webnovel

Chapter 54

I Love You

Loving you is so beautiful

Makes me forget all pain

My life becomes colorful

I could see rainbow in the rain

Loving you is so beautiful

That multiplies my happiness

I say, world is so wonderful

Learning lessons of forgiveness

Loving you is so beautiful

Gives me the direction

Making my each step meaningful

A passion to reach the destination

Loving you is so beautiful

I cannot be just "ME"

All call me "fool"

But I realized the importance of "WE"

Loving you is so beautiful

That's make me perfect

Your love keeps me cheerful

Without you I am imperfect

Loving you is so beautiful

I have no more words to express

Just, I LOVE YOU.

- Romal Kochur -

Lalong humigpit ang security para kay Hayley. Lagi ding nakabuntot sa kanya sila Nico, Levi, at Holden. Patuloy naman sa pagmonitor sila Grey, Jacob, at Rod sa mga CCTVs sa loob at labas ng Kleid Moda pati na din sa bahay ni Nico na nagsilbi na ding bahay ni Hayley. Si Landon muna ang nagmanage sa Dine and Drink dahil nasa France pa sila Dashiell at Quinn para sa kanilang honeymoon pero nangakong babalik after one week. Naayos na ang condo unit nila pero hindi pumayag si Nico na manatili siya doon kahit secured na din ang lugar. Pumayag na si Nico na muli silang pumasok sa kumpanya dahil peak season at mataas ang demands ngayon ng kanilang brand. Nagpatuloy ang buhay para kay Hayley pero minsan ay napaparanoid siya pero dahil na din sa hindi humihiwalay ang mga mata sa kanya ni Nico ay kumakalma na din siya. CR na nga lang ang kalayaan niya.

"Daig mo pa ang Queen of Great Britain girl." Biro ni Ashley. "Lalayo ka, daig niya pa si Tatay Digong sa mga escorts." Dugtong naman ni Lily. "Pero winner siya kay Mr. Pogi." Sabi ni Leandra na lumingon kay Nico na kausap sila Fin, Levi at Holden. Nasa fitting room sila para isukat ang mga damit na gagamitin sa kasal nila Fin at Amanda. "Kayo na ba?" Nakangiting tanong ni Amanda. "Paano magiging kami eh hindi naman siya nanliligaw?" Sabi ni Hayley. "Juice ko naman girl, kailangan niya pa bang manligaw eh sobra-sobra na sa pagiging jowa ang ginagawa niya para sa'yo." Sabi naman ni Virgie. "Oo nga, kung ako lang ang nasa katayuan mo "OO" agad di pa siya nagtatanong." Sabi ni Ashley na ikinatawa ng lahat.

"Ayaw n'yo ba talaga akong samahan bukas?" Iniba ni Hayley ang topic. "Ayaw! Baka hindi lang ako makapagpigil kapag nakita ko si Toby at Brittany." Sagot ni Ashley. "Oo nga, baka maubos ko lang ang buhok ni Brittany hindi sa taas pati sa baba." Sabi ni Lily kaya natawa na naman ang iba. "Kasama mo naman sila Nico." Sabi ni Amanda. "Sa totoo lang kung hindi lang ako nahihiya kay Tito Thomas hindi ako pupunta." Sabi ni Hayley dahilan para magkatinginan ang mga kaharap niya. "Ley, you don't have to worry, Nico will be with you. We trust him so better trust him too." Sabi ni Amanda. "Show that asshole na naka-move on ka na." Sabi ni Virgie. "Show that bitch na mas maganda ka sa kanya na puro retoke ang mukha." Sabi ni Ashley. "Ash!?" Sabi ni Hayley. "Sorry Mother Theresa." Sabi ni Ashley na muling nagpahalakhak sa iba.

"Let's go." Aya sa kanya ni Nico. Nakita niya kung paano magtinginan ng makahulugan ang mga kaibigan lalo at nakalagay ang kamay ni Nico sa balakang niya. "Bye, ladies." Paalam ni Nico. "Bye, Mr. President and Mrs. President." Sabay-sabay na sabi nila na ikinatawa ni Nico pero ikinalaki ng mata ni Hayley. Naiwan pa sila Fin at Amanda dahil iintayin pa nila ang iba na matapos sa pagsusukat ng damit.

Kinabukasan...

Tapos ng magbihis si Hayley at naglalagay na lang siya ng light make-up na may kumatok sa pinto at ng bumukas ito ay pumasok si Nico.

"Ready?" Tanong ng binata. Tumayo si Hayley at nangiti siya ng makitang parang natulala si Nico ng makita ang kabuuan niya. "Dito na lang kaya tayo sa bahay." Nakangiting sabi nito dahil para umikot ang mata ni Hayley. "You look stunning!" Sabi ng binata. "You look great too." Ganti naman ni Hayley. "Let's go." Aya ni Hayley. "Wait." Sabi ni Nico. Tinangggal nito ang hikaw niya at kwintas. "Bakit?" Takang tanong ni Hayley. "Rod said you should wear this." Sabi ni Nico na ikinakabit ang bagong hikaw sa tainga niya. "This is a tracker." Sabi ng binata. "Pero may tracker na din sa phone ko 'di ba?" Sabi ni Hayley. "You could loose your phone." Sabi ni Nico. "This has a camera inside so they could see kung sinu-sino ang lalapit sa'yo." Sabi ni Nico na ikinabit sa kanya ang kwintas. "There." Sabi ni Nico at tiningnan si Hayley. Palapit na sana ang mukha ni Nico sa mukha ng dalaga ng tumikhim si Rod.

"Damn!" Napamura si Nico ng mawala sa loob niya ang camera sa kwintas ni Hayley. Nadinig niya sa background ang tawanan ng mga kaibigan. "Bakit?" Takang tanong ni Hayley. "May mga insekto kasi sa tenga ko." Sabi ni Nico. "Ha? Let me see." Sabi ni Hayley pero ang nakita niya ay earphones na nakalagay sa loob ng tainga ni Nico kaya pinalo niya ang braso nito. "Let's go before I change my mind." Sabi ni Nico na hinawakan ang dalaga sa kamay. Hinayaan lang ni Hayley ang binata dahil ngayon niya ang kailangan ang suporta nito lalo at makikita niyang muli ang ex niya at ang girlfriend nito.

Nächstes Kapitel