webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
70 Chs

Capitulo Sesenta y dos

Nawala ang pait sa kaniyang dila dahil sa tamis ng bibig ni Lucas. She felt satisfied and was about to pulled away subalit pinigilan siya nito. He grip her hair from her back and kiss her slowly like he was savoring the taste of her mouth.

Kinurot niya ito sa braso.

"Hey!" kunot-noong reklamo nito ng bitiwan siya. Marahang hinaplos nito ang nasaktang braso.

"You are insatiable man Lucas!" inis na singhal niya dito.

"Ikaw ang unang humalik sa akin." he said in aggrieved voice.

Pinaikot niya ang mata at pinilit ang sariling bumaba sa higaan upang abutin ang pagkaing inihanda nito.

"Just stay there." tumayo ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng higaan niya at kinuha ang bilaong kinalalagyan ng kaniyang pagkain. Merong tinolang manok, kanin, saging na lacatan, nilagang itlog at gatas doon. Muli itong bumalik sa kaniyang higaan at ipinatong sa hita nito ang bilao.

Parang maglalaway na siya sa gutom ng maamoy ang mabangong samyo ng mainit pang sabaw ng tinolang manok. Hindi na siya tumanggi ng mag-alok itong subuan siya dahil sa bukod sa masakit ang katawan niya at masarap sa pakiramdam niyang pinagsisilbihan siya ni Lucas katulad dati.

Sasamantalahin na niya dahil baka kapag bumalik na naman ito sa dating gawi ay hindi na siya muling magkaroon ng pagkakataon.

Nang matapos na siyang kumain ay pinunasan ng kamay nito ang malangis niyang labi. Pagkatapos ay iniwan na siya sa loob ng kaniyang silid upang ligpitin ang pinagkainan.

Muli siyang bumalik sa pagkakahiga sa malambot na higaan ng may maliit na ngiti sa labi. It has been a while simula ng makahiga siya sa malambot na higaan. It has been a while since she was this happy.

Five days have passed and Kallyra finally recovered completely. Ngayon ay naglilinis siya ng bahay at nakapagluto na rin siya. Kaning umaga ay balak sana niyang maglaba ng damit nila ni Lucas subalit nakita niyang maayos na itong nakasampay sa likod ng kubo.

Nang matapos lahat ng pwede niyang gawin ay pinuntahan niya ang bagong panganak na si Lumen. Mayroon itong anim na tuta, isang itim, dalawang puti at tatlong kulay kayumangi.

Bago pa siya makapili ay marami ng nauna sa kaniya at isang brown at ang itim na tuta na lang ang pwede niyang pagpilian. Ang hindi niya mapipili ay kukunin ng isa pang kaibigan ni Luisa. She told Lucas she wanted to keep the puppy with a black fur. Dahil ayon dito ay kulay puti ang napili ni Luisa na siyang naunang pumili dahil kaniyang aso ang ina ng mga tuta.

She played with them for a little while and decided to go out for a walk.

Masayang-masaya siya nitong nakalipas na mga araw. Hindi na siya binibigyan ni Lucas ng sama ng loob at palaging sinisiguro nitong wala siyang nagiging problema. At madalas din silang binibisita ng mga taga-nayon, minsan ay dinadalhan sila ni Lucas ng mga gulay at prutas. Palagi din siyang binabati ng mga ito sa tuwing makakasalubong niya sa tuwing lumalabas siya ng kubo. Everything seems perfect except for one thing, kapag binibisita sila ni Luisa.

Hanggang ngayon ay naiinis siya sa babae. Although wala namang ginagawang masama sa kaniya at parang sinisubukan pa nga nitong makipagkaibigan sa kaniya. Pero hindi niya ito pinapansin, ang mas nakakainis ay manhid ang babae at patuloy pa ring nakikipaglapit sa kaniya.

Speaking of the devil. Malayo pa lang ay nakangiti na sa kaniya ang dalaga at may bitbit na basket na alam niyang pagkain ang dala. Hindi natuloy ang binalak niyang maglakad-lakad dahil sa pagdating nito.

