webnovel

Playing Games

"Congrats, Yna! You are really back!" Masayang bati sa kanya ni Mrs. Corpuz matapos mai-air ang nakuha niyang balita kay Daniel patungkol sa kaso ng mga pag-ambush sa kanila ng dalawa niyang kasamahan.

"Thanks, Ma'am!" Sabay tanggap sa nakalahad nitong palad.

"Well, ipagpatuloy mo lang ang pagsubaybay sa kaso. Alam mo na, madali lang na matabunan 'yan. We have to keep track on that hanggang sa mapanagot natin ang dapat na managot." May awtoridad na anito. Napatango naman si Yna.

Matapos ang trabaho ay niyaya niya si Shine na lumabas at magtungo sa bar ni Chad.

"Gian?" Gulat niyang wika ng makita ito doon kasama pa ang mga dati nilang mga kaklase na sina Jerry at Teddy. Halatang nakainom na ito dahil sa mapungay nitong mata.

"Hey, beautiful girls!" Masayang bati ni Chad. "Reunion ba ito?" Natatawang ani nito.

Imbis na sumagot at nakasimangot siyang naupo sa tabi ni Jerry katapat ang patuloy sa paglagok ng alak na si Gian. Bumuntong-hininga siyang kinuha ang hawak na bote nito.

"Gian…" Pagpukaw niya sa atnsyon nito. Alam niyang nasa katinuan pa naman ito para makausap niya ng maayos.

"Yna…" Ani nito ng mukha niya ang sumalubong ng iangat nito ang paningin. "Yna, I'm sorry…" Wika nito saka nagsimulang umiyak na parang bata.

"Uy, Gian! Umayos ka nga! Nakakahiya ka!" Saway ni Teddy dito habang tinatakpan ang bibig upang hindi makabulabog sa ibang tao doon.

"What happened?" Nagtatakang tanong ni Chad.

"I forgive you na, kaya please stop that." Sabi naman ni Yna na nag-aalalang tiningnan ang lalake. Napahinto naman ito sa paghikbi saka seryoso siyang tiningnan.

"Pinapatawad mo na ako?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.

"Yes, so please..ayusin mo na ang sarili mo." Utos niya dito. Gumuhit ang isang malawak na ngiti sa labi nito.

"Oh, Yna." Tumayo ito upang yakapin sana siya ngunit agad siyang nakaiwas dito.

"I said pinatawad na kita but it doesn't mean na pwede mo ng gawin ang gusto mo." Masungit na singhal niya dito saka muling naupo. Natatawa naman silang pinagmasdan ng mga kaibigan.

"Cheers para kina Yna at Gian!" Ani ni Shine sabay ang pagtaas ng kopita niya.

"Cheers!" Masaya namang sigaw nila sabay din ang pagtaas nila ng kanilang mga kopita.

"Pare!!!" Napatayo si Chad at masayang sinalubong si Daniel na naka-shades para hindi ito makilala. May kasama itong dalawa pang lalake na halos kaedad nito at mukhang galing din sa mga mayamang pamilya dahil sa mga suot at kutis ng mga ito.

Muntik ng mabuga ni Yna ang nilagok na juice ng magsalubong sila ng paningin ni Daniel. Agad niyang iniwas ang tingin dito at kunwa'y nakipagkwentuhan sa mga kasama.

"Can we join you?"

Ang pamilyar na tinig na iyon ay nagpabilis ng tibok ng puso ni Yna. Nagtaas siya ng paningin at sinalubong siya ng seryosong mukha ni Daniel. Kahit naka-shades ito ay kitang-kita niya ang malamlam nitong mga mata.

"I am sorry pero we want privacy." Mataray niyang pagtanggi dito. Ngunit parang hindi ito narinig ng lalake dahil umupo pa rin ito sa tabi niya. Ang dalawa nitong kasama ay naupo sa isa pang mesa malapit sa kanila.

"Hey! What are you doing?!" Masungit niyang tanong dito ng maupo ito sa tabi niya.

"Daniel Dhanes?!" Hindi makapinawalang bulalas ni Shine ng makilala ito.

"Hi! Yes, I'm Daniel Dhanes." Pagpapakilala nito saka isa-isang kinamayan ang mga kaibigan ni Yna.

"What are you doing?!" Bulong niya sa lalake.

"What's the problem?" Balewalang tanong nito sa kanya. "Ok lang ba na maki-join ako?" Nakangiting tanong nito sa mga kasama niya. Nagkatinginan naman ang mga ito na tila nagtataka.

"Y-yes, no problem. Basta ikaw." Sagot naman ni Jerry. Isang masamang tingin ang ibinigay niya dito.

"Good. Are you celebrating on something?" Tila pag-iiba nito ng usapan na tila hindi pinapansin si Yna na inis na nakatunghay sa tabi niya.

"Yes, Daniel. We're ok na ni Yna." Pagbabalita ni Gian. Iniisip kasi nito na alam nitong GF niya si Yna dahil iyon ang pakilala nila noon sa set. Napabaling naman si Daniel sa kanya.

"Ok na..kayo na ulit?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa tila binabasa ang ekspresyon ng mukha niya.

