webnovel

Ang Regalong Binigay Nito Sa Kanya

"Sige na. Ipapakuha ko nalang yan bukas," napipilitang sabi ni Gu Jingze.

"Yes, mabuti naman," gusto sana ni Mo Huiling na si Gu Jingze mismo ang kukuha nun pero naisip niya na hindi dapat siya maging mapilit. Kaya, pinigilan niya ang sarili.

Kung gusto niyang mas piliin siya ni Gu Jingze kaysa kay Lin Che, kailangan niyang magtiis!

Sinabi niya sa kabilang linya, "Hindi ko inaasahan na isasama mo si Lin Che sa charity gala. Alam mo bang first time mong magsama ng babae sa isang event? Kahit minsan ay hindi mo ako isinama noon…"

Nag-aalangang sumagot si Gu Jingze, "Pero wala naman akong pwedeng isama noon… Hindi mo naman gustong sumama sa mga dinners, di ba?"

"Ako… Sinong may sabi na ayoko? Akala ko kasi ay gusto mong umiwas sa mga usap-usapan," pagpapaawang sabi ni Mo Huiling.

"Oo nga't ayaw kong pinag-uusapan ako ng mga tao pero hindi ko sinabing hindi tayo pwedeng dumalo sa mga events. Ganunpaman, dapat ay noon pa lang ay sinabi mo na sa akin na gusto mo palang sumama. Eh kasi, paano ko naman malalaman iyon?" sagot ni Gu Jingze.

"Ano…" Napuno ng pagsisisi ang dibdib ni Mo Huiling. Mali ba ang pagkakaintindi niya rito? Akala niya kasi ay hindi nito gusto, kaya hindi niya sinabi dito na gusto niyang sumama.

"Jingze, pakiramdam ko lang kasi ay masyado kang maluwag kay Lin Che. Huwag kang magalit sa akin kung sinasabi ko man ito dahil para lang naman sa ikabubuti mo ito. Asawa mo na si Lin Che. Isa na siyang Mrs. Gu pero mukha kasing wala siyang pakialam. Hindi siya marunong kumilos nang tama at nagpapasikat pa nga siya sa kanyang Weibo. Parang sumusobra na kasi siya. Kailangan mo siyang pagsabihan kung paano maging isang Mrs. Gu."

Sinagot siya nang patanong ni Gu Jingze, "Bakit naman hindi siya pwedeng magpost sa kanyang Weibo?"

"Hindi ba't ang pangit tingnan kung nagyayabang siya?"

"Wala akong nakikitang mali doon."

Napanganga si Mo Huiling. Sa sandaling iyon ay napagtanto niya na hindi na niya kilala si Gu Jingze.

Nagpatuloy si Gu Jingze, "Wala akong masasabi tungkol sa mga bagay na iyan. Ganunpaman, hindi siya nagpopost para magyabang. Gusto niya lang magpost dahil masaya siya na gawin iyon."

"Ano…"

Aminado si Mo Huiling na hindi niya kayang kumbinsihin si Gu Jingze. Pagalit na sinabi niya dito, "Ano pa man iyan, basta't nag-aalala lang ako kaya sinasabi ko sa'yo ito. Kung ayaw mong makinig, bahala ka."

Hindi inaasahan ni Gu Jingze na iniisip pala ni Mo Huiling ang tungkol sa mga bagay na ganito. Noon akala niya ay simpleng babae lang ito at ayaw din nito ng maraming atensyon. Ganun ang pagkakakilala niya rito. Pero ngayon ay nalaman niyang marami palang mga maliliit na pangarap si Mo Huiling na hindi niya alam.

