webnovel

Chapter 8

"Salute!" Sabay-sabay na bigkas ng mga bagong recruit na pulis na nagdaan sa matinding training upang maging miyembro ng Philippine Swat Team na ipapadala sa iba't ibang lugar sa bansa. "At ease." Sabi ni Captain Luke Villacorta. "Today is your last day here in this camp pero hindi ibig sabihin nun ay magiging kampante na kayo. After this day, you will start your duties and responsibilities to our country and to the Filipino people. Dahil sa mga nagdaan araw ay binuhos ninyo ang lahat ng lakas ng isip at lakas ng inyong katawan, ngayon naman ay mauupo lamang kayo pero makikinig mabuti. Ito ang magiging gabay ninyo sa pagtugon sa daang inyong piniling tahakin." Tumingin si Luke kay Andre para ito sana ang magpakilala sa kanilang guest speaker pero tumingin ito sa ibang direksyon.

"Today, I present to you our guest speaker for your final training, a Psychologist and the youngest Cardiologist that is leading the known TOP Team here in Manila..."

Nangingiti si Andre sa nadidinig mula sa bibig ng kanilang Captain. Meron talaga silang papel kung saan nakalagay ang mga achievements ni Valerie na ginawa nila ni Abi. Siya talaga ang naka-assign na magpakilala sa kaibigan pero naisipan nilang bigyan ng twist ang introduction. "Hhhmmm, very good, Cap! Nag-aral ng lesson." Nangingiting bulong niya. "Ano'ng pinagsasabi mo dyan?" Tanong ni Aziz na katabi niya. "Wala!" Maikling sagot ni Andre. "May ginawa na naman kayong kalokohan ni Abi noh?" Sabi naman ni Bowie. Iling lang ang sagot ni Andre. "Nakow! Yang mga ngiti na 'yan? Panigurado may mababatukan mamaya." Sabi naman Ceasar. "Nga pala, dapat ikaw ang magbigay ng introduction 'di ba?" Tanong ni Darwin at isang nakakalokong ngiti ang isinagot ni Andre.

"The brain and beauty of TOP, Miss Valerie Villaflores." Pagtatapos ni Luke. Kasabay ng paglabas ni Valerie mula sa isang pinto ay ang hiyawan at palakpakan ng mga pulis. Lumapit si Luke sa dalaga at inilahad ang kanyang kamay. May hagdan kasing aakyatin papuntang stage at naka-heels ang doktora. Nag-aalangan si Valerie na tanggapin ang kamay ng binata dahil naiinis pa siya dito pero alam din n'ya na mapapahiya naman ito kapag hindi niya tinanggap ang pagiging gentleman nito kaya inabot niya ang kamay sa binata. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga pulis. "Bagay! Bagay!" Sigaw ng mga ito. Para namang walang nadidinig ang dalawa pero ramdam nila ang init ng mga kamay nila na magkahawak.

"So, let's start?" Panimula ni Valerie. Nang makita niyang nagsipag-ayos na ng upo ang bawat pulis sa kanyang harapan ay nangiti si Valerie. "This is a good start." Sabi niya sa sarili pagkatapos ay huminga ng malalim at nagsimula ng magsalita.

"Beauty and brains ha?" Sabi ni Andre na may nakakalokong ngiti sa kanyang mukha. "Humanda ka sa kin mamaya." Bulong naman ni Luke. Natawa naman si Andre at tinaas lang ang dalawang kamay bilang pagsuko.

.......

"Before I end this up, I have one simple question for you. Simple lang kaya sasagutin n'yo ito within 5 seconds. Okay?" Sabay-sabay naman sumagot ng "Yes, Doktora!" ang lahat. "Well then, let's begin. Merong isang hostage taking na naganap and the injured are, isa sa iyong kasamahan at ang isa ay ang suspect. Both are wounded, both ay sa diddib ang tama. Who would you save?" Mabilis na nagsipagtaas ng kamay ang mga pulis.

"Syempre yung kasamahan ko Doktora." Sagot ng isa na tinuro ni Valerie para maunang sumagot. "Kasamahan ko din po, Doktora." Sagot ng ikalawa. Ganoon din ang mga isinagot ng iba pang tinawag ni Valerie. "Walang pumili sa inyo sa suspect, well, that's understandable naman. What about you guys?" Turo ni Valerie sa grupo nila Luke. "Andre?" Tawag ni Valerie sa kaibigan. Tumayo naman si Andre. "Sa palagay ko ang pinakamagandang makakasagot niyan ay si Cap!" Sabi ni Andre sabay hila kay Luke para ito ay tumayo. Sigawan naman ang mga pulis pero ng tingnan sila ng seryoso ng kanilang Captain ay natahimik sila lahat.

"Well, Mr. Captain, who would you choose?" Seryosong tanong ni Valerie. "Kung maganda at sexy yung suspect, well..." Hiyawan ulit ang lahat pero hindi man lang natinag si Valerie sa seryosong mukha nito. "Just kidding. If I have to choose, I will choose..." Sadyang binitin ni Luke ang sasabihin at tumingin ng deretso kay Valerie. Lahat naman ay nag-iintay sa sagot ng kanilang Captain.

