webnovel

Two

Agad din siyang napasunod sa lalaki sa canteen, hindi pa naman magsisimula ang klase niya dahil maaga siyang dumating sa school. Mabilis siyang tumakbo para masundan ang binata nang bigla na lang may sumulpot na matangkad na lalaki sa kanyang harapan—nanlaki ang kanyang mga mata pero huli na para mag-preno dahil parang nawalan na siya ng brake—kaya sa huli ay nabangga niya ang lalaki at tumilapon ang hawak nitong tray na naglalaman ng mga naka-plastic wrap na cakes.

Mabilis niyang pinulot ang mga cakes na nagkalat sa daan saka inipon ang mga 'yon at inilagay sa tray. Nang maiayos niya ang lahat ay tumayo na siya at humingi ng sorry sa lalaki saka ibinigay ang tray na hawak niya—ngunit akmang tatakbo na siya para sumunod kay Emir nang mabilis na hinagip ng lalaki ang braso niya.

Nakaramdam siya ng malakas na boltahe ng kuryenteng gumapang sa kanyang katawan. What was that? Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa lalaking humawak sa braso niya—and she was greeted by a very 'oh so handsome man', napalunok siya nang mariin habang titig na titig sa lalaking nasa harapan niya; maputi ito at makinis ang balat na kinabog pa siya, singkit ang cute na mga mata nito, maganda at matangos ang ilong at natural na mapupula ang mga labi. Maganda rin ang pangangatawan nito at matangkad; para itong isang athlete—na hindi nalalayo sa height ni Emir na five feet and eleven inches—o di kaya isang modelo o maaari din itong mapagkamalang miyembro ng isang kpop group!

Mas guwapo yata ito ng isang paligo kay Emir, pero syempre pa kahit gaano ka-guwapo ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay loyal pa rin siya kay Emir at sorry na lang ito dahil hindi niya ito kilala. Paano e, naka-focus lang siya sa favorite guy niya sa school—pero hindi niya maipagkakaila na eye catcher at heartthrob din ang lalaking kaharap niya!

Nagulat siya sa hindi inaasahang pagkabog ng puso niya dahil sa gawi nang pagtitig na ginagawa ng lalaki sa kanya—parang sinusuri nito lahat ng anggulo ng kanyang mukha at ang weird dahil may kakaiba siyang naramdaman na hindi niya maipaliwanag!

Nagtataksil ka na yata kay Emir! Anang isipan niya, kaya mabilis din siyang natauhan at agad na binawi ang braso mula sa lalaki. Putik, traydor na mga mata 'to! Pero habang tinititigan niya ang lalaking ito ay mas lalong dumu-doble ang kaguwapuhan nito at nagiging kaakit-akit!

Napailing-iling siya, hindi na tama ang inaasal ng puso, isip at mga mata niya. Hindi siya magkaka-crush siya iba maliban kay Emir! Panunumpa niya 'yon as one of the members of Emirians-slash-Emirholics—ang pangalan ng mga fansclub ng binata.

"I want new cakes!"malamig na sabi ng guwapong nilalang na nasa kanyang harapan. Ang weird dahil blanko ang expression ng mukha nito—hindi tuloy niya alam kung galit ba ito o kung ano. Ngunit hindi maipagkakaila na maganda din ang boses nito—wala yatang pangit sa lalaking ito, e!

Muli siyang napailing ng lihim. "T-Teka, e, hindi naman napaano 'yang mga cakes mo, kaya bakit ako bibili ng bago?" sa wakas ay nagkaroon na rin siya ng kakayahang magsalita. Thank, God!

"I'm not going to eat that." malamig pa ring sagot nito, sa mga cakes na nasa tray.

Jacket please! Gininaw yata siya sa lamig nang pakikitungo nito sa kanya. Hindi ito katulad ni Emir na approachable, this guy is cold-hearted and unemotional. Saglit na naagaw ang kanyang tainga nang marinig niya ang pangalan ni Emir na isinisigaw ng mga co-fangirls niya, kaya muling bumalik ang kagustuhan niyang masundan ang lalaki!

