webnovel

Chapter 9

"OR #3 and OR #4, get ready." Sabi ni Mia sa intercom ng nurse station. Dali-dali naman sinabihan ng mga nurses ang mga relatives ng mga pasyente na naka-schedule para sa operasyon ngayon araw. "Grabe si Dra. Villaflores, ratsada na naman ang mga OR niya." Sabi ni Nurse 1. "Oo nga, natahimik lang tayo ng isang linggo tapos kababalik lang niya eh jam-packed na naman tayo." Sabi naman ni Nurse 2. "Pero tiyak na may libre na naman tayo lunch, merienda, at dinner mamaya." Sabi naman ni Nurse 3. "Korek! Pagoda na naman ang mga beauty natin pero busolve naman ang mga tummy." Nag-thumbs ang tatlong nurse bago naghiwa-hiwalay para ayusin na ang mga OR na naka-line up.

.....

"Dr. Brillantes, please finish this up." Paki-usap ni Valerie sa kanyang Assistant Cardiologist na si Genesis. Kailangan niya kasing magpunta sa CR dahil kanina pa siya ihing-ihi. "Yes, Ma'am!" Sagot naman ni Genesis na magtatahi ng dibdib ng ika-apat at sana ay huli na nilang OR para sa araw na ito.

"Welcome back to Valerie's world." Sabi ni Archer na nagstretching pa matapos ang huli nilang OR. "Yeah, welcome to her toxic world." Dugtong naman ni Genesis na lumupasay na sa sahig ng OR room. "Ang tahimik na isang linggo ay binulabog na naman ni Val. Grabe! More to come pa." Sabi naman ni Mia na nakasandal sa pader at unti-unting dumadausdos pababa. "Ano ba kayo? Meron pa tayo bukas. 24/7 kaya ang peg ni Val." Sabi naman ni Abi na kulang na lang eh mahiga sa lamesa. "May reklamo ba kayo?" Tanong ni Valerie na naka-indian sit sa sahig ng OR. Sabay-sabay namang umiling ang kanyang team. "Good! Mabuti pa ay umuwi na tayo at ng makapagpahinga, bukas naman ulit. Ano nga pala schedule bukas?" Tanong ni Valerie kay Abi. "Isang 10 am saka isang 4 pm." Sagot naman ni Abi. "Uy, dalawa lang? Salamat naman!" Nakangising sabi ni Mia. "Huwag mo'ng batiin!" Sabi ni Genesis. Hindi pa man sila natatapos sa usapan ng schedule nila para bukas ay tumunog na ang intercom. "I have a gut feeling na iyan ang ikatlong OR natin bukas." Sabi ni Archer na hinihimas pa ang baba. Pare-pareho silang bumuntong hininga ng madinig na nagbigay ng oras si Valerie.

"Make it 7 pm." Sabi ni Valerie saka binaba ang intercom. "Abi, yung 4 pm natin tomorrow sa 3 pm mo sched. Okay?" Tumango naman si Abi. "Let's go!" Aya niya sa mga kasama na halos hilahin na ang mga paa. "Saan kaya nakukuha ni Val ang powers niya?" Bulong ni Archer. "Bionic yata 'yang babae na 'yan." Ganting bulong naman ni Genesis. Si Abi at Mia ay humahagikgik lang. "May mga bago bang applicants sa Cardiology Department?" Nakangiting tanong ni Valerie bago tumingin sa likod kung saan nagbubulungan ang apat. Halos madapa-dapa sila Archer at Genesis sa pagtakbo sa tabi ni Valerie. Si Archer ay kinuha ang kamay ni Valerie at minasahe ito. Si Genesis naman ay sa balikat ng doktora nagmasahe. "Alin pa masakit, Val?" Tanong ng dalawang lalaking doktor. Tawang-tawa naman sila Abi at Mia.

Pagkatapos magsipagtanggal ng kanilang mga OR uniforms ay naghiwa-hiwalay na ang limang miyembro ng TOP. Si Valerie at Abi ay sabay na uuwi dahil hindi masusundo ni Andre ang huli dahil may emergency meeting ang ORION.