Kinabukasan ay nagpadala si Gu Jingze ng taong kukuha ng tie clip mula kay Mo Huiling. Sumulat siya ng maikling note bilang pasasalamat dito. Nang dumating ang kanyang inutusan ay binuksan niya ang maliit na box para makita ang laman nun. Madalas siyang bigyan ni Mo Huiling ng mga regalo noon pero hindi naman mapapakinabangan ang mga iyon. Marami na siyang natanggap mula rito kaya nahuhulaan na niya kung ano ang laman nun. Kung kaya, tinatambak niya lang lahat ng mga regalo nito sa isang gilid ng kanyang kwarto. Ang iba nga ay hindi pa niya nabubuksan.

Samantala, ginugol ni Lin Che ang buong araw niya sa pakikipagkita sa mga magiging kasama niya sa gagawing show. Pagkatapos ng paghahanda't pakikipag-usap sa mga ito ay umalis na siya kasama ni Yu Minmin.

Sinabi ni Yu Minmin sa kanya, "Nakita ko ang isang announcement tungkol sa show na gaganapan ni Gu Jingyu. Si Qin Wanwan pala ang katambal niya."

"Talaga? Narinig ko nga dati si Qin wanwan na nabanggit niyang magkakasama sila ni Gu Jingyu sa isang proyekto."

Nagkomento naman si Yu Minmin, "Mukhang magiging maganda ang susunod na palabas ni Qin Wanwan. Lahat ng show na ginaganapan ni Gu Jingyu ay mataas ang ratings. Malalakas din ang producers niya."

"Oo nga."

"Pero hindi rin naman tayo napag-iiwanan. Kilala rin ang head director ng show mo ngayon lalo sa mga classical dramas. Baka nga makakuha pa tayo ng chance na makasali para sa TV Drama Award. Sige na, umuwi ka na at maghanda."

"Oo, gagawin ko yan, Miss Yu."

Pagdating sa bahay ay dumiretso siya sa kwarto. Agad na bumungad kay Lin Che ang isang mamahaling box na nakapatong sa dressing table.

Medyo napatigil ang puso niya sa pagtibok.

Akala niya ay may regalo sa kanya si Gu Jingze pero nang buksan niya yun, napagtanto niyang…

Isang mamahaling tie clip ang nasa loob. Naalala niyang nakita niya iyon sa party kagabi, kasama ng mga items nan aka-auction. Napakaliit ng tie clip na iyon pero nagkakahalaga ng ilang milyon, kaya tumatak talaga iyon sa isip niya. Narinig niya pa nga na isang sikat na designer ang gumawa nun. Nang mamatay daw ang designer na iyon ay mas naging mamahalin at espesyal ang mga obra nito.

Pero, halata namang panlalaki ang clip na iyon.

Nakuha naman agad ng pansin niya ang isang maliit na card sa tabi nito. Ayaw niya sanang buksan iyon pero napakasimple kasi ng sulat-kamay na nandoon kaya natukso siya.

Sa ibabang bahagi ay may nakalagdang letrang 'M'. At sino pa nga ba ang ibang 'M' na magreregalo nito kay Gu Jingze, walang iba kundi si Mo Huiling…

May narinig siyang ingay mula sa labas kaya agad niyang isinara ang box. Hindi niya maitago ang gulat sa kanyang mga mata pero nagkunwari pa rin siya na wala siyang nalaman.

Iyon lang ang tanging magagawa niya dahil batid niyang normal lang naman na bigyan ito ng mga regalo ni Mo Huiling.

Pero marahil ay dala na rin ng mga sinabi sa kanya ni Mo Huiling noong nakaraan kaya hindi niya mapigilang hindi malungkot.

Pagsapit ng gabi ay hindi siya kumain sa bahay. Sa halip ay niyaya niya si Shen Youran na lumabas.

Nagpunta sila sa club na pinuntahan nila ni Qin Wanwan dati.

Hindi pa na nakakapunta doon si Shen Youran dati. Hinawakan niya si Lin Che at sinabing, "Mukhang mamahalin dito ah."

