webnovel

Chapter 4

Millary POV

Habang nasa sasakyan kami tinanong ko si sir jeronn, Dahil ndi ako mapakali dahil malakas ang aking hinala na kilala nito ako

" Sir jeronn kilala ninyo po ba ako" tanong ko kay sir, walang sagot mula sa kanya at nagkibit balikat lang ito bilang sagot

" Paano ninyo po ako nakilala" Tanong ko ulit sa kanya, wala ulit sagot at nagkibit balikat lang ito sa aking tanong, ano ba ito bakit ndi niya kaya sagutin ang aking tanong para mapayapa ako sa aking pag-iisp

Napapaisip na ko saan ko ba ito nakilala o nakita , kahit anong isip ko wala ako mahalukay sa isip ko at wala akong makuwang sagot sa aking isip, kaya lalong sumakit ang aking ulo sa naglalarong tanong sa aking isipan

Pagbaba namin sa mall dumertcho agad kami sa isang restaurant , binati kami ng guard na nakatoka sa pintuhan at may isang waitress na dinala kami papunta sa isang mesa malapit sa bintana base sa aking nakikta nakareserve ang lamesa na yun para sa amin pero ang bawat daanan namin lamesa sa hanay na yun ay parang pang tatalo or apatan ang bawat lamesa na yun at ng makapunta na kami sa lamesang nakareserve sa amin may nakaupong babae doon sa aming mesa, nakatalikod ang babae kaya ndi makita ang mukha nito, pero bigla akong kinabahan , parang kilala ko ang likod ng babaeng iyon, biglang lumakas ang tibok ng aking psuo at parang may naghahahbulan na mga kabayo, kung tama ang aking hula , kahit nakatalikod siya, kawangis niya ang PINSAN ko na Rizalynsiya nga, siya nga ang aking pinsan , ang aking pinsan sa pampanga, Ano ang kaugnayan nito kay Sir Jeronn?, Paano ako nito nahanap?, Kailan pa nito alam na nasa mansyon akong mga Dela Munoz, Ito na ba ang sukduklan ng aking pagtatago, kailan ko na bang magpakita sa aking pamilya at ituloy ang nakatadhana sa akin,At humarap nga si Rizalyn , tama nga ako ang pinsan ko ang nasa akin harapan ngayon, ano ba ito, nakita na niya ako, siguradong isusumbong niya ako kina Daddy at Mommy, ng humarap ito sa amin namutla ako at parang nawalan ng kulay ang aking mukha, nakita ko itong ngumiti , mababakas sa kanyang mukha ang tuwa , tuwa na sa wakas ay tagpuan na niya ako, lumaki kaming parang magkapatid kahit pinsan ko lang ito , noong bata kami halus magkapatid na turingan namin kasama ang isa pa naming pinsan na si Kuya Greg kahit ilan taon ang tanda nito, lumaki kaming magkakadugtong ang aming mga bituka at mahal na mahal namin ang isa't isa

"Rizalyn" sabi ni sir jeronn dito sabay halik sa pisngi nito,kaano ano ni rizalyn at sir Jeronn mga tanong ko kanina sa aking isipan na ngayon ay nasagot base sa aking nakikita ngayon, may relasyon ba silaso tama ang aking hula may hugnayan ang mga tao , base sa nakikita kong sigla ni sir Jeronn ng makita nya ang pinsan ko, nakita kong kumislap ang kanyang mga mata sa sobrang tuwa, yung ningning ng kanyang mata ay kakaiba

Paano kaya sila nagkakilala?

At ng dumako ang tingin ni rizakyn sa akin, ngumiti ito sa akin sabay sabing "kumusta kana Cous, namiss kita" sabay halik sa aking pisngi

" o-kkkkkay lannng" ganting sagot sa kanyang habang may nginig sa aking boses, dahil nabigla ako sa aming pagkikita at nabibilang na lang ang oras ko sa pananatili sa mansyon ng mga Dela Munoz , dahil sigurado akong sasabihin ng pinsan kina mama at papa kung nasaan ako ngayon, kaya lagot, at parang alam nito ang naglalaro sa aking isipan kaya sinagot na nito ang mga tanong na naglalaro sa aking isipan, at ganoon nalang ng marinig ko na ndi nito ako isusumbong

" huwag kang mag-alala cous, hindi kita isususmbong kina tita at tito, kaya kalma ka na" sabi ni rizalyn sa akin, kaya bigla nawala ang kaba ko at napayapa ang aking kalooban at bumalik sa tamang tibok ang aking puso at bumalik ang kulay sa aking mukha

Naging maayos naman ang naging usapan namin, magkasintahan daw ang dalawa at nabangit ng pinsan ko na hinahanap ako nila mama at papa , at nakita ni sir jeronn ang mga litrato ko kaya pala kilala niya ako, hiningi ng pinsan ko ang aking numero para matawagan niya ako kahit anong oras

Nakauwi naman kami ng maayos matapos ang aming pag uusap, Hindi ko na napansin na gabi na pala, mag alas otso na pla ng gabi, sa haba ng pag uusap namin ng pinsan ko nakalimutan na naming oras na.

