webnovel

One

"MALALA na talaga ang pagka-baliw ni ate, mama. Kaya pakidala na lang po siya sa pinakamalapit na mental hospital, baka kaya pang maagapan." Naiiling na sabi ni Pen-pen sa ina, na tinutukoy ang nakakatanda nitong kapatid na si Chyn—at dahil 'yon sa pagkahumaling ng dalaga sa lalaking kanina pa niya pinapanood nang paulit-ulit sa kanyang laptop.

Si Sandro Emir Lim o kilala bilang Emir ay ang lalaking limang buwan nang pinapantasya ni Chynna Lee Versoza. Campus heartthrob-slash-singer-guitarist si Emir sa Princeton University kung saan siya nag-aaral. As in sobrang "hot" nito—'yong tipong pwede na itong pagpakuluan ng tubig, pinagkakaguluhan din ito ng mga girls at beki sa kanilang campus—hindi lang kasi ito guwapo kundi approachable din, smiling face at napaka-down to earth despite na galing ito sa mayamang angkan. Cute din ang makakapal na kilay nito na parang may sariling buhay sa tuwing kumakanta, kissable lips, tall, fair complexion and very handsome!

Siya na ang dakilang fangirl nito, dahil lahat yata ng tungkol sa binata ay alam niya; mula sa gamit na shampoo nito hanggang sa brand ng medyas nito. Well, she can't blame herself for admiring a Prince charming like Sandro Emir Lim!

Hindi niya pinakinggan ang sinasabi ng kanyang kapatid dahil patuloy lang siya sa kilig na panonood sa guwapong binata sa youtube, kulang na lang yata ay magtititili na rin siya doon. In love na yata siya sa lalaking ito. That suave voice of him, haaaay!

Hindi naman siya dati nagka-crush sa mga guwapo sa school nila dahil ayaw niya nang gulo sa mga kapwa niya admirers at nagkakasya na lamang siyang kiligin sa mga Kpop groups, pero nang mapanood niya ang mga videos ni Emir na naging viral sa SNS, wala na siyang pakialam kung makipag-rambolan pa siya sa mga co-fan niya sa binata.

Mas lalong sumikat ang guwapong second year marine biology student nang umabot sa milyon-milyon ang mga views ng song covers nito sa youtube at nai-feature sa isang sikat na teen magazine sa bansa. Madalas ay mga RnB, ballad at country music ang tinutugtog nito.

Sa kasamaang palad, hindi pa niya ito nakaka-face to face sa limang buwan niyang pagfa-fangirl dito. Paano ba naman kasi—lagi itong dinadagsa ng mga kasamahan niyang fangirls nito, kahit yata magpunta ito sa male CR ay mayroon pa ring nakabuntot na mga tagahanga nito. Oo at maraming mga guwapo at sikat na students sa school, pero iba kasi ang charisma at appeal ni Emir sa kanya—pak ganern!

Kaya ayon hanggang pagpapantasya na lang siya sa binata, malayo kasi ito sa katotohanan at ang hirap paniwalaan na mare-reciprocate nito ang nararamdaman niya. Hindi sila pareho ng estado sa buhay; hindi siya mayaman at matalino tulad nito at lalong hindi siya gaanong pansinin sa school, simpleng second year HRM student lang siya, na tanging masasarap na pastries lang ng kanyang mga magulang ang maipagmamalaki.

Nagkakasya na lamang siya sa oras-oras na panunood ng mga song covers ng binata sa facebook at youtube—at ang gabi-gabi na pag-iilusyon dito—'yon na lang kasi ang alam niyang paraan para kahit paano ay makasama ito. Madalas nga lang siyang mapagalitan ng mga magulang niya dahil mas inuuna pa niya ang pag-i-internet kaysa sa paggawa ng mga assignments dagdag pa na tumataas na rin ang bayarin nila ng kuryente at wi-fi dahil sa kanya, ngunit bumabawi na naman siya sa pamamagitan nang pagtulong sa mga magulang sa maliit na pastry shop nila—ang Tasty Pastry—na minana pa sa yumaong mga magulang ng papa niya, na kapwa mga pastry chefs din tulad ng kanyang mga magulang.

"Hoy! Chynna Lee Versoza, tumigil ka na sa kanunood mo dyan sa lalaking 'yan, kanina ka pa nakaharap dyan sa laptop mo, mamaya magpalit na kayo ng mukha ng lalaking 'yan." Sermon ng mama Kristy niya na saglit tumigil sa harapan nang nakabukas niyang pintuan para sermunan siya, dahil sa pagsusumbong ng sumbungera niyang kapatid—pero kinilig siya nang slight doon sa sinabi ng mama niya—aba, jackpot kaya siya sakali mang makapalitan niya ng mukha ang guwapong binata, 'no! "Hindi ka pa nakakagawa ng mga assignments mo, mamaya kalawit na naman ang makikita kong grades mo, naku, humanda ka talaga sa akin! Hindi mo gayahin itong kapatid mong seryoso sa pag-aaral." pagpapatuloy ng mama.

