webnovel

Ang Prinsesa at ang Basurero (COMPLETED)

Fantasie
Laufend · 70.4K Ansichten
  • 24 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • NO.200+
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

Tags
3 tags
Chapter 1Simula

Ang Prinsesa at ang Basurero

Ni: Taong Sorbetes

Genre: Romance, Fantasy, Slice of Life, General Fiction

MARAMI talagang mga bagay ang hindi inaasahan ng marami pero ito'y nagkakatotoo at nangyayari. Isa na nga riyan ang k'wento ng isang prinsesa na mapupunta at maninirahan sa isang iskwater na lugar. Malapit sa tambakan ng basura at ibang-ibang sa kinalakihan niyang kaharian. Imposible itong mangyari kung iisipin pero sa kwentong ito... Magiging posible ito.

Sa isang malayong-malayong lugar na hindi mararating ng mga tao ay may isang napakagandang kaharian. Ito ay ang kaharian ng Florania. Ibang-iba ito sa daigdig ng mga tao. Dito, walang polusyon, walang basurang makikita at higit sa lahat ay walang karahasan at krimen. Isa itong paraiso kung iisipin. Sariwa ang hangin, may mga mayayabong at malalaking puno, malinis na batis at tubig, mga malalawak na hardin, mga hayop na kaygandang pagmasdan at mga tanawing tanging dito lang matatagpuan. Napakaperpekto nito at lahat ng naninirahan dito ay masayang namumuhay.

Si Haring Alberto, siya naman ang namumuno sa napakagandang kaharian na ito. Isa siyang mabait at napakabuting hari, malambot ang puso sa mga nangangailangan at talagang iginagalang at minamahal ng lahat. Subalit sa kabila ng napakabuting katangian ng hari ay nagkaroon siya ng isang anak na kabaligtaran ng pag-uugali nito.

Si Prinsesa Ruby, ang nag-iisang anak ni Haring Alberto mula sa yumaong asawa nito na si Reyna Beatrice. Iresponsable, walang galang, maarte at mapagmalaki sa kapwa. Ilan lamang iyan sa mga hindi magandang katangian ng prinsesa.

Minsan nga'y tumakas ang prinsesa sa palasyo upang mamasyal sa isang ilog. Sa kaniyang paglalakad ay isang matandang babae ang kaniyang nakasalubong. Humingi ito ng tulong sa kaniya. May kabigatan kasi ang dala-dala nitong kagamitan. Ngunit imbis na tulungan ay kung ano-ano pang hindi magaganda ang sinabi ng prinsesa rito.

"Isa akong prinsesa! Kaya bakit kita tutulungan? Mag-isa mong dalhin iyan!" mariing salita ng prinsesa. Subalit laking-gulat niya nang biglang magliwanag ang matanda at naging isang napakagandang babae. Isa pala itong diwata na gustong siyang subukin.

"Kailangan kang turuan ng leksyon Prinsesa Ruby ng Florania. Dahil sa masamang ugali na ipinakita mo ay paparusahan kita. Mapupunta ka sa mundong kabaligtaran ng kaharian mo. Maghihirap ka at magdurusa hanggang sa maisip mong mali ka..." Sa isang wasiwas ng diwata ay biglang naglaho ang prinsesa sa kaniyang kinatatayuan.

* * * * *

ISANG umaga...

"Hmmm! Ang lambot at ang sarap hawakan..." wika ng isang binatang mukhang nanaginip pa. Ang hindi niya alam, hawak pala niya ang medyo malusog na dibdib ng babaeng katabi niya. Isang babaeng nakasuot ng kumikinang na kasuotan. Naalimpungatan naman ang babae nang maramdaman nitong tila may humahawak sa dibdib nito kaya agad itong napasigaw sa gulat.

"Lapastangang lalake! Pinagsamantalahan mo ako!" Pinagsasampal pa ng babae ang binata dahilan upang mapabalikwas ito sa sakit. Napatalon din tuloy ito palayo mula sa maliit nitong higaan nang makita siya.

"S-sino ka? Ano'ng ginagawa mo rito at bakit mo ako pinagsasampal? Gandang-ganda ng tulog ko e..." bulalas ng binata na agad tinanggal ang muta sa kaniyang mata kung mayro'n man.

