webnovel

Si Jane

"Lola Remy, may mga kasama po ba kayo dito?"

Tanong ni Mel.

"Oo iho, si Jane! Kaya lang mukhang wala pa dito baka hinahanap ako!"

"Anak nyo po ba sya?"

Tanong ni Kate.

"Hindi ineng! Bata pa sya, mga kasing edad nyo! Saka hindi ko sya kamag anak pero nagpapasalamat ako at dumating sya sa buhay ko!"

"May amnesia yang si Jane sabi ng mga duktor ng makita ko sya sa ospital!"

"Naawa ako sa bata kaya kinupkop ko!"

Mag dadalawang buwan ko pa lang syang kakilala!"

"Matagal ko na din kasing gustong mag travel pero diko magawa dahil ayaw akong payagan ng mga anak ko! Delikado na daw kasi sa akin ang bumyahe ng magisa sabi ng duktor ko! Busy naman sila! Kaya mabuti na lang at nakilala ko itong si Jane!"

Bigla silang na curious kay Jane. Gusto nilang makilala si ito.

"Lola Remy pwede po bang dito muna kami para po samahan kayo habang wala pa si Jane?"

Tanong ni Eunice.

"Oo naman! Masaya kapag marami kang kausap! Hehe!"

Pero isang oras na ang nakalipas hindi pa rin bumabalik si Jane. Nagaalala na ang matanda.

"Saan naman kaya nagpunta ang batang iyon?"

"Baka po napasarap lang ng pamamasyal?"

Pero nagtataka na rin sila kung bakit wala pa ang Jane na tinutukoy ng matanda.

Nandito sya para samahan ang matanda pero bakit wala pa sya?

Tinawagan ni Lola Remy si Jane.

"Hello Jane, asan ka na ba? Kanina ka pa wala!"

"Lola, tulungan nyo po ako! Huhuhu!"

"Ha?! Ineng anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?"

Natatarantang tanong ng matanda.

Kinuha ni Eunice ang phone ng matanda at ni loud speaker!"

"Lola tulong po! May humahabol po sa akin! Huhuhu!"

Napakunot ang noo ng apat.

Kilala nila ang boses ng nasa kabilang linya.

"Y-N-A???!!!"

Nagtaka si Yna bakit may ibang taong kasama si Lola at bakit kilala nila ang totoong pagkatao.

Pero emergency na ito kaya hindi na sya nagtanong.

"Tulong! Tulong! Nasa CR ako ng cafe! May humahabol sa akin!Huhuhu!"

"Yna, kilala mo ba kung sino ang humahabol sa'yo?"

Narinig ni Yna na may nagpupumilit na buksan ang pinto.

Kinandado nya ito kanina tapos ay pumasok sa cubicle na kinandado nya rin para dun magtago.

"Bilisan nyo andito na sya!"

Nanginginig sa takot ang boses ni Yna.

Agad na tumakbo si Kate at sumunod naman si Jeremy patungong cafe, naiwan sila Mel at Eunice para pakalmahin ang matanda.

"Beshy, tumawag ka sa reception para humingi ng tulong!"

Kinakabahan si Eunice, baka kung anong mangyari sa matanda.

Samantala.

Nanginginig sa takot si Yna sa loob ng cubicle. Umiiyak sya pero pinipigilan nyang huwag gumawa ng ingay para hindi madinig sa labas.

Nadinig nya ang pagbukas ng pinto kaya lalo syang natakot at halos hindi na makahinga sa sobrang kabog ng dibdib nya.

"Hello, may tao po ba?"

Nadinig nya ang boses ng isang babae.

'Nakahinga si Yna ng malaman na hindi ito ang humahabol sa kanya.

Magsasalita na sana sya pero...

"Sir, mukha pong walang tao! Sigurado po ba kayong dito nyo nakitang pumasok ang anak nyo?"

"Oo! May sakit sya at kailangan nya ng tulong! Kanina pa sya pumasok dito kaya baka kung ano ng nangyari sa kanya!"

Nagaalalang tanong ng lalaki.

Kilala ni Yna ang boses na yun, boses yun ng taong kinasusuklaman nya ng lubos.

Si Sir Mon, ang teacher nya na lumapastangan sa kanya.

Hinawakan ni Yna ang bibig nya para pigilan ang gumawa ng ingay.

"Yna, Yna? Daddy's here! Asan ka anak!"

Binubuksan nya ang bawat cubicle para malaman kung may laman. At ng dumating sa pinaka dulo naka lock ito.

"Yna?!"

Kumatok sya pero walang sumasagot.

Binalya ni Mon ang pinto ng cubicle kaya nabuksan ito.

"Hhhaaa. .. Hhhhaaa..!"

Pilit na sumisigaw si Yna pero walang tinig na lumalabas puro ungol lang.

"YNA!"

Agad syang nilapitan ni Mon at pinainom ng tubig. Nagpupumiglas ito pero wala syang magawa sa lakas ni Mon.

May halong pampatulog ang tubig na pinainom ni Sir Mon, kaya ilang minuto lang kumalma na ito.

Natakot naman ang janitress na kasama ni Mon na pumasok ng CR. Tatawag na sana sya ng tulong pero kinausap sya ni Mon.

Huwag kang matakot, ganito talaga sya pagsinusumpong ng epilepsy!"

Nawala naman ang takot nito ng makitang kumalma na si Yna.

Binuhat sya ni Mon tapos ay kinausap nito ang Janitress.

Pasensya ka na sa abala! Sana huwag mo ng ipagsabi ang tungkol dito, nakakahiya e!"

Sabay abot ng pera.

Eto bayad ko sa nasira ko saka sa abala ko sa'yo! Salamat!"

At umalis na ito karga si Yna na tuluyan ng nawalan ng malay.

Nächstes Kapitel