webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
70 Chs

Capitulo Sesenta y uno

Kinusot ni Kallyra ang inaantok na mata at humikab pagkatapos ay sinubukang umupo. She moaned when she felt her whole body aching. She looked around the room and felt a little dissapointed when she realized she was alone. Wala na si Lucas, malamang ay naroon na ito sa bukid.

"That bastard didn't know when to stop." asar na bulong niya ng maalala ang magdamag hanggang madaling-araw nilang ginawa. Hirap siyang tumayo sa higaan at nagtungo sa kaniyang silid.

Naghanap siya ng masusuot at nagtungo sa likod ng bahay para maligo. Her face is getting hot everytime she walks because she could still feel him inside her. Mabilis siyang naligo at hindi pinansin ang mga markang iniwan ni Lucas sa kaniyang balat.

Pagkatapos maligo ay nagtungo siya sa kusina upang maghanap ng makakain. But she was surprised when she saw the food in the table after removing the cover. Mayroong sinangag na kanin, pritong itlog at isda, mayroon ding tinurtang bigas na nakalagay na sa basong yari sa inukit na kahoy. Ito ang ginagawa nilang kape, lalagyan na lang ito ng asukal at mainit na tubig. Malinamnam at matapang ang lasa noon.

Kumalam ang kaniyang sikmura kaya agad na siyang umupo at sinimulang kumain. She felt satisfied and full ng matapos. Nakangiting niligpit na niya ang pinagkainan at nagsepilyo ng ngipin.

Now, wala na siyang maisip gawin. Naupo siya sa hagdanan sa pinto ng bahay na mayroon lamang na tatlong baitang. Nakatunganga lamang siya doon ng may isang oras. Ang balak niya ay hintayin na lamang ang pag-uwi ni Lucas subalit hindi niya kinaya ang pagkabagot.

Tumayo siya at nagsimulang maglakad-lakad. Hindi pa niya nalilibot ang lugar kaya iyon ang gagawin niya ngayon.Wala siyang balak bumalik sa bukid dahil wala naman siyang gagawin doon at maiinis lamang siya kapag nakita niya si Luisa doon.

Habang naglalakad ay iniisip pa din niya ang nangyari kagabi. Bakit galit sa kaniya si Lucas? Dahil ba inisip nitong umalis na naman siya ng walang paalam? Well.. hindi naman niya ito masisisi na hindi na ito magtiwala sa kaniya kahit sinabi niyang hindi na siya aalis. Pero bakit naman hindi siya nito gustong umalis? Sa mga kilos nito mula ng magkita sila ulit ay malayong mahal pa siya nito.

"Ay bakit ka ganiyan Tonyo, hindi naman patas ang iyong ginawa."

"Hindi ba ang sabi moy tig-isang laro lamang."

"Wala akong sinabing isa lamang, ikaw ay mapaghabi ng kwento Tonyo!"

"Aba't isusumbong kita kay Anita!" ang naiinis na sigaw nito.

Kuryosong pinanood ni Kallyra ang dalawang indiong nag-aaway na tingin niya ay magkaibigan naman. Inilayo ng ingay ng dalawa ang mga tanong na gumugulo sa isip niya tungkol kay Lucas.

"Anong nilalaro niyo mga ginoo?" tanong niya. Nagulat ang mga ito ng makita siya.

"Binibini!" sabay na sambit ng dalawa. It was probably the color of her hair, eyes and skin kaya naiilang ang mga ito. Kagaya ng iba pang mga indio na nakilala at nakausap niya. Naiintindihan niyang hindi nakikisalamuha ang mga dayuhan sa mga Indio lalo na ang mga mayayaman pero bakit si Lucas ay nagagawa nilang tanggapin at pakisamahan?

Inaamin niyang naiingit siya sa tuwing nagkakatawan sila kasama si Luisa at hindi siya makasali. A little childish pero gusto lamang niyang makiamot sa kasiyahang nakikita niya kay Lucas, gusto niyang maging parte siya sa lahat ng mga bagay tungkol dito at isa ito sa hindi siya makasama. At ang masakit ay ibang babae ang kasama nito.

Pinulot niya mula sa lupa ang bolang yari sa pinatuyong dahon ng buli. Nakita niyang nilalaro iyon ng dalawang binata kanina. Parang sepak takraw ang rules ng laro nila, they only use their feet, knee, chest and head to touch the ball and the longer their able to keep the ball in the air the better and they will lost if it touches the ground.

"Maari ba akong sumali sa laro niyo?" nakangiting tanong niya habang pinaglalaruan ang bolang hawak. Hindi makasagot kaagad ang dalawa na halatang hindi makapaniwala.

