webnovel

Witch Fate (Tagalog)

Autor: namme
Fantasie
Laufend · 63K Ansichten
  • 11 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • NO.200+
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

Ang hinirang na mangkukulam ay may misyong patayin ang hari ng mga demonyo na tinatawag na "jakan" para maibalik ang kapayapaan sa mundo. Ngunit para makamit ang pinaka malakas na kapangyarihan ay kaylangan mahanap ng mangkukulam ang tatlong mga babaylan na siyang may hawak sa tatlong mga sinumpang kagamitan na tinawag na "takda". Ngunit sakabilang banda ay may mga dagdag na kalaban sa paglalakbay ng mangkukulam. Ang mga sagabal na ito ay ang pitong prinsipe ng impyerno at mas kilala bilang mga Cardinal sin Sila ang maituturing na naghahari sa impyerno bago mabihag ng jakan. Misyon nang hinirang na mangkukulam na patayin ang jakan at ibalik ang kaayusan sa mundo at mapanatili ang kapayapaan nito.

Tags
5 tags
Chapter 1BISITA

Sa sinaunang panahon, isang makapangyarihang demonyo ang nabuhay at nakawala mula impyerno. Ang demonyong ito, ay tinawag na "Jakan". Sa lakas na taglay ng Jakan, nagawa nitong panatilihing bukas ang dalawang pinto, ang pinto ng langit at ng impyerno.

Dahil sa pangyayaring ito nagkaroon ng kalayaan ang mga espirito, halimaw, at pati na rin ang mga mababang uri ng mga demonyo na makaunta at magpabalik-balik sa mundo ng mga tao.

Nagpadala ang Diyos ng pitong anghel na papaslang sa Jakan. Ngunit, upang makapasok ang mga anghel sa mundo ng mga tao, ay kinakailangang mabuksan ang proteksyon ng mundo. Subalit, ang tanging paraan lamang para mabuksan ang proteksyon ng mundo ay gamitin ang chakra na magmumula sa pitong realms. (7 other worlds)

Matapos makapasok ang chakra ng pitong realms sa human realms (mid gard) ay nagkaroon na ng kaalaman ang mga tao sa pag gamit ng kapangyarihan at kanilang chakra. Kasabay ng pagbaba ng mga anghel sa lupa, ay ang pagkakaroon ng mga tao ng kapangyarihan.

Nang makapasok ang pitong anghel sa mundo ng mga tao, ay agad na tinapatan ito ng itong prinsipe ng impyerno na kilala bilang mga "cardinal sinners." Natalo sa sagupaan ang pitong anghel laban sa pitong cardinal sinner. Naging bihag ng pitong cardinal sinner, ang anim na angel. Ikinulong nila ang anim na anghel sa impyerno, ngunit may isang anghel ang nakaligtas mula sa pagkakabihag.

Dahil sa sagupaan at pag bihag na naganap, wala ng ibang naisip na paraan ang isang anghel na nakaligtas, kaya naman naisip na lamang nito na ipagpalit ang ispiritual niyang katangian bilang anghel sa kamatayan upang tawagin ang isang pinakamalakas na kagamitan.

Ang kanyang kaluluwa ay kanyang isinanib sa taong mapipili o hinirang upang lumaban sa Jakan.

Hawak ng anghel ang pinaka malakas na kagamitan, ngunit isang hindi pagkakaintindihan ang nangyari.

Inamin ng kagamitan na iyon na wala na ang walongpu't limang pursyento (85%) ng kaniyang kapangyarihan at hinati nya ito sa tatlo. Ang kagamitang kumausap sa anghel ay nagngangalang "Koro", isang nagsasalitang tatsulok na sumbrero.

Sinabi ni Koro sa anghel, na nang sya ay mapadpad sa mundo, ay napunta rin sa mundo ang tatlong kagamitan at ang tanging magagawa lamang nya ay ituro at gabayan ang hinirang papunta sa tatlong kagamitan na nagmula mismo sa kanya.

Sa oras na napili na ang hinirang, tatawagin ito ng mga tao na mangkukulam (witch) dahil sa kapangyarihang itinataglay nito. Ang kagamitan na kinakailangan ng hinirang na mangkukulam ay mapupunta sa hindi piling tao, kaya kailangan niyang hanapin ang mga kagamitan at tatawagin nila itong "takda." Ang mga may hawak naman ng kagamitan ay tatawaging "babaylan."

Maraming dapat na gampanan ang isang hinirang na mangkukulam. Habang patuloy na lumalakas ang Jakan dahil sa kasamaang nangyayari at mga halimaw na nakakapasok sa mundo, ay kinakailangan na mahanap muna ng hinirang na mangkukulam ang tatlong babaylan na may hawak ng mga takda. Kinakailangan na makuha ng hinirang ang mga takda at hikayating sumama ang mga babaylan sa misyong iligpit ang jakan.