Pagkauwi namin saktong maghahapunan na sa mansyon, Nadatnan namin nakaupo sa sala sina Maam Cristine at Sir Jann Michael, hinihintay ang pagdating ng kanilang kapatid

Hmmm… Ang gwapo ng aking mahal kahit nakabusangot ang mukha, nakakunot ang noo, salubong ang kilay,, kahit sino magaling na pintor Hindi kayang ipinta ang kanyang mukha walang makagaya sa kanyang mukha, HMMM sarap yakapin ni Sir Jann Michael

" saan kayo galing?" tanong ni sir Jann Michael sa amin ni Sir jeronn gamit ang maatotidad na boses, naku pag talaga si sir ang nagsasalita, nagiging pipi ako, kinakabahan ako lumalakas ang tibok ng aking puso at nanginginig ang aking tuhod, anong meron sa boses niya? Bakit iba ang epekto nito sa akin? Bakit kahit galit na ito mukha parin itong gwapo

" Nagpatulong ako sa mall Kuya" sagot ni Sir Jeronn kay Sir Jann Michael

at biglang sumingit si ma'am cristine kaya nasarado ang usapan nila Sir Jeronn at Sir Jann Michael

" o kuya Jeronn kain na tayo" yaya ni Ma'am Cristine kay Sir Jeronn at kay Sir Jann Micahel

" Tapos na kami ni millary" sagot ni Sir Jeronn Kay Maam Cristine, sabay tingin nito sa akin na kinatango ko, gusto ko ng umalis sa kanilang harapan

" Ah ganoon ba , O kuya Jann tara kain na tayo, tapos na pala si kuya Jeronn" yaya ni maam Cristine kay sir Jann Michael at nakita kong tumayo si Sir Jann Michael at tinignan ako nito ng masama bago ito tumuloy sa kusina

At tuluyan na ngang nagtuloy ang dalawang magkapatid sa kusina , habang ako naiwan sa sala kasama si sir jeronn, kaya nagpasya na ko magpaalam sa kanya para pumunta sa aming silid ni Annie para makapagpahinga at makabawi ng lakas sa buong maghapon na pagagala namin kasama ang aking pinsan , sa nakikita ko kanina nakita ko ang lalim ng pagmamahal ni Sir Jeronn sa akin pinsan, parang may nakita akong kakaiba sa aking pinsan pero ndi ko mawari kung ano yun

" Sir Jeronn , mauna napo ako" paalam ko kay sir jeronn at ng nakita ko itong tumango tumalikod na ako pero tinawag nito ako ulit kaya humarap ako at bumulong pa ito sa akin

" sige, ako din mauna na ko" sabi ni sir jeronn sa akin at bigla siya bumulong sa akin" naalala ko din tatawagan ko pa si Love , baka nag-alala na sa akin yun, naku ayaw ko pa naman nag-aalala yun" sabi ni sir sa aking habang bumubulong, naku inlove na inlove ito sa aking pinsan

Bigla ako napangiti sa sinabi niya mukhang mahal na mahal nito ang pinsan ko kahit ndi nito kaharap mababakas mo talaga angkanyang nararamdan , ligtas ang puso ng pinsan ko dito, sa nakita kong tingin ng pinsan ko kay sir jeronn, alam ko mahal nito si Sir Jeronn pero may pumipigil dito ndi ko mawari kung ano man yun. Kaya bumulong din ako sa kanya habang nakangti kasi gusto ko asarin si Sir Jeronn, kung tiignan kami sa malayo ngmumukha kaming magsyota na naglalambingan , dahil busy kami sa asaran namin, ndi namin napansin na may mata na palang nakatingin sa amin at ang talim ng tingin nito sa amin,

" Itext mo na agad , naku baka makahanap yun ng iba, ikaw din , mawawalan ka ng magandang girlfriend, ahaha"sabi ko sa kanya sa mapang asar ko tinig at dinagdagan ko pa ng tawa na kinakunot nito ng noo at kinatingin nito ng masama sa akin,

Nabigla ako ng bigla niya ako kurutin sa pisngin at sabay bulong " salbahe ka ah, wala ka kasi lovelife, aheheh" ganting alaska niya sa akin kaya bigla ako tumawa at Hindi ko napansin nasa gilid din pala si sarah, rachelle at yeng, parang nag uuyam ang kanilang mga tingin sa akin. Habang ang isang lalaking nakatingin sa amin ay nag aapoy sa galit ang kanyang mga mata,

" Osiya mauna ko sir jeronn"sabi ko dito sabya bulong sa kanyang tenga at ngumiti ng matamis

Nächstes Kapitel