webnovel

CHAPTER 5: Behind the PRIMER AMOR painting

"Gala tayo mamaya." Bulong ni AJ. Classmate ko.

"Ayoko. May klase pa tayo mamaya." Binuksan ko ang libro ko at nagbasa.

"Tsk. Ang KJ mo naman eh. Ayaw mo talagang pa impluwensya kahit kailan."

"Sino namang papaimpluwensiya sayo aber? Eh... puro porno pinapanuod mo."

"Wag kang maingay..." bulong nya

Ngumiti lang ako. Nagpasya akong lumabas ng classroom nang may dumaan sa harap ko na babae. Parang slow motion ang mga nangyari. Sandali akong natigil. Napasunod ako ng tingin sa kanya. "Bagong estudyante ba siya?"

"Shin!" Sinalubong siya ng isa pang babae. Classmate nya siguro yun. Hinawakan nya sa braso si Shin at sabay silang naglakad.

Kapag nagwa warm up ako ay madalas ko din siyang makita dahil dumadaan siya sa Court. Palagi siyang naka headset.

"Won! Naiwanan ka na!" Sigaw ni Coach.

"Sorry po."

Nagpatuloy ako sa pagjo-jogging.

Magkatabi ang classroom namin pero hindi ko naman siya masilip. Hindi ko alam pero nahihiya ako. Hindi kasi ako ganung tao. Wala akong masyadong interes sa babae dahil masnaka focus ako sa pag-aaral.

Break Time. Hindi ako sumama kay AJ. Malamang may gagawin na namang kademonyohan yun. Nagpunta ako sa library. Naghanap ng mauupuan. Napansin ako ang isang taong tulog. Bakante ang harapan nya kaya doon ako pumwesto. Nilabas ko ang mga libro ko at nagsimula ng mag-aral.

Sa kalagitnaan ng pag-aaral ko ay nagising ang taong nasa harapan ko inalis nya ang towel na nakatakip sa mukha nya. Laking gulat ko na siya yun.

Pupungas pungas pa siyang nagising. Tumingin siya sa paligid sabay tingin sa akin.

Ngumiti siya. "Oh... Mr. Number 29."

"Ha? Mr. Number 29?"

"Yung jersey mo. 29 yun diba?"

"Ah... O-oo. Number 29 yun. B-bakit?"

"Wala lang. Nakikita ko kayong nagwawarm up kapag umaga."

Nakikita nya kami? Akala ko naka headset lang siya at walang pakialam sa mundo.

Niligpit nya ang lahat ng libro na nakakalat sa harap nya. Cook book. Bakit cook book ang binabasa nya? Napatingin siya sa akin.

"Siguro naku-curious ka bakit cook book."

Napatingin ako sa kanya.

"Sige una na ako. Bye." Kumaway siya at umalis.

Pumalit sa kanya ang isang lalaki may pinulot siya sa ilalim.

"Kakilala mo ba yung umupo dito?" Tanong nya

"Ha? Bakit?"

"I.d nya." Inabot nya sa akin ang napulot nyang I.d.

Ano bang meron tong' babaeng to? Bakit iba ang pakiramdam ko sa kanya? Binabaybay namin ang daan pauwi nang mapadaan kami sa isang lugar na puro kainan. Huminto kami dahil naka Red light ang traffic light. Nakadungaw naman ako sa bintana habang malalim na nag iisip nang makita ko siya ulit. Nanunuod siya sa mga nagluluto sa isang restaurant.

"Kuya... igilid mo muna pls?" Sabi ko sa driver ko.

"Bakit po Sir Won?"

"May pupuntahan lang ako saglit."

Iginilid nya ito. Bumaba ako at nilapitan si Shin. Manghang mangha siya sa pinapanuod nya.

"Huy..."

Lumingon siya at nagulat.

"Ikaw? Yung number 29? Yung nasa library kanina?"

Tumango ako. "Anong ginagawa mo dito?"

"Pinapanuod ko sila." Tinukoy nya ang mga nagluluto.

"Mukang mahilig kang magluto."

"Oo. Magaling kasing magluto ang Mama ko. Gusto kong maging Chef someday."

Pinagmamasdan ko siya habang masaya nyang pinapanuod ang mga nagluluto. Tumingin siya sa akin. "Saan ka sumasakay? Bakit dito ka dumaan?"

"Ha? Ah... eh... dyan lang."

"Ok."

Hindi siya matanong na tao. Katulad ng iba. Bumaling siya ulit sa mga taong nagluluto. Hinatid ko sya sa Bus station. Tumingin siya sa akin at kumaway.

"Bye."