"Magandang tanghali binibining Kallyra!" masiglang tawag nito, malawak ang ngiti at kumakaway pa. Kitang-kita ang malalim na biloy nito sa pisngi. Magalang siyang tumango at ngumiti ng pilit.

"Napasyal ka binibining Luisa." aniya ng makalapit na ito ng tuluyan, nandoon sila sa bakuran sa harap ng kubo.

"Kukunin ko na sana ang aso ko, medyo malalaki na sila hindi ba?" masayang tanong nito.

"Oo, halika sa loob." labas sa ilong na anyaya niya. Kahit naman ayaw niya dito ay hindi niya ito pwedeng pakitaan ng kagaspangan ng ugali dahil wala naman itong ginagawa sa kaniya. Kung tutuusin, masasabi niyang ito pa lang ang babaeng nakilala niya na hindi siya tinatratong kalaban. She have nothing against her personally but she hates that Lucas seems very close to her.

"May dala akong ulam, nakapaghatid na din ako ng ulam sa bukid para kay na ginoong Lucas pero wala siya doon. Dadalhin ko na ito sa kusina ha." anito. Feeling at home na ito dahil sa dalas ng pagdalaw sa kanila.

"Sige." aniya kahit pa nauna na itong pumasok sa kusina bago pa ang pagsang-ayon niya. Pumunta ito sa kinauupuan niya kung nasaan ang aso nito at ang mga tuta.

"Ang sabi ni Ginoong Lucas ay nakapili ka na ng gusto mong kulay?" kumpirma nito.

"Oo, gusto ko itong kulay itim."

"Ah, gusto ko din sana ng itim." malungkot na wika nito. "Nabubukod-tangi ang kaniyang kulay." dugtong pa nito na parang pinagsakluban ng langit at lupa. The woman looks really adorable and if she showed that sad look parang gagawin mo ang lahat para makita ang masaya nitong muka.

Kallyra raised her one brow. Hindi ba ay puti ang gusto nito?

This type of woman is really lethal, nakukuha nito ang lahat ng gusto nito without doing anything but to look cute and adorable. Iyon siguro ang dahilan kung bakit lahat ng mga tao sa paligid nito ay ginagawa ang lahat just to please her. She was using her charm as her weapon to get whatever she want. Ang hindi niya alam ay kung alam nito iyon or she was just doing it unconsciously.

Hindi niya ito pinansin at patuloy lamang niyang nilaro ang itim na tuta. Nakatingin ito sa kaniya na para bang inaapi niya ito at malungkot na malungkot ang mata. Iyon ang naabutang eksena ni Lucas ng dumating ito.

"Magandang tanghali ginoong Lucas." bati ni Luisa sa binatang dumating. Kapansin-pansin ang malungkot nitong tono na malayo sa normal nitong pagbati kay Lucas.

"Magandang tanghali din binibining Luisa. May problema ba?" at nahalata nga iyon ng bwisit na lalaki. She decided to ignore them at patuloy na nilalaro ang mga tuta.

"Ah.. w-wala naman." ang sagot ng dalaga sa maliit na boses at sumulyap sa kaniya na para bang sinasabing siya ang may kasalanan kung bakit malungkot ito.

"Nalungkot lamang ako dahil napili na pala ni binibining Kallyra ang gusto kong tuta, dahil binigay ko na sa iyo si Lumen ay nalulungkot lamang akong may nakakuha na ng gusto ko sana, pero ayos lang naman kung yung itim din ang gusto ni binibining Kallyra. Nakakalungkot lang talaga." ngumiti ito kay Lucas.

Nakita niya sa gilid ng mata ang paglapit sa kaniya ni Lucas. "Gusto mo ba talaga yung kulay itim Lyra?" Naramdaman niya ang paninigas ng kaniyang kalamnan ng marinig ang tanong na iyon ng binata.

Pinigilan niya ang panginginig ng kaniyang kamay at marahang ibinaba ang hawak na mga tuta.

