webnovel

Chapter 15

GABI NA ng dumating si Mael. Siya naman ay nag babasa habang nakasandal sa headboard ng kama, inaantay niya kasi ang asawa.

napangiti siya ng makitang may bitbit itong mga laruan. Hindi ito mag kandatuto sa pag bububat.

"Ano yang mga dala mo?" natatawang tanong niya dito. Hindi kasi bagay dito ang mga bitbit nito. Naka three piece suit ito, businessman na businessman tignan, a very dignified one. Tapos napaka daming bitbit na makukulay na laruan.

Binitawan niya ang binabasang libro sa gilid niya para abutin ang mga dala dala ni Mael

Inilapag nito sa ibabaw ng kama ang mga plastic saka siya hinalikan sa mga labi at nakikalkal narin sa mga dala nito. Parang mga batang inisa isa nilang tignan ang mga pinamili nito.

Natatawang dinampot niya ang teether at winagayway sa tapat ng mukha ng asawa. "Hindi pa ito agad magagamit ni baby. Ahmm.. Lahat ito hindi pa naman niya magagamit"

"Magagamit niya 'rin yan, sabi dun sa forum na sinalihan ko mabilis daw lumaki ang mga babies di mo mapapansin tumatakbo na sila" katwiran nito na umakbay pa sa kanya

Napataas naman ang kilay niya sa sinabi nito "forum? Anong klaseng forum? Sumasali ka sa mga ganon?"

"Ahuh" nakita niyang naging mailap ang mga mata nito at tila nahiya. Mas lalong tumaas ang kilay niya dahil doon. tumingin ito sa kanya na may alanganing ngiti "well.. ahmm, actually narinig ko lang na pinag uusapan yon ng mga empleyado ko na may mga anak na. Isa yong group page na ang name ay 'supermumph' its a group na para sa mga mommies" nag kamot ito ng batok at nahihiyang nag patuloy "Naisip ko kasi na baka makatulong lang.. you know pareho tayong first time parents.. Tapos mag kaaway pa kami ni Mommy kaya wala naman akong mapag tanungan.. So i tried to research and.." napabuga ito ng hangin, hirap na hirap sa pag papaliwanag. Bahagyang namumula ang tenga nito at iwas ang tingin sa kanya.

Niyakap niya ang bewang nito at malambing na inihilig ang ulo niya sa dibdib nito. Natutuwa siya dahil sobra ang effort na ginagawa nito para sa anak nila. Kahit kailan di niya naisip na magiging ganito ka hands on si Mael. Isa pa wala kasi sa itsura ng asawa niya na gagawa ito ng mga ganoong bagay dahil sa lalaking lalaki itong tignan, hindi mo maiimagine na balang araw hahawak ito ng mga feeding bottles para pumili kung ano ang mas magandang gamitin ng baby nila, kung ano ang mas safe at mas comportable sa baby.

Nalulungkot lang siya dahil hindi parin ito nag kakaayos at ng Mommy nito. Lalo na at dahil sa kanya niya kaya nag kasamaan ng loob ang mga ito. kahit naman hindi sabihin ng asawa niya ay ramdam niyang apektado ito sa gap nito at ng mommy nito.

"Bakit di tayo pumasyal kina Donya-- ahm sa Mommy at Daddy mo?" suhestyon niya. tiningala niya ito at nakita niya ang dumaang saya sa mga mata nito na agad ding napalitan ng lungkot. Umiling ito saka pinatakan siya ng halik sa noo.

"Saka na, baka ma-stress ka lang don. masama daw ma stress ang mga buntis. Kilala mo naman si Mommy, kita mo nga nung huli, muntik na kayong mapahamak ni baby"

"Kasama naman kita, saka hindi naman alam ng Mommy mo na buntis ako nung time na yun"

Nag tagis ang bagang nito "Kahit na. Hindi ka niya dapat sinaktan"

"Tapos na yon, nakaraan na yon. Saka alam mo ba masama daw may kasamaan ng loob ang buntis, kasi mahihirapang manganak"

Napasimangot naman ito "Kalokohan, saan mo naman narinig yan"