Inihagis niya ang bola at nagsimulang maglaro, her moves were very smooth and she did some tricks that makes the two men laugh and clap their hands in amazement.

Habang tumatagal ay dumadami ang mga nanonood sa kaniya, may mga matatanda, bata, binata at mga dalaga. They were clapping their hands happily, lalo siyang ginanahan sa paglalaro kahit na nga ba feeling niya ay nagmumuka siyang clown sa harap ng mga ito.

"Ang galing!"

"Napaka-husay at kaygandang binibini!

"Totoo bang mahigit dalawang oras na ay hindi pa din lumalapat and bola sa lupa?" ang manghang tanong ng isang matandang babaeng kararating lang.

"Hah! aba'y oo, hindi mo nasaksihan ang mga kakaiba at nakakaaliw niyang ginawa, akalain mong umiikot pa siya sa ere bago sipain ang bola at hindi niya talaga ginagamit ang kamay!" nagmamalaking sagot ng isang matandang lalaki na patuloy sa pagpalakpak at hindi inaalis ang mata sa dalagang patuloy na naglalaro at tila nagsasayaw.

"Ay oo nga ano! Kayhusay at kaygandang dalaga!" tuwang sambit din ng matandang babae.

"Ang galing!" ang matinis na sigaw naman ng batang lalaking tumatalon-talon, may kasama itong aso na tumatahol na tila ay nakikisaya rin sa mga taong naroon.

Ilang minuto pa ang lumipas at halos lumawit na ang dila ni Kallyra sa pagod subalit hindi pa rin siya humihinto. Nakahawak ang kaniyang dalawang kamay sa saya sa tuwing tatalon siya at maingat niyang inaangat iyon ng bahagya upang hindi matalisod.

Her hair was dancing in the air as well as her long skirt everytime she moves. Her eyes was sparkling with so much happiness despite the feeling of fatigue and she was playing with all seriousness and with a big smile on her face.

"Anong mayroon, bakit maraming tao malapit sa tinutuluyan mo ginoong Lucas?" ang tanong ni binibining Luisa sa kasamang binata.

Nanganak na ang aso nitong si Lumen kaninang umaga ayon kay Lucas kaya ngayon ay magtutungo ang dalaga sa kubong tinitirhan nina Lucas at Kallyra upang kunin ang isang tutang anak ng aso nito.

Kumunot ang noo ng binata na may pagtataka din sa mata subalit mayroon ding kaba. "Hindi ko alam." ang sagot nito, bumilis ang lakad nito at halos takbuhin ang distansiya sa pagitan nito at ng kubo.

"Ginoong Lucas sandali!" subalit hindi ito pinansin ng tinawag. Mabilis na itong tumakbo.

"Lyra!" inisang hakbang lamang nito ang tatlong baitang na hagdanan at marahas nitong binuksan ang pinto ng kubo. Subalit walang tao at tahimik doon, nagmamadaling tinungo nito ang likod-bahay. "Lyra!" malakas na tawag nitong muli.

Nagmamadali itong bumalik sa kalsada at doon ay naabutan siya ni binibining Luisa na naghahabol ng hininga dahil sa pagtakbo.

"Anong nangyari ginoong Lucas?" hinihingal na tanong nito sa nagpapanic na binata. Umiling lamang ito at mabilis na nagtungo sa nagkakagulong mga tao.

Takot at kaba ang naghahari sa dibdib ni Lucas. Sa isip nito ay baka may masamang nangyari kay Kallyra. Subalit habang palapit ito ng palapit sa nag-uumpukang tao ay bumabagal ang mga hakbang nito.

Maririnig ang mga sigawan at palakpakan ng mga taong naroon, mga bata at matatanda. Paminsan-minsan ay tumatahimik na parang may inaabangan pagkatapos ay biglang magtatawanan at palakasan ng palakpakan. Ang ilang mga batang hindi makita ang palabas ay pinapasan sa batok ng kanilang mga ama.

"Anong palabas ang nagaganap ginoo?" ang tanong ni binibining Luisa ng makalapit din sa mga nag-uumpukan sa isang binatang pilit tumitingkayad upang makita ng maayos ang pinanonood.

"Ikaw pala binibining Luisa. Hindi ko nga din masyadong makita, pero ang sabi ay isang napakagandang dalaga na tila sumasayaw na parang isang diwata habang naglalaro ng sipa. Napakahusay daw at kulang tatlong oras na siyang naglalaro ay hindi pa man lamang lumalapat sa lupa ang bola!" manghang kwento ng binata sa mataas na tinig dahil hindi sila magkakarinigan sa lakas ng palakpakan at tawanan sa paligid.

