webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
70 Chs

Capítulo Ocho

Kallyra was just there sitting, pinanonood ang pagkukulitan ng dalawa para siyang nanonood ng oa na palabas sa TV na paboritong panoorin ng pinsan niyang si Carlotta, she suddenly felt out of place, parang pumasok sa sarili nilang mundo ang dalawa at nakalimutang naroon pa siya, hindi niya alam kung bakit parang nakakaramdam siya ng inggit.

She suddenly felt like she also wants that kind of closeness with him, hindi niya alam kung saan nanggaling ang inis sa kaibigan ni Lucas. And she suddenly wants his full attention, like what the hell?

Hindi niya napigilan ang pagbukas ng kaniyang bibig at paglabas ng mga salitang hindi niya napag-isipan. "Gusto ko ring maghandog ng awitin para sa kaarawan ng Gobernador Heneral." Gulat na tiningnan siya ng dalawa, hindi niya alam kung iyon ay dahil sa sinabi niya, o dahil sa nandoon pa siya.

Pero solo la persona elegida puede realizar la señorita Kallyra. Solo aquellas personas que fueron invitas por Governador General." Subalit pili lamang ang maaaring dumalo roon binibining Kallyra, tanging ang mga inimbitahan lamang ng Gobernador Heneral. Ang biglang sambit ni Mariya, may inis na mababasa sa mga mata nito.

Kung ganoon ay kakausapin niya si Ginang Juliana na siya na lang ang kakausap sa Gobernador Heneral, alam niyang imbitado ang Ginang, napag-usapan nila ang planong pagkausap sa huli ukol sa business proposal niyang bagong kasootan ng mga gwardiya sibil, sa halip na ang Ginang ang kumausap sa Gobernador Heneral ay siya ang kakausap.

"Hindi makakadalo si Donya Juliana at napag-usapan na namin ang tungkol dito, marami siyang kailangang kausapin ukol sa kaniyang negosyo at hindi maaring ipagpaliban, ako ang ipapadala niyang representante." Pagsisinungaling niya. Matalim lamang na tingin ang ibinigay sa kaniya ng dalagang kaibigan ni Lucas.

"Marunong ka pa lang umawit." Si Lucas, mayroong maliit na ngiti sa labi. Natahimik siya, for the first time in her life ngayon lamang siya nagbitaw ng salita ng hindi pinag-isipang mabuti.

Isa sa mga weakness niya ay ang pagkanta, bukod sa wala sa tono ay wala siyang alam na awitin, chorus lang ang mga alam niya.

But she will not dare to take it back, paninindigan niya ang kaniyang sinabi, she is a woman of her words. "Hindi ako magaling pero marunong ako. Kailangan ko lang mag-ensayo."

"¿Toca usted algún instrumento musical?" marunong ka bang magpatugtug ng instrumentong pang musika?. Tanong pa nito.

"Toco el piano." I play piano. Matipid niyang sagot. "How about you?" she felt a little happy that he was now paying attention. Stupid but she just couldn't help it, nararamdaman niyang may nag-iiba sa kaniya habang tumtagal siya sa lugar na ito.

"She is Kallyra Romanov, genius with 200 IQ, the ice queen, arrogant, heartless and selfish bitch, but now parang hindi na lamang sarili ang iniisip niya, she was now starting to care, she suddenly craved for affection, she started to feel emotions she never known before!

Parang naririnig niya ang mga warning bells sa isip niya at malaking signboard sa utak. 'WARNING, this man is dangerous, he will turn you into a soft freaking maggot!' nagtindigan ang mga balahibo niya sa batok. Nagiging oa na rin siya. No sh*t! That's just so terrifying.

"Sí... toco la guitarra." Oo, marunong akong tumugtog ng gitara. "Maari kitang tulungan, pumunta tayo mamaya sa may burol at tutulungan kitang mag-ensayo ng iyong aawitin." Nakangiting wika ni Lucas.

Agad naglaho ang mga babala sa utak niya at binigyan ng matamis na ngiti ang binata. Hindi siya magpapakipot, she doesn't have any idea what are the famous songs in this era kailangan talaga niya ang tulong nito.

