webnovel

A KISS TO REMEMBER

A simple pinoy love story in a school setting. Five gorgeous male with different personalities, characteristics and individual needs. How their real feelings prevail? Witness this one of a kind story of dreams, struggles and boy love story inside the K.I.S.S University.

Goodboy08 · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
5 Chs

Chapter 4: They're into him

Naghahanda na ang lahat ng mga estudyante para sa paparating na Acquiantance Party at ang Mr. & Ms. K.I.S.S University. Sa loob ng Bulwagan Hall makikita ang mga representative ng bawat course. Nasa harapan ang Goodboys upang magbigay ng briefing at orientation para sa Mr. & Ms. University.

Isa isang tinatawag ng student committee ang bawat representative.

"Hillary Tan and Emman Ciocon from Bachelor of Science in Architecture. Ivan Morriel and Ayumi Takezawa from Bachelor of Science in Tourism Management. Anica Arroyo and Basty Herrera from Bachelor of Science in Engineering. Nicole Chan and Samuel Cafranca from Bachelor of Science in Education. Christine Lim and Aries Arroyo from Doctor of Medicine."

Mapapansin ni Jayson na wala ang partner ni Christine.

"Ms. Lim where's your partner?"

Hindi makakasagot si Ms. Lim. Biglang may nagmamadaling papasok sa pintuan ng hall. Si Aries na pawis na pawis at hinihingal.

"Why you are late Mr?

Student committee whispers to Jayson.

"Mr. Arroyo?" Tanong ni Jayson kay Aries.

"I'm sorry, I'm not a morning person." Hinihingal na sagot ni Aries.

Jayson laugh sarcastically.

"Seriously! Yan ang sagot mo." Ang galit na tanong ni Jayson.

Biglang sasagot si Greg.

"Jayson enough. Mr. Arroyo please go to your partner."

Magmamadaling tutungo si Aries sa partner na si Christine. Aries and Christine murmur to each other.

Sisimulan ni Emil ang orientation at briefing para sa magaganap na Mr. & Ms. University.

"First, gusto ko i-congratulate ang lahat ng napili at tumanggap na maging representative ng bawat kurso. Hindi madali ang mga pagdadaanan nyo na proseseo at preparasyon for this very special event. It entails a lot of time and effort from each of you. Maaring some of you ma-sacrifice ang mga classes nyo sa mga rehearsal at iba't ibang activities. But we will make sure that this event would be fun and memorable for you." Paliwanag ni Greg.

"And speaking of time (nakatingin si Jayson kay Aries habang nagsasalita) this is very important for you not only for Mr. Arroyo but for everyone. This competition will also teach you being on time and being professionals all the time. Me and Shayne (Reigning Ms. K.I.S.S Univeristy) ang makakasama nyo every rehearsals and iba't ibang activities ng university. Always remember that you're here not to compete. You are here to enjoy every little moment and to create new friends."

Makikita sina Anica at Aries na nakikinig ng mabuti sa mga sinasabi ni Jayson. Kilig at saya ang namumutawi sa kanilang mga mukha. Susulyapan ng tingin ni Aries si Anica. Malulungkot ang mukha. It's Emil's turn to talk.

"Now I will introduce the people who will help you and guide you throughout the competition. These people are all experts in their respective fields. First, he is a mass communication graduate here in K.I.S.S University and in demand celebrity choreographer, Mr. Glendil Elizalde. Coach Glen will handle your opening and mid production number. Next is also an alumni of K.I.S.S University from Music & Arts faculty. He is a vocal trainer of some of the popular singer and musician here in the Philippines, Coach Aries Fernando. Also a graduate of Mass Communication here in K.I.S.S University. Director of famous plays "Nasaan Ang Pag-ibig" at "Hiwaga Ng Nakaraan". Let's welcome Direk William Sebastian who will be your public speaking and stage performance trainer." Pagtatapos ni Emil.

Magpapalakpakan ang lahat ng contestants.

"These people are best of the best. Ako mismo na-experience ko kung gaano sila kahusay at ka hands on." Dagdag ni Jayson.

"We still have 2 weeks to prepare for Mr. & Ms. K.I.S.S University. Kaya fasten your seatbelt." Ang pa-joke ni Marlon.

Babatukan ni Jayson si Marlon.

"Puro ka-joke time dyan."

"Pinapa-tawa ko lang sila. Tingnan mo ang serious na ng mga mukha oh. Sabi mo nga diba i-enjoy lang yung moment." Paliwanag ni Marlon.

Poker face lang si Jayson. Habang pigil ang tawa ng lahat.

"Tingnan mo napatawa ko kayo. Smile lang tayo para medyo mabawas bawasan ang pressure diba. As i was saying, we have only two weeks para accomplish natin ang lahat. Bukod sa mga rehearsals at blockings nyo magkakaroon din tayo ng pictorial para sa official posters natin per faculty. Argel will give the complete details later. Also magkakaroon din tayo ng room to room campaign. Because partly ng criteria para sa magiging winner ay manggagaling sa mga co-students nyo. They will base on how you talk, communicate and answer all their questions. Everything is clear?! Now, I will turn over you to Coach Glen. And don't forget to get the schedule of activities later to Argel." Ang paglalahad ni Marlon.

