webnovel

Chapter 3

Millary POV

Mabilis lumipas ang maghapon at ngayon nga maggagabi na , at naghanda na kami para hapunan ng mga boss namin, ewan ko laging ang bilis ng oras pag nasa loob ako ng mansyon ng mga Dela Munoz

Nasa hapag kainan na sir sir jann Michael at Ma'am cristine habang hinihintay ang pagdating ni Sir jeronn, napasarap ang kanyang tulog siguro dahil sa pagod, ginising din ito kanina ni Manang Rosa pero bigo itong magising ito , kaya laglag balikat itong bumalik at para sabihin kina sir Jann Michael na ndi niya ito nagising , kaya inutusan ni Sir Jann Michael si Manang Carol ang magising dito at ilang minuto lang ang lumipas bumalik si Manang Carol at nakangiti sabay sabing pababa na si Sir Jeronn, naghilamos lang at nagpalit lang ng damit

Nakakapagtaka ang agang umuwi ni Sir Jann Michael, ngayon alas Syete palamang eh nasa bahay na ito , dati rati alas nwebe o kaya alas diyes ng gabi ito umuuwi

Ng marinig namin ang mga hakbang na palapit sa kusina , alam namin na parating na si sir jeronn at agad kaming tumingin dito at ganoon nalang ang paglalaki ng aking mata ng tumigil ito sa aking harapan ng makita niya ako agad nitong sinabi ang mga katagang , " good evening miss beautiful " yan ang bati niya sa akin, agad naman akong gumanti ng bati , baka isipin nito na bastos ako "good evening din po sir kain napo kayo" ganting bati ko at sabay yayang kumain na ito at sumabay na sa mga kapatid nito , agad naman itong tumalima sa sinabi pero bago ito tuluyan tumalikod ngumiti ito ng matamis sa akin, at bilang ngumiti ako ng simple bilang respeto dito dahila mo ko ito

At lahat naman ng mata ay anakatingin sa amin, kanina nabalitaan ko na suplado si Sir Jeronn at nagtataka sila bakit sa akin ay friendly ito t maypayakap yakap pa itong nalalaman

Umupo na ito sa hapag kainan habang sa akin parin nakatutok ang kanyang mga mata, parang ayaw niya akong mawalay sa kanyang mga mata, na kinatingin sa akin ng mga kapatid nito at sinuway nila ito na kumain na , doon lang naputol ang kanyang tingin sa akin at kinahinga ko ng maluwag , kinakabahan ako sa mga tingin nito, nakakabahala

Ng utusan ako ni Manang Rosa na mghatid ng inumin sa mga magkakapatid, kahit nanginginig ang aking mga kamay nagawa ko pa rin salinan ng tubig ang baso ni Sir Jann Michael muntik ko pa mabitiwan ang hawak ko na pitsel ng marinig ko magsalita si Sir Jeronn, buti nalang naging maagap ako at nahawak ko ito muling bago ito tuluyan mahulog

"hindi ako makapaniwala na dito lang pala kita makikita" sabi ni sir jeronn sa akin at bigla ako napatitig sa kanya, base talaga sa kanyang kinikilos kilalang kilala ako nito , Paano? ,Bakit?, Saan?

" Kilala mo siya kuya " tanong ni Maam Cristine kay Sir Jeronn, makikita sa mukha nito ang naguguluhan kaya nagtanong na ito kay Sir Jeronn, Pati ako nag-aabang sa kanyang sagot, gusto ko ng masagot ang tanong na gumugulo dn sa aking isipan

"Oo" sagot ni sir jeronn habang nakangiti ito at may kislap pa ang kanyang mga mata, base sa mukha nito, totoong kilala nito

" saan mo siya nakilala kuya" tanong ulit ni Maam Cristine dahil sa kursunidad nito, dahil kilala nito ang kuya nito na ndi ito friendly paanong nakilala nito ang kagaya niya na katulong o kasambahay at isa pa sa kinatataka nito na sa Canada sila tumira paano nito nakilala ang isa sa mga kasambahay, possible bang nagkakilala sila tuwing nagbabakasyon sa bansa si kuya Jeronn tanong na gumugulo sa isipan ni Cristine, Pati ako ay nag-aabang sa sagot ni Sir Jeronn

Hindi sumagot si sir jeronn at nagkibit balikat lang ito bilang tugon kaya nagsalita ulit si Maam Cristine dahil ndi nasagot ang kanyang tanong

" kuya I know you, hindi ka namamansin, suplado ka, hindi pala kaibigan at uulitin ko hindi namamansin how come kilala mo siya" tanong ulit ni cristine sabay turo sa akin

Hindi ulit sumagit si sir jeronn at nagkibit balikat lang ito bilang sagot kay Maam Cristine

" tigil na yan, magsikain na tayo" sabi ni sir jann michael sa boses na mabalagsik, makapangyarihan, matigas at punong puno na maawtoridad.

