webnovel

CHAPTER 18

MAHIGIT isang buwan na simula noong sabihin niya kay Lay Raven na gusto niyang makipaghiwalay rito. At mahigit isang buwan na rin simula noong huli niya itong makita. She smiled bitterly. Ni hindi ito gumawa ng paraan para pigilan siya. What did she expect? Hindi nga ba't ni hindi siya nito nagawang pigilan sampung taon na ang nakakaraan?

Napahikbi siya. Wala na siyang ginawa kundi ang umiyak simula noong umuwi siya sa kanyang bahay. Napatingin siya sa kanyang anak na noo'y naghahanda ng pagkain sa kusina. Simula noong naghiwalay sila ng ama nito ay lagi na siya nitong inaalagaan.

Akala niya ay magagalit ito sa kanya, kagaya ng banta nito noon, ngunit sa halip ay tila mas lalo pa itong naging sweet sa kanya. Kung gaano sila ka-immature ni Lay Raven noong kabataan nila ay siya namang pagiging mature nito. Crystal has always been the most understanding daughter for her. Pinapatawa siya nito sa tuwing nalulungkot siya. Sinasamahan siya nito sa tuwing pakiramdam niya ay nag-iisa lang siya.

"Mommy, handa na ang meryenda," nakangiting anito. "Sa hardin tayo?"

"Sige," nakangiting sagot niya matapos niyang punasan ang kanyang mga luha.

Ayaw niyang ipakita sa kanyang anak na nalulungkot siya. And Crystal always knew what to do. Kapag napapansin nitong naluluha na siya ay pasimple itong umaalis upang iwan siya.

"H-how are you feeling, mommy?" tanong nito nang makarating sila sa may hardin.

"I'm fine," aniya sa pinasiglang tining.

"Do you still miss him?" Tumango siya. Alam naman nito kung gaano niya kamahal ang ama nito. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kayo naghiwalay. You clearly love each other."

"Hindi mo pa maiintidihan sa ngayon."

"Sana, kapag nagmahal ako ay hindi kasing kumplikado ng sa inyo ni daddy."

"You're father is the best man any woman could ever have."

"Then why aren't you together?"

"Kasi, pareho kaming duwag," malugkot niyang sambit. "Don't marry too early, baby. Okay lang ang magmahal ng maaga pero sana ay huwag ka munang magpakasal agad. There are certain things that you should understand before you get married."

"Pero bakit iyong parents ng kaklase ko? They got married when they were both teenagers, kagaya ninyo ni daddy. Masaya naman sila. And until now, they are still married."

"Maswerte sila kasi maaga silang nagmature. Hindi ko naman sinasabi na hindi lahat ng kagaya ng sa amin ng daddy mo ay hindi nagkakaroon ng masayang buhay mag-asawa."

"Pero hindi totoo ang swerte mommy. Dahil ang buhay ng mga tao ay hindi dinidiktahan ng kapalaran. Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin, diba?"

Napangiti siya. "I wish we were as matured as you when we were at your age."

Naantala ang pag-uusap nila nang biglang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan sila bago nagpasyang tumayo si Crystal upang bistahan ang nasa labas. "Ako na, mommy."

"Sino yun?" kunot noong tanong niya kay Crystal nang makitang naglalakad na ito pabalik. Hindi ito nagsalita ngunit mababakas sa mukha nito na hindi ito mapakali.

Nang mapatingin siya sa likuran nito ay napagtanto niya ang dahilan kung bakit ganon ang naging reaksiyon nito. Napadako ang tingin niya sa lalaking kasunod ng kanyang anak. Nahigit niya ang kanyang hininga nang mapagsino ito. He looked thinner, he looked paler but he was still the man she's loved for twelve years!

"L-Lay Raven," anas niya.

"Hey," anito sa swabeng boses.

His eyes never left hers. Habang naglalakad ito ay kitang kita niya kung paanong tila sinasabi ng mga mata nito kung gaano siya nito namiss, kung gaano siya nitong gustong yakapin ng mga sandaling iyon, kung gaano siya nito kamahal. Baka delusional lang siya. How could he look at her like that? Hindi nga ba't kay dali nitong nakipaghiwalay sa kanya?

"Ano'ng ginagawa mo rito?" aniya sa pinatigas na tinig.

