webnovel

Chapter 55

I Love You

I love your lips when they're wet with wine

And red with a wild desire;

i love your eyes when the lovelight lies

Lit with a passionate fire.

I love your arms when the warm white flesh

Touches mine in a fond embrace;

I love your hair when the strands enmesh

Your kisses against my face.

Not for me the cold, calm kiss

Of a virgin's bloodless love;

Not for the saint's white bliss,

Nor the heart of a spotless dove.

But give me the love that so freely gives

And laughs at the whole world's blame,

With your body so young and warm in my arms,

It sets my poor heart aflame.

So kiss me sweet with your warm wet mouth,

Still fragrant with ruby wine,

And say with a fervor born of the South

That your body and soul are mine.

Clasp me close in your warm young arms,

While the pale stars shine above,

And we'll live our whole young lives away

In the joys of a living one.

- Ella Wheeler Wilcox -

"Hayley!" Sinalubong agad sila ni Thomas papasok pa lang sila sa pintuan ng mansion. "Happy birthday, Tito." Bati ni Hayley sa matandang Ayala. Nadako ang tingin ni Thomas sa dalawang lalaki na nakasunod sa dalaga. "Mr. Nico Bermudez." Sabi ni Thomas na nakipagkamay sa binata. "Happy birthday, Mr. Ayala." Magalang na bati ni Nico. "Thank you, thank you. It's my pleasure to have you here." Sabi ni Thomas at dumako naman ang mga mata niya kay Levi. "Tito, he's a friend of ours, Levi Cruz." Pagpapakilala ni Hayley sa binata. "Mr. Bodyguard." Sabi ni Thomas at kinamayan si Levi. Hindi na nagulat ang dalawang binata na alam ni Thomas na bodyguard nila si Levi. Kagaya ni Nico ay madami din connections ang mga Ayala.

"He's coming." Nadinig nila Nico at Levi sa earphones nila ang sinabi ni Holden. Lumapit si Nico kay Hayley at hinapit ang bewang nito para magkalapit silang dalawa. Lihim na nangiti si Thomas sa ginawa ni Nico at hindi na niya kailangan itanong sa dalaga kung sino ang sinasabi nitong someone na isasama niya noong huli silang mag-usap. Nanghihinayang si Thomas dahil hindi ang anak niyang si Toby ang kasama ng dalaga ngayon pero mas okay na din ang nangyari kaysa masaktan lang si Hayley ng dahil sa kalokohan ng kanyang unico hijo.

"Ley, it's nice to see you again." Sabi ni Toby na akma sanang hahalikan ang dalaga pero nakita niyang nasa gitna nila Nico at Levi ang dalaga. Alanganin ngumiti si Hayley. "Toby." Sabi ni Thomas na may seryosong mukha. "Yes, Dad, I know. Masaya lang ako na makita si Hayley." Sabi ni Toby na nakatingin kay Hayley na ikinainis ni Nico.

"I saw your recent fashion show and you nailed it, iha. Would you like to do it at Vestido? I will double your salary even triple it." Nakangiting sabi ni Thomas habang magkakaharap sila sa lamesa at kumakain ng dinner. "I will think about it, Tito." Nakangiti namang sagot ni Hayley. "Darling..." Lahat sila ay napatingin sa maarteng boses na kanilang nadinig. Pakendeng-kendeng na lumapit si Brittany sa kanilang lamesa at pagkatapos ay binigyan ng isang halik si Toby sa kanyang labi. "Happy birthday, Daddy." Maarteng sabi nito sabay halik sa pisngi ng matanda. Gustong matawa nila Nico, Hayley, at Levi na makitang gustong punasan ng matanda ang pisngi kung saan humalik ang babae.

"Oh, hello, Mr. Bermudez. Nice to finally meet you and I could say mas gwapo ka sa personal." Malanding sabi ni Brittany. "Oh, another handsome guy here. Hi! I'm Brittany and you are?" Lihim na natawa si Hayley ng tinanguan lang ni Levi ang babae kahit na nakalahad na ang kamay nito sa harap niya. Hindi na nagulat si Hayley ng hindi man lang siya tapunan ng tingin ni Brittany. "I'm so honored na purong gwapong lalaki ang kasama ko sa table na ito but of course, ang BOYFRIEND ko ang pianakagwapo." Pagmamalaki ni Brittany na binigyan diin talaga ang salitang boyfriend.

