webnovel

Thinking About Her

"Walang hiya talaga ang reporter na iyon!" Pagmamaktol ni Felice habang nakasakay sila sa van pabalik ng studio.

"Next time let's filter the reporters who will attend our press con." Ani naman ni Herman na madilim ang mukha.

Natatawang nilingon ni Daniel ang dalawa sa backseat.

"Relax, guys. We need reporters like her during our press con. Atleast, naca-clarify ang mga issues." Pagtatanggol naman niya sa babae.

"I hate her negative vibe! Masyado yata siyang maraming pinagdadaanan sa buhay, My God!" Pagrereklamo ni Herman.

"True! She's an asshole!" Ani naman ni Felice.

Nagkibit-balikat na lamang si Daniel sabay ang pagbuntong-hininga.

"Why is she mad at me? Is it because of that kiss?" Tanong ni Daniel sa sarili sabay ang alaala ng malambot na labi ng dalaga at ang mahalimuyak nitong hininga na lalong nagpaalab sa pagsakop niya sa labi nito. Nakangiti siyang napapikit ng maalala ang namumula nitong mukha matapos ang halik na iyon. Halata ang pagkabigla sa mukha ng babae na hindi na nagawa pang makapagsalita dahil muling isinuot ni Daniel ang helmet sa kanya at muling pinatakbo ang motor pauwi sa apartment nito. Natatawa na lamang siya nang nagmamadali itong bumaba sa motor at inalis ang helmet at patakbong pumasok sa gate ng apartment nito at hindi na nagpaalam pa sa kanya.

"Are you still listening, Daniel?" Pagpukaw ni Herman sa atensyon niya.

"Yes? May sinasabi ka, boss?" Ani naman niya.

"I said mag-ready ka na for next week. Ready na lahat para sa taping mo sa Japan." Ani nito. Napabuntong-hiniga siya. Nakalimutan na niya ang patungkol dito.

"Yes, I'll be preparing for that." Tila mabigat sa loob na ani niya.

"Ako, ready na of course. You don't have to ask me Herman! One month tayo dun diba so nakaempake na ako, alam mo ba?" Masayang pagbabalita ni Felice. Napatwa naman ng malakas si Herman.

"Hindi ka naman excited, girl?" Natatawang sabi ng bading.

"Hindi." Maaarteng sagot nito. Malalakas na halakhakan ang pumuno sa loob ng van. Nagkatinginan naman ang dalawa ng makita si Daniel na tahimik lamang sa tabi ng driver.

"Are you ok, honey?" Maarteng tanong ni Felice.

"Yes. Don't mind me. Pagod lang ako." Sagot naman niya saka muling dinayal ang numero ni Yna ngunit busy pa rin ito.

"What have you done to me, Yna?" Malalim ang buntong hiningang bulong niya sa sarili. Mula kasi ng mahuli niya ang babae sa loob ng kanyang condo at sapilitan niya itong isinama sa kanyang lola ay hindi na ito mawala sa isip niya. Sobra rin ang ginawa niyang pagpipigil sa sarili habang nakatunghay dito sa kanyang higaan ng malasing ito at iuwi sa bahay ng mga magulang niya.

Pilit na hinamig ni Daniel ang sarili. Nakaramdam siya ng kirot sa puso ng maalala ang huling salitang ibinigay nito sa kanya.

YES. LET'S FORGET ABOUT IT.

Pagpapatungkol ng babae sa ginawa niyang paghalik dito.

"Ha! Wala pang nagre-reject na babae sa akin, Yna. So why?" Muling pagtatanong niya sa sarili. Alam niyang mga babae na ang nagbibigay ng mga sarili nila sa kanya. Bilang isang sikat na artista, tila rumirehistro pa sa kanya ang tilian ng mga babae sa tuwing mamakapunta siya sa mga pampublikong lugar.

"Are you still thinking na ako ang may kagagawan sa pagkamatay ng mga reporter na 'yun?" Balik na tanong niya sa sarili saka napamulat ang kanyang mga mata.

"Ah, Herman. How's the case going anyway?" Tanong niya sa manager na abala sa paglalaro ng games sa iPad nito.

"Why do you ask?" Nagtataka namang tanong nito.

"I just want to know." Aniya.

"Well, our legal counsel ang in-charge doon. Everything will be ok, Daniel. You have nothing to worry about. Wala naman talaga tayong kinalaman doon." Seroyosng paliwanag nito.

Nagpatango-tango na lamang si Daniel saka nag-isip ng malalim.

Nächstes Kapitel