webnovel

FALLEN KINGDOM

"Kamusta ang kagatan?", nakapanlolokong bati sa amin ni Tiyo pagbaba ko pa lamang sa hagdan habang nasa likod ko lamang si Mino. Agad kong tinapunan ng nanlilisik na titig si Tiyo na siya naman sinuklian niya ng pagngisi. "What? Nahihiya ka pa ba Vreihya?", panloloko nito sa akin at agad niyang nasalo ang isang malaking tinik ng halaman na siyang aking ibinato sa kaniya. Agad niya itong prenteng tinapon sa bintana na malapit lamang sa kaniya sabay patuloy siya sa nakakapanloko niyang tawa.

Seriously? Bakit ako binigyan ng isang tiyuhin na minsan ay may pagkaisip bata at mababaw ang kaligayahan. "Maupo na kayo Vreihya at Mino.", sabi ni Ina na nagmula pa sa kusina ng palasyo na siyang agad kong tinignan habang may tangan siyang isang lalagyan. Amoy na amoy ko mula rito ang kaniyang niluto. "Woah! Is that what I am thinking?", natutuwa kong pahayag tsaka ako tinanguan ni Ina sabay ngiti. Ilang minuto pa ay nakaupo na kami sa hapagkainan.

Magkatabi si Tiyo at Mino samantalang kami naman ni Ina ang siyang malapit sa isa't-isa. Nais ko na sanang magtanong kung bakit sila napadpad dito at paano na ang aming kaharian ngunit ayaw ni Ina ang nagsasalita habang kumakain. Sa kalagitnaan ng aking pagsubo ay agad kong napasadahan si Mino na tila hindi pinapahalata ang pagtitig niya sa prutas na nasa aking tabi.

Hindi ko alam pero napangisi ako sa paraan ng kaniyang pagtitig dahil para siyang bata na gusto humingi ng pagkain ngunit nahihiya. I knew it! Paborito na rin niya talaga ang paborito kong prutas. Hindi ko alam pero gusto ko pa siya pakatititigan na ganiyan ang kaniyang itsura. Mas lalo akong napatawa nang mahina dahil sa pagkakatitig niya sa prutas ay naisubo niya ang mainit na sabaw na hindi pa niya nahihipan. Agad tuloy siyang napainda dahil sa pagkapaso.

Why is he so cute like that? Tila yata mas lalong ayaw ko siyang bigyan dahil natutuwa ako sa kaniyang itsura. "Baka matunaw!", agad akong napayuko at muling naging seryoso dahil narinig ko ang mahinang pasaring ni Tiyo sa akin. "Here Mino!", agad na usal ni Ina sabay abot kay Mino ng loreka at nahihiya niya itong kinuha. I pouted my lips dahil tila gusto ko sawayin si Ina kung bakit niya binigyan dahil gusto ko pa siyang pagmasdan sa ganoong itsura.

Ilang minuto pa ay muli na naman ako napatingin sa mortal na hindi matago ang saya nang kagatin na niya ang loreka sabay may iilang katas na kumalat sa kaniyang bibig. I don't know but I felt the sudden urge to reach for him and wipe it myself ngunit agad kong sinuway ang aking sarili. What the hell are you trying to do Vreihya? Ginayuma ka ba ng mortal na iyan at nagkakaganyan ka?

Tila naghinayang ako ng siya na mismo ang kumuha ng panyo na ipupunas dito at muli siyang masayang kumagat at ngumuya. Sa pagkain lamang talaga ng prutas na iyan nakikita ko ang kaniyang tunay na kasiyahan. Bumalik ako sa wisyo dahil sa pagtikhim ni Tiyo na alam kong pasaring lamang niya sa akin at hindi nakaligtas sa akin ang kaniyang nakakalokong ngisi. Isa pa talaga at may lilipad na kutsara!

Ilang minuto pa at payapang natapos ang aming pagkain. Nandirito kami ngayon ni Ina at ni Tiyo sa malawak na damuhan sa labas ng aking palasyo habang si Mino ay nagpaalam na upang makapagpahinga. Akala ko talaga ay uubusin niya ang aking dugo ngunit ramdam ko ang kaniyang pagpipigil. Tila nahihiya pa siya na kumagat sa akin na hindi ko maiwasan na pagtakhan. He bit me for a couple of minutes then he stopped na parang pinipigil niya ang kaniyang sarili.

I don't know pero aaminin ko na nakaramdam ako ng pagkabitin but yet ano ang karapatan ko na makaramdam ng ganoon? Kapwa kami nagsiupo sa damuhan at tumingala sa kalangitan habang kumikinang ang aming mga balat sa sinag ng mahal na Dyosa. Tila pare-pareho kaming nais lamang na namnamin ang katahimikan ng paligid na malayo sa aming tunay na kaharian. Ngunit nais na talaga ng aking isip na magtanong at makakuha ng kasagutan.

"Kamusta na ang kaharian natin Ina?", medyo mahina kong usal dahil natatakot ako sa maaari niyang maging sagot. "It's gone Vreihya.", agad akong napatingin kay Ina habang nanlalaki ang aking mga mata dahil sa kaniyang tinuran. "Gone?", hindi ko makapaniwalang usal at tinanguan lamang ako ni Ina habang ipinikit niya ang kaniyang mga mata na tila nakakaramdam siya ng pagod.

