webnovel

Chapter 70 : Espesyal Na Sasakyang Pan - Dagat 5 :

Nagpaplano si Balakubak at Balakyot kung paano nila magagawang imanipula ang kapangyarihan ni Arnie, nakaisip naman si Balakyot ng magandang ideya upang magawa nilang kunin mula sa mga tikbalang si Arnie.

laking galit ni Balakyot ng marinig ang huling sinabi ni Balakyot, umuusok ang ilong na sinigawan niya ito na parang bata at hindi kapwa hari

Haring Balakubak : nababaliw ka ba??? 😤😤😤 buong akala ko ay ginagamit mo ang utak mo? naturingan kang Balakyot at walang kasing sama ngunit wala ka ring utak????

Gusto mo bang malipol tayong lahat at mapahamak pati ang aking apo? yung apo ko na lamang ang tangi kong pag asa!!! alam mo namang nuknukan din ng inutil at duwag ang anak ko, tapos ganyan ang isuhestyon mo???

hindi pa tayo handa!!! sa sandaling kinuha natin ang reyna at hari ng mga tikbalang....

sa kanilang dalawa pa lamang tapos na ang lipi natin dahil hindi tayo handa at mahina pa tayo. Kailangan nating magpalakas muna....

Malaki ang ipinagbago ng lakas ng hari at reyna ng mga tikbalang, sa estado natin ngayon... di natin sila kakayanin.....

kailangan nating mag hintay ng tamang panahon at magpalakas habang wala ang itinakda, sa ganoong paraan makakaya na natin kunin ang hari at reyna ng mga tikbalang at gawing pampalit ang itinakda.

Haring Balakyot : ah _ _ _ ah oo nga pala, pasensiya ka na haring Balakubak, lubha akong nadala ng aking iniisip.

ang nanginginig pa sa takot na paliwanag at hinging paumanhin ni Balakyot kay Balakubak.

Magbalik tayo sa Atlantis........

Prenteng ngumangasab ng masarap na meryenda na idinulot ng isang magandang siyokay si Arnie, halos manlaki ang mga mata ng lahat lalo na ni Neptuno ng sa isang iglap ay halos malimas ang pagkaing nakalapag sa malaking flat na bato, wala pang dalawang segundo mula ng idulot ng mga siyokay (babaeng siyokoy)

☆Happy☆ ♡Valentine's♡ ☆Day☆ everyone 😊😊😊

Nächstes Kapitel