webnovel

Chapter 16

NAGISING SIYA sa tunog ng makina. Nakatulog na pala siya sa pagbabasa. Madilim nasa labas. Bumaling siya sa wall clock. 1pm na.

Nanatili siyang nakahiga. Hinila niya ang unan at niyakap iyon saka muling pumikit.

Maya-maya pa narinig niya ang mga yabag ng asawa, nanatili siyang nakapikit kahit na naramdaman niya ang paglundo ng kama.

Hinaplos ni Mael ang buhok niya saka siya kinintalan ng halik sa sentido.

"I'm sorry..." Mahinang bulong nito. "I love you." Imumulat niya na sana ang mga mata ng marinig niya tumunog ang cellphone nito. Napamura ng mahina si Mael. Nagtaka siya kung sino ang tumatawag at bakit parang galit na galit si Mael. Nanatili siyang nakapikit at nagtutulug -tulugan. Naramdaman niyang umalis sa kama si Mael.

"What do you fucking want, Suzette?!" Gigil na bulong ni Mael.

Para naman siya natulos ng marinig kung sino ang kausap ng asawa.

"Kakagaling ko lang dyan, dammit!"

Parang huminto sa pagtibok ang puso niya dahil sa sinabi ni Mael. Napabalikwas siya ng bangon. Nakita niya pa ang likod ni Mael ng lumabas ito ng veranda ng kwarto nila. Kahit pakiramdam niya ay nanlalambot ang mga tuhod niya pinilit niyang tumayo at sinundan si Mael. Sabusabunot nito ang buhok habang nakikipag usap sa cellphone. Nagkubli siya sa likod ng makapal na kurtina at kahit sinasabi ng isip niyang wag siyang makinig dahil masasaktan lang siya ay hindi siya nagpapigil.

"Wag mong ubusin ang pasensya ko baka makalimutan kong buntis ka!"

Mabilis na natakpan niya ang bibig niya upang hindi kumawala ang malakas na pagsinghap. Buntis si Sizette!

Oh god...

Parang sirang plaka na bumalik sa alaala niya ang mga sinabi ni Suzette sa kanya sa department store. Kung ganoon totoong si Mael ang ama ng anak nito? Nagsinungaling sa kanya si Mael. Kaya ba ito laging umaalis at madaling araw na kung bumalik?

Kailan pa siya niloloko nito?

Naalala niya yung unang magisnan niyang wala sa tabi niya ang asawa, yung araw na nagkaayos sila. Nagsinungaling ito tungkol sa mga strawberry. Kung sa maliit na bagay na iyon ay nagawa nitong magsinungaling mas lalo na sa katotohanang buntis si Suzette at ito ang ama!

Unti-unti siyang humakbang palayo sa veranda. Bumalik siya sa kama at nahiga. Nanlalamig ang kamay niya at parang nanlalaki ang ulo niya sa nalaman. Ramdam niya ang sakit pero hindi niya magawang umiyak. Pilit itinatanggi ng isang bahagi ng utak niya na hindi totoo ang lahat, na nananaginip lang siya. Isang bangungot. Ipinikit niya ang mga mata.

Panaginip lang ito. Please, nananaginip lang ako.

Dinig niya ang hakbang ni Mael papalapit sa kanya. Gusto niyang bumangon at konprontahin ito pero... Natatakot siya.

Muli siyang dinampian ni Mael ng halik pag katapos ay narinig niyang bumukas at sumara ang pinto.

Doon na nag unahang pumatak ang mga luha niya. Bakit ayaw parin niyang magising kahit anong pilit niyang tapik sa pisngi niya? At kung panaginip lang ito bakit sobrang sakit?

HINDI NA niya alam kung anong oras na siya nakatulog o kung nakatulog ba siya? Lutang ang isip niya sa mga nalaman.

Wala pa si Mael. Hindi pa ito umuuwi simula ng umalis. Lalong parang dinakot ang puso niya. Bakit? Napakaraming bakit ang gusto niyang itanong dito.

Bakit ito nag sinungaling? Bakit pa nito sinabing mahal siya nito kung sasaktan lang din naman siya? Bakit kailangan pa nitong pasayahin kung paiiyakin lang din naman siya?

Napahawak siya sa tiyan niya ng makaramdam ng sakit. Huminga siya ng malalim para kahit papaano ay mabawasan ang kirot pero nag tuloy tuloy iyon. May mainit na likidong gumagapang pababa sa binti niya. Niyuko niya iyon. Dugo! Nakaramdam siya ng takot para sa sinapupunan. Walong buwan pa lamang ang tiyan niya.