Nagsisimula na rehearsal sa dance para sa kanilang opening production number. Sa simula makikitang nahihirapan ang iba maka catch up sa mga steps. Lalong lalo na si Aries.

Kausap ni Aries ang partner na si Christine habang nag-e-ensayo.

"Pwede bang kumanta na lang. Parehong kaliwa mga paa ko."

"Kaya mo yan. Nung una hindi rin ako marunong sumayaw. Natuto na lang ako sa kaka-practice." Ang pag-encourage ni Christine kay Aries.

Tuloy tuloy lang ang rehearsal. Nag-uusap naman at nag-a-asaran sa tabi ang Goodboys.

"Alam mo Jayson ang hard mo kay Mr. Arroyo." Singit ni Argel.

"Gusto ko lang turuan siya ng leksyon. Walang masama dun. First day nya tapos late siya. We will not tolerate that."

"Jayson is right. The reason why we're here to discipline them. Not to humiliate them or something. Walang masama to call his attention or anybody." Ang pagsang-ayon ni Emil.

Biglang sisigaw si Marlon upang magulat ang mga kaibigan. Mapapatingin at mapapatigil bigla ang mga nag-e-ensayo.

"Nagiging seryoso na naman tayo. Hindi pa ba tayo kakain. Nanggu-gulo na mga alaga ko sa tiyan." Tanong ni Marlon.

"Alam mo lagi kang gutom. Pa-check-up ka nga baka kung ano na yang nasa loob ng tiyan mo. Tara na kain muna tayo." Ang yaya ni Greg.

Biglang mapapa-sigaw ng aray si Anica.

Sabay ng tatakbo papunta kay Anica sina Emil at Jayson ng hindi nila namamalayan. Mapapansi iyon nina Greg, Argel at Marlon. Magtitinginan ang tatlo.

"hmmmm…something fishy." Sambit ni Marlon.

"Anica okay ka lang." Alalang tanong ni Emil.

Magtitinginan sina Emil at Jayson.

"Anong nangyari?" Tanong ni Jayson sa partner.

"Sumasakit daw ang kanang binti nya kaya pina-upo ko muna. Tapos bigla na lang sumigaw ng aray." Sagot naman ni Basty.

"Nagka-cramps siya. Relax mo lang ang mga binti mo." Sambit ni Jayson habang bahagyang mina-massage ang binti ni Anica.

Makikita ni Aries at kitang kita sa mukha niya ang selos at inis kay Anica. Halata din sa mukha ni Emil ang kakaibang anyo ng mukha sa nakikitang ginagagawa ni Jayson na tila nagugustuhan nman ni Anica.

"I think we need some energy. Let's take a break muna. Be back after one hour."

Itatayo ni Jayson si Anica. Nakatingin lamang si Emil.

"Sir Jayson kami na ni Davon ang bahala kay Anica." Pahayag ni Basty.

"Maraming Salamat" Ang masayang pahayag ni Anica.

Lalakad papalayo sina Jayson at Emil. Awkward silence. Susulyap si Emil sa kinaroroonan ni Anica. Maging si Jayson. Magtitinginan ang dalawa. Hindi pa rin magsasalita.

"Ang haba ng hair mo girl. Putulin ko kaya yan." Ang natatawang wika ni Davon.

"Kayong dalawa huwag kayong mag-isip dyan ng kung ano ano. Hindi ko'to sinadya ah." Pagtatanggol ni Anica.

"Ewan ko sayo." Natatawang sagot ni Davon.

Biglang a-aray si Anica.

"Girl tama na ang acting ah. Nahihirapan na kami ni Basty." Pa-joke ni Davon.

"Gaga, masakit nga kasi. Dahan dahan lang ang lakad."

Habang sa cafeteria naman makikitang kumakain si Aries kasama ang kaibigan na si Ramil. Pinaglalaruan lang ni Ramil ang kanyang kinakain. Walang ganang kumain.

"Kakain ka ba dyan o maglalaro lang."

Hindi sasagot si Aries.

"Bahala ka dyan kung ayaw mo'kong kausapin. Basta ako kakain."

"Na-late ako kanina sa orientation." Lahad ni Aries.

"Well what's new?!" natatawang sagot ni Ramil.

"Tapos si Jayson pa ang nagsasalita ng dumating ako. Hiyang hiya ako. Hindi ko alam ang gagawin ko."

"What? Day 1 pa lang bad shot kana kay Jayson. Anong excuse mo?" Busisi ni Ramil.

"I'm not a morning person"

"Tanga" Sabay batok ni Ramil kay Aries.

"Ang lame ng excuse mo. Sana nag-isip ka man lang ng medyo valid. Ewan ko sayo. Matalino ka nga kulang naman sa diskarte." Ang sermon ni Ramil.

Biglang may mag-a-abot ng inumin kay Aries.

Unti unting titingala si Aries. Gulat naman ang mukha ni Ramil sa nakita. Makikitang si Jayson ang nag-a-abot ng inumin kay Aries. Dahan dahan na kukunin ito kay Jayson.

"Thank you!"

Biglang aalis si Jayson. Magtitinginan ang mag-kaibigan. Tititigan lang ni Aries ang bote ng inumin habang abot hanggang tenga ang ngiti. Maging si Ramil ay naka-smile lang habang sinusubo ang kanyang pagkain.