webnovel

A Heart to Keep

Magkaiba ang background nina Candice at Victor kaya hindi maganda ang unang impression nila sa isat isa. Pero habang tumatagal ang kanilang pagkakakila ay unti unti ring lumalalim ang kanilang friendship and eventually ay nagkahulugan na sila ng loob.

amore_05 · Teenager
Zu wenig Bewertungen
15 Chs

Chapter 4

Gutom, pagod at uhaw ang dahilan kaya siya hinimatay. Iyon ay ayon sa nurse na tumingin sa kanya sa infirmary ng eskuwelahan. Hindi naman na nakakagulat yon dahil gutom naman talaga siya. Nang makainom na siya ng tubig at napakain ng biskwit ay umayos naman agad ang kanyang pakiramdam.

Napakiusapan din niya ito na huwag nang ipaalam sa kinauukulan ang nangyari sa kanya. Tutal naman ay wala siyang natamong injury. Pinangako na lang niyang magpapageneral check-up siya sa hospital.

Pagkalabas niya ay nakita niyang nag-aabang si Victor. Hind niya alam kung nag-aalala ba ito o galit dahil nakakunot ang noo nito at salubong ang makakapal nitong mga kilay.

Siya na ang unang lumapit dito. "In case you're wondering, I'm fine. Napagod lang daw ako. Salamat sa tulong mo kanina."

Ito ang nagmamadaling sumalo sa kanya kaya hindi siya tuluyang natumba. Ito rin ang nagbuhat sa kanya papuntang infirmary. Nagulat nga siya sa lakas nito dahil hindi naman siya magaan at hindi rin ganun kalaki ang katawan nito.

"Hindi ka nag-iingat. Di ba sabi ko sayo mahirap ang rally kaya dapat naghanda ka. Ni wala kang tubig at may nagsabi sa akin na hindi mo kinain yung binigay ko sayong sandwich. Hindi ka ba nag-iisip? Paano kung hindi kita nasalo? Puwedeng mabagok ang ulo mo sa semento. Puwede kang mapilayan. Puwede kang masaktan." Sermon nito.

"Will you please calm down? Hindi ako nasaktan. At huwag kang mag-alala dahil sa susunod magdadala ako ng maraming pagkain at tubig."

"Wala nang susunod dahil binabawi ko na ang usapan natin. Hindi ka na puwedeng umattend ng rally."

"You can't just do that. Sa tingin mo ba basta na lang ako susuko?" protesta nya dito.

"At sa tingin mo hahayaan kita dun kahit alam kung puwede ka uling himatayin? Kung ako sayo umuwi ka na sa inyo dahil dun kumportable ka, may aircon, may katulong at maraming pagkain."

"Pero nangako ka sa akin." Giit niya dito.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Bakit kailangang isugal mo ang kalusugan mo para sa isang walang kuwentang bagay?" frustrated na ito sa kanya.

"Walang kuwenta?"

"Oo walang kuwenta. Gusto mo lang naman ng pekeng kaibigan di ba? Ikaw na rin nagsabi marami kang pera. Bumili ka na lang dyan sa tabi-tabi sigurado namang may papayag. Hindi ka pa mapapagod."

"Pero ang sabi mo gusto mo akong kilalanin nang mabuti. That you want to correct whatever wrong impression na meron ka sa akin. Paano pa mangyayari yon kung hindi ka tutupad sa usapan. Ano ito pakitang tao lang? Sabagay bakit nga ba gugustuhin mong kilalanin ang isang mababaw na babaeng katulad ko. You probably think I'm pathetic. But if this is what you want huwag kang mag-alala makakahinga ka na nang maluwag. I won't bother you anymore." pagkatapos ay mabilis na niya itong nilagpasan. Muntikan na siyang maiyak sa harapan nito.

"Sandali lang." tawag nito pero hindi na siya huminto pa. Naiinis siya sa sarili dahil pinakita niya ang kahinaan dito. Laging sinasabi ng kanyang lolo na hindi siya dapat nagpapakita ng emosyon. At hindi siya dapat umaasa sa simpleng salita. Ang tanga niya talaga.

Sa pagmamadali ay hindi niya napansin na hindi na pala pantay yung nilalakaran niya. Muntikan na naman siyang mawalan ng balanse buti na lamang ay may humawak sa braso niya. Nang lingunin niya ang tumulong sa kanya ay nakita niya si Victor. Pinilit niyang kumawala pero hindi siya binitawan nito.

"Ano ba bitiwan mo ako."

"Alam mo dapat lagi kang binabantayan eh. Kung hindi ka nababasa ng tubig, napapaaway, hinihimatay, eh natitisod ka."

"Wala ka namang pakialam sa akin di ba. Kaya iwanan mo na lang ako."

"Kung wala akong pakialam eh di sana hinayaan na nga lang talaga kita. Ang hirap sayo kapakanan mo na nga ang iniisip ko minamasama mo pa. Akin na nga yang mga gamit mo."

Kinuha nito sa kanya ang dala niyang handbag at ilang libro. At sinamahan siya nito hanggang sa labas ng gate. Pinagtinginan tuloy sila ng mga estudyante.

"Hindi kita maintindihan. Ayaw mong pumayag sa plano ko pero sinasamahan mo naman ako ngayon."

"Di ba sinabi ko sayo hindi nabibili ang pakikipagkaibigan ko."

"Exactly kaya nga hindi kita maintindihan."

"Bakit hindi ka ba sanay sa libre?"

Noong una ay hindi niya agad nakuha ang ibig sabihin nito pero nang maliwanagan siya ay hindi niya mapigilan ang mapangiti. "So pumapayag ka na?" naniniguradong tanong niya dito.

"Oo Pumapayag na ako. Sige na kailangan ko nang umalis may klase pa ako." Paalam na nito.

"Thank you. This means a lot to me." Sincere niyang pasasalamat dito.

Tumango lang ito pero hindi na sumagot. At pagkatapos ay naglakad na ito palayo. Kahit nagtaka siya sa ginawi nito masaya pa rin siya sa kinalabasan ng lahat.

Hindi ka ba sanay sa libre? she smiled while thinking about his nonchalant question. Truth is natuto siyang lahat ng bagay at pabor na nakukuha niya ay may kapalit.

Ito ang unang beses someone offered her something nang walang kondisyon or any hidden agenda.

"Kakaiba talaga siya." bulong niya sa sarili habang sinusundan ito ng tingin. Sinong mag-aakalang puwede pala talaga silang maging magkaibigan?

Baliw ka na nga yata talaga Victor. Sermon ni Victor sa sarili habang papunta sa susunod niyang klase.

Wala sa plano niya na sumang-ayon sa kagustuhan ni Candice. Ang totoong balak niya ay pasukuin ito. Naisip niya dahil sa hindi ito sanay na nahihirapan ay ito na mismo ang kusang titigil. Pero mas determinado ito kesa sa inaasahan niya. Wala itong balak sumuko.

Sa bandang huli siya pa ang humabol dito at nahulog sa sarili niyang patibong. At ang mas malaking problema kahit anong sigaw ng matinong parte ng isip niya na malaking katangahan ang gagawin niya nangibabaw pa rin ang kagustuhan niyang makilala ng malaliman si Candice.

Magkaibigan? Paanong puwede niyang maging kaibigan ang isang babaeng lahat na yata ng klaseng emosyon eh kayang ilabas sa kanya? Bahala na lang si Batman sa kung anumang puwedeng mangyari.