"Nay Caring!" malakas na sigaw niya kasabay ng pag sigid ng kirot. "Diyos ko!" nahihintakutang usal niya. Inabot niya ang cellphone niya na nasa bedside table. Mabilis na hinanap niya ang numero ni Mael at idinial. Nakakalimang dial na siya pero hindi talaga nag riring ang cellphone nito. Nag i-scroll siya ng maaring tawagan ng makita niya ang number ni Jonas kasunod niyon ang kay Juancho. Sa nanlalabong mata ay pinindot niya iyon. Agad na may sumagot ng makailang ring pa lamang.

"Hello?"

"T-Tulong- aahhh." nag sunod sunod ang pag sakit ng tyan niya kaya nabitawan niya ang cellphone niya "Nay Caringggg!" Malakas natawag niya sa matandang katulong. Pero nasa loob siya ng kwarto nilang mag asawa at malamang ay nasa laundry area ngayon si Nay Caring. Napahagulgol siya. Pilit siyang tumayo pero natumba siya. "M-Mael.." pilit siya gumapang papunta sa pintuan. "M-Mael.. " itinaas niya ang kamay upang abutin ang pinto pero nanlalabo na ang mga mata niya.

Nagising siya na nakahiga siya at gumagalaw ang hinihigaan niya. May mga nakaputing lalaki at babae na tumutulak sa hinihigaan niya. Meron ding nakatakip sa bibig niya na tumutulong upang makahinga siya ng maayos. Nakita niya si Jonas. May mga dugo ang damit nito at puno ng takot at pag aalala ang mukha. Hawak-hawak nito ang kamay niya.

"Hang on, babe. Please hang on" paulit ulit na anito. Nakita niyang tumulo ang luha nito.

Naisip niya si Mael. Nasaan si Mael? Bakit wala si Mael sa tabi niya? Sa tabi ng anak nila? Hanggang sa muling pag pikit niya ay walang Mael sa tabi niya.

Muli siyang nag mulat ng mga mata. Nasilaw siya sa kumpol ng puting ilaw ng mag mulat siya. Hindi siya makagalaw, pero naririnig niya ang nasa paligid niya.

"Walang heart beat doc!" anang tinig ng isang babae.

Ang anak ko... Akina ang anak ko. Gusto niyang itaas ang kamay upang maabot ang anak niya pero hindi niya magawa. Manhid ang buong katawan niya.

Sa nanlalabong mata nakita niya kung paano itiniwarik ng doctor ang bagong silang niyang anak saka iyon pinalo ng pinalo sa pwet.

Pero kahit isa, kahit konti lang, walang lumabas na uha sa sanggol na nasa harapan niya. Hanggang sa lamunin na ng kadiliman ang kanyang kamalayan.

Nagising siya na nasa isang pribadong silid na. Nasa tabi niya ang itay niya. Ngumiti ito sakanya kahit bakas ang lungkot sa mga mata nito. Ganun din si Juancho na katabi ng itay niya. Binundol ng kaba ang dibdib niya.

"A-ang b-baby ko, tay?" kahit dama niya pa ang pang hihina ng katawan pinilit niyang bumangon.

"Anak, wag ka munang bumangon." saway sakanya ng itay niya. Hindi siya nag papigil. Naupo siya at mariing hinawakan ang mag kabilang braso nito. Ramdam niya biglang pag kirot sa tyan niya pero di niya iyon pinansin.

"G-gusto kong makita a-ang anak ko, tay" pakiusap niya dito. Yumuko lang ito. Lalong nadoble ang kaba niya dahil sa inaakto nito.

"Asan ang anak ko, tay?!" may hinala na siya pero ayaw niyang isipin iyon. "Tay?"

Yumugyug ang balikat ng itay niya saka siya nito kinabig at niyakap ng mahigpit.

"P-patay ang sanggol anak" ani ng itay niya sa pagitan ng pag hagulgol nito. Napatingin siya kay Juancho na umiiyak narin sa tabi ng itay niya. Inaantay niyang mag salita ito at sabihing nag bibiro lang ang itay nila.

"Hindi.. Hindi totoo yan.. Buhay ang anak ko tay! Akina ang anak ko! Siya nalang ang meron ako tay.. tay ang a-anak ko.. " nag pumiglas siya sa pag kakayakap ng itay niya. Umiiyak siya, sumisigaw nag mamakaawa na ibigay sakanya ang anak niya hanggang sa pumasok ang mga nurse at may kung anong itinurok sakanya pag katapos ay nawalan ng lakas ang katawan niya at inantok na siya.