At biglang tumingin sa akin si sir jann michael,bigla ako napatingin din sa kanya, bakit bigla ako nanginig sa takot at biglang sumikip ang dibdib ko, naku sa tuwing titigan ako ni sir kinakabahan ako at nininerbyos ako.Ano ba 'to tingin palang yan pero iba na dating sa akin, ano pa kaya ang dating nito sa akin kung hahalikan ako ni sir o kaya yayakapin, Agad ko piniling ang ulo para mawala ang mga naglalaro na imahe sa aking isipan , naku ang aga aga ano agad naiisip ko., naku ang harot mo sabi ko sa aking sarili at ang aga aga nagpapantasya ka

Ganoon nalang ng biglang tumahimika ng paligid at makalipas ang ilang minuto nagsalita ulit si Maam Cristine at nag-usap sila ni Sir Jeronn habang si Sir Jann Michael ay walang pakialam sa paligid , patuloy lang itong kumain at ng matapos ay nagpaalam na kanyang mga kapatid na may gagawin pang paper works sa library na agad naman kinatango ng dalawng magkapatid at ng nakita niyang tumango ang dalawang kapatid tumalikod na ito at tumuloy sa library, tinignan ko pa ito at sinundan ng tingin at ng tuluyan nawala ito sa aking paningin doon lang din ako bumalik sa realidad

Ilang minuto pa ang lumipas natapos din sa pagkain sina Maam Cristine at Sir Jeronn at niligpit na namin ang kanilang pinagkainan

Kinabukasan

" tara" sabi ni sir jeronn sa akin habang nagdidilig ako ng halaman dahil sa hardin na ako nakatoka ngayon, sabi nga ni Sir Jann Michael, ndi na ako pwedeng maglinis sa ikalawang palapag, naku si sir talaga

"saan po sir" samahan mo ako sa mall may bibilhin lang ako" sabi ni sir jeronn sa akin, ano ba ito kung makayaya parang nag-order lang sa fastfood gusto dali dali , instant

" bakit po ako sir jeronn, ndi naman po ako ang driver nyo, dapat sa driver ka po magpasama"sabi ko kay sir, dahil nakakainis lang niyaya niya ako sa mall sa umagang ganito kainit at ang nakakainis pa , ndi naman talaga ako lumalabas sa mansyon ito kung ndi lang kailangan , kasi nga may tinataguhan ako, tapus ito bigla lang akong yayain lumabas, bakit ndi siya magpasama sa kanyang mga kapatid o kaya sa driver, bakit sa akin pa?

Biglang tumawa si sir jeronn,, "ndi ko alam na magaling ka pala magpatawa," sabi ni sir jeronn sa akin, nakita ko itong hinawakan nito ang kanyang tiyan , nag-iinsulto ba ito kaya agad itong tinignan ng masama at kinatigil nito sa pagtawa at kinaseryoso nito

"Alam mo millary pinagpaalam na kita kay Manang Rosa, kaya tara na, aalis tayo" yaya sa akin ni Sir Jeronn, naku nakakainis na talaga ito

" ah ganoon po ba sir jeronn , so ndi na po pala ako pwedeng tumangin kasi pinapagpaalam ninyo na po pala ako,,magbibihis lang po ako" sagot ko kay sir jeronn na may inis ang aking boses na mababakas mo sa bawat salitang aking binigkas

Dali dali akong pumunta sa loobng mansyon at agad ko hinanap o pinuntahan si Manang Rosa kung totoo ba na napagpaalam na ba ako ni sir jeronn at kailangan ko ba ito talagang smahan, magmumukha niya akong baby sitter na isang makulit na lalaki, kaya lalo akong nainis, ayy naku kahit gusto kong tumangi ay bawal dahil nga nakikipagtrbaho lang ako dito

" Manang Rosa, pinagpaalam po daw ako ni sir jeronn sa inyo?" tanong ko kay Manang Rosa, kahit naiinis ako nagawa ko pang payapain ang aking sarili at nagtanong ng kalmado

" Oo" nakasimangot niyang tugon nito sa akin, naapano ito?, si Manang Rosa ang may ganang sumimangot ,eh ako nga ang pinagkanulong sumama kay Sir Jeronn ng walang paalam, wala akong kaalam alam na mgiging taga pag-alaga ako ng isang binata, Nabigla ako ng may magsalita sa aming gild, hindi ko napansin na may tao pala sa aking gilid, ndi ko alam kung bagong dating ba ito o kanina pa ito doon

"Papansin kasi yang babaeng yan" sabat ni sarah habang nakaharap ang ibang katulong na sina rachelle at yeng at dinugtungan pa niya ang sinasabi niya na lalong kinainis ko dito

" nagpapansin sa mga boss nating mga lalaki, ang kapal ng mukha piling maganda, hindi naman maganda" tuloy tuloy na sabi ni Sarah sa akin, aba at talagang sumosobra na ito pero pinapayapa ko ang aking sarili , ndi dapat ako magpaapekto dahil wala naman akong ginagawang masama

Hindi ko nalang ito pinansin, " Magbibihis na po ako Manang Rosa, baka naghihintay na si sir jeronn sa akin" baling ko kay Manang Rosa at tuluyan ko na silang linagpasan at tinalikuran , ayaw kong ibaba ang aking sarili sa level nina sarah, dahil naman ako pinalaking palaaway, siguradong ingit lang sila

Kahit ano man ang aking sabihin magmumukha akong nakakatawa sa kanila kasi si Mang Rosa at Sarah ay magtita, habang si Sarah kaibigna niya sina rachelle at yeng halos magkasabay silang nagsipasok dito kaya magbabarkada na ang mga yan at magkakampi sila

Hindi ko alam ano ba ang nagawa ko kay Sarah para ganyan niya ako tratuhin, simula palang ng napunta ako dito at nagtrabaho , ganito na ang trato niya sa akin.Minsan iniisip ko paano kaya mgbabago ang trato sa akin ni Sarah.ilang beses ko na itong inaaapproach pero talagang mabigat ang loob nito sa akin, kaya inayahan ko nalang

Pagtapos ko magbihis pumunta na ko sa hardin at tama ang aking hinala kanina pa ako hinihintay ni sir jeronn

At sumakay na kami ng sasakyan na minamaneho ni John , ang driver ng mga Dela munoz at nagtungo sa malll

Nächstes Kapitel