At isa pa ay parang may kumikiliti sa kanya sa kaisipang makakasama niya ulit ang binata ng sila lamang. Hindi na muna nya pag-iisipan kung bakit.

"Sige sasama ako." Masigla na niyang tugon, nanatiling tahimik lamang ang kaibigan nito. Inilang lagok na niya ang medyo malamig ng kape at nagpaalam siya sa dalawa at nagsabing kailangan na niyang magpahinga, pinatuloy siya ng mabuting pamilya sa malaki nilang tirahan, iginiya siya ng isa sa mga tagasilbi nito sa kaniyang magiging silid.

Kailangan niyang makausap si ginang Juliana ukol sa maliit na pagbabago ng kanilang plano.

Nakaidlip siya ng mga tatlong oras, hapon na ng magising siya. Ipinagpasalamat niyang mayroong silid paliguan ang kwarto niya, naligo siya at nilinis ng mabuti ang katawan at ang kaniyang buhok, sa tapayang malaki siya kumukuha ng tubig gamit ang kahoy na nakakapit sa bao ng niyog upang magamit sa pangsalok.

Ang alam niya'y iniigib ang tubig mula sa balon at iniimbak sa mga tapayan hindi pa siguro uso ang gripo sa panahong to, nahihirapan man ay nasasanay na rin siya sa klase ng pamumuhay dito. Sa nakalipas na mga araw ay parang nabago ang pananaw niya ukol sa lugar.

Tahimik ang loob ng bahay, mabilis ang mga hakbang na nagtungo siya sa komedor, naroon ang matandang babaeng nagestima sa kaniya kanina.

Magalang niya itong binati at tinanong kung nasaan ang mga tao sa bahay, sinabi nitong nagpunta ng simbahan ang mag-asawa at si Lucas naman ay nasa tahanan ng mga Zamora, tahanan ng matalik nitong kaibigang si Mariya.

Ibinilin daw ni Lucas na hintayin ito at pupunta sila sa sinasabi nitong burol pagbalik nito. But she's bored already, gusto niyang maglakadlakad, tinanong niya ang mabait na matanda kung saan ang direksyon patungong burol at magalang naman siyang sinagot nito.

Binilinan niya ang matanda na kapag dumating na ang binata ay doon siya sa burol puntahan.

Nagdidilim na rin ang paligid sa pagkalat ng gabi.

Napanganga si Kallyra sa ganda ng kaniyang nakikita, this is probably the most enchanting place she have ever seen, its like a paradise.

The luminous moon bathed the beautiful pond with pearl glow, na absorved iyon ng mga luminous fishes at nagliliwang din iyon sa ilalim ng munting lawa, it looks magical. At ang mga nagliliwang na alitaptap ay patay sindi like a hundreds bulb of christmass light.

And even at night she can still see clearly the beautiful flowers scattered on the ground, it has different colors and sizes, napakaraming paro-parong nakadapo sa mga bulaklak na kamanghamangha ang mga kulay, marahan ang pagbuka at pagsara ng mga makukulay nitong mga pakpak, marahil ay dahil sa natutulog na ang mga ito.

At napakabango ng paligid, nais niyang singhutin at ubusin ang bango ng paligid at halos dumikit sa kaniya ang mababangong halimukak ng mga bulaklak. Pakiramdam niya ay pumasok siya sa ibang mundo, and she feels like she wants to believe Lucas when he said may mga maligno at kapre, maybe even fairies as well at ito ang tirahan nila.

She spends hours watching the beauty of the place while laying on the clean ground full of tamed grass and flowers. Pinagmasdan niya ang mga bituin walang Orion, Andromeda, dipper at ang iba pang formation ng bituin, but its still beautiful nevertheless, sa unang buwan niya dito ay nagkaroon ng Meteor shower, at maging noong isang lingo.

She thinks mas madalas pa ito at hindi lamang niya napagtuunan ng pansin.

Si Lucas ay hindi magawang maihakbang ang mga paa, nahinto siya sa bungad ng munting burol at namamanghang pinagmasdan ang dalagang nakahiga sa malawak na damuhang napaliligiran ng mga bulaklak, para itong isang diwata, nagliliwanag ito dahil sa tama ng sinag ng buwan ang mahaba at alon-alon nitong buhok ay nakalatag sa kinahihigaan nito at para iyong kurtinang may madulas at malambot na tela.