"Val, about sa case ni Tito Damian, napag-isipan mo na ba kung paano mo sila kakausapin?" Bungad ni Abi pagkasakay nila sa kotse. "Yeah, sa Wednesday, wala tayong OR schedule, right?" Tango ang isinagot ni Abi. "Ask them kung saan nila gusto makipag-meet." Sabi ni Valerie. "Okay." Sagot naman ni Abi. "By the way, kamusta na kayo ni Luke?" Pag-iiba ng topic ni Abi. "Ha? The last time I saw him was nung seminar." Kumunot ang noo ni Abi. "Torpe talaga!" Bulong ni Abi. "Ha?" Sabi ni Valerie na hindi naintindihan ang sinabi ng kaibigan. "Wala, sabi ko sasabihin ko agad sa kanya na wala kang sched sa Wednesday kaya pwede mo sila maka-usap." Pagsisnungaling ni Abi. "Oo nga pala, 10 am pa naman tayo bukas 'di ba?" Tango ang isinagot ni Abi. "Dadaan muna ako sa bangko." Sabi ni Valerie. "Sasabay na nga din ako, may field work sila Andre eh kaya hindi na naman niya ako masusundo." Tango ang sinagot ni Valerie. "Bakit kasi hindi ka pa mag-aral mag-drive?" Tanong ni Valerie. "Ayoko nga! Eh 'di lalong hindi na ko nasundo ni Andre. 'Yun na nga lang 'yung time na nasosolo ko siya eh." Sabi ni Abi na may kasama pang pagtaas-baba ng kilay. "Yuck!" Nakangiting sabi naman ni Valerie. "Yuck ka d'yan! Sarap-sarap kaya." Parang ninanamnam pa ni Abi ang ginagawa nila ni Andre sa kotse nito. "What!!!??? You mean, you...yuck talaga kayo! Hindi na ko sasakay sa kotse ni Andre!" Isang malakas na tawa ang sinagot ni Abi.

.......

"Hindi ka na sasama sa loob?" Tanong ni Valerie sa kaibigan. "Matatagalan ka ba?" Balik tanong naman ni Abi. "Hindi naman, kakausapin ko lang manager nila about sa account ko. Maaga pa naman kaya wala pa sigurong tao." Sagot ni Valerie. "Dito na lang ako." Sabi ni Abi. Bumaba na sa kotse si Valerie at pumasok na sa bangko. Magalang siyang binati ng guard bago pinapasok sa loob. Dahil maaga pa nga, wala pang masyadong tao. Dahil naka-set na ang meeting nila ng manager ay dumiretso na siya sa table nito. Kilala naman na siya ng mga staff ng bangko dahil dito siya madalas mag-deposit at mag-withdraw ng pera dahil malapit lang ito sa kanyang condo.

Tahimik pa ang bangko, kakaunti pa lamang ang mga naka-upo at nag-iintay na tawagin ang kanilang number. Nang makita si Valerie ng manager ay agad itong lumapit sa dalaga. Paupo na sana ito sa kanyang upuan ng biglang nakadinig sila ng putok ng baril. Lahat sila ay tumingin sa may pinto ng bangko at nakita nila kung paano humandusay ang duguan katawan ng guard na nasa labas. Nabasag din ang salamin ng pinto dahil sa tinamaan din ito ng bala na tumagos sa katawan ng guard. Dahil doktor si Valerie ay agad-agad siyang tumakbo para lapitan ang guard pero napigil siya ng pumasok ang mga armadong lalaki na may hawak na mga armalite. Mga nakatakip ang mga mukha nito upang hindi sila makilala. Ang guard na nasa loob ay pinukpok ng baril sa ulo ng isa sa armadong lalaki dahilan para ito ay mawalan ng malay.

"Saan ka pupunta, Miss Beautiful?" Tanong ng isa sa armadong lalaki kay Valerie. Napalunok naman si Valerie dahil nakatutok sa kanya ang armalite na hawak nito.

"Lahat ng nasa loob, dapa!" Sigaw ng isa sa mga armadong lalaki. Sumunod naman ang lahat dahil sa takot na baka magaya sila sa guard. "Ooopppsss, hindi ka kasali sa kanila, Miss Beautiful." Napangiwi si Valerie ng bigla siyang sabunutan ng isa pagkatapos ay hilahin at ipalibot ang kamay nito sa leeg niya. "Boss, pwede." Sabi ng isa. "Kaya nga kinuha ko na eh, baka makatakas pa." Sabi ng lalaking tinawag na boss. Biglang nakadama ng takot si Valerie sa nadinig.

.......

"Abi, kalma lang, relax, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." Sabi ni Andre sa girlfriend na kausap nito sa telepono. "Si Val, bangko, tulong." Sabi ni Abi na hindi malaman ang sasabihin dahil nangangatog siya sa takot.

Busy si Abi sa pagtingin sa newsfeed niya sa facebook ng makita niyang nagkakagulo ang mga tao sa labas. Nanlaki ang mata niya ng makita ang pagbaril sa guard ng bangko sa labas. Sanay sila na makakita ng dugo sa OR pero ibang usapan na 'to. Agad-agad niyang tinawagan ang number ng boyfriend.

"Hinoholdap ang bangko! Si Valerie nasa loob!" Sigaw ni Abi pagkatapos ay humagulgol. Kasabay nito ay sabay-sabay na pagtunog ng alarm tone ng ORION.

Nächstes Kapitel