"Bye din." Sagot ko

"Ako nga pala si Shin. Nice to meet you."

"Ako si-"

Nagbusina ang Bus. "Sige babye." Tumakbo siya pasakay ng bus.

Ilang araw ang lumipas bago ko ulit nakita si Shin. Magkatabi lang naman ang room namin pero hindi kami madalas magkita. Hindi rin kasi ako pala labas. Nagbabasa lang ako sa room habang walang teacher.

P.E Time. Nagpunta ako sa CR. Nadaanan ko ang tatlong babae na nag uusap.

"Hindi ko talaga gusto yung transferee." Sabi ng isang schoolmate namin. Narinig yun habang papasok ako sa CR.

"Bakit naman?" Tanong ng kasama nya.

"Bago palang siya pero ang daming nagkakainteres sa kanya."

Lahat kami ay nagpunta sa court para doon maglaro. Nakita kong nakatayo si Shin. Naglalaro naman ang ibang schoolmate nya ng bola. Nang makita kong hinagis ng isang babae ang bola papunta kay Shin. Tumakbo ako at agad na sinalag ang bola. Nanglaki ang mata ni Shin.

Nagulat ang lahat. Tinignan ko ang babae. Tinaliman ko siya ng tingin. Humarap ako kay Shin.

"Ok ka lang?"

"Ha? O-oo. Nagulat lang ako."

Lumapit ako sa babaeng naghagis ng bola at kinuha ang I.D nya.

"Joy Han."

"Akin na yan." Hinambot nya ang I.D nya pero hindi nya ito nakuha sakin.

"Magkita tayo sa guidance office."

Dinala ko ito sa Guidance office at doon nagreklamo.

"Sa susunod na gawin mo yun. Ipapa kick out na kita dito."

Tinignan nya ako ng masama. "Bakit? Interesado ka ba sa kanya?"

"Hindi na yun mahalaga. Bakit hindi mo muna isipin kung saan ka lilipat kapag may nangyari pa ulit na ganito?" Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Walang tatanggap sa kagaya mong may bad record." Umalis na ako at bumalik sa court.

5 PM. Dismissal Time. Sumilip ako sa room nina Shin pero wala na siya dun. Dumaan ako sa garden. Nakita ko siyang nakaupo. Dinikit ko sa pisngi nya ang dala kong juice. Lumingon siya.

"Kanina ka pa?"

Umiling ako. Naupo ako sa tabi nya. Binigay ko sa kanya ang juice. "Ok ka lang?"

Tumango siya. "Thank you."

"Wala yun."

-

Katatapos lang ng warm up namin nang makita ko siyang nakaupo sa di kalayuan. Nilapitan ko siya.

"Ang aga mo ah."

Inabot nya sa akin ang isang lunchbox.

"Ano to?"

"Pasasalamat ko."

"Ha?"

"Sige na bye."

Tumakbo siya palayo. Pagdating ng hapon ay inaya ko si Shin na magpunta likod ng building kung nasaan ang FREEDOM WALL.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong nya

Inabot ko sa kanya ang pentel pen.

"Isulat mo kung anong gusto mo."

Sabay kaming nagsulat. Pagkatapos nun ay kumain kami ng madami. Nag arcade at nagbike.

"Salamat sa masayang araw."

"Mabuti naman nag enjoy ka." Nakahiga kami ngayon dito sa park. Nakatitig sa mga bituin.

"Pagagalitan na talaga ako ni Mama."

"Sabihin mo nag unwine ka lang."

Nung gabing yun sobrang saya namin pero hindi ko alam na yun na pala ang huling araw namin na magkasama. Hindi na pumasok si Shin ganun din si Tinay. Wala akong mapagtanungan na mga kaklase nila dahil karamihan sa kanila ay ayaw kay Shin.

"Tatlong araw ka ng hindi pumapasok Won." Tinawagan ako ni AJ sa phone.

"May sakit ako." Matamlay kong sagot.

"May sakit? Simula nung naglaho yang si Shin hindi ka na pumasok."

Sa panahong pinagtagpo kami. Pinagsama kami ng sandali. Inisip ko baka dumaan lang si Shin sa buhay ko kagaya ng nararanasan ng ibang tao.

Pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko hanggang sa nakatapos ako ng college. Wala kong balita kay Shin. Nagfocus ako sa buhay ko. Di kalaunan naging Direktor ako. Nagsimula ako sa maliliit na proyekto. Hanggang sa may nag offer sa akin na magdirek ng isang cooking show. Agad ko naman itong tinanggap since it's a good experience for me. Nagshoot kami ng audition kasama ang mga judges ng show. . Nakatingin lang ako sa Cam kung saan nakafocus sa pintuan kung saan lalabas ang mga future chef. Pinapasok na nila ang mga auditionee laking gulat ko nang lumabas sa pintuan ang babaeng matagal ko ng hinahanap.