Sumagot naman si Lin Che, "Wala daw ibang nakakaalam sa lugar na ito. Ito ang madalas na puntahan ng mga katulad kong artista."

"Kaya pala marami akong nakikitang pamilyar na nandito. Mga artista pala sila," sabi ni Shen Youran.

"Ilang beses palang din naman akong nakakapunta dito, pero karaniwang maraming artista dito."

Nasisiyahang iniikot ni Shen Youran ang tingin sa paligid habang nakaupo naman si Lin Che. Mabigat ang kanyang kalooban kaya medyo naparami siya ng nainom na alak.

"Youran, sabihin mo nga sa'kin. Bakit ang tanga-tanga ko? Bakit wala akong kalam-alam sa mga bagay-bagay?" Tanong ni Lin Che.

"Hindi ah. Hindi ka naman tanga o bobo. Sa tingin ko nga'y ang galing-galing mo eh," papuri ni Shen Youran sa kanya.

"Iyan ay dahil tanga ka ring katulad ko."

"Hoy, pinapatahan lang kita ha. Huwag mo akong idamay sa kalungkutan mo."

Maya-maya lang ay ikinuwento niya dito ang tungkol sa regaling natanggap ni Gu Jingze mula sa girlfriend nito.

Pagkatapos marinig ang kanyang kwento ay nanggagalaiti si Shen Youran. "Punyemas naman oh! Paano mo natatanggap iyan? Asawa ka na niya!"

"Oo. Pero iyon ang babaeng talagang mahal niya. Hindi ako maihahambing sa kanya. At tama rin naman ang sinabi ni Mo Huiling. Totoo namang wala ako sa kalingkingan man lang ni Gu Jingze. Masyadong makapal lang talaga ang mukha ko kaya hindi ko alintana yan."

"Hoy, hindi ka pwedeng basta nalang susuko nang ganyan. Kung binigyan siya nito ng regalo, magbigay ka rin ng regalo sa kanya."

Napatingin siya kay Shen Youran. "Anong ibibigay ko? Wala naman akong kayang ibigay kay Gu Jingze. Nasa kanya na ang lahat at wala na siyang ibang kailangan pa. At wala rin naman akong maraming pera na kayang waldasin kagaya ni Mo Huiling na nagreregalo ng milyon-milyon ang halaga…"

Napahalakhak lang si Shen Youran, "Heh heh. Alam mo, pagdating sa pagbibigay, hindi naman mahalaga ang presyo eh. Ang mahalaga ay nagbibigay ka… Kung hindi mo kaya…" lumapit nang kaunti sa kanya si Shen Youran, "Ibigay mo nalang ang sarili mo sa kanya. Hindi ba't mas maganda iyan?"

"Ayoko nga!"

Nagpakurap-kurap ng mata si Shen Youran, may naisip ito bigla. "Surpresahin mo siya. Ano kaya kung… May ibibigay ako sa'yo bukas. Hehe. Pwede mong gamitin iyon sa pagbibigay mo ng regalo kay Gu Jingze. Tiyak na magugustuhan niya iyon!"

"Ano?"

Gusto pa sanang magtanong ni Lin Che pero may narinig siyang tumawag sa kanya.

"Mrs. Gu, anong ginagawa mo rito?" Si Chen Yucheng ang taong iyon.

Nang makita ito ni Shen Youran ay agad na napasimagot.

Nagkunwari naman si Chen Yucheng na hindi niya nakita ang babae at lumapit kay Lin Che. Tinanong niya ito, "Nasaan po si President Gu?"

Nagtatakang tiningnan ni Lin Che ang doktor. "Eh, bakit ka nandito?"

Nakabestida at nakaayos ang mukha ng babaeng kasama ni Chen Yucheng. Mukhang close ang dalawa. "Madalas akong pumunta rito para magsaya. Ako nga po ang dapat na magtanong niyan sa inyo, Mrs. Gu. Bakit ka po nandito?"

Nächstes Kapitel