"Sa Lola ko!" paismid na sabi niya dito

"Kay Lola pala e, di mo naman sinabi agad" natatawang anito saka pinag hahalikan ang leeg niya. Nakikiliti namang umiwas siya dito

--

HUMINTO NAMAN siya sa pangingiliti kay Angela at muling hinarap ito "ano nga palang gusto mong pangalan sa baby natin?" seryosong tanong niya dito. Almost five months nalang kasi lalabas na ang baby nila at gusto niyang naka prepare na lahat bago pa man maisilang ang anak nila

Napalabi ito na lalong nag pa bata ditong tignan. Sa tingin niya magiging babae ang anak nila, nabasa niya kasi nakapag blooming daw ang buntis may posibilidad na babae ang magiging anak

"hindi pa nga natin alam ang gender e" sabi ni Angela

Nahiga naman siya at hinila ito sa tabi niya. Pinaunan niya ito sa braso niya at niyakap ito "Ang gusto ko Amariah" sabi niya

"Pano kung lalaki? Saka bakit Amariah?"

"Amariah means gift from god" yumuko siya at hinalikan ang umbok ng tyan ni Angela. Totoo ang sinabi niya, pakiramdam niya regalo ng may kapal ang baby nila dahil alam niyang may bahagi ni Angela na kinonsidera ang baby nila kaya ito nag pasyang manatili sa kanya "Parang ikaw regalo ka ni God sakin" hinaplos niya ang pisngi nito

Tandang tanda niya pa ang unang beses na nag kakilala sila.

Siyam na taong gulang siya non at ito naman ay pitong taon. Christmass party iyon sa company ng daddy niya at pinit siya ng daddy niya na sumama sa event ng gabi na yon.

Mag bibihis na Santa claus habang namimigay ng mga regalo sa mga anak ng empleyado nito.

Pinilit siya ng daddy niya na sumama kahit na mas gusto niyang panoorin ang cooking show na ipalalabas sa netflix

Hindi niya magawang mag saya ng time na yun dahil kahit napakaraming bata na anak ng mga empleyado ng daddy niya, ilag naman ang mga ito sa kanya. Ayaw siyang lapitan dahil natatakot ang mga ito na mag kamali sa harap ng anak ng boss ng mga magulang ng mga ito. Kaya kahit gustuhin niya mang makipag kaibigan hindi niya magawa. Nag lakad lakad siya palayo sa bulwagan hanggang sa nakarating siya sa Entrance ng bulwagan. Wala na doon ang receptionist.

Lumpait siya sa nakalatag na lamesa sa tabi ng christmass three na may roong isang malaking box ng regalo na hanggang baywang niya ang taas hugis kwadrado siguro ay nasa kalahating dipa ang lapad ng bawat side niyon.

Sinipa niya iyon sa pag aakalang isa lamang iyong malaking karton na walang laman at binalutan ng christmass gift wrap saka nilagyan ribbon. Nangunot ang noo niya ng mapansing mabigat iyon at parang may laman

Inulit niya uli ang pag sipa, nilakas niya sa pag kakataong iyon. Natigilan siya ng makarinig siya ng pag igik.

Hinawakan niya ang takip niyon na bahagyang nakaangat at unti unting binuksan. nang matanggal niya ang takip ay tumambad sa kanya ang pinaka maamong mukha na nakita niya. Nakapikit ito habang nakapamaluktot sa loob ng kahon.mahimbing itong natutulog.

Hindi niya maalis ang tingin sa mukha ng isang munting anghel sa loob ng kahot, naka puti itong bistida at may kulang laso sabuhok. Malupula ang mga labi nito na binagayan ng malalantik na pilik mata at manipis at matangos na ilong.

Bahagyang gumalaw galaw ang talukap ng maya nito.

At parang huminto ang lahat ng nasa paligid niya ng masilayan ang magagandang pares ng kulay tsokolatemg mga mata. Napahawak siya sa sariling dibdib dahil hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya n para siya may ginawang kasalanan dahil sa sobrang kaba, lalo na ng sumilay ang munting ngiti sa mga labi nito.

Bumalik lamang siya sa reyalidad ng dumating ang ama nito at nag aalalang kinuha ito at agad na inilabas sa kahon.