"I would choose both. Both of them are to be save no matter what they did, no matter who they are. Ang pulis ay mayroon mga core values sa pagiging maka-Diyos, makabayan, makatao at makakalikasan. Service, honor, and justice for all." Hindi namalayan ni Valerie na hindi niya inalis ang pagkakatitig sa binata habang ito ay nagsasalita. Ganoon din naman ang ginawa ni Luke.

"Parang sila lang ang nag-uusap ah." Bulong ni Darwin sa mga katabi. "Parang sila lang nagkakaintindihan." Dugtong naman ni Ceasar. Sumang-ayon naman si Bowie at Aziz sa pamamagitan ng pagtango. Si Andre naman ay hindi mapigil ang ngiti. Nang pumalakpak ang mga pulis ay para namang natauhan sila Luke at Valerie.

"Well, that's it. Thank you and good luck everyone." Pagtatapos ni Valerie. "Salute!" Sigaw ni Luke at sabay-sabay na sumaludo ang lahat kay Valerie. Hindi naman malaman ng dalaga ang gagawin kaya sumaludo din siya na ikinatawa ng lahat.

Sa pagbaba ni Valerie mula sa stage ay muling inilahad ni Luke ang kanyang kamay para alalayan ang dalaga. Wala ng pag-aalinlangang tinanggap ni Valerie ang kamay ng binata dahil sa totoo lang ay parang bibigay na ang kanyang binti dahil sa pagtayo ng matagal. Paghawak ni Luke sa kamay ng dalaga ay bigla itong muntik ng mapaluhod kaya mabilis niya itong inalalayan.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Luke. Nakita naman ito ni Andre kaya mabilis siyang lumapit sa dalawa. "Val, ano'ng nangyari?" Tanong nito sabay bigay ng upuan para maka-upo ang dalaga. "Medyo nangawit lang ang binti ko. Hindi n'yo naman kasi sinabi na apat na oras akong tatayo." Sabi ni Valerie sabay himas sa binti. "Sanay ka naman sa ganoon katagal na pagtayo 'di ba? Sa OR nga minsan 8 hours o lagpas pa kayo nakatayo eh." Sabi ni Andre. "Mr. Guevarra, naka-surgical shoes po kami kapag nag-oopera." Pagtataray ni Valerie. "Kasi naman bakit ka nag-heels? Eh pano kung pinatakbo ka namin dito?" Isang malakas na batok ang natanggap ni Andre mula sa kanyang Kapitan. "Cap naman!" Himas ni Andre ang ulo. "Kanina ka pa! Nakakadami ka na!" Muli sanang babatukan ni Luke ang kaibigan pero nadinig ang matinis na boses ng grilfriend nito.

"Captain Luke Villacorta! Police brutality ang ginagawa mo sa boyfriend ko." Sabi ni Abi sabay lapit at yakap sa boyfriend na akala mo batang inapi ng kalaro. "Isa ka pa!" Sabay na sabi ni Luke at Valerie. "Uy, duet sila." Nakangiting sabi ni Andre. "Kakadating ko lang kaya, ano naman ang ginawa ko?" Painosenteng sabi ni Abi. "Mamaya tayo mag-uusap, Abigail!" May diing sabi ni Valerie. "Okay po, Doktora." Pacute na sabi ni Abi kaya lalo lang nainis ang kaibigan.

"Okay lang ba sa'yo kung kasama ka mamaya sa mag-aabot ng mga certificates?" Baling ni Luke kay Valerie. Noong una ay nag-aalangan ang binata na tanungin ang dalaga pero nagbakasakali na din siya. "Ha...okay." Sagot ng dalaga na naging sanhi para magkatinginan sila Andre at Abi. "May nangyari ba kanina na hindi ko alam, Tart?" Bulong ni Abi sa boyfriend. "Hindi ko din alam." Sagot naman ni Andre.

"Dre, sabihan mo sila Aziz na after ng lunch ay magformation na ang lahat sa field." Utos ni Luke. "Yes, Cap!" Sagot naman ng binata. "Mag-lunch na muna tayo. Kaya mo na bang maglakad?" Nandoon pa din ang pag-aalala ni Luke. "Bakit? May nangyari ba, Doktora?" May himig panunuksong tanong ni Abi. Pinanlakihan lang siya ng mata ni Valerie.

"Oo, kaya ko na." Sagot naman ni Valerie. "Iba talaga ihip ng hangin dito." Sabi ni Abi na luminga-linga pa sa paligid. "Aray!!!" Sigaw ni Abi na tumingin sa kaibigang doktor. Si Luke naman ay nangingiti lang sa nakikita sa magkaibigan. "Tara na nga, Cap! Gutom lang mga bulate n'yang speaker n'yo kaya ganyan yan." Kukurutin pa sana ulit ni Valerie si Abi pero mabilis itong nakatakbo palayo.

Nächstes Kapitel