"I want to give you this," anito sabay abot sa isang envelope sa kanya.

Inabot niya iyon at binuksan. Bigla siyang nanigas nang makita ang laman niyon—their annulment papers. Huminga siya ng malalim upang kalmahin ang kanyang sarili at upang pigilan ang kanyang panginginig bago ito binalingan. She tried to smile at him. Pero alam niyang nagmumukha lang siyang tanga dahil hindi siya makangiti ng maayos. She was hurt, that's why. Sobrang nasasaktan siya. Ganon na ba talaga ito ka-excited na mahiwalay sa kanya?

"Our annulment papers would be fully processed after you sign that. Tapos na ang processing, so it wouldn't be a problem for the hearing. Ang sabi ng abogado ay mas mapapadali kung pipirma tayong dalawa diyan. It would only take us almost a year to wait."

Gusto niya itong murahin, gusto niya itong suntukin sa dibdib, gusto niya itong saktan para maibsan ang sakit at galit na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon pero pinigilan niya ang kanyang sarili. He was acting so cool about it. Bakit siya magpapaapekto?

"Crystal, give me a pen," malamig niyang utos.

"M-mommy? Daddy?" hindi makapaniwalang untag ng anak nila.

Nilingon niya ito at tsaka binigyan ng nagmamakaawang ngiti. Maunawain ang anak niya. She would understand what she felt right at that moment. Nangingilid ang luhang tumango ito at tsaka mabilis na pumasok sa bahay. Alam niyang batid nito kung gaano siya nahihirapan sa sitwasyon. Araw araw rin niyang ipinaliliwanag rito ang tungkol doon.

Hindi naglaon ay bumalik ito dala ang ballpen na ipinakuha niya. Sa nanginginig na kamay ay inabot niya iyon. Pikit mata niyang pinirmahan ang annulment papers.

"I hope you are happy," aniya bago ibinalik iyon kay Lay Raven.

Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya nang abutin nito iyon. And then he smiled, bagay na lalong nagpasama sa loob niya. "Of course, I am happy," sagot nito.

Doon na kumawala ang lahat ng galit niya. Sinampal niya ito. Ni hindi man lang ito natinag. Sinipa niya ito at pinagsusuntok sa dibdib pero kagaya kanina ay ni hindi man lang ito ngumiwi, sa halip ay hindi nito inaalis ang pagkakangiti. Napaiyak na siya.

"Ang sama mo!" sigaw niya. "Ang sama sama mo! Ni hindi mo man lang magawang magpanggap na nasasaktan ka ring makipaghiwalay sa akin." Napatigil siya sa pagsugod rito at nanghihinang napadausdos paupo sa damuhan. "Kahit pabalat bunga lang, sana nagpanggap ka."

"Hindi ako nasasaktan," wika nito. Mayamaya'y bigla itong umupo upang magpantay ang mga tingin nila. "Kasi, ito ang magiging simula ng lahat sa atin."

"A-ano'ng ibig mong sabihin?"

"I have already wasted ten years of our lives. Hindi ko na hahayaang madagdagan pa ang mga panahong masasayang dahil hindi kita ipinaglaban."

Parang nagkaroon ng bikig ang lalamunan niya nang bigla itong lumuhod. She couldn't find her voice to speak. Ang tanging nagawa niya ay ang takpan ang kanyang bibig upang pigilan ang mga hikbing gustong kumawala sa bibig niya. Hindi na tumigil sa pag-agos ang mga luha niya.

Napasinghap siya nang bigla nitong iharap ang isang pulang kahita sa kanya. "Twelve years ago, hindi tayo nagkaroon ng formal engagement. Maraming bagay tayong hindi nagawa. Siguro, iyon ang naging isa sa mga dahilan kung bakit hindi naging perpekto ang pagsasama natin."

"H-hindi ko maintindihan," iling niya.

"Mommy, hindi mo pa ba nage-gets? Daddy is proposing to you!" excited na tili nito. Isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa kanyang anak dahilan upang tumigil ito sa pagsasalita. Nahihiyang nag-peace sign ito bago isinara ang bibig.

"Tama si Crystal. I am proposing to you. I want us to start anew. Gusto ko na bago tayo muling mag-umpisa ay ayusin muna natin ang lahat," nakangiting segundo ni Lay Raven.