Nakatingin lamang siya sa mga ito partikular sa batang babae na ngayon ay mapupungay ang mga matanf nakatingin sa kanya. Halatang antok na antok pa ito. Agad itong humilig sa balikat ng ama nito ng makatulog ito.

"Angela.." anas niya. Narinig niya kasing tinawag na Angela ang batang babaeng may maaamong mga mata. Napangiti siya. Bagay dito ang pangalan nito, para itong isang tunay na anghel sa amo ng mukha nito. Wala pa siyang nakitang ganon kaamong mukha.

Pag katapos ng gabi na yon ay hindi na niya nalimutan ang maamong mukha nito. Bata pa siya pero hindi niya alam kung bakit masaya siya kapag naaalala ang maaamo nitong mga mata.

Natuwa siya ng malamang sa iisang school la g sila pumapasok ni Angela.

Nakipag lapit siya dito kahit mas bata ito sa kanya. Hanggang sa mag high school sila ay parang anino siya nito. Lagi siyang naroroon kung nasaan ito. Naging kaibigan niya ito, at unti unti nagiging higit pa sa kaibigan ang nararamdaman niya dito. Kaya nman bata palang sila binabakuran niya ito. Hindi niya hinahayaang may manligaw at makalapit ditong iba. Nag seselos siya kapag may ibang nagiging kaibigan ito bukod sa kanya. Ang gusto niya kasi sa kanya lang ang buong atensyon nito.

Ilang beses niyang sinubukang umamin ng nararamdaman niya dito, pero lagi siyang inaabot ng takot. Takot na baka hindi pareho ang nararamdaman nila at mauwi lang sa wala ang pag ka kaibigan nila.

"A gift from god.. Hmmm.. Amariah.. Gusto ko rin yun ang ganda pa ng meaning" sabi ni Angela sa tabi niya.

Napangiti siya dahil nagustuhan nito ang napili niyang pangalan para sa magiging anak nila

"Alam mo hindi ko akalaing biblical ang pipiliin mong ipangalan sa magiging baby natin" nangingiting anito "Pero come to think of it, ang name ko biblical din 'Angela' means messenger of god and 'Ishmael' means hear from god. Kaya mas maganda nga na biblical din ang name ng baby natin"

Hinalikan niya ito sa mga labi "Kaya mag isip ka na ng name na pang baby boy"

"Mmmm.. E , kung junior nalang?"

"Nah ayoko non." umiling iling siya na ikinasimangot ng asawa. Natatawang hinalikan niya ito na tinugon naman nito.

'Hmmm.. Sana lagi nalang kaming ganito' piping hiling niya sa isip.

"SINIPA AKO NI BABY!" Manghang ani ni Mael sa kanya. Nanlalaki ang mga mata nito at parang batang nabigyan ng regalo ang itsura.

Nakadikit ang mukha nito sa malaki na niyang tiyan nakahiga ito sa kandungan niya habang siya naman ay naka upo habang nakasandal sa headboard ng kama. Pitong buwan na ang tiyan niya at sobrang excited na itong makita ang baby nila.

Kung noon ay maalaga na ito sa kanya, mas lalong naging OA ang pag aasikaso at pag aalaga nito sa kanya. Para na siyang malulumpo lalo na ng mag deklara ito na kailangan niya ng mag bedrest. Kahit wala namang problema at healthy naman silang mag ina.

Ito rin ang personal na nag hahanda at namimili ng mga kakainin niya. Lagi rin itong nag babasa ng mga blog about parenthood. Gusto raw kasi nitong pag handaang maigi ang pag labas ng baby nila.

Napaka swerte ng anak nila at napaka swerte rin niya. Tinupad nito ang pangako nitong babawi ito sa kanya. Na magiging mabuting asawa ito at ama sa anak nila.

"Excited narin siguro si Baby Amariah na makita tayo ng personal hon." nakangiting anito sa kanya. Napangiti narin siya. Tuwang tuwa ito ng malamang babae ang magiging anak nila. Kakagaling lang nila sa OB para sa pre-natal check up niya at ni reveal narin ang ng OBgyne niya ang gender ng baby nila.