"Paano na ang mga taga-baryo?", nag-aalala kong usal sa kanila dahil kung nasira ang aming kaharian ay paano pa ang mga nilalang na nasa ilalim ng aming pamumuno. I was about to ask more questions pero narinig ko ang tila pinipigil na hikbi ng aking Ina. Dahil dito ay agad siyang inalo at niyakap ni Tiyo sabay tumingin siya sa akin na may ekspresyon na hindi ko mabasa. "A lot of them died dahil sa sabay-sabay na pagsugod ng mga kaharian sa atin pero may iilan na nakaligtas.", pilit itinago ni Tiyo ang lungkot sa kaniyang tinig.

Hindi ko alam pero bigla na lamang naglingas ang galit sa aking dibdib habang iniisip ko ang mga taga-baryo na napaslang. "The rest are safe now Vreihya, naitago sila habang may digmaan.", agad na pagpapakalma sa akin ni Tiyo. "No Tiyo! They need us! Saan sila kukuha ng pagkain? Sino ang mamumuno sa kanila? Paano na ang mga namatayan ng kaanak at mga anak?", agad akong napatayo mula sa aking pagkakaupo sa damuhan.

Entrante! Paano sila ngayon? Paano na ang mga bata na siyang aking naging mga kalaro at kabiruan. Paano na ang mga sanggol na aking tinangan, paano na ang mga matatandang taga-baryo na mahihina na. Paano sila lahat?

"Inaasahan ko na ang ganito anak ngunit hindi ganito kaaga at kalala.", naiiyak na pahayag ni Ina habang inalayan siya nang magaan na halik ni Tiyo sa kaniyang noo bilang pagpapakalma sa kaniya. All this time that I am sleeping ay marami na pala ang nasira, nawasak at namatay. Hindi ko alam pero nakuyom ko ang aking mga kamao at kasabay nito ay ang pagkakaroon ng ingay sa mga puno sa aming paligid.

Bigla na lamang tinubuan nang malalaki at matatalas na mga tinik ang mga katawan ng mga ito. "Vreihya! Pakalmahin mo ang iyong sarili. Pati kalikasan ay sasabay sa iyong galit.", madiin na turan sa akin ni Tiyo ngunit hindi ko magagawa ang kaniyang inuutos. "Those are lives Tiyo! That is our kingdom! Buong buhay ko ang naroon!", agad kong singhal sa kaniya ngunit dahan-dahan na kumalas si Ina sa yakap ni Tiyo at hinahawakan ang aking mga kamao na siyang nakakuyom pa din.

Agad na tila kumalma ang aking emosyon dahil sa ginawang iyon ni Ina. "Huwag ka ng mangamba, si Macara ang inatasan ko na magpatuloy sa nakaligtas at gamutin sila.", malungkot na turan sa akin ni Ina ngunit hindi iyon sapat upang pakalmahin ako. "No! I want them here! Bring them here! Mas ligtas sila dito!", madiin kong turan sa aking Ina na siya naman na kaniyang sinang-ayunan.

"Ngunit alam mo na ang pakay nila ay si Mino hindi ba? Mas mapapahamak sila kung nasa iisang lugar ang mortal at ang mga taga-baryo.", madiin na tutol sa akin ni Tiyo. May punto ang aking Tiyo at tila yata nawawala na ako sa tamang pag-iisip dahil sa aking emosyon. I was about to utter some words pero agad kong narinig ang mahihinang yapak sa aming likuran.

"Then we will leave! Ang mga taga-baryo ang patirahin niyo dito dahil mas ligtas!", sabay-sabay kaming napatingin sa tinig na mula sa aming likuran. Akala ko ba ay nagpapahinga siya? Tila yata kanina pa siya nakikinig sa amin. Pero ang kaniyang sinabi ang tumatak sa akin dahil paano naman ang kaniyang kaligtasan.

"Paano ka naman?", agad na usal ni Ina na tila hindi din sang-ayon sa pahayag ni Mino na lumisan. "You are a queen, madam! Alam kong nais niyo din ang kaligtasan ng inyong nasasakupan at hindi lingid sa akin na naisip mo na din na dito sila itago.", magalang nitong turan. Agad akong napahanga sa kaniyang tinuran dahil tila yata naisip niya kaagad ang bagay na ito.

"I know I can't protect myself pero mas lalong higit ang mga taga-baryo and besides you need a kingdom.", mahinahon nitong paliwanag. Bakit tila isa siyang hari sa kaniyang pagsasalita at pag-iisip na tila ba nagawa niya na din na mamuno ng isang kaharian. Isa na naman ba ito sa iyong mga surpresa Mino?

"Sang-ayon ako sa kaniyang tinuran Zaliah. Kung nangangamba kayo na baka mapahamak siya then teach him how to fight! Hindi pwede na maiwan sa ganoong kalagayan ang mga taga-baryo at hindi din naman maaari na manatili dito ang mortal kung dito natin sila itatago dahil mauulit lamang ang nangyari.", mahabang paliwanag ni Tiyo na tila nakikiisa din siya sa turan ni Mino.

"Then it settled! Teach me how to fight!", seryosong tugon ni Mino na siyang hinangaan ko. Bakit ganiyan na lamang ang kagustuhan niya na magsakripisyo para sa mga taga-baryo? I thought he hates our kind? Akala ko ba minsan na niya hiniling na sana ay mamatay na lamang kami? Ginagawa niya lamang ba ito para masunod ang kasunduan nila ng Dyosa?

Dahil lamang ba ito sa kagustuhan niyang masunod ang Dyosa at makauwi?

Nächstes Kapitel