Nanginig ang kalamnan ng tatlo sa narinig na sinabi ni Arnie, maging ang ibang sireno, sirena, siyokoy at si Neptuno ay natigalgal at hindi agad nakahuma sa pagka - bigla at pangingilabot .....
Neptuno : ahem..... ahem.... A.... Ar... nie ano naman ang gagawin mo sa extra pang seahorse kung ikaw ay magutom? ang nag aalalang tanong ni Neptuno
Arnie : huh??? aba... di simple lang , siya ang magiging sasakyan ng aking mga pagkaing babaunin ..... hindi ba pwede naman ako mag baon ng pagkain sa aming paghahanap???
Lahat ng Mamamayan ng Atlantis : ah..... ....
Neptuno : ah.....
Tatlong Seahorse : ah.......
Neptuno : oo maari naman, sige sasabihin ko sa taga pagluto ng kaharian ng Atlantis, ang mabuti pa ay bumalik na muna tayo sa loob ng kaharian upang mag meryenda. Ang tugon pag sang ayon at pag aaya na ni Neptuno sa lahat.
Arnie : aba!!! magandang ideya yan!!! tara na sa loob at nang makapag relax naman ako!!! baka ma stress na ako ng todo hindi pa man nag umpisa ang pag hahanap ng tinidor ,
at marahang hinaplos pa ni Arnie ang kanyang mga braso at legs na naging dahilan upang halos muling lumuwa ang mga mata ng lahat ng sireno at siyokoy.
Lahat ng Sireno at Siyokoy : wow!!! 😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱
Nagbalik ang lahat sa pangunguna na ng gustong mag relax na si Arnie kasunod si Neptuno. Agad na muling naupo si Arnie sa malaking kabibe at prenteng naghintay sa idudulot ng meryenda.
Sa kaharian ng mga nilalang lubos na ring magaling si prinsipe Matuling, mayroon na rin silang supling ng kanyang kabiyak na si Karimlan, isinunod nila ang pangalan nito sa pangalan ni Arnie at tinawag itong Arnibal.
Si haring Balakubak naman at haring Balakyot ay hindi pa rin sumusuko ,patuloy silang nag paplano at nag iisip ng paraan kung paano pag haharian ang daigdig.
Sa katunayan magkaharap sila ngayon at nag iisip ng magandang plano......
Haring Balakyot : Balakubak...... ano kaya kung ang dukutin natin ay ang reyna at hari ng mga Tikbalang, at siyang gamiting kondisyon kapalit ni Arnie???
Haring Balakubak : hmmmm may punto ka dyan....... ngunit....... hindi ba at pansamantalang umalis si Arnie sa kanilang kaharian???
Haring Balakyot : Ah.... tama ka, umalis nga siya kung kaya't maari nating isagawa ang plano bago siya bumalik??? o ngayon na??? upang mapilitan siyang bumalik na muli