"HUWAG!", agad akong napasigaw at napaupo sa aking pagkakahiga. Agad na dinagundong ng kaba ang aking dibdib na agad ko namang sinapo. Entrante! Ilang mabibigat na paghinga ang aking pinakawalan habang lumilingalinga ako sa paligid ng aking silid.
Agad na napasadahan ng aking mata ang tila isang pigura na nasa sulok. Tsaka ko lamang napansin na nakadungaw na muli sa kalangitan ang mahal na Dyosa. Madilim ang paligid ngunit inangat ko ang aking kamay at nagliwanag ang mga bulaklak sa aking silid upang maging tanglaw.
Tsaka ko nakita ang paninitig sa akin ng mortal na prenteng nakaupo at nakangisi. Agad na tumaas ang aking kilay ngunit agad akong nanlamig ng maalala ko ang nangyari. Mabilisan akong tumingin sa aking kasuotan at agad akong napanganga at napayakap sa aking sarili nang makita kong iba na ang kasuotan na aking suot.
Agad akong nagtapon ng madiin na titig sa kaniya. "Entrante! Nakita mo ang lahat sa akin!", malakas kong bulyaw sa kaniya ngunit dahan-dahan lamang niyang pinasadahan ang aking katawan na tila ba wala akong suot na kasuotan. Hindi ko alam pero hinampas ako ng kaba at kahihiyan dahil kahit kailan ay walang lalaking nakakita sa aking kabuuan.
"Huwag ka ng mahiya prinsesa! Nakapikit naman ako", agad niyang turan pagkatapos ay ipinikit ang kaniyang kabilang mata habang nakamulat lamang ang isa. "Entrante! May makikita ka pa din kung nakaganyan ka!", madiin kong bulyaw sa kaniya ngunit prente lamang siyang tumawa ng nakakaloko. Pinapainit niya ang aking ulo.
"So what? Maganda naman ang katawan mo!", prente nitong sabi habang tila nanlamig ako sa kaniyang tinuran. Gusto ko man tanggapin ang kaniyang papuri pero nilalamon ako ng hiya. Parang gusto ko na lamang magpalamon sa lupa dahil tila ayaw ko na siyang makita. He had seen everything! Everything!
"Your breast are enormous, you have a flawless skin and your-", agad siyang nag-iwas sa akin ng tingin at hindi nakaligtas sa aking malilinaw na mga mata ang kaniyang pamumula. My what? Hindi ko alam pero tila nag-init din ang aking pisngi dahil sa kaniyang tinuran. Ngunit hindi! Walang dapat ikatuwa sa nangyari! I am exposed!
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa aking sarili dahil sa hiya na aking nararamdaman. Kahit pa may makapal akong kasuotan, pakiramdam ko ay hubad ako ngayon sa kaniyang harapan. Entrante! Bakit lagi na lamang sumasakto sa kaniya ang mga bagay na siyang kahinaan ko?
"We will never speak of this day again human!", pilit kong pinatapang ang aking boses upang hindi niya mahalata ang aking nararamdaman na hiya. "But I wanna talk about your gorgeous body!", nakakapanloko nitong usal na siyang agad na nagpainit ng aking ulo. Tingin ba niya biro ang lahat ng ito? As a woman and a royalty, it is a disgrace when someone saw your naked body lalo na kung hindi mo naman siya mahal. A woman's body is a temple at ang taong iyong paglalaanan ng pag-ibig ang dapat lamang na makakita nito.
"Vrei-Vreihya?", agad akong napatingin sa kaniya ng mausal niya ang aking pangalan. Bakit ganito? Bakit kailangan niya banggitin ang aking pangalan sa unang pagkakataon sa ganiyang tinig. I never heard someone call my name that soft. Hindi ko alam pera tila isa akong lobo na umamo ng tawagin siya ng kaniyang amo. Entrante! What is that!
"Actually, I am waiting for you to wake up dahil-", agad niyang pinutol ang kaniyang gustong sabihin at muling nag-iwas ng tingin sa akin at dahil dito ay muli kong nakita ang matangos niyang ilong sa anggulong iyon. Gusto lamang ba niya na makita ko ang kaniyang magandang pigura kaya siya umiwas ng tingin.
"-I need to drink your blood again!", agad na napaawang ang aking bibig dahil sa kaniyang tinuran. "Bakit hindi ka na lang kumagat habang naiidlip ako? Nakita mo naman na ang lahat!", naiirita kong saad sa kaniya dahil bakit pa siya mahihiya na kumagat? Wala naman na akong itatago sa kaniya. Entrante! Ang sama talaga ng aking loob! I always dream about the moment when the man that I will love endlessly will see my body for the first time pero ngayon ay tila ninakaw sa akin ang pangarap na iyon.
"I can't do that? I am not a monster like you!", agad niyang pambabara sa akin kaya agad ko siyang tinapunan nang madiin na titig. What do you mean Mino? What are you implying? Tila yata nais mo na naman ng diskusyon. "I can't do that without your permission!", mahina nitong sabi sa akin at hindi ko alam kung bakit tila nabawasan ang aking inis sa kaniya. Kung ibang bampirang kalalakihan siguro ang nakita akong malay at walang laban baka pinagsamantalahan na nila ako.
I don't know pero tila uminit muli ang aking pisngi sa kaniyang tinuran. "Look! I am sorry kung hindi ka komportable sa nangyari and you have a gorgeous body but it doesn't mean that I have to take advantage of you!", mahina nitong usal sa akin at agad akong napatitig tsaka ko lamang napansin ang tila pamumutla at ang panghihina ng kaniyang mga mata. I think he has been waiting for me for hours para lamang manghingi ng aking permiso.
