webnovel

Eighteen

"MASARAP hija, you did a great job!" masayang bati sa kanya ni Lolo Que, sa finished product niyang chocolate cake na mabilis ipinatikim sa pamilya ni Toffer.

"Pwede ka na talagang mag-asawa!" nakangiti ring sabi ng mommy ng binata. Nag-thumbs up naman at ngumiti ang daddy nito, kaya hindi niya maiwasang mapangiti.

Nang bumaling siya sa binatang katabi niya sa mesa ay abalang-abala ito sa pagkain nito ng cake—kalahati nga ng cake ay inangkin nito, kaya hindi halatang gusto nito ang gawa niya. Napangiti na lang siya.

"Dahan-dahan lang, wala ka namang kaagaw, e." natatawang sabi niya kay Toffer.

"How did you make this? Gawa ka pa nang marami." Puno ang bibig na sabi nito, natawa din tuloy ang pamilya nito.

Nang matapos silang kumain nang ginawa niyang cake ay sa sala sila nagtungo at dahil sa panghihina ni lolo Que ay nanatili na lamang itong nakaupo sa wheelchair nito.

"Hija, hijo," agaw-atensyon sa kanila ng matanda—abala kasi sila sa pagtatalo tungkol sa latest movie na pinanuod nila—ang Suicide squad. Ang sabi ng lalaki ay boring ang movie, pero nagandahan naman siya! Mabilis silang bumaling sa matanda na sumenyas sa kanila na lumapit dito, kaya agad silang sumunod. "Masayang-masaya talaga akong makita kayong magkasama at magkasundo, wala na akong ibang hihilingin sa Poong Maykapal kundi ang kaligayahan ninyong lahat, lalo na kayong dalawa," kinuha ni lolo ang mga kamay nila ni Toffer at pinagtiklop ang mga 'yon. "Dumating man ang araw na kailangan ko nang mamaalam sa mundong ito, masaya akong aalis dahil nakita ko kayong magkasama at masaya. At sa wakas ay makakapiling ko na din ang lola Digna niyo at si Luisito." Tukoy nito ang namayamang asawa nito at ang lolo niya. Hindi nila napigilang malungkot sa sinasabi ng matanda, para kasing namamaalam na ito sa kanila. Pinigilan ni Toffer na huwag maiyak, pero siya ay hindi na nakapagpigil pa. "Ipangako niyo sa akin na aalagaan at mamahalin niyo ang isa't isa."

"Lolo..." nag-crack ang boses ni Toffer at tuluyan na rin itong napaiyak. Tahimik at malungkot namang nanunood sa tabi nila ang mga magulang ng binata. "Lalakas ka pa, makikita mo pa kaming bubuo ng pamilya balang araw." Madamdaming wika nito, napangiti ang matanda sa sinabi ni Toffer, pati siya man ay kumabog ang puso dahil pakiramdam niya ay gusto talaga siyang makasama nito at kasama pa siya sa pagbuo ng pamilya nito.

"Nandito lang lagi si lolo para gabayan at bantayan kayo, tandaan niyo 'yan." Ani lolo Que.

Napayakap nang mahigpit si Toffer sa matanda. "I will take care of her, lolo. I promise. I love you." Ani Toffer, na tinanguan ng matanda.

"Aalagaan ko din po si Toffer lolo, kaya huwag na kayong mag-alala." Sabi din niya, nang i-open ng matanda ang braso nito ay napayakap na rin siya dito.

"IN THE name of the father and of the son and of the holy spirit, may his soul rest in peace, Amen." Si tita Glory ang siyang nag-lead ng dasal para kay Lolo Que.

"Amen."

Tatlong araw na ang lumipas simula nang mamaalam si Lolo Que sa kanilang lahat. Last week ay muli itong nanghina at dinala sa hospital at doon na rin mismo binawian ng buhay. Ang bilin ng matanda bago ito tuluyang namaalam sa kanila ay i-cremate daw ang mga labi nito at isaboy ang abu sa karagatan na mabilis ding sinunod ng pamilya.

Ngayon ay nagpadasal ang mommy ni Toffer para kay lolo Que at kasama niyang nagpunta sa bahay ng pamilya Lim ang pamilya niya, naroon din si Emir ngunit hindi na nakasama ang mga magulang nito dahil lumipad din pabalik sa States kahapon.

Abala na ang lahat sa meryendang ginawa ng mga magulang niya, ngunit napansin niyang agad na lumabas si Toffer patungo sa garden, marahil ay nalulungkot pa rin ito sa pagpanaw ng matanda. Nalungkot silang lahat sa nangyari, ngunit wala na silang nagawa kundi tanggapin na lang ang lahat at ipagdasal si lolo.

Mabilis niyang sinundan ang binata dala ang tray na naglalaman ng maliliit na cupcakes at juice—pero mabilis din siyang napahinto sa paghakbang nang mula sa nakabukas na pinto ay nakita niyang pumasok mula sa gate si Reneé at mabilis na sinugod ng yakap ang binatang nakatayo lang sa harapan ng babae.

"I'm sorry for your loss," umiiyak na niyakap ng babae si Toffer na mabilis namang ginantihan ng binata. "I wasn't around when I heard the news that lolo had passed away. Ngayon lang ako dumating at nagpunta ako agad dito." Anito.

Tumango-tango si Toffer. "Thank you, Reneé."

Mabilis siyang tumalikod at nagmamadaling pumasok sa kusina. Inilapag niya ang tray na hawak niya sa mesa saka niya hinawakan ang tapat ng puso niya—sobrang kirot sa part na 'yon ng katawan niya, naiiyak tuloy siya dahil sa nakitang eksena sa pagitan ng dalawa—at bakit feeling niya ay siya ang third party sa kanilang dalawa ni Reneé? Nagseselos ka dahil mahal na mahal mo na si Toffer!

Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang kanyang mga luha sa cupcake na nasa harapan niya. "Hindi na 'to matamis!" mapait siyang ngumiti.

Isang scenario ang biglang nag-pop up sa isipan niya: Ang muling pagkakabalikan nang naudlot na pag-iibigan nina Reneé at Toffer! Hindi pa naman sila kasal ng lalaki—at ayaw niyang maging hadlang sa muling pag-iibigan ng dalawa, kaya naisipan niyang pakawalan na ang binata—kahit pa ang kapalit no'n ay ang tuluyang pagkawasak ng kanyang puso.

But Toffer will be forever in her heart—her very first love and forever love.

"Chynna Lee?" mabilis niyang pinunas ang kanyang mga mata at lumingon sa tumawag ng pangalan niya—si Emir. "What are you doing here—"

Hindi nito naituloy ang sasabihin nang mabilis niyang hinila ang kamay nito. "Tara! Turuan mo akong kumanta at mag-gitara, parang gusto ko kasing kumanta at mag-gitara ngayon e, pero sa likod-bahay na lang tayo dumaan!" aniya, saka sila nagpaalam sa pamilya nila ni Toffer at iginiya si Emir sa likod-bahay—na noon ay hindi maintidihan ang kanyang pinaggagagawa!

Ito ang nagagawa ng broken hearted!

Nächstes Kapitel