webnovel

Diba ....Si...Si...

Hindi na muling nagpakita pa si Jaime kay Nadine pagkatapos ng nangyari, bumalik na daw ng Maynila, sabi ni Edmund.

'Ano kayang sinabi nito at napasunod nya si Jaime?'

Kung ano man yun, sana for good na!'

Kaya nilapitan ni Nadine si Edmund at kinausap.

"Salamat!"

"Saan?"

"For being a friend!"

"Ang drama mo!"

"Hahaha!"

Kung ibang tao ang makakakita sa kanila, mapagkakamalan mong may relasyon ang dalawa.

Pero hindi ibang tao ang nakakita kundi si Earl at ang bago nyang mga kaibigan. Kay Earl balewala lang ito dahil alam nyang close ang Tita Nadine nya at Daddy nya.

Pero...

"Earl, Mommy mo ba yung kausap ng Daddy mo?"

Tanong ni Ian

Medyo malayo sila kaya hindi masyadong kita ang mukha. At dahil sa may similarities si Nadine at Nicole hindi lang sa itsura pati kilos, mapagkamalan mo talaga pag malayo.

But not Earl.

Earl knows his Mom at alam nyang hindi nya Mommy yun.

"Ian hindi yan ang Mommy nya, andun ang Mommy nya!"

Sabay turo ni Tina kay Nicole

"Halah...! Kung andun ang Mommy ni Earl, paano sya napunta duon?"

Napakunot ang noo ni Earl sa tanong ni Ian at napansin ito ni Tina.

"Ian, tumigil ka na nga!"

Saway nito sa kapatid.

Wala naman malisya ang pagkakasabi ni Ian, pero nagiwan na ito ng hindi maganda sa isipan ni Earl.

*****

Sa isang cafe.

Doon nagkita kita ang apat. Si Kate at Mel, Si Jeremy at Eunice.

Hindi na sumama ulit si James sa kanila dahil nandito sya para mag enjoy hindi mag chaperon. Saka, alam na ni Nicole na andito din si Jeremy.

Nagulat si Nicole ng bigla itong sumulpot sa harap nya at nagmano.

"Anong ginagawa mo dito bata ka?"

"Sumunod po ako! Gusto ko po kasing makasama si Eunice kahit saglit lang!"

Napahanga si Nicole sa ginawa ni Jeremy.

'Wow, umi effort! Mukhang serious na sa panliligaw ang mokong!'

Nangingiti si Nicole.

Kaya nang magpaalam ang tatlo na pupunta lang daw sa cafe, pinayagan nya.

'Mukhang andun si Jeremy kaya gusto nila duon magpunta!'

Ngayon naman, hindi alam ni Nicole kung papaano sasabihin sa asawa ng hindi ito maghuhuramentado.

"Jeremy my friend, kelan ba ang alis mo papuntang America? May pa despidida ka ba?"

"Oonga! Jhay kahit tayong apat lang!"

Medyo naakaramdam ng hiya si Jeremy. May plan talaga sya pero para sa kanilang dalawa ni Eunice lang sana.

Sabay naman syang tiningnan nila Kate at Eunice umaasa sa magandang sagot.

"Ano yang itsura mo na yan, my friend?"

"Huh? Anong itsura?"

Pinakakalma ang sarili at binubuko sya.

"Hmmm....may iba ka sigurong plan anoh?"

Napayuko si Jeremy, halatang guilty.

"Hindi naman sa ganun, kasama din naman kayo sa plan pero gusto ko sana magkaroon din kami ng special moment ni Eunice!"

"Ganooon?!"

"Melabs gusto ko din ng special moment!"

At bigla syang inakap nito at pinaghahalikan.

Nailang si Eunice sa dalawa kaya nilipat nito ang tingin sa kung saan.

"Help! Sissy! Jeremy my friend!"

"Hahaha!"

"Kunwari ka pa Mel my friend, gusto mo rin naman yan!"

Mas lalo syang pinanggigilan ni Kate na parang isang teddy bear.

"Huy Sissy, tulungan mo na naman ako!"

Pero hindi na sya pinansin ni Eunice, naka focus ang tingin nito sa malayo.

"Sissy, ano bang tinitingnan mo dyan at para kang nanuno dyan?"

Tinitingnan ko ang pintong yun!"

Tumigil ang lahat sa ginagawa nila at tiningnan din ang pinto.

"Bakit?"

"Oonga Sissy bakit mo tinitingnan ang pinto?"

"May napansin kasi akong pumasok dun na mukhang pamilyar!"

"SINO!"

Sabay sabay nilang tanong.

Nang biglang bumukas ang pinto na kanina pa nya tinitingnan.

"Ayun!"

Tiningnan nila ang direksyon na tinuturo ni Eunice.

Lahat sila napamulaga ng makita kung sino ang tinutukoy ni Eunice.

"O-M-G!"

"Diba ... si...si..."

Hindi na natuloy pa ni Mel ang sasabihin dahil biglang nawala sa paningin nila yung babae.

Sabay sabay silang tumayo at nagtungo sa kinaroroonan ng nakita nilang babae.

"San nagpunta yun?"

Nagpatuloy sila sa paghahanap pero hindi na nila makita.

Kakahanap hindi napansin ni Jeremy ang isang matanda na lumabas mula sa isang kubo at nabangga nya ito.

"Ay sorry po Lola, hindi ko po kayo nakita!"

Agad din lumapit sila Eunice Mel at Kate para tulungan ang matanda.

"Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo iho?"

"Pasensya na po Lola, may hinahanap po kasi kami kaya po hindi kayo napansin ni Jeremy my friend!"

"Lola, may masakit po ba sa inyo? Gusto nyo po bang ihatid namin kayo sa pupuntahan nyo?"

"Ang totoo nyang Ineng, hindi ko talaga maalala kung saan ako yung cottage namin kaya papunta ako ngayon sa reception!"

"Lola samahan na lang po namin kayo!"

"Ay kababait naman pala ng mga bata a 're!"

"Salamat sa inyo! Pwede bang tawagin nyo na lang akong Lola Remy?"

"Opo, Lola Remy!"

Nang makuha nila kung saan ang cottage house ni Lola Remy, nagprisinta rin ang mga ito na sila na ang maghahatid sa matanda. Nakalimutan na ang tungkol sa hinahanap nila kanina.

Pero hindi nila inaasahan ang pagtatagpo pala nilang ito ni Lola Remy ang magbibigay daan para sa katotohanan.

Nächstes Kapitel