"Shin?"

Natulala ako nang makita ko siya. Hindi ko akalain na matapos ang ilang taon, dito kami magkikita. Sa cooking show pa.

"Direk..."

"Direk!" Sigaw ng camera man.

"H-ha?"

"Tulala?" Sabi ni Michael.

"S-sorry. Ano kasi ..."

Napatingin muli ako kay Shin. Siya yun diba? Hindi ako pwedeng magkamali. Pagkatapos ng show ay agad akong nagpunta sa dressing room ni Ms. Rhian Wang isa sa mga judges ng show. Hawak nya ang mga names ng contestant. Walang katok katok. Diretso akong pumasok sa kwarto. Nagulat ang mga make up artist nya.

"Direk..."

Tumayo si Ms. Rhian. "Yes? Direk?"

Kinuha ko sa table nya ang folder na naglalaman ng mga pangalan. Nakita ko doon ang pangalan ni Shin. Dahan dahan kong naisara ang folder. "Siya nga..." nakatingin silang lahat sa akin.

"I'm sorry. May gusto lang akong icheck."

-

Nakapasok sa second round si Shin. Magaling talaga siya. Naalala ko tuloy nung nakilala ko siya. Madalas siyang manood sa mga resto kung paano magluto. Hindi na ako magtataka kung maapply nya yun ngayon.

Medyo malalim na ang gabi nagpapack up na ang iba. Nakita ko si Shin na nakaupo sa gilid habang kinukutkot nya ang hawak nyang carrots.

"Ano yan?"

Nag angat siya ng tingin.

"Direk..." tinago nya ang hawak nya.

Binuksan ko ang palad ko. "Tuturuan kitang gumawa ng bulaklak." Ngumiti ako.

"Talaga direk?"

Tumango ako. Naupo ako sa tabi nya. Tinuruan ko siya kung paano.

"Wow... ang galing nyo po. Marunong po kayong magluto?"

"Oo. Actually ... magaling magluto ang first love ko."

"Talaga po?"

Tumango ako.

Hindi nya ako namumukhaan. Ilang taon din kasi ang lumipas. Marami ng nagbago sa itsura at pangagatawan namin.

Nagtuloy tuloy si Shin sa cooking show. Habang nasa set ay napaso siya sa kawaling ginagamit nya. Agad kong tinawag ang assistant ko. After 10 minutes ay bumalik siya. Inabot nya sa akin ang isang plastic na may laman na ointment and band aid.

"CUT!" Sigaw ko. "Magbreak muna tayo.

Naupo si Shin sa tabi. Tinignan nya ang paso nya. Nilapitan ko sya at inabot ang gamot.

Nag angat siya ng tingin.

"Direk?"

"Kunin mo na. Gamutin mo yung paso mo."

"Ha? Ah... eh... Thank you po." Dahan dahan nyang kinuha ang gamot.

-

Huh? Spain?"

Nagulat ako sa sinabi ni Lyka.

"Actually... Michael wrote the story about Spain kaya naisip namin na masmagandang doon gawin ang shooting."

"Hindi nya pa nabanggit sa akin ang story na yan."

Pumasok si Michael kasama ang iba pa naming katrabaho.

"I want you to be my partner."

Napatingin sa akin ang lahat nang sabihin yun ni Michael.

"Haewon, I believe ... this project would be great for us."

"Pag-iisipan ko." Sagot ko

Natigil siya.

"Kung iniisip mo yung cooking show. 94's studio can find someone else who can handle the show."

Hindi naman yun ang iniisip ko kundi si Shin. Alam ko maganda ang project na papasukin namin ni Michael pero ...

"Wala ka naman balak iturn down yung offer ko diba?"

Nakaupo kami ngayon dito sa Bar. Pinagmamasdan ko ang wiskey na laman ng baso ko.

"Wala kaya lang ..."

"You have to decide as soon as possible. Kailangan nating pumunta ng Spain para magcheck ng mga magagandang lugar na gagamitin para sa scene."

Kinuwento nya sa akin ang summary ng story nya. It's about believing in FATE and LOVE of two different people na nagbakasyon sa Spain to find peace in their hearts... the story is good and it really caught my attention nang banggitin nya ang

"Kapag niregalo mo yung bracelet na yun sa taong mahal mo... magkikita kayo ulit kahit gaano pa katagal ang lumipas "

Nakipagmeeting ako sa mga boss namin regarding sa project na gagawin namin ni Michael.