"AMARIAH!" tumatawang tawag niya sa isang napakagandang bata na tumatakbo palayo sa kanya. Napatinis ng halakhak nito.

"Mama!" tawag nito sa kanya at ikinaway pa ang dalawang maliliit na kamay sa kanya.

Napangiti siya. Hahakbang sana siya papalapit dito pero hindi niya maigalaw ang mga paa.

"Amariah! " tawag niya sa munting anghel nang tumalikod ito at muling tumakbo. "Anak! " sigaw niyang muli pero hindi siya nito nililingon. Napahagulgol siya pilit inihahakbang ang mga paa pero ayaw talagang umalis niyon sa pag kakadikit sa kinatatayuan niya. Binundol ng matinding takot ang dibdib niya ng paliit na ng paliit sa paningin niya ang anak. "Anak! Amariah! Anak wag mong iwan si mama! A-anak ko..." napalupasay na siya at humagugol ng iyak ng tuluyang mawala ang anak.

"Angela.. Honey.. Wake up"

Nag mulat siya ng mata at una niyang nabungaran ay ang nag aalalang mukha ni Mael. Saglit siyang naguluhan. Hanggang sa maunawaan niyang nananaginip na naman siya. Galit na pinalis niya ang kamay nito na nasa balikat niya. Agad siyang naupo sa kama at tinalikuran ito. Narinig niyang napabuntong hininga ito. Pero wala siyang pakialam.

Nadakot niya ang dibdib ng maalala ang panaginip. Kaya madalas na ayaw niya ng matulog dahil ganoon parati ang napapanaginipan niya. Paulit ulit na torture na unti-unting pumapatay sa kanya at bumubuhay naman sa galit na nararamdaman niya para kay Mael. Nawala ang anak niya at ito ang sinisisi niya. Ito at si Suzette.

"Here, drink this." Anito saka iniabot sa kanya ang isang basong tubig. Walang imik na kinuha niya iyon at mabilis na ininom. Akma nitong hahawakan ang ulo niya pero mabilis siyang umiwas.

Simula ng namatay ang anak niya dalawang linggo na ang nakakaraan hindi niya na ito kinausap kahit ilang beses itong nag pumilit at nagmakaawa.

Hindi niya na rin ito kinompronta tungkol sa nalaman niya. Para saan pa? Inaantay niya nalang na ito na mismo ang bumitaw. Bakit? Dahil kahit ito ang sinisisi niya sa pagkamatay ng anak nila, hindi niya parin kayang mawala dito. Kahit na nasusuklam siya dito dahil sa nalamang ito ang ama ng pinag bubuntis ni Suzette, hindi niya naman kayang mawala ito.

Siguro kung ito ang unang bibitaw. Mas masakit. At kung mas masakit baka sakaling matauhan na siya at tuluyan ng tumigil ang puso niya na mahalin ito.

Mapait siyang napangiti. Higit pa sa miserable ang buhay niya ngayon. Napakasama niya siguro noong past life niya kaya pinarurusahan siya ngayon.

Lumipas ang ilang pang araw na hindi niya kinikibo si Mael at nananatili siyang malamig dito. Mukhang hindi naman nito iniinda. Madalas parin na umaalis ito at inuumaga na ng uwi. Siguro dinadalaw nito ang mag ina nito.

"Kakain na" narinig niyang ani ni Mael mula sa likuran niya. Hindi siya tuminag sa pag kakatayo sa harap ng bintana.

"Uuwi na ako kina itay. " Malamig na aniya dito.

"Hanggang k-kailan ka roon?"

Natawa siya ng pagak. "Hindi na ako babalik"

Lumapit ito sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Pumiglas siya pero humigpit lang ang yakap nito sa kanya.

"I'm sorry..." Garalgal ang boses na anito. Naramdaman niyang namasa ang balikat niya kung saan nakasubsob ang mukha ni Mael. "Nasasaktan din ako. Masakit din sa akin ang pag kawala ng anak natin. Pero mas masakit ang ginagawa mong pang babaliwala sa akin." Humagulgol ito sa balikat niya.

Wala siyang maramdamang awa dito. Ni hindi niya magawang umiyak. Pagod na siya. Pagod na siya para makihati sa sakit na nararamdaman nito dahil wala ng mapag lalagyan yung sakit na dala-dala niya.