Sa kasamaang palad, ang unang hinirang ay hindi nagtagumpay at namatay sa pakikipaglaban sa Jakan.

Kapag namatay ang nahirang, agad na lilipat ang kaluluwa nito sa ibang napili, ngunit ang kaluluwa nito ay lilipat lamang sa isang sanggol na isinilang sa oras na pagkamatay ng hinirang. Samantalang, kapag ang isang babaylan ang namatay, ay babalik sa hinirang ang takda kung ito ay nabubuhay pa.

Sa oras naman na namatay ang hinirang at buhay pa ang mga babaylan, ang mga takda ay unti-unting mawawala at sabay-sabay na mapupunta sa mga sanggol na isinilang sa oras ng pagkamatay ng hinirang ang lahat ay nakadipende sa hinirang.

Umiikot ang "cycle" ng tatlong beses mula sa pinaka unang hinirang na magkukulam, kasunod ang isa pang hinirang na hindi rin pinalad na magtagumpay na paslangin ang Jakan.

Ang ikatlong napiling hinirang na mangkukulam ay nagngangalang "Henry Jess Alasan" o mas kilalang "Jess". Sa edad na labing anim (16) ay sisismulan na ni Jess ang paglalakbay upang kolektahin at hanapin ang mga takda at babaylan. Sa paglalakbay na ito, ay makakasama nya ang pinagmulan ng mga takda, na si Koro.

Nakita ni Jess ang kanyang sarili, sa isang sitwasyon na puno ng kaguluhan, at pilit syang pinoprotektahan ng tatlong tao na hindi nya pa nakikilala. Isang mala-higanteng nilalang na makapangyarihan ang sumuntok sa isa sa mga prumoprotekta sa kanya.

Kinakapos ng hininga at pawisan na nagising si Jess

"Isang bangungot lang pala" bulong ni Jess sa kanyang sarili. Sa kabila nito, binaliwala lamang nya ito at bumanggon ng sya ay mahimasmasan.

"Maligayang kaarawan" Bati ni Koro kay Jess, ngayon araw nga pala ang kanyang kaarawan.

Naikwento ni Jess kay Koro at sa kanyang pamilya ang tungkol sa kanyang bangungot. Agad na sinabi ni Koro na maaaring ang mga nakitang iyon ni Jess ay isang pangitain mula sa hinaharap o maaaring mga nangyari na sa nakalipas.

Matapos mag almusal, ilang minuto lang ay may dumating na isang bisita. Ang bisitang ito ay hindi kilala ni Jess o ng kaniyang pamilya, ito ay isang lalaki na nagngangalang, Jerry. Pinapasok ng ina ni Jess ang bisita dahil sinabi nitong sya ay inimbitahan ni Jess para sa kaarawan nito.

"Ako si Jerry" pag papakilala ni Jerry kay Jess samantala kitang kita naman ang pagdududa sa pagmumukha ni Jess.

Si Jerry ay isa sa mga dating babaylan sa panahon ni Ah maay, ang ika-lawang hinirang na mangkukulam.

Nahahalata pa rin ni Jerry ang pagdududa sakanya ni Jess, kaya naman idinagdag nito ang ibang detalye tungkol sa pakikipasapalarang dinanas nya kasama ang huling hinirang na si Ah maay.

Nakumbinsi naman si Jess sa mga kwento ni Jerry ksama ang huling hinirang. Ngunit ang pag punta ni Jerry kila Jess ay hindi upang makipagkilala lamang.

"Pumarito ako upang bigyan ka ng balala, sa mga panganib na iyong kakaharapin. Mga ibat-ibang uri ng tao, halimaw at espirito ang iyong makakasalamuha at makakasagupa."

Batid ni Jerry na hindi sya lubusang kilala ni Jess, at may mga katanungan at pagdududa pa rin si Jess sa kanya. Kaya naman lubos pa itong nagpakilala kay Jess.

Si Jerry isa sa mga dating babaylan sa panahon ni Ah maay. Napangasawa ni Jerry ang isa sa mga kapwa nito babaylan na si "Sona". Nakita ng mag asawa ang bundok sa bayan nila Jess, ang bundok ng "hattu" sa bayan ng Maui. Pinili nilang manirahan dito at tadhana namang nasa bayan ng maui nila natagpuan ang bagong hinirang. Kaya nagpasya ang mag asawa na dito na manirahan upang matyagan at subaybayan ang paglaki ng bagong hinirang at ito nga ay si Jess.