"Walang hiya ka, dapat sa iyo ay binibitay dahil sa ginawa mong paghawak sa dibdib ko. Lapastangan ka!" galit na galit namang wika ng babae.

Dito'y naalala tuloy ng binata ang kaniyang panaginip at napatingin sa kaniyang mga kamay.

"I-ibig sabihin? A-ako... Ako ay nakahawak ng..." Subalit bigla na lang siyang sinampal muli ng babae. May kalakasan iyon at lumagitik nang matindi.

"Aray! Bakit mo ginawa 'yon!?" pagalit na tanong ng binata habang hinahaplos ang namumula niyang pisngi. Dali-dali namang tumayo ang babae at inayos ang nagusot nitong kasuotan.

"Hindi mo ba ako nakikilala? Ako lang naman ang prinsesa sa kahariang ito, si Prinsesa Ruby. At dahil sa ginawa mo ay siguradong mapaparusahan ka! Pagpugot sa iyong ulo ang karampatang parusa sa ginawa mo!" mariing pahayag ng dalaga. Natigilan at nabigla naman ang binata sa kaniyang mga narinig. Napatawa na rin lamang siya dahil dito. Medyo nawala rin ang antok niya nang marinig iyon.

"Mukhang naligaw ito ah?" isip-isip ng binata.

"Anong kaharian ang pinagsasasabi mo? Nandito ka sa tabi ng tambakan ng basura sa Maynila!? Prinsesa!?" sabi ng binata sa dalaga habang natatawa-tawa pa.

"Ano ang tinatawa-tawa mo? Napakawalang-galang mo sa prinsesa! Isa ka lamang namang mahirap!" Namumula naman sa inis ang dalaga. Medyo nainis naman ang binata pero naisipan niyang huwag itong patulan. Dito'y nag-isip siya ng magandang sasabihin.

"Hindi mo ba alam na isa akong prinsipe?" seryosong sabi ng binata. Tumayo at inayos pa niya kunyari ang kaniyang sarili. Naisip kasi niyang utuin ang dalagang kaharap niya dahil sa kasungitan nito.

"Ako nga pala si Prinsipe Richard ng Maynila at nandito ka ngayon sa kaharian ko!" Halos mamatay na siya sa pagpigil ng tawa dahil sa sinabi niyang iyon.

"'Wag mo nga akong linlangin dahil kitang-kita sa kasuotan mo ang pagiging alipin mo. Kakaiba ang bahay mo at kakaiba ang mga materyales na ginamit subalit maliit, marumi at mukhang hindi ito matibay. Kaya paano mo nasasabing isa kang prinsipe?" Pagtawa lang naman ang reaksyon ng binata sa mga narinig niyang sinabing ng dalaga. Hindi na kasi niya ito napigilan.

"Bakit hindi mo subukang lumabas upang makita mo ang aming mga kayamanan at lupain?" pagyayabang pa ng binata na nag-aala isang makata sa harapan ng dalaga.

Lumabas sila mula sa barong-barong na bahay ng binata at nagulat ang dalaga sa nakita. Samantala, nag-iisip naman ang binata kung paano napunta ang baliw na babaeng ito sa kaniyang bahay.

"A-anong lugar ito? Bakit napakapangit? Ang mga bahay ay hindi kaaya-aya ang pagkakagawa. At bakit may bundok ng basura sa likod nito?" bulalas ng dalaga.

"T-teka... Hindi ito ang Florania? Hindi kaya...." Natigilan ang dalaga nang may bigla siyang naalala.

DAHIL sa parusa ng diwata ay napadpad si Prinsesa Ruby sa Maynila. Sa bahay ng isang lalaking nagngangalang Richard. Isang itong basurero kaya paano niya papakisamahan ang isang prinsesang may hindi magandang ugali? Kupkupin kaya niya ito? Paniniwalaan ba niya ang kabaliwang pinagsasabi nito... at makabalik pa kaya ang prinsesa sa Florania?

Abangan ang kwento ng pag-ibig, pagbabago at pantasya...

"Ang Prinsesa at ang Basurero"

Das könnte Ihnen auch gefallen