Nakarinig siya ng yapak ng mga paa na papalapit sa kaniyang silid. Agad siyang tumayo at nagmamadaling nagbalot ng damit, inilagay niyang lahat ang kakaunting piraso ng damit niya sa telang supot, hindi na muna siya babalik magpapadala na lamang siya ng telegrama kay Donya Juliana.
Parang bulang naglaho ang pagnanais na makausap niya ang binata, parang hindi niya pala kayang tanungin ito. Natatakot siya sa isasagot nito natatakot siya because deep in her heart she knew he will marry his childhood friend.
Mabait si Lucas maaring hindi nito mahal si Mariya but to honor his promised, to give respect to the man she put to jail that he call his second father, to be able to take care of Mariya... he will mary her.
Marahas na napalingon siya sa pinto ng kaniyang silid ng bumukas iyon at pumasok ang lalaking nagpapagulo sa kaniyang puso at isipan. Marahan nitong sinarhan ang pinto, matigas at marahas ang anyo na deretso ang tingin sa kaniyang luhaang mata. Tumalikod siya at pasimpleng pinahid ang mga luha sa pisngi.
"Pasensiya na Lucas wala akong panahon para makausap ka nagmamadali ako." Tiningnan nito ang mga damit na binabalot niya.
"Hindi ka aalis." Matigas na wika nito. Huminto siya sa ginagawa at malamig na tiningnan ito.
"You're not the boss of me Lucas. Sabihin mo na ang sasabihin mo bibigyang kita ng limang minuto." Pantay at malamig niyang wika.
Hinintay niyang magsalita ito subalit nanatili ang matalim na titig nito sa kaniya at nakatiim bagang. "Cat got your tounge honey? I was actually expecting that you will say sorry, tama ang mga sinabi ko di ba, you don't really love me, I get it. Ako na ang magsasabi kung nahihiya ka. We're over Lucas. Hindi na kita gustong makita pa."
"Pagkatapos ng ginawa mo ay tatakas ka, alam ko ang ginawa mo sa gobernadorcillo Kallyra papaano mo nagawa yun sa mga taong wala namang ginagawang masama sayo, dahil sa labis na paninibugho mo kay Katrina ay nagawa mong magpahamak ng tao." parang matatalas na patalim ang mga salita nito na sumusugat sa kaniya.
Nangatal ang pang-ibabang labi niya. "Dahil sa pagseselos?" hindi makapaniwalang ulit niya pagkatapos ay pagak na tumawa. "Ganyan ba kababa ang tingin mo sakin Lucas?" hindi niya naitago ang pait at pagdaramdam sa kaniyang tinig subalit nanatiling matigas ang anyo ng binata.
"Hindi ba, Ikaw na ang nagsabi na makasarili ka." Malamig na sambit nito. Pakiramdam ni Lyra ay dinurog ang puso niya matapos itong saksakin ng paulit-ulit napahakbang siya paatras at napahawak siya sa aparador upang hindi matumba. Naramdaman niya ang muling pagpatak ng luha sa kaniyang pisngi.
"H-hindi mo pa pala ako kilala..." mahina iyon at punong-puno ng sakit. "Para sa mga batang indiyo Lucas... para sa kanila kaya pinabagsak ko ang taong yun, para makapagpatuloy sila sa pag-aaral!" hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses na may halong sakit at panunumbat.
"Tama na! wag mo silang gamiting dahilan Kallyra, inosente ang taong pinakulong mo. Alam mo ba kung ano na ngayon ang kalagayan ng kanilang pamilya, kinukutya sila ng mga tao at inalisan ng hanapbuhay dahil sa kagagawan mo!" gigil na singhal nito, hindi na matandaan ni Kallyra kung kalian siya huling nagalit ng ganito katindi, palagi siyang kalmado at nakatago ang emosyon pero ngayon parang gusto niya itong kalmutin at suntukin.
"You are f**king stupid Lucas! Bakit sa tingin mo ay wala ng problema sa mga negosyo niyo, dahil ba napagod ang mga gumagawa noon, napagod na ba ang mga rebeldeng indiyo at tulisang pinagbibintangan mo, o dahil nakakulong na ang nag-uutos na gumawa noon? Ano Lucas alin sa dalawa?" tuya niya dito pagkatapos ay marahas na dinampot ang supot na pinaglagyan ng kaniyang mga damit at malakas na binunggo ang nakaharang na lalaki sa pinto ng kaniyang silid upang makalabas.
Nagmamadaling bumaba siya ng hagdan narinig niya ang mga yabag ng paa nitong pasunod sa kaniya.
"Lyra!" narinig niyang galit na tawag nito sa kaniya, hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy sa pagbaba, sa ibaba ng hagdan ay naroon ang mag-asawang De la Torre na tulala at nanlalaki ang mga matang nakatunghay sa kanya, base sa mga mukha ng mga ito ay alam niyang narinig ng mga ito ang malakas na sigawan nila ni Lucas.
Bago siya makalabas ng pintuan ng malaking bahay ay nahagip ng mata niya ang malungkot at naluluhang mata ni nanang Pasing.
Sa nanlalabong mga mata ay tumakbo siya sa gilid ng batuhang daan sapagkat walang dumaraang kalesa. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo ng marinig ang mabibilis na yabag ng paang humahabol sa kaniya at ang galit na pagtawag ni Lucas sa kaniyang pangalan.
Hindi siya lilingon
Hindi siya hihinto
Hindi na siya babalik.