Mula ng mamatay si Ah maay, at ang isa pa nilang kasamahang babaylan, ay nagdesisyon sila ni Sona na mag sama at hanapin ang bagong hinirang upang gabayan ito. Dahil ito ang huling misyong ibinigay sa kanila ng dating hinirang na si Ah maay.

Sa laban nila sa Jakan noon, apat sa pitong cardinal sinners ang kanilang napaslang. Makalipas ang sampung taon, muling nabuhay ang apat na cardinal sinners na kanilang napaslang mula sa nakaraang sagupaan. Mula sa muling pagkabuhay ay nanais ng mga cardinal sinners na muling maghiganti sa babaylang pumaslang sa kanila kaya naman gumugol ang mga ito ng mahigit dalawang taong paghahanap kila jerry at sona.

Matapos nilang matagpuan ang mag asawa at halos tatlong taon ding nagsimulang tugusin ng mga cardinal sinner si Jerry at Sona nang matagpuan nila itong muli, ngunit agad na nakakatakas naman ang dalawa.

Nakaligtas man sa kamatayan noon, naging kabayaran naman nito ang pagtakbo sa bawat pagkakataon na matutuklasan ng cardinal sinners ang kanilang lokasyon. Halos tatlong tatlong rin ang pakikipaghabulan ni Jerry at Sona sa mga cardinal sinners. Ngunit, kataka-takang isang taong huminto ito sa pagtugis sa kanila. Sa bundok na malapit sa bayan ng Maui napadpad ang dalawang dating babaylan at dito nanga nila natagpuan si jess.

Dagdag pa ni Jerry, tatlong araw ang nakalipas mula sa araw na iyon ay natagpuan sya ni Mammon. Isa sa mga cardinal sinners. Sa pagkikita nilang dalawa ni Mammon, hindi man nagkaroon ng matinding laban ay nag iwan naman ito ng takot at pangamba sa mag-asawa. Isang babala ang binigay ni Mammon sa mag asawa.

"Nakikita ko, na kung mabubuhay ang inyong anak sa bayan ng Mabalakat ay magiging malakas na dalaga ito. At sa hinaharap, sya ay magiging isang banta para sa aming mga prinsipe" saad ni Mammon habang papalapit kay Jerry. Ang mga mata nito ay puno ng galit.

"Aking kaibigang, Jerry, isang linggo mula sa araw na ito ay buburahin namin sa mapa ang bayan ng Mabalakat, kasama ang anak ninyo. Gagawin namin ito kapag hindi ninyo ibinigay samin ang muling paghaharap na ninanais namin. May isang linggo kayo upang mag isip aking kaibigan, Isang linggo upang piliing iligtas ang anak ninyo sa tiyak na kamatayan." Lumisan si Mammon, iwan ang banta at takot sa mag asawa.

Nabanggit ni Jerry kay Jess na mayroon nga silang anak ni Sona, at naiwan nila ito limang taon na ang nakakaraan sa bayan ng Mabalakat upang iiwas mula sa kaguluhan at pagtugis sa kanila ng mga cardinal sinners. Sa mga oras na iyon, hindi nya kasama si Sona dahil nauna na itong tumungo sa bayan ng Mabalakat upang maagang maitakas ang kanilang anak mula sa kaguluhang possibleng maganap.

"Jess, kung sakali mang maitakas ni Sona ang aming anak at magkita kayo sa hinaharap, pakisabi na lang sa aking anak na matatagpuan nya kami ni Sona sa bundok ng Makiling." Bilin ni Jerry kay Jess. Agad namang inilarawan ni Jerry ang itsura ng kanyang anak, at ang pangalan nito.

Aya ang pangalan ng anak ni Jerry at Sona. Mayroon itong isang alagang hollow cat na nagngangalang "Tayo". Iniwan ni Jerry ang hollow cat na iyon upang maging taga pag alaga at taga pag tanggol ni Aya.

"Marahil ay ito na rin ang una at huling pagkikita at pag uusap natin, Jess" sambit ni Jerry kay Jess. Sa pagdalo ni Jerry sa kaarawan ni Jess ay binigyan nya ito ng isang regalo na magagamit ni Jess sa paglalakbay. Tinanggap naman agad ni Jess ang regalong ibinigay ni Jerry.

Bago lumisan si Jerry ay napilit nito si Jess na maagang umpisahan ang paglalakabay upang hanapin ang mga takda at ang mga babaylan nito.

Sinabi nya na isang magandang opportunidad para kay Jess ang magaganap na laban nila sa sa mga cardinal sinners, dahil nasa kanilang mag asawa ang atensyon ng mga ito.

Matapos ang pag uusap ng dalawa ay nag paalam na rin si Jerry upang tumungo at sundan ang asawa nitong na nag punta na sa bayan ng Mabalakat. Tila ba parang bulang naglaho si Jerry sa bilis sa pagtapak pa lamang nito palabas ng tahanan nila Jess.