"Hihiwalayan mo ako para lang pakasalan ulit?" hindi makapaniwalang ulit niya.

"Sino'ng makikipaghiwalay?" ismid nito. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla nitong punitin sa harap niya ang annulment papers na kanina lamang ay pinapirmahan nito sa kanya.

Twelve years ago, he had proposed in front of her like that. Dangan lamang ay iyong scholarship nito ang pinunit nito sa harap niya noon—his future, his own dream. At ngayon, ang pinunit nito ay ang papel na nagsasabing kailangan na nilang maghiwalay. Natutop niya ang kanyang bibig sa implikasyon ng ginawa nito. He wanted her to stay into his life—forever—just like what they'd vowed inside that church twelve years ago.

"I want to do the things we never did before. I want us to renew our vows, sweetheart. Gusto kong ikasal ulit tayo. Let's start being open to each other now. Kailangan nating itama ang lahat ng mga naging pagkakamali natin noon. Para maayos na rin ang pagsasama natin."

"P-paano ka nakakasigurong gugustuhin kong magpakasal ulit sa'yo?"

"Kahit pa mapugutan ako ng ulo ay hinding hindi na kita isusuko ulit. Gagawin ko ang lahat para lang pumayag kang ikasal ulit sa akin. Kung kinakailangang ligawan kita ulit, gagawin ko. Isa pa, ano ang dahilan kung bakit ayaw mong maikasal ulit sa akin? Hindi pa tayo hiwalay. Kapupunit ko lang ng annulment papers natin. Kaya kahit hindi ka pumayag sa renewal of vows na inaalok ko ay hindi mo pa rin ako matatakasan dahil kasal pa rin tayo. I won't let you go again."

She didn't know what to say. Para kasing sasabog ang dibdib niya sa sobrang kasiyahan. All she had to do was say yes and then she would live happily with him. Ano pa ba ang mahihiling niya? Muli siyang napatitig sa sa lalaking pinakamamahal niya.

"Itatama ko ang lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko noon. Uumpisahan ko iyon sa pamamagitan ng paghingi ng tawad sa mga nagawa at nasabi ko sa'yo noon na nakasakit sa'yo. I will do everything just to make you forgive me. Habang buhay kong pagsisisihan iyon. I will never forget the day that I have broken your heart into pieces. And I will fight for you, Ruth. Hanggang sa huli. Aalagaan ko kayo ni Crystal dahil mahal na mahal ko kayo."

Napayakap siya rito. "I love you, too. More than you love me. Hindi mo na kailangang humingi ng tawad dahil matagal na kitang napatawad."

"W-will you marry me again?" tanong nito matapos muling lumuhod. Muli nitong inilabas ang kahita. Hinuli ng mga mata nito ang nanunubig niyang mga mata. "Please say yes."

How could she say no when his eyes were pleading like that? Na para bang nakasalalay sa sagot niya ang buhay nito. His eyes told her how much he loved her. Napahawak siya sa kanyang dibdib at sunud-sunod na napatango habang umiiyak.

"Yes, Lay Raven. It's a yes!" humihikbing sagot niya.

"This is the best answer you've ever given to me!" tuwang tuwang sigaw nito.

"And this is the best advanced birthday gift you'd ever given to me," ngiti niya. At natitiyak niya ang nalalapit niyang kaarawan ay ang magiging pinakasamasayang kaarawan niya dahil muli niya itong makakasama at muling mabubuo ang pamilya niya.

Agad itong napatayo at mahigpit siyang niyakap. Mayamaya pa'y siniil siya nito ng isang makapugto-hiningang halik sa labi. Malugod niyang tinugon iyon. Napatigil lamang sila sa paghalik sa isa't isa nang biglang sumigaw si Crystal.

"Finally!" tuwang tuwang sigaw ni Crystal. "I've gotta call my lolo's and lola's!" excited na tumakbo ito patungo sa loob ng bahay. Nagkatawanan sila ni Lay Raven.

Tama si Crystal, finally, mabubuo na rin ulit sila. And hopefully, it would last forever.

A/N:

If you want to read the EPILOGUE, pwede kayong pumunta sa d r e a m e - a p p, search for my profile (same user name) and same story title. The Epilogue will be posted there. Thanks! :-)