is."

Napalingon sa'ken si Jeff. What? What? What?

"Kiss mo si Ava for 1 minute." sabi ni Jeff at nanlaki ang mga mata naming lahat.

Damn. Damn. Damn. Napansin siguro ni Jeff na kanina pa kami nagtitinginan ni Nicholas.

Naramramdaman kong nakatingin silang lahat samen. Nakakapressure naman 'to.

Grabe 'yung kaba ng dibdib ko, feel ko mas malakas pa sa vibration nung bass sa floor.

Gagawin niya kaya?

Naramdaman kong tumingin siya saken.

Nakafix lang 'yung tingin ko sa lechon kawali sa harap ko. Makunat na kaya 'to? Mas masarap ba isawsaw 'to sa Mang Tomas or sa toyo na may kalamansi?

Kinuha ni Nicholas 'yung tequila and tinungga niya sabay pisil ng asin at lemon sa bibig niya. That was hot.

"LOSSSERRRRR!!!" sigaw ni Emma sabay irap.

Nagspin na ulit sila ng bottle.

I felt a sting in my chest.

Damn.

Damn.

Damn.

Was I wrong all along?

I was just rejected.

Damn.

Ang saket no'n ah.

Maya maya ay nagpaalam muna ako sa kanila na mag-ccr lang ako.

"Gaq 'yun ah!" rinig kong sigaw nung isang babae na may kausap ata sa phone dun sa isang cubicle. Relate 'te.

Naghugas lang ako ng kamay and pumunta muna sa labas. Sa likod ng bar para magpahimasmas.

Walang tao rito kaya naman medyo peaceful although rinig parin ng kaonti 'yung tunog sa loob ng bar. Inopen ko 'yung phone ko and it's 11:53 pm. Nilapat ko 'yung likod ko dun sa pader and huminga.

I sensed someone looking at me.

Tinignan ko sa pintuan and nandoon si Nicholas.

THIRD PERSON POV

"Bakit ka umalis?" tanong ni Nich.

"I was annoyed."

"Bakit? Dahil hindi ko ginawa 'yung dare?" sabi ni Nich at ngumisi. Nagulat siya ng tignan siya ni Ava sa mga mata.

"Oo."

Nakaramdam ng pagsikip ng dibdib si Nich. Nilapitan siya ni Ava at nilapat ang mga kamay nito sa tiyan ni Nich. Hindi parin nawawala ang tinginan nilang dalawa.

Dahan-dahang pinadulas ni Ava ang kaniyang kamay paakyat sa dibdib ni Nich. Sa lakas ng tugtog sa loob ng bar ay hindi tila mawari ni Nich kung bakit mas malakas at naririnig niya pa ang tibok ng kaniyang puso.

"A-anung ginagawa mo?"

"Tinutuloy ko lang 'yung dare.. are u up for it?" sabi ni Ava at tumango si Nich. Hindi niya akalaing ganito si Ava. Malayo sa ipinakitang pag-uugali niya kanina. Maybe it's the booze?

Pinulupot ni Ava ang kaniyang mga braso sa leeg ni Nich at idinikit ang mga labi nito sa labi ni Nich. They kissed. They kissed passionately. They kissed na para bang sabik na sabik sila sa isa't-isa. Na parang kanina pa nila gustong gawin 'to.

"Mmmm.."

Dumilat si Ava at umalis sa halik. Nakita niya ang mukha ni Nich na parang hindi pa kuntento sa nangyari.

"Oops, times up. One minute is over." sabi ni Ava at ngumiti ng parang bata. Pumasok ulit siya sa bar na masayang masaya at parang walang nangyari.