"I need you... Please, wag mo naman akong iwan" Bakas ang pakiusap at pag hihirap habang nag sasalita ito.

Hindi niya napigiling matawa. Para siyang baliw dahil tumutulo ang luha niya pero patuloy siya sa pagtawa. "Ang kapal ng mukha mo. Napaka kapal ng mukha mo." mahinang bulong niya sa pagitan ng pag tawa. Natanaw niya sa bintana ang kotse ni Jonas. Tinawagan niya ito kagabi at pinakiusapang sunduin siya dito. Nag kausap na sila bago pa siya madischarge sa ospital. Ito pala ang nag sugod sa kanya sa ospital kaya pala naroroon ito noong nakahiga siya sa stretcher.

Pilit siyang kumawala kay Mael. "Bitawan mo ako!" Malakas na itinulak niya ito. "Palayain mo na ako sa impyernong buhay na to!" sigaw niya dito. "Ayoko na sayo! Ayoko ng makita ka araw-araw dahil nasasaktan ako. Sasabog na ako Mael! Hindi ko na kaya yung sakit dito" Malakas na pinag susuntok niya ang dibdib niya para ituro dito kung saan siya nasasaktan. "Kulang nalang mag pakamatay ako para mawala yung sakit!" Nang hihinang aniya dito.

Napailing ito at napatiim bagang. "Bakit satingin mo ba hindi ako nasasaktan? Nawalan din ako ng anak! A-at ngayon gusto mo palayain kita?" Lumamlam ang mga mata nito. Lumapit ito sa kanya at ginagap ang kamay niya. "Patawarin mo ako kung wala ako sa tabi mo ng kailangan niyo ako. Please, hindi ko sinasadya may mga kinai-"

"Ano yon Mael? Ano yung mga kinailangan mong gawin kung bakit wala ka ng mga oras na kailangan kita? Namin ng anak mo?" Tanong niya dito. Saglit itong natigilan. Sinamantala niya iyon para mabawi ang kamay. "Ah kasi nandoon ka kay Suzette para masigurong ligtas ang pinag bubuntis niya." Puno ng sarkasmong aniya dito.

Nakita niyang nawala ang kulay ng mukha nito. "Mas inuna mo yung anak ng babae na yon kesa sa anak natin" mapait siyang natawa.

"Alam mo-"

"Oo" Matatag na putol niya sa sasabihin nito. "Kaya hindi ka nawalan Mael. Ako lang ang nawalan dahil ikaw may mag ina ka pang uuwian." aniya dito. Dinampot niya ang cellphone niya saka nag mamadaling iniwan ito. Wala naman siyang balak kuhanin ang mga gamit na naroroon sa closet niya dahil si Mael ang lahat ng bumili non. Sarili niya lang ang dala niya ng makarating siya dito kaya sarili lang din niya ang aalis sa lugar na ito. Nasa labas na siya ng marinig niyang nasa hagdan na si Mael at hinahabol siya. Tumakbo na siya papalapit sa sasakyan ni Jonas. Bago oa siya maabutan ni Mael nakasakay na siya sa loob ng sasakyan ni Jonas.

"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni Jonas. Tumango lang siya.

Kinalampag ni Mael ang bintana sa tabi niya.

"Open this fucking door, Angela!" marinig niyang sigaw nito. Sinuntok nito ang salamin at nag karoon iyon ng crack. May dugo ring naiwan mula sa kamao ni Mael. Hinaplos niya ang salamin na parang hinahaplos ang mukha nito. Natigil sa ere ang gagawin sana nitong pag suntok muli sa salamin.

"Goodbye" Usal niya saka malayang pumatak ang mga luha niya. Natulos ito sa kinatatayuan. Hanggang sa umandar na ang sasakyan. Nakatingin siya dito mula sa side mirror ng kotse ni Jonas. Nakita niya kung paano ito dahan-dahang lumingon sa kanya. At kung paano rin dahan-dahan itong humakbang, hanggang sa tumakbo na ito para sundan sila. Pero malayo na sila. Malayo na siya. Hindi na nito magagawang habulin pa siya.

Isinubsob niya ang mukha sa kamay niya at doon humagulgol ng iyak. Wala na ang anak niya at maski si Mael wala na rin sa kanya.

Naramdaman niya ang pag pisil ni Jonas sa balikat niya.

"You'll be fine. Everythings going to be fine" anito.

Sana nga. Sana nga.

To be continued...

Nächstes Kapitel