Napabuga na lang siya ng hangin saka mabilis na bumaling sa kapatid niyang nasa entrada ng kuwarto niya—saka ito inirapan nang bonggang-bongga bago pinatay ang kanyang laptop dahil baka mahirapan na siyang magbanlaw mamaya dahil sa sobrang pagsa-sabon na ginagawa ng mama niya sa kanya.

Dalawa lang naman ang assignment na gagawin niya, e, saka balak naman talaga niyang gawin 'yon mamaya pagkatapos niyang humugot ng maraming inspirasyon sa lalaking pinapanood niya, kaso naudlot pa.

Katulad ng mga magulang niya, kumuha siya ng four year HRM course dahil gusto niyang maging pastry chef. Pero mukhang hindi sila close ng mga sandok at kaldero dahil sa edad na seventeen ay ni isang putahe ng ulam ay wala siyang alam na lutuin—oo, hindi siya marunong magluto! Nakikinig naman siya nang mabuti sa mga itinuturo ng mga teachers niya kapag activity nila sa pagluluto sa school, kaya lang kapag actual na ay nahihirapan na siya; kung hindi sunog at walang lasa ay lasog-lasog ang mga prini-prito niya—may time pa ngang mas inuna niyang inilagay ang ulam na ipi-prito kaysa sa mantika. She's a hopeless case, pero hindi siya susuko!

Mas magaling pa yatang magluto si Pen-pen sa kanya—ang fifteen years old niyang kapatid na nasa fourth year high school—kaysa sa kanya. Nasa kapatid na yata niya ang lahat nang mga gusto niyang mangyari sa kanyang buhay; bukod sa magaling itong magluto, talented din ito at running for valedictorian pa, kaya madalas ay naikukumpara siya ng iba dito—na hindi naman ikinasasama ng loob niya—proud pa nga siya dahil kapatid niya ito—siguro ay kailangan lang talaga ng sipag at tiyaga!

Bumaling siya ng tingin sa kanyang mama na noon ay patuloy pa rin sa panenermon sa kanya at sa kahibangan niya. Mabuti na lang at kahit tumatagos na sa mga buto niya ang mga sinasabi nito ay hindi naman 'yon nanunuot, na-immune na kasi siya sa araw-araw na panenermon ng ina sa kanya.

Patango-tango siya sa ina, ngunit hindi naman niya pinapakinggan ang mga sinasabi nito dahil bukod sa paulit-ulit ay kabisado na rin niya ang lahat ng litanya nito. Lihim siyang napailing. Sorry na 'ma, hindi ko kayang matiis si Emir!

At ang sarap lang batuhin ng tsinelas ang kapatid niya dahil nakangisi pa ito nang nakakaasar habang pinapagalitan siya ng kanilang mama. Kung hindi lang niya iniisip na baka himatayin sa inis ang mama niya ay matagal na niyang nasabunutan ang kapatid.

Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyan nang umalis ang mama at kapatid niya sa harapan ng pintuan niya. Sige na, mag-aaral at gagawa na siya ng mga assignments niya—pero pagkatapos no'n ay nood to sawa na uli siya!

"GIRLS, napanood niyo ba 'yong latest song covers ni Emir? My gosh! Super ganda at nakaka-inspired!" halos patiling sabi ng babaeng nasa likuran ni Chyn habang nagkukuwento ito sa bagong uploaded video ni Emir sa facebook nito—napanood na niya 'yon kagabi dahil isa siya sa mga masugid na follower ng binata.

And Emir's version of Secret love song was so awesome! Gusto nga niyang ulit-uliting pakinggan hanggang sa magsawa siya—pero sa palagay niya ay hindi siya kailanman magsasawa sa boses nito!

Patuloy pa rin sa pakikinig si Chyn sa kuwetuhan ng mga babaeng nasa likuran niya nang bigla siyang makarinig nang malakas na tilian ng mga estudyanteng babae at bakla sa paligid—kaya awtomatiko niyang hinahanap ang taong biglang tinilian ng mga girls—dahil pamilyar na sa kanya ang gano'ng eksena sa araw-araw niya sa school—lalo na ngayon dahil isa na rin siya sa mga fangirls katulad ng mga ito.

At biglang nagkaroon ng raibow colors ang kanyang paligid nang makita niya ang nakapa-guwapong si Sandro Emir Lim, na noon ay naglalakad patungo sa canteen, na mabilis nasundan ng mga kapwa fangirls niya—huli na naman siya!

Nächstes Kapitel