Siguro dahil na din sa ginamit niyang lakas sa pakikipagduwelo kay Calix at maging ang nangyaring pakikipagsagupaan niya sa akin kanina ay unti-unti na siyang naghihina. Hindi ko alam pero parang hinaplos ang aking puso sa ginawa niyang pagpipigil para lamang hintayin akong magising at hingin ang aking permiso. Ngunit hindi pa rin nawawala ang aking inis dahil nakita na niya ang lahat sa akin. I don't know but it shows respect and gentleness. Hindi naman niya siguro ginusto na makita ang lahat sa akin dahil gusto lamang niya na hindi ako matulog na basa ang aking kasuotan.
"How can I make sure you didn't touch anything?", masungit kong turan sa kaniya dahil paano kung hindi nga niya ako kinagat pero may hinawakan naman siya? Hindi ako maaaring magtiwala kaagad sa kaniyang mga salita. Hindi ko alam kung bakit umiling lamang siya na may kasamang mahinang pagtawa na tila ba hindi siya makapaniwala sa aking mga katanungan. It is my body that we are talking about! Katawan ko ito at hindi ako papayag na mahawakan habang wala akong malay.
"Look Vreihya-", hindi ko alam kung bakit pero pwede bang pinsesa na lamang muli ang tawag niya sa akin dahil hindi ko alam kung anong meron sa paraan ng pagtawag niya sa akin at nakakaramdam ako ng kakaiba. It feels that his voice is made to call my name. He was about to utter his next sentence when I heard my door opened.
Agad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa pumasok mula sa pintuan. "Ina?", nagtataka kong saad sabay mabilisan akong tinungo ni Ina sabay yakap sa akin nang mahigpit. Anong ginagawa dito ng aking mahal na ina? Mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Ina na tila ba nag-aalala siya ng husto.
Nang makakalas na siya sa aming yakap ay hinawakan niya ang aking pisngi gamit ang kaniyang magkabilang palad. "Vreihya maayos na ba ang iyong pakiramdam? Wala na bang masakit sa iyo anak? Hindi ka na ba nanghihina? Mabuti na lamang at napalitan ko kaagad ang iyong kasuotan!", agad na nangunot ang aking noo sa sunod-sunod na tanong ni Ina ngunit nakuha ng huli niyang tinuran ang aking pansin. Napalitan? All this time ay hindi si Mino ang nagpalit sa aking kasuotan?
Nang muli akong yakapin ni Ina ay sinamantala ko ito upang tumingin sa direksyon ni Mino na nakikita kong may nanlolokong ngisi. So all this time he is just playing with me? Hindi niya nakita ang lahat sa akin! Sadyang gusto lamang niya akong lokohin? Gusto ko sanang magalit dahil pinaglaruan niya lamang ako pero tila gumaan ang aking dibdib dahil wala siyang nakita sa akin.
Hindi ko alam kung bakit napangisi na lang din ako habang nakikita ko kung paano niya pinipigil ang kaniyang nais na pagtawa dahil siguro masaya siya na ako ay kaniyang napakaba at nalinlang. Muling humiwalay si Ina sa aming yakap tsaka niya ako nginitian ng matamis na siyang ginantihan ko na lamang dahil wala akong masabi. Tumayo siya mula sa aking higaan at tumindig nang matuwid sabay tingin kay Mino na muling nagseryoso.
"Patawad sa aking pagkakasampal sa iyo nang malakas.", malumanay na turan ni Ina ngunit agad akong napanganga sa kaniyang tinuran. Teka sandali? Bakit may sampalan na naganap habang wala akong malay. "I understand my queen!", magalang na turan ni Mino sa aking Ina. Isa pa ito sa aking hinahangaan kay Mino, ever since napunta siya sa aming mundo ni minsan ay hindi ko siya nakitaan ng hindi magalang na turan at kilos sa aking Ina. Lubos ang paggalang niya kay Ina kahit pa sinusumpa niya kami at ang aming mundo.
I guess he can also feel my mother's authority kaya ganiyan na lamang ang kaniyang paggalang. "Sandali lamang Ina, bakit may pananakit na naganap?", agad kong tanong na may pagtataka. "Normal lamang na masampal ko siya Vreihya lalo na kung maabutan ko siya na nasa kalagitnaan ng pagtatanggal ng iyong kasuotan.", mahinahong paliwanag sa akin ni Ina.
Hindi ko alam kung bakit tila muli na naman akong nakaramdam ng hiya dahil nasaksihan kami ni Ina sa ganoong sitwasyon. Ilang sandali pa ay hindi ko na nagawa pang magsalita dahil sa aking nalaman. "Ihanda ninyo ang inyong sarili dahil naghanda ako at si Alonzo ng ating makakain. Hihintayin ko kayo.", malumanay niyang pahayag sa amin at ilang sandali pa ay wala na si Ina sa aking silid.
Kaming dalawa na lamang ni Mino ang muling laman ng silid na ito. He stood up and about to walk pero agad kong napansin ang kaniyang panghihina at akma na siyang matutumba ngunit gamit ang aking bilis ay nakatungo ako sa kaniyang direksyon at tangan ko na siya sa aking mga bisig.
Kung kanina ay ako ang kaniyang inaalalayan, ngayon naman ay ako ang siyang yumayakap sa kaniya upang hindi siya matumba. Nagsisimula na naman magwala ang aking dibdib dahil sa ganito siya kalapit sa akin.
"Come on bite me! Bite me as long as you want!", agad na napawang ang kaniyang labi sa aking tinuran. He deserve to be fed dahil trinato niya ako ngayon sa kagalang-galang na paraan. He can bite now and I will allow him if he wants another.