"Siyanga?" gulat at hindi makapaniwalang sambit ni binibining Luisa.

"Totoo, tingan mo binibini!" itinuro nito ang paminsan-minsang humahagis na bolang yari sa buli sa ere, minsan ay sobrang taas at minsan mababa lamang iyon. "Ayun! ang galing hindi ba? Samantalang ako ay hindi man lamang makaabot ng sampung minuto at minsan ay tumatama pa sa aking muka ang bola." tuwang sambit nito.

Si Lucas ay mabilis nakasingit palapit sa harapan dahil kusang humahawi ang mga tao sa daraanan niya. Palibhasa ay matangkad, malakas ang dating at isang kastila ay pinagbibigyan ito ng mga indiong naroon.

Tumigil ito ng marating ang pinakaunahanan at pinanood ang patuloy na naglalarong dalaga. Nakasuot ito ng puting baro at bulaklaking saya. Para itong namumukadkad na bulaklak sa tuwing umiikot at napakaganda nitong pagmasdan.

Ang masaya nitong ngiti ay nagpapabilis ng tibok ng binatang si Lucas. Parang tumigil ang mundo nito sa paligid at tanging ang dalaga lang ang nakikita. Napalitan ang kapaligiran sa paningin nito at dinala sila ng dalaga sa lugar sa burol kung saan maraming mga ligaw at magagandang bulaklak, mga paro-parong iba-iba ang kulay na nakikipaglaro sa dalaga.

"Binibini!"

"Diyos ko!"

Nagsinghapan ang mga tao sa paligid ng bigla na lamang bumagsak ang dalaga subalit hindi ito lumapat sa lupa dahil may mabilis na nakasalo dito.

********

Masama ang pakiramdam ni Kallyra ng magising siya. Hindi rin siya makabangon sa kaniyang matigas-- malambot? kunot-noong pinakiramdaman niyang muli ang higaan.

"Malambot nga..." bulong niya. Paanong naging malambot na kama ang matigas niyang katre? Napapikit siya ng biglang kumirot ang kaniyang ulo, sinapo niya iyon at inis na umungol. "Sh*t!" gusto niyang iumpog iyon sa haligi ng kaniyang higaan.

Bumukas ang pintuan ng silid niya at may pumasok sa loob pero hindi niya ito pinansin at nanataling nakapikit dahil sa sakit ng ulo

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" narinig niyang tanong ng pumasok at nakilala niyang si Lucas iyon.

"Ouch." reklamo niya ng ang likod naman niya ang sumakit.

"Yan ang napapala mo sa pagiging payaso mo, ano masarap ba?" narinig niyang pang-aasar nito.

Inis na tiningnan niya ito ng masama. "Oo masarap, hindi mo nga kayang tigilan di ba?"

He only grinned at her.

"Akala mo hindi sumakit ang katawan ko dahil sa kasakiman niya ang lakas ng loob mang-asar." bubulong-bulong na asik niya.

"Higupin mo na ang sabaw habang mainit pa." anito.

"Bwisit.. ang sakit ng katawan ko." naiiyak na reklamo niya "Ang sakit ng ulo ko. Kasalanan mo talaga to Lucas!" sinabunutan niya ang ulong kumikirot.

"You will feel better if you drink this medicine." hinawi nito ang nagulong buhok na tumabing sa muka niya at inilapit sa kaniyang bibig ang tasang yari sa inukit na kahoy sa kaniyang bibig. A strong smell of herbal medicine hit her nose.

Ngumiwi siya at iniwas ang muka. "Ayoko, mapait." kunot-noong aniya.

"Meron akong dalang pulot, makakatulong yun para mawala ang pait." sinulyapan niya ang pulot na tinutukoy na nakasama sa ibang pagkaing dala nito, nakapatong iyon sa upuang kahoy na binitbit nito mula sa kusina dahil wala namang lamesa sa kwarto nila.

"Akin na hindi mo agad sinabi." masungit na sita niya pagkatapos ay mabilis na nilagok ang inalok nitong gamot. Muli siyang napangiwi at inilabas ang dila. "Pakiabot please!" naluluhang utos niya sa binata na ang tinutukoy ay ang pulot.

Subalit tila naaliw pa itong panoorin siya at hindi pa din kumilos. He was grinning from ear to ear. "Para kang bata."

"You!"

She pulled him closer and put her bitter tongue inside his mouth.