Sa oras na huminto siya, hindi na siya makakaalis, she will waver, her heart will refuse to leave him even if she bleeds. Hindi niya pasasakitan ang sarili, after Lucas and Mariya get married wala na siyang lulugaran sa bahay na ito, sa buhay ni Lucas.
Nakikita niya ang sariling nakangiti subalit malungkot ang mga matang nagmamasid sa masayang pamilya ni Lucas at Mariya kasama ang maliliit na Lucas na pinapangarap ni Donya Juliana.
No.
She will not do that to herself.
If she cannot have her happy ending here she will go back to her own family, to her old life, to her own Earth, even if its light years apart.
Who would have thought that the ice queen would love and bleed one day. She will tell her cousin about it, she will let her know that she is human too. Pero baka hindi na nito malaman pa, she might be too old when she comes back, or maybe she's dead already. She wished to see them again, her family, friends and her colleagues.
Isang mabigat na bagay ang dumagan sa kaniya at nagpagulong-gulong sila sa gilid ng damuhan. Sumugat sa mga braso niya ang tinik ng mga makahiyang nagulungan niya. Nauntog pa siya sa bato na nagpahinto sa paggulong nila. Bahagya siyang nahilo at kumirot ang mga gasgas at bukol niya.
"Babalian mo ba ako!" gigil na sigaw niya sa lalaking nakadagan sa kaniya subalit napatitig siya sa nanlalaki nitong mga mata, nababasa niya ang halo-halong emosyon doon.
Galit, sakit, at takot...
Namumula at nagtutubig ang mga mata nito hindi siya nakakilos ng yakapin siya nito ng mahigpit halos hindi na siya makahinga. "Hindi ka pwedeng umalis!" galit na asik nito, nanginginig ang tinig at nababakas ang takot.
Kinagat niya ang labi at pinigilan ang pagbagsak ng luha sa kaniyang pisngi. Pareho silang hinihingal, itinulak niya ito at mabilis na tumayo, mabilis rin ang ginawa nitong pagtayo at agad na hinawakan ang kaniyang braso. "Hindi ka aalis!" ang muling singhal nito.
Bumukas ang bibig niya upang magsalita subalit naunahan siya ng isa pang tinig ng babae.
"Lucas.." sabay silang napalingon ng lalaki kay Mariya, sa likod nito ay naroon ang ina nitong si Donya Trinidad na masama ang tingin sa kaniya "May pupuntahan ba kayo?" ang tanong pa ng dalaga na bumaling ang tingin sa hawak niyang supot at sa kamay ni Lucas sa kaniyang braso.
Naramdaman niya ang marahang pagbitiw ng kamay ni Lucas sa braso niya. Agad ang pagkalat ng lamig sa kaniyang sikmura.
"Patungo kami sa tahanan niyo Lucas, tamang-tama at narito ka pala kailangan mong samahan si Mariya na maghatid ng balita sa iyong mga kamag-anak sa nalalapit niyong kasal. Sana lang ay walang ano mang hadlang, dahil hindi na kakayanin ng aking anak ang panibagong kahihiyan." Ang tinig ng Donya ay tila nagbabanta, hindi inaalis ang masamang titig sa kaniya.
"Pagkatapos ninyong maghatid ng balita ay magtungo kayo sa malaking klinika sa bayan, sa tingin ko ay kailangang matingnan ng doktor ang aking anak dahil sa mga nangyari ay nais kong makasigurong hindi iyon nakasama sa kaniyang kalusugan." Ani pa nito.
Tumungo si Mariya at parang nahihiya sa pinagsasabi ng sariling ina. Nilingon niya ang tahimik na si Lucas, he looked torn and hurt, halatang hindi alam ang gagawin.
Muli niyang kinagat ang nanginginig na labi. Tumitig din ito sa kaniya na para bang may nais itong sabihin, may nais na mabasa sa mga mata niya at parang may nais itong mabasa niya sa mga mata nitong nakikiusap.
"Lucas..." si Mariya, napatungo ang tinawag. Nakita niya ang pagpatak ng luha nito bago nawala sa damuhan. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo at ang pagtibok ng puso ni Kallyra ng tumalikod ito at humakbang papalapit sa dalagang tumawag dito. Siya naman ang napatungo, iyon ay upang itago ang sunod-sunod na pagpatak ng kaniyang luha.
Nakapili na ito...
Pinanood niya ang pagalis ng mga ito, tanga na nga siguro siya dahil humihiling siya na sana ay lumingon ang binata dahil hindi siya aalis kung gagawin nito iyon, but he didn't. Sa halip ay ang dalagang pinili nito ang lumingon sa kaniya. Mayroong lungkot sa mata nito na larawan ng babaeng nasasaktan para sa kapwa nitong babaeng nagmamahal.
Wala na ang mga ito sa kaniyang paningin ng humakbang ang kaniyang mga paa paalis doon. Pinahinto niya ang unang kalesang dumaan at agad na sumakay. Hindi niya ipinagkait sa sarili ang pagnanais na umiyak.
***********
"We found her! We found her!" everybody in the ship shouts excitedly, the other remaining capsules has been found as well, 16 capsules automatically ejects due to the effect of the system malfunction it takes them five years to locate all of it, and Professor Kallyra Smith Romanov was the last one they have to rescue.
"Excellent, now all we have to do is to contact her, send the signal to Capsule RSF 105 the Capsule will automatically send signal to the tracking device do it fast, we already collects all the data we needed, we have to move fast so we could go back to Earth!"