"Are you sure you can handle the show while in Spain?" Tanong ni Ms. Glo.

"Yes Ma'am. Kailangan ko lang silang bilinan at turuan anong dapat nilang gawin habang nasa Spain ako. Susubukan kong matapos agad ang sasadyain namin dun para makabalik kami agad dito. "

Pumayag ang mga boss. Kinausap ko na rin ang Team ko. Medyo mahaba ang naging meeting namin. 10 PM na nang matapos ito. Nakita kong nagsusulat sa notebook si Shin. Nilapitan ko siya.

"Mukhang busy ka ah..."

"Ayy... direk." Umusog siya. Naupo ako sa tabi nya.

"Galingan nyo ha." Sabi ko.

Ngumiti siya. "Opo direk." Tinignan nya ako. "Mukha po kayong malungkot."

"Ha? Ah... eh... O-oo. Medyo."

"Bakit po?"

"Aalis ako. Pupunta ako ng Spain to do a special project."

"Kaya nyo po yan!"

Natigil ako. Gusto kong sabihin sa kanya na ... Shin, hindi mo ba ako naaalala? Ako si Won. Yung kaibigan mo nung highschool. Gusto kong sabihin na... miss na miss ko na siya. Doon ko narealize na sa hinaba haba ng panahon ... siya pa rin ang gusto ko.

"If you come here to visit me... what do you want me to give you as a gift?" Kachat ko ngayon Si Avir. Nasa Spain siya at doon na naninirahan.

"My first love portrait."

"Primer amor? Alright... just send me her most beautiful picture and I paint it right away just for you..."

Sinend ko ang picture ni Shin na kinuha ko pa nung highschool kami. Malaki ang ngiti nya dito at sobrang ganda nya.

Natuloy ako sa Spain kasama si Michael. Naglibot libot kami sa mga tourist spots dito. Pinicturan ko rin ang mga lugar. Nagtake notes naman siya. Pagkatapos ng dalawang araw na sobrang busy namin ay nakapagpahinga na rin kami. Nag stay siya sa Hotel at ako naman nakipagkita kay Avir.

Nagkita kami sa isang coffee shop. Naka order na siya pagdating ko. Habang kumakain kami ay nagkwentuhan kami. Naiopen ko sa kanya ang sinadya namin dito.

"Goodluck to your project. Alam ko magiging successful yan."

"Salamat." Ngumiti ako. "Avir... pwede bang magtanong?"

"Yes... ano ba yun?"

"Meron ba talaga ditong bracelet na ... kapag binigay mo daw sa taong mahal mo... magkikita kayo ulit... kahit gaano pa katagal?"

"Yes. If you believe it ... it will happen."

Dinala nya ako sa bilihan ng bracelet na yun. Isang matandang babae ang nagtitinda nun. Pumili ako ng design.

"Para ba yan sa project nyo?" Tanong ni Avir.

"Hindi. Para sa babaeng mahal ko."

Ngumiti si Avir.

"Maghihiwalay po ba kayo ng babaeng yun?" Tanong ng matanda.

Natigil ako sa pagpili.

"Hindi po namin alam kung maghihiwalay ulit kami. Alam ko madaya ang tadhana pero ... naniniwala akong para ako sa kanya."

Dumiretso kami sa bahay ni Avir. Sobrang ganda ng bahay nya. Puno ng mga paintings. Maliban sa magaling siyang pintor ay collector din siya ng mga paintings ng ibang artist.

Nagpahanda siya ng dinner sa kanyang katulong. Inaya naman nya ako sa second floor.

"Ipapakita ko yung regalo ko sayo."

Nakita ko ang isang malaking painting na nakatakip ng kumot. Tinanggal nya ang takip at bumungad sa akin ang portrait ni Shin. Speechless ako. Sobrang ganda at pulido ang pagkakagawa.

"You like it?" Tanong nya

"Yes." Yun nalang ang nasabi ko. Hindi ko maiwasang mamangha.

-

1 AM. Gising pa ako. Nakaupo ako sa terrace at tinitignan ang bracelet na binili namin ni Avir kanina. Iniisip ko kung anong reaksyon ni Shin kapag binigay ko to'.

AIRPORT

"Hope to see you soon..." sabi ni Avir

"Yeah. Tatawagan agad kita kapag nagsimula na kaming mag shoot dito."

"Ipapadeliver ko nalang yung painting sainyo."

"Ok. Salamat ng marami."

"You're always welcome."