"Are you okay?" Bulong ni Nico sa tainga ni Hayley. Namula naman ang dalaga dahil masyadong malapit ang bibig ng binata sa tainga n'ya at naramdaman niya ang mainit na hininga nito. "Uhm...yeah." Sagot ni Hayley sabay tingin sa binata at muntik ng magtama ang kanilang mga labi. Naikuyom ni Toby ang kamay niya dahil sa nakitang pagkakalapit ng dalawa. Natatawa naman ng lihim si Levi dahil sa itsura nila Toby at Brittany.

"Iwanan ko muna kayo at haharapin ko lang ang ibang bisita." Paalam ni Thomas at nauna na itong tumayo mula sa kanilang mesa.

"How are you, Ley?" Malambing na tanong ni Toby na ikinasimangot ni Nico. "I'm good." Maikling sagot ni Hayley. "I missed you." Biglang tumingin ng masama si Brittany kay Toby. Hinawakan naman ni Hayley ang kamay ni Nico dahil muntik na itong tumayo at alam na niya ang gagawin nito. Ngumiti si Hayley pero hindi umabot sa kanyang mga mata. "Sorry but I don't. And it's rude to say that you've missed me infront of your girlfriend, Mr. Ayala." Sabi ni Hayley na ikinatulala ni Toby pero ikinangisi ni Nico.

Nang magsimulang magpatugtog ng sweet music ang DJ ay nagsimula na ding magsipuntahan ang mga bisita sa gitna para magsayaw.

"Love, can you dance with me?" Malanding sabi ni Hayley na nakatingin kay Nico. Nagulat man si Nico sa pagbabago ng dalaga ay tumayo siya at inilalayan si Hayley papunta sa gitna ng hall. "Love?" Nakangising tanong ni Nico na ikinapula ni Hayley. "Sorry..." Nahihiyang sabi ni Hayley. "It's alright, sooner or later, you're going to call me that." Nakangising sabi ng binata. "In your dreams." Nakangiti naman sagot ni Hayley. "You wanna bet?" Biglang kinabahan si Hayley dahil seryoso ang mukha ng binata. "I think I need to use the washroom." Natawa si Nico dahil alam niyang nagdahilan lang ang binata.

Nakahinga ng maluwag si Hayley ng nasa loob na siya ng CR. Sigurado na siya sa nararamdaman para sa binata. Noong una ay nagdadalawang isip pa siya pero ng makaharap niya si Toby kanina ay saka lang niya napatunayan na iba na ang itinitibok ng puso niya ay iyon ay walang iba kungdi si Nico. Ang kaso ay hindi niya alam kung ganoon din ang nararamdaman ng binata sa kanya. Naalala niya ang sabi ng mga kaibigan na sobra pa sa pagiging boyfriend ang mga ginagawa ni Nico para sa kanya pero wala siyang nadidinig na salita mula sa binata na magpapatunay sa kanyang mga gawa.

Napatili si Hayley ng biglang dumilim ang buong paligid. "Nico!?" Sigaw niya pero nagulat siya ng may bigla na lang maramdaman na tumusok sa tagiliran niya. Hindi pa nasiyahan ang gumawa, idiniin at inikot pa nito ang hawak na matulis na bagay sa kanya. "This is just the begining, bitch. Be careful next time, I might end your life the next time I see you." Bulong nito kay Hayley. Dahil sa sakit na naramdaman ay hindi masyadong nabosesan ni Hayley ang katabi pero alam niyang babae ito. Nang mawala ang katabi ay nagliwanag na ang buong mansion.

Nagmamadaling pumunta sila Nico at Levi sa CR ng lumiwanag na. Alalang-alala si Nico kanina ng mawalan ng ilaw ang buong mansion. Gustong-gusto niyang takbuhin ang kinaroroonan ni Hayley pero wala siyang magawa dahil wala siyang makita.

Namutla si Nico ng makitang nakasandal si Hayley sa pinto ng isa sa cubicle ng CR. Lalong nawalan ng kulay ang mukha niya ng makita ang kutsilyong nakasaksak sa tagiliran ng dalaga at ang tumutulong dugo mula sa sugat nito. "Hayley!?" Dumilat si Hayley ng madinig ang boses ng binata. "Nic...." Nanghihinang sabi ni Hayley. "I'm here. Oh god, who did this to you?" Ramdam ni Hayley ang galit sa boses ng binata. "Nic...I...love..." Hindi na natapos ni Hayley ang sasabihin dahil nawalan na siya ng malay.

Nächstes Kapitel