webnovel

CHAPTER 17

NAGISING si Lay Raven na nananakit ang ulo at halos hindi makagalaw. May hang-over kasi siya. Mabigat ang hiningang pinakawalan niya matapos mapatitig sa puting kisame ng kwarto niya. Naroon siya sa kanyang dating kwarto, doon sa bahay ng mga magulang niya. Doon siya dumiretso matapos niyang iwang umiiyak sa parke si Ruth kahapon.

Wala siyang lakas ng loob na harapin ito eh. Litong lito din siya. Gusto niyang papaniwalain ang kanyang sarili na tamang sundin niya ang gusto nito—ang maghiwalay sila. Hindi ba't iyon naman ang makakabuti para sa kanilang dalawa? Pero kahit na ano'ng gawin niya ay hindi niya magawang alisin ang sakit na bumalot sa kanyang puso nang hilingin nitong maghiwalay na sila. It was more painful than before.

Kasi ngayon, alam na niya ang mga pagkukulang niya rito. Hindi kagaya noon na malabo pa ang lahat. Ngayon ay maaari na niyang itama ang mga mali niya at punan ang mga pagkukulang na iyon. Pero paano? Napabuntong hininga siya. Mayamaya'y napagpasyahan niyang bumangon at lumabas ng kanyang kwarto. Hustong makalabas siya ay napatigil siya sa nakita.

"Kakatukin sana kita," anang kanyang amang si Ruben. "Mabuti at gising ka na. Bumaba ka at kailangan nating mag-usap," anito bago tumalikod at naunang pumanaog.

Tila lutang ang utak na sumunod siya rito. Bigla siyang natigilan nang makarating siya sa sala at madatnan na hindi lamang ang kanyang mga magulang ang naghihintay sa kanya roon.

"Kanina ka pa namin hinihintay," ani Mary, mommy ni Ruth.

Tahimik siyang naupo sa sofa paharap sa mga ito. He could feel everybody's eyes on him. He cleared his throat. "Hindi ko alam kung bakit ninyo ako gustong kausapin."

"When will you grow up?" naghihinanakit na tanong ni Leah, ng kanyang ina.

When? Hindi niya rin alam. Kung pwede nga lang ay ngayon na, para magawa niyang alisin ang takot niya sa kanyang sarili at maisip na kaya na niyang panindigan si Ruth.

"Nandito kami para kausapin ka tungkol sa kung ano ang balak mo sa anak ko," ani Mary.

"M-maghihiwalay na kami," halos hindi marinig niyang sagot.

Hindi pa rin niya magawang tanggapin ang bagay na iyon pero alam niyang dapat niyang ihanda ang kanyang sarili. Hindi niya pwedeng pigilan si Ruth na umalis sa tabi niya. Kaya kahapon ay inutusan niya ang kanyang abogado na asikasuhin na ang annulment papers nila.

"You don't love my daughter," iling ni Mary.

"I do!" mabilis niyang sagot. "I love her very much."

"Kung mahal mo naman pala siya ay bakit mo siya pakakawalan?" ani Leah.

Napatingin siya kay Cresencio na noo'y tahimik lang na nakamata sa kanya. Without letting his eyes go, sumagot siya. "Because I don't deserve to be her other half."

"But you are the perfect son-in-law."

Natigilan siya sa naging sagot ni Cresencio. Pagkunwa'y napailing siya. "How could you say that? Puro kahihiyan ang idinulot ko sa pamilya ninyo," aniya sa nasasaktang tono. "I got your precious daughter pregnant tapos ay nakipaghiwalay pa ako sa kanya."

"But you gave us a very precious granddaughter. You gave us Crystal."

Napayuko siya. "You've always hated my guts."

"Aaminin ko, noong una ay ayoko sa'yo. I thought you ruined my daughter's life pero nagkamali ako. You gave my daughter the kind of life we won't be able to give her. Ipinakita mo sa kanya na ang pagmamahal ay pagsasakripisyo. Because of you, madaming bagay na isinakripisyo ang aking anak—her luxurious life, her dreams, even her happiness."