"Hmm.. Two months nalang ang ipag hihintay natin" hindi maitago ang saya nito.

Natahimik siya. Two months na nga lang at lalabas na ang baby nila.

"Bakit natahimik ka. May problema ba?" nag aalalang tanong nito ng mapansin ang pananahimik niya.

Ngumiti siya at hinilot ang nakakunot nitong noo.

"Natatakot lang ako.. " pag amin niya.

Mas lalong kumunot ang nok nito dahil sa sinabi niya.

"Saan?" tanong nito sa kanya. Bumangon ito at tinabihan siya sa pag kakaupo saka siya inakbayan. "Hindi ko naman kayo pababayaan. Kung natatakot ka na naman sa panganganak pwede naman nating ipa-painless ka para wala kang maramdamang kahit na anong sakit"

Humilig siya dito "Hindi naman yun e. Hindi naman ako natatakot manganak o masaktan dahil sa panganganak. Parte daw ng pagiging isang ina ang sakit ng pag lalabor at panganganak kaya ayokong mag pa painless at gusto ko ng normal delivery"

"So, Saan ka natatakot?"

Bumuntong hininga muna siya saka tumingala dito. "Natatakot ako kasi may isang buhay ng involve. Natatakot ako kasi mas sanay akong maging anak kesa sa maging magulang. Paano kung.. Paano kung h-hindi pala ako fit para maging isang ina?"

Marahan itong natawa saka siya pinatakan ng halik sa noo.

"I believe that you're going to be a great mom. Because you are a great woman with the most kindest heart i've ever known" bumaba ang labi nito sa labi niya.

Napapikit siya ng lumapat ang labi nito sa labi niya.

"I love you.." nakangiting sabi niya dito ng mag hiwalay ang mga labi nila.

"I love you more" anito na titig na titig sa kanya.

"AALIS KA NA NAMAN?" Tanong niya kay Mael. Kakarating lang nito mula opisina pero aalis na naman hindi pa man sila nag hahapunan.

Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Babalik agad ako. May emergency lang sa opisina" anito na bakas ang pag mamadali sa boses.

Napabuntong hininga na lang siya at parang batang nangunyapit sa leeg nito "Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang iyon?" lambing niya dito. Napapadalas ang pag alis-alis nito at namimiss niya na ng sobra ang asawa.

Hinapit siya nito sa baywang saka siya hinalikan ng mariin "Babawi nalang ako sayo. Kailangan ko lang talagang bumalik sa opisina" anito kasabay ng pag tunog ng cellphone nito.

Napabuntong hininga na lang siya saka dahan-dahang bumitaw kay Mael. Gusto man niyang pigilan pa ito ayaw naman niyang makaabala sa trabaho nito.

"Okay.." inayos niya pa ang kwelyo nito bago tuluyang lumayo dito.

Bakas naman ang guilt sa mukha nito. "Babawi ako promise" anito saka siya muling mabilis na hinalikan sa labi "Balik ako agad. I love you."

Ngumiti lang siya at tumango dito. Nag mamadaling tumalikod na ito at lumabas ng kwarto nila.

Lumakad siya papunta sa bintana para tanawin ang pag alis ng asawa. Kumaway pa ito sa kanya ng makita siyang nakasilip sa bintana. Gumanti rin siya ng kaway dito at tipid itong nginitian. Pinaandar na nito ang kotse nito palabas ng gate. Tinanaw niya ang kotse ng asawa niya hanggang sa mawala na sa paningin niya.

Marahan niyang hinimas ang kanyang tyan. Walong buwan na iyon. Next month kabuwanan na niya kaya naman minamadali na ni Mael maayos ang mga kailangang iayos sa kompanya para makapag leave ito.

Nasanay lang siya na laging nasa tabi si Mael kaya naman ngayong laging wala ang asawa ay namimiss niya.

Siguro dahil sa hormones kaya nagkakaganito siya. Muli napabuntong hininga siya. Iniisip niya nalang na uuwi naman agad ang asawa.

Bumalik siya sa kama at dinampot ang librong binabasa niya. Mag babasa nalang siguro siya ng mag babasa hangga't wala pa si Mael.

To be continued..

Nächstes Kapitel