"Bibigyan na lang kita nang pambili," aniya, saka niya inabot ang isang daang piso sa lalaki. "Dapat ay baon ko 'yan ngayong araw, pero pambili mo na lang ng cakes mo." slight na pangongosensya niya dito.

"My cakes are worth five hundred pesos." Anito, na ikinalaglag ng kanyang mga panga. Five hundred pesos ang limang cakes na 'yon? E, baon na niya 'yon ng limang araw ah, saka wala siyang dalang limang daan dahil isang daan lang naman ang baon niya sa isang araw! Sabagay mukha naman kasing RK ang guwapong hinayupak na 'to!

"M-Mag-diet ka na muna!" aniya, ngunit hindi pa rin tinatanggap ng lalaki ang pera na iniaabot niya dito.

"Okay. Bilhan mo ako." anito, sabay turo sa counter kung saan ito bumili ng cakes—na noon ay may napakahabang pila. Napanganga siya, napaka-demanding naman ng lalaking ito, siya na nga ang nagmamagandang-loob na bayaran ang hindi naman napaano na cakes nito, siya pa ang bibili!

Hindi tuloy niya napigilang mairita kahit guwapo ito! Pero sa huli ay nanlumo na lang siyang sumunod sa sinabi ng lalaki—tutal hindi na rin niya maaabutan kung nasaan na sina Emir dahil mukhang may dinaanan lang naman ito sa canteen.

Nagsimula na siyang pumila sa napakahabang linya, kung bakit kasi ayaw ng lalaki ng ibang bilihan ng cakes—gusto nito ay doon mismo sa kung saan ito bumili kanina! Mabuti na lang at napipigilan niya ang inis niya, kung hindi baka magkaka-world war III na! Halos twenty minutes din siyang nakipila at malapit na ang oras ng unang klase niya.

Nang makabili na siya ay mabilis niyang pinuntahan ang mesa ng lalaki para ibigay ang dalawang maliliit na cakes—'yon lang kasi ang nagkasya sa pera niya! Nang makarating siya sa mesa nito ay inabot niya ang mga nabili niya—pero nagulantang na lang siya nang sabihin nitong ayaw na daw nito nang binili niya dahil nalipasan na daw ito ng gutom, kaya siya na lang daw ang kumain ng mga 'yon!

Saka na ito mabilis na tumayo sa kinauupan nito at iniwan na lang siya basta-basta doon. Tuluyan na siyang napapikit para magtimpi ng inis dahil sa kumag na 'yon—malapit na siyang maging super saiyan, hindi por que guwapo ito ay mapapatawad na niya ang ugali ito—well, ibahin siya nito dahil hindi siya katulad ng ibang mga babae!

Hindi niya nasundan para masulyapan si Emir—pumila siya sa napakahabang pila para bumili ng cake nito at malapit na siyang ma-late sa klase niya—pero lahat ng pagsa-sakripisyo niya ay nasayang dahil hindi naman nito tinanggap ang binili niya para dito!

Kakainin sana niya 'yon kung cake 'yon na b-in-ake ng papa niya, pero hindi, e! Sa inis niya ay muntik nang mapisa ang dalawang maliliit na cakes na hawak niya—hanggang sa sapian siya ng ispirtu ng kapilyahan!

Bumuwelo siya at buong lakas na ibinato ang hawak niyang cakes sa ulo ng lalaking noon ay naglalakad palayo sa kanya, narinig niya ang malakas na pagsinghap ng mga taong nasa paligid na nakakita sa kanyang ginawa.

Tiyak kapag nalaman ng mga magulang niya na nagsayang siya ng pagkain ay sasabunin na naman siya ng sermon ng mga ito. Sorry na mama at papa, last naman na ito e!

Mapapa-'oh yes, wagi' na sana siya dahil nakabawi na siya sa lalaki—nang makita niya itong huminto sa paglalakad at dahan-dahang bumabaling sa kanya—hindi na niya nahintay na makita ang mukha nito dahil mabilis na siyang kumaripas ng takbo!

Nächstes Kapitel