"Yes." Mabilis namang sagot ni Yna. Nabuga ni Teddy ang nilagok na alak samantalang nabitawan ni Shine nag hawak na kopita. Sina Gian at Jerry naman ay nakaawang ang bibig na napatitig sa kanya.

Napatawa naman ng malakas si Daniel habang isa-isang pinagaaralang ang itsura ng mga ito.

"Mukhang hindi sila naniniwala…Yna?" Baling na tanong sa kanya ng lalake saka nakangisi siyang tinitigan.

"Tell him, Gian." Paiwas ang tingin niya na utos sa kaharap na lalake na tila nabigla sa mga pangyayari.

"Y-yes. K-kami na ulit." Nagkakandautal na wika nito. Mga tinging nagdududa ang ipinukol nina Shine, Teddy at Jerry dito.

"O-ok." Matipid namang ani ni Daniel saka ininom ng dire-diretcho ang alak sa hawak nitong kopita.

"So cheers again para kina Gian at Yna!" Sigaw ni Jerry at natatawa naman silang nag-cheers.

Hindi na nagsalita pa si Daniel. Tahimik lang itong lumalagok sa alak habang idinidikit ang mga braso sa kanya. Inis na siniko niya ito.

"Ouch!" Reklamo nito na tila inis na tumungin sa kanya ngunit halata naman na nagkukunwari lang ito.

Maya-maya pa ay pumailanlang ang isang romantikong musika at nagsimula ng tumayo ang ilang sa mga tao doon at nagsimulang sumayaw sa gitna.

"Can I dance with you, babe?" Yaya ni Gian sa kanya sabay lahad ng palad. Kinikilig naman silang tinukso ng mga kaibigan.

"Sure, babe." Kunwa'y malambing namang niyang tugon saka tinanggap ang palad nito. Lalo siyang mapangiti ng makita ang madilim na mukha ni Daniel. Nang magpasimula na silang magsayaw ni Gian ay kita ng sulok ng kanyang mata na tumayo si Daniel at lumipat sa table ng dalawang kasama nito. Patuloy lang ito sa paglagok ng alak habang pinapanood sila.

"Hey, Gian. Don't take this seriously." Bulong niya sa lalake dahil halos magkayakap na sila habang nagsasayaw sa saliw ng "Say You Won't Let Go".

"I know. I am good in playing games." May langkap na pait na wika nito. "Siguro ganito lang talaga ang role ko sa buhay mo." Pagdradrama nito. Sandaling inilayo ni Yna ang katawan dito upang matitigan ang lalake.

"Hey…I don't want you to feel bad about it. You're one of my bestfriends." Ani niya dito. Mapait namang ngumiti ang lalake saka siya tinitgan.

"Is it Daniel Dhanes?" Tanong nito. Napaawang naman ang bibig niya ngunit walang lumabas na salita mula rito. Mapait na napangiti si Gian habang pinagmamasdan ang blankong ekspresyon sa mukha niya habang patuloy pa rin ang pagsunod ng katawan nila sa tugtugin.

"You are pretending to be my GF everytime he's there. I get it now." Pagpapatuloy nito.

"Gian, nagkakamali ka-"

"Kahit hindi mo pa aminin, Yna. I know you like him, don't you?" Putol pa nito sa iba pang sasabihin niya.

"Ofcourse not. Di ko alam kung saan mo nakuha ang ideya na 'yan. We're not even close!" Pagtanggi niya.

"Pero bakit sumakay ka sa motor niya that day we had an argument? Ilang beses ko ring nakita na hinatid ka niya sa apartment mo." Nakangiting kwento niya.

"What?!" Gulat niyang ani saka tumitig sa lalake upang basahin kung nagsasabi ito ng totoo o hindi.

"Tama. Sinusundan kita mula ng magalit ka sa akin, thinking na matyempuhan kitang mag-isa at makausap kita ng masisinsinan. I saw everything. Alam kong may namamagitan sa inyo ni Daniel." Pagpapatuloy nito.

"How dare you to say that!" Inis niyang wika dito sabay hampas sa dibdib nito. Napahinto na sila sa pagsasayaw.

"Come here, babe…Don't get mad at me again. Tinitingnan niya tayo. Would like to continue this drama o tawagin ko si Daniel para isayaw ka niya?" Panunudyo nito.

"You won't do that!" Inis niyang sagot dito saka muling ipinatong ang mga palad sa mga balikat nito. Hinayaan naman niya itong ilagay ang mga kamay sa kanyang bewang saka muli nilang sinabayan ang tugtugin.

"I know what keeps you on rejecting him- he's a celebrity. You are not sure is he's true to you because he's an actor?" Muling pagsasalita ni Gian na ngayon ay maaliwalas na ang mukha na tila tanggap na ang papel niya sa buhay ng dalaga.

"Kiss me, Yna." Utos nito sa kanya. Napaawang naman ang bibig niya saka napatitig dito.

"What are you thinking, Gian?!" May pag-papanic na ani niya dito lalo na ng makita niyang inilalapit na ng lalake ang mukha sa kanya.

"Let's see if he really likes you." Nangingiti nitong ani saka tuluyang sinakop ang mga labi niya.

Nächstes Kapitel