Nakabalik na kami ng Pilipinas. 2 days bago ako nakabalik sa opisina. Nalaman kong malapit ng matapos ang cooking show.

"Nagawa nyo ba lahat ng sinabi ko?"

"Yes direk." Joanna. "Parang maslalo kang gumwapo. Nakakagwapo ba sa Spain?"

Tumawa ako. "Oo. Kaya papuntahin mo din ang boyfriend mo dun."

"Hahaha! By the way... mukhang mananalo si Shin." Natigil ako. "Magaling siya at wala pa namang negative na comments ang mga judges. Mukhang napractice siya ng husto."

Naglalakad ako papunta sa studio nang makasalubong ko si Shin. Ngiting ngiti siya sa akin.

"Welcome back po Direk."

"Shin..."

Naupo kami sa labas.

"Malapit na daw matapos yung show."

"Ah... oo nga eh. Kinakabahan nga ako kasi malapit ng malaman kung sinong mananalo samin."

"Mananalo ka." Bulong ko

"H-huh?"

-

Nasa conference room kami ni Michael nang biglang pumasok si Joanna.

"Haewon! Nag-aaway yung mga Chef sa dressing room!"

Tumayo ako at agad na tumakbo doon. Nadatnan ko si Shin na napapalibutan ng iba nyang mga kasama.

"Nilalandi mo yung director natin!"

"Ano?!" Napatingin sila lahat sa akin. "Anong pinagsasabi nyo sa kanya?"

"Direk..."

"Kung anuman ang makuha nyo, you deserves it. Walang katotohanan na nilalandi nya ako o kung anuman ang iniisip nyo."

Hinila ni Joanna si Shin palabas ng dressing room.

"Matatapos na ang show. Dapat alam nyo sa sarili nyo kung ginawa nyo ba ang best nyo o hindi."

Pinuntahan ko si Shin sa office ni Joanna. Mag isa siyang nakaupo doon.

"Sorry." Sabi ko

"Ok lang. Dapat siguro wag na tayong mag usap Direk." Umiwas siya ng tingin.

"Shin..."

Nanalo si Shin sa show. Hindi na kami nagkausap matapos ang pangyayaring yun. Masakit para sa akin ang nangyari.

3 YEARS LATER

"Ang dami mo namang gamit." Reklamo ni Bum

"Bitbitin mo nalang yan. Wag ka ng maraming sinasabi."

"Tsk. Ano ba kasing nakain mo bakit sa akin ka titira?"

Tumawa ako. "Wala na akong mapupuntahan eh. Ayoko na sa bahay."

"Sus..." umirap siya. "Kumain muna tayo bago tayo umuwi sa bahay."

"Bakit? Hindi ka ba nagluto?"

"Wow... special ka? Kailangan ipagluto sir?"

"Oo, bodyguard kita diba?"

"Landlord mo na."

Pumasok kami sa isang restaurant. Dumiretso kami sa Cashier at tinignan ang Menu.

"Ano bang masarap kainin dito?" Tanong ko. Tumingin ako sa kanya. "Pasta? Rice? Anong masarap?"

"Hmmm... ako, Pasta lang gusto ko."

"Ah... sige yun nalang din ako. Saka Chicken."

"Sige. Maupo ka na dun."

Tumalikod na ako. May nakasalubong akong lalaki.

"Hi Sir Adan!" Bati sa kanya ng ibang staffs.

"Hello! Nandyan ba si Shin?"

Natigil ako sa paglalakad. Tama ba yung narinig ko? Si... Shin?

Lumingon ako.

"Oh! Anong ginagawa mo dito?"

Boyfriend nya ba yan? Nagsalubong ang kilay ko.

"Grabe ka naman Bakla!"

Muntik akong natumba nang marinig ko yun. Akala ko straight yun. Adan pa naman ang pangalan nya.

"Minsan lang kita dalawin dito eh."

"Nasaan si Tinay?"

"Iniwan ko na ang bagal magbihis eh."

"Ah... sige. Maupo ka muna. Ipagluluto kita ng pagkain.

"Siguraduhin mong masarap yan ah."

"Opo." Tumawa si Shin.

Pinagmamasdan ko ang braso nya. Wala siyang suot na bracelet na kagaya sa akin. Natanggap nya kaya yun? Nalungkot ako ng bahagya. Baka mamaya hindi na nya kinuha yun dahil sa nangyari. Napabuntong hininga ako.

SHIN

Nakaupo ako sa kama. Binuksan ko ang isang maliit na box. Kinuha ko ang bracelet.

Kamusta ka na kaya siya? Direktor pa rin kaya siya hanggang ngayon?