"Ayos lang naman sakin kahit anong kulay." aniya at tumayo na. "Magsisibak lang ako ng kahoy maiwan ko na muna kayo." paalam niya sa dalawa.

"Teka, ano?" tila nabiglang tanong ni Lucas na pinigilan siya sa braso sa akmang pag-alis.

"Magsisibak ng kahoy." kunot-noong ulit niya. Ang balak niya ay doon ibuhos ang nararamdamang inis para sa dalawa sa mga kahoy na papalakulin. Mabuti na iyon kesa si Luisa ang palakulin niya di ba?

Kinamot ng binata ang noo at tumingala na para bang hindi alam ang gagawin sa kaniya. "Alam mong hindi iyon ginagawa ng isang babae hindi ba?" tiim ang bagang na tanong nito sa kaniya.

"Bakit hindi?" inagaw niya ang braso sa pagkakahawak nito. "Punta na ko sa likod-bahay, kumain na din ako nagluto ako ng sinaing na isda, kumain ka na kung hindi ka pa kumakain." aniya.

"May dala akong ulam ginoong Lucas, naghatid ako kanina sa bukid at wala ka doon kaya naman naisipan kong dalhan kayo ni binibining Kallyra, kare-kare at sinigang ang dala ko. Alam kong paborito ninyo itong dalawa." malawak na ang ngiti nito at nakalabas na naman ang malalim ng dalwang biloy sa pisngi.

"Oo nga pala, yun na lang ang ulamin mo Lucas, wag mong gagalawin yung sinaing kong isda, uulamin ko na lamang mamaya. Tamang-tama balak ko talagang iprito iyon." ayaw niyang makumpara na naman dito ni Lucas kaya mas mabuting siya na lamang ang kumain ng niluto niya.

"No. Itong ulam na dala ni binibining Luisa ang ulamin mo mamaya, gusto ko ng ulam na isda ngayon." he said darkly. Mariin ang titig nito sa kaniyang mata.

"Piprituhin ko nga yun mamaya, paborito ko din yun at saka baka hindi mo din magustuhan ang lasa." she argued.

"I'll eat the goddamn fish Kallyra." he said with finality. Parang nanghahamon ang inis na nitong muka.

She rolled her eyes. "Bahala ka."

"At wag mong pakialaman ang pagsisibak ng kahoy, trabaho ko yun."

Masama niya itong tiningnan. That was her way of releasing her pent-up emotions. Mas gusto ba nitong mag ala-hulk siya at ipaghahampas sa dingding ng kubo nila ang babaeng bisita?

At anong sinasabi nitong lalaki lamang ang maaring gumawa ng mga ganoong gawain? Hindi naman siya sasang-ayon doon. Gender equality remember?

"At bakit ikaw ang naglalaba ng mga damit natin? Hindi ba't ako dapat ang gumagawa noon, hindi naman sa nagrereklamo ako dahil ayos lang naman saking ikaw ang maglaba, but the point is you can do that at hindi ako pwede magsibak? That's ridiculous!" litanya niya. "O baka naman gusto mo lang patunayang lalaki ka 'Ako lalaki! ako lakas'!" dagdag pa niya with matching hand actions.

Marahan niyang ibinaba ang kamay na mapansing napasobra siya sa pinaglalaban niya. Si Lucas ay nakataas ang isang sulok ng labing nakatitig pa din sa kaniya at nawala ang talim sa mata samantalang si Luisa naman ay halos lumapat sa sahig ang panga.

Kung pwede niya nga lang lagyan ng palaka ang bibig nitong nakanganga ay ginawa na niya. Gosh! she was being so dramatic these days.

"Nababagot ka na ba dito sa kubo Lyra?" she heard him asked. Inirapan niya ito.

"Hindi. At bakit mo nasabi? Alam mo bang binibilang ko muna kung ilang piraso ng bigas mayroon sa isang salop bago ko isaing?" sarkastikong turan niya. Sa halip na maawa sa kaniya at maguilty dahil hindi man lang siya nito niyayang mamasyal ay malakas na tumawa si Lucas.