Nabanggit ni Koro kay Jess na totoong pamilyar sa kanya si Jerry. Nakatitiyak si koro na isa nga ito sa mga dating babaylan dahil minsan ay nakikita nya ito sa naglalarong ala ala sa isipan ni Koro.

Si Koro lamang ang nag iisang takda sa kanilang apat na nawawalan ng ala ala kapag nalipat sa bagong hinirang.

Nang kinagabihan ay naalala ni Jess ang regalong binigay sa kanya ni Jerry. Nang buksan nya ito, bumungad sa kanya ang isang tinapay na may kalakip na liham.

Bagong hinirang, inutusan ko ang aking mga tapat na babaylan upang gawin ang tinapay na ito at ibigay sa iyo. Gumawa ako ng mahika bilang paraan upang maipahatid ko sa iyo ang aking mga mensahe at nalalaman sa pag gugol ng buhay ko bilang isang hinirang.

Ang mahika ay nakapaloob sa pagkain na iyan. Iyong makikita ang ilan sa aking mga ala-ala, at sana ay makatulong sa iyo ang mga iyon.

Hinirang, tanggap ko na sa aking sarili, ang nalalapit kong kamatayan, ito ang huling gabi na hihinga ako ng maayos at walang takot at kaba sa aking dibdib. Pakiusap bagong hinirang, pagkatiwalaan mo ako upang hindi masayang ang naibuwis naming buhay ng naunang hinirang na magkukulam.

Iyong taga gabay mula sa kabilang buhay, Ah Maay.

Matapos mabasa ang liham ay hindi na nag atubili si Jess na kainin ang tinapay. Wala pang tatlong pong segundo ay nadama na ni Jess ang pananakit ng kanyang ulo at halo-halong ala-ala ang nakikita nya dahilan ng pagkawala ng kanyang malay.

Ikinagulat ni Koro nang mawalan ng malay si Jess, kaya naman nag sisisigaw ito upang mapansin ng mga magulang ni Jess. Ilang minuto ay nagising si Jess, habang nakahawak sa kanyang ulo na kanyang iniinda matapos kainin ang tinapay.

"Anong nangyari saiyo?" Tanong ni Koro kay Jess ng makaupo na ito ng maayos.

"Nakakita ako ng tatlong tila kaluluwa. Isang babae at isang lalaki Mula sa kanan at kaliwa, ang nasa gitna naman ay binabalot ng isang nakasisilaw na liwanag." Bukod pa sa mga kaluluwa at pigura na nakita ni Jess, ay nakita nya rin ang mga ala-ala at ang brutal na pagpaslang na nangyari noon. Mga nakakadurog puso at mga di inaakala at di kapanipaniwalang pangyayari.

Sa mga ala-alang nakita ni Jess, ay nakaramdam sya ng takot, kaba, galit at hinagpis. Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman sa kanyang nasaksihan ala-ala.

"Hindi ba at sa edad na dalawang put' isa ka dapat mag umpisa hanapin ang iyong mga babaylan?" banggit ni koro.

Labing anim na taon pa lamang si Jess, ngunit sa isip ni Jess, ay gusto na rin nyang mas maagang kumilos upang hanapin ang mga babaylan.

Pinag usapan ni Jess at ng kanyang magulang ang magaganap na paglalakbay upang umpisahan ang kanyang tunay na misyon sa mundo.

Wala nang nagawa ang mga magulang ni Jess, batid rin nila na baka hindi na bumalik ng buhay ang kanilang anak. Ngunit sila man o kahit si Jess mismo ay walang magagawa sa tadhanang naka sulat para sakanya bilang hinirang. Isang mabigat at mahirap na desisyon ng pinag usapan ng pamilya sa gabing iyon.

Nakita ng mga magulang ni Jess kung gaano kadeterminado ang kanilang anak sa misyon nya bilang isang bagong hinirang. Napapanatag rin naman ang kanilang kalooban kapag ka na aalala nila na mayroon namang kapangyarihan si Jess, at magagawa nitong protektahan ang kaniyang sarli mula sa kapahamakan.

Bata pa lamang si Jess ay nagagawa na nitong pagalawin ang mga sinulid sa kamay nito, ganun rin ang mga hayop kahit pa ang mga insektong pinaglalaruan ni Jess nung sya ay bata pa.

Sa gabing iyon, Puno man ng pangamba at takot para sa kanilang anak ay natapos pa rin ang usapan ng buong pamilya sa pag apruba sa paglalakbay na gagawin ni jess upang hanapin ang mga babaylan.

Das könnte Ihnen auch gefallen

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
24 Chs