Nakapikit ito at mayroong kabighabighaning ngiti sa mapupula niong labi, ang mga alitap-tap na patay sindi ay lalo lamang nagpadagdag ng mahiwagang anyo ng paligid, mayroon pang dumapong paroparong kulay dilaw sa ilong ng dalaga na ikinalaki ng ngiti ng nanatiling nakapikit na napakagandang dalaga.

Kung maari lamang kuhanan niya ng larawan ang eksenang ito upang maitago niya. Sumikip ang kaniyang dibdib at parang hindi siya makahinga, hindi pa rin siya nasasanay sa epektong iyon sa kaniya ni Kallyra.

Nais pa sana niyang magtagal sa kaniyang kinatatayuan at panoorin na lamang ang dalaga subalit hindi din niya kayang pigilan ang kaniyang sariling nais mapalapit dito at makausap ito.

Nagmamadli ang mga hakbang na lumapit siya sa dalaga nagsisiliparan ang mga paro-parong nadadaanan niya at nagugulo ang mga alitaptap, huminto siya sa may paanan nito. "Lo siento señorita." Paumanhin senyorita. "Nainip ka ba?"

Nagmulat ito ng mata at nakangiting tumingin sa kaniya. "No, estoy bien." Hindi, ayos lang ako. "Hindi naman ako nainip sa paghihintay." Nahawa siya sa magandang ngiting iyon, parang nakalimutan niya ang pagdaramdam dito dahil sa pagbigay nito ng pangalan sa binatang kutsero na si Diego.

Naupo din siya at nahiga sa tabi nito. Matamang pinagmasdan ang maliwanag na buwan.

Nagustuhan mo ba ang lugar binibining K-kallyra?" may paalinlangan sa huling salitang kaniyang binitwan. Hinintay niya ang sasabihin nito tungkol sa pagkakabanggit niya sa pangalan nito.

Subalit humaba ang katahimikan, may bumundol na kaba sa kaniyang dibdib at agad ang pagsalakay ng kakaibang lungkot, nilingon niya ito at agad naglaho ang masamang pakiramdam na iyon sa nakikitang masayang ngiti ng dalaga.

"Napakaganda Lucas, parang hindi ko na gustong iwan ang lugar na ito." Mahina nitong sambit subalit malakas ang dating niyon sa kaniyang pandinig at umabot sa kaniyang puso. "Tawagin mo akong Lee-ra. Lyra ang tawag sa akin ng aking pamilya at mga malalapit na kaibigan."

Para siyang nabigyan ng napakagandang laruan kahit malayo pa ang pasko, kinagat niya ang kaniyang labi upang pigilan ang kaniyang pagngiti. Subalit lalo lamang siyang nangingiti.

Hindi nangyari ang plano nilang pageensayo ng dalaga, nauwi sila sa pagkukwentuhan tungkol sa kung ano-anong mga bagay. Kinuwento ng dalaga ang tungkol sa mga bituin, kung gaano kaliit ang kanilang mundo, kung gaano kalaki ang buwan at ang araw.

Kinuwento ng dalaga ang tungkol sa mga bumabagsak na bituin, na ayun dito ay likha daw iyon ng pagsabog ng mga malalaking bituin dahil sa pagbabanggaan.

Nalaman niyang maaaring makarating ang tao at maglakbay sa kalawakan. Siya naman ay matamang nakikinig at namamangha sa napakalawak na kaalaman ng dalaga.

Halos hindi na nila namalayan ang paglalim ng gabi, kung hindi pa magyaya si Lyra ay hindi pa niya nais umuwi.

Gamit ang dala niyang gasera ay binagtas nila ang daan pauwi, nagsilbi ring tanglaw nila sa dilim ang maliwang na buwan, sa daan ay patuloy pa rin sila sa pagkukwentuhan at parang hindi matapos-tapos ang mga bagay na kanilang mapag-uusapan.

Parang kulang pa ang kanilang buhay sa dami ng bagay na nais nyang ikwento dito at mga kwentong nais niyang marinig mula dito.