webnovel

A Day Worth Remembering

Aiden Zachary Punzalan is gay who wants a respect from other people and want to prove himself by not seeking help from others. He really wants a serious relationship, and he had a few people that comes in his life, but it always ended up to broke up, he always experience the same broke up that his dealing with to his first boyfriend. Is it a curse? Or is it just a jinx? Will the jinx continue to him, with his new one? Or he will call it all happening to him that is A Day Worth Remembering?

Ohhhnel · realistisch
Zu wenig Bewertungen
2 Chs

Simula

Simula

"Hello po tita?" Sagot ko sa aking telepono ng makitang may tumatawag rito.

"Hello anak kumusta na? Bakit hindi ka man lang natawag? Busy ka pa rin ba? Baka naman gusto mo munang mag bakasyon? Sabi ko naman kasi sayo na mag resign ka na diyan dito ka na lang sa canada mag trabaho mas maraming opportunity dito.... " Sunod sunod na litanya nito sakin.

" Tita sandali lang po ah! I have to end this call na po. I'll call you later na lang po ingat po kayo bye po. " Hinilot ko ng marahan ang aking sintido matapos ang aming pag uusap ng aking tita.

"Aga yata nating stress bessy ah." Tanong saakin ng aking kabigan na si arron.

" Well sabagay ano pa nga ba aasahan ko lagi ka namang stress sa kahit anong bagay..... Wait nga? Trabaho ba yan o si mama ni ex ba? Chaaaar" Sunod na sabi sabay tawa, na ikinagulat ko pero di ko lang pinag tuunan ng pansin at binuksan na lang ang aking computer at nag umpisa na para mag trabaho.

"Hoi!! Bess ano? Galit agad? Sorry na" sabay tawa ulit.

" Alright! Pwede mamaya na ulit? At... "

" Mr. Punzalan can we talk in my office now." Biglang singit naman ni Ms. Daisy na aming HR head. Bigla naman akong napalingon sa gawi nya at ngumiti sabay tayo para sundan sya sa kanyang opisina.

"Close the door, Zach please" sabi nya ng makapasok kami sa kanyang opinsina.

"Hindi na ko mag papaligoy ligoy pa Zach I know this is very unexpected news but this is gonna be my last day here." Nanlaki ang mata ko sa tinuran ng aming head

" Maam! Ano po? Bakit daw?" Sagot ko naman sakanya.

" Nag meeting kami kahapon ng general manager at malilipat ako sa cebu branch kaya bukas iba na ang HR head nyo but you know na bukas may job fair tayo na pupuntahan at irerecommend ko sa new HR head nyo na ikaw pa rin ang ipadala" tuloy tuloy na sagot nya na lalong ikina stress ko.

"Baka naman maam pwede nyo kaming isingit ni Arron na ipapadala sa Cebu branch madam baka kailangan din nila ng staff don." Sagot kong muli na hindi na alam ang emosyon.

"Kung pwede lang talaga Zachary dadalin ko kayo don dalawa." Tugon nya.

Bakit ganito naman ang nangyayari eh ang aga aga pa, Gigil ako sayo tita ah. Ikaw nag pasimula ng lahat ng ito nako talaga tita pag nagkita tayo sikmuraan talaga kita!

Naka tulala naman akong lumabas ng opisina at di na iniintindi ang mga taong posibleng makakita sa aking reaction patuloy ang paglalakad ko sa pasilyo pabalik sa aking pwesto ng may makabungguan ako..

"Tsss. Will you please look at your way?" Baritonong litanya ng lalaking naka bungguan na kahit isang tingin at reaction hindi ko pinag tuuan. Masyado na akong kota sa araw nato ano pang susunod?

Nang makarating ako sa aking cubicle ay naka abang na pala ang baklita kong kaibigan.

"Attitude ka sisz? Ang aga aga ganyan ang mukha mo ? Tapos di ka man lang nang hingi ng paumanhin sa naka salubong mo ? Or should I say binunggo mo?" Bungad nya kaagad saakin at napatingin naman ako bigla sa sinabi nya at di na muli sya iniintindi.

"Ano? Hindi mo ko papansinin? Bakla ka kilala mo ba yon kung sino? Gaga yun yung bago nating HR head! "

" Haaa? Alam mo?" Gulat na tanong ko sa aking kaibigan bakit alam nya ang buong akala ko sakin lang sinabi ni Ms. Daisy na aalis na sya ay at akala ko bukas pa sya mag uumpisa?

"Syempre naman! kahapon pa yan usapan dito ng mga tsismosa, ikaw kasi masyado kang nag kukunwari at busy busyhan d'yan sa ginagawa mo!" Balik nya kaagad at tila ba kasalanan ko kung bakit wala akong alam sa nangyayari sa paligid ko.

"Eh bakit hindi mo ngarod sinabi ....."

"Oo bess may time ba ko kahapon para guluhin ka , eh umaga palang busy busyhan ka na kahapon , tapos kanina ganon ka nanaman!" tugon nya na hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko.

" Pero ang akala ko is ...."

" Zach, pinapatawag ka uli't ni Ms. Daisy sa opisina nya ngayon na daw" tawag sakin ni Jennie na isa sa mga katrabaho ko.

" Good morning po ulit maam " tugon ko muli dito at di maka lingon man lang sa bagong papalit sakanya dahil sa kahihiyan

"Good morning din" tugon naman nito sabay ngiti

"This is Mr. Alaric Mendiola this is your new HR head the one that im talking about earlier and I already discussed to him about the job fair na aatendan tomorrow. At sinabi ko na ikaw ang ipapadala ng company para don."

"Good morning mr. Punzalan!" Sabay abot nya ng kamay na hindi pa din ko nililingon ang mukha nya.

Alaric mendiola!!! Nooo this can't be happening sana kapangalan nya , sana hindi sya , sana mali ang iniisip ko sana, sana . Pero ganon na lang ang panlalamig ng buong katawan ko nang makita ang mukha ng kaharap ko...

"G....ood morn...ing too po sir!" Pautal utal kong sagot at halos hindi rin marinig ang sarili.

Bakit ? Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo sya pa? Bakit?