"P-pero hindi ako sapat para sa kanya."

"Sino ka para magsabi niyan? Nakaya mong isuko ang pangarap mo para sa anak ko. Nagawa mong isuko ang lahat para sa mag-ina mo pero may hangganan ang pagsuko, hijo. Hindi mo kailangang isuko ang kaligayahan ninyong dalawa dahil lang natatakot ka."

"Hindi ko siya kayang panindigan."

"Nakaya mo na siyang panindigan dati. You chose her over your future."

"I-isinuko ko rin siya."

"Hindi ka mag-isang sumuko. Dalawa kayong sumuko. Hindi lang ikaw ang nagkasala. Ang kasal ay hindi lamang para sa papel o para sa mga taong nasa paligid ninyo. Ang kasal ay pagbibigkis ng inyong mga puso, ng mga buhay ninyo. At para mapanatili ang maganda ninyong pagsasama ay kailangan ninyong magtulungan. Kung ano ang pagkukulang ng isa, kailangang punan ng isa. Alam kong nahihirapan pa kayong intindihan ito sa ngayon, you need time."

Tama ito. Nahihirapan nga siyang intindihan ang lahat. He was too scared to choose. He was too scared to think what to do. He was too scared to have another failure.

"Ang kasal ay parang negosyo, hijo. Hindi iyon lalago kung hindi mo pagbubuhusan ng panahon para pag-aralan. Hindi iyon tatayo at magiging matatag kung puro kapital lang. You can build a big company if you want to, lalo kung alam mong malaki ang kapital mo. Pero hindi ba't madaling malugi ang kumpanya, kahit gaano pa kalaki ang kapital mo, pag hindi mo iyon kayang patakbuhin ng maayos? Ganon din ang kasal. Hindi pwedeng puro lang kayo pagmamahal."

"Hindi tatagal ang inyong pagsasama o ang inyong kasal kahit gaano pa kalaki ang pagmamahal ninyo para sa isa't isa. You have to understand each other. Kailangan ninyong pag-aralan ang bawat isa. Kailangan ninyong maglaan ng panahon para punan ang pagkukulang ng bawat isa. Kailangan ninyong gawin ang lahat para lumago iyon. At kagaya ng kapital, kapag hindi naalagaang mabuti ay nauubos rin ang pagmamahal. Pero sa kaso ninyo, hindi naubos ang pagmamahal, diba? Ibig sabihin, kagaya ng isang papaluging kumpanya ay may pag-asa pa kayong umangat ulit. In business, it's all about the right timing and right strategy."

"At alam kong magagawa mong ayusin ito, Lay Raven. Dahil may tiwala ako sa'yo. Lahat kami ay may tiwala sa'yo. Make this marriage work. Hindi lang para sa sarili ninyo, hindi lang para sa amin kundi para na rin sa inyong anak," mahabang paliwanag ni Cresencio.

When he stopped talking, namayalan na lamang niya ang kanyang sariling hilam ng luha ang kanyang mga mata. He was too overwhelmed to talk. Tumayo siya at mahigpit na niyakap ang kanyang biyenan. "Thank you," sinsero niyang bulong.

"This is your father's idea," ngiti nito.

"Actually, pareho naming ideya ito. Nagdebate kami tungkol sa kung papaanong paraan namin ipapaintindi sa'yo ang tungkol rito. And he won. Kaya siya ang nagpaliwanag sa'yo," sabat ng kanyang ama. Natatawang hinila niya ito at niyakap rin.

"Being open is not a weakness, son. Nandito kami lagi, handang umalalay sa'yo. You have two fathers now. I may not be that good with words but I like you for my daughter," ani Cresencio.

He gratefully hugged the old man. Ngayon ay nauunawaan na niya kung ano ang dapat niyang gawin. He would get his wife back. Pero bago iyon ay kailangan muna niyang ayusin ang kanyang sarili at ang lahat para mas maging maayos ang pagbawi niya sa kanyang mag-ina. Mabuti na lang at may dalawang ama siyang handang tumulong sa kanya.

Nächstes Kapitel