Chapter 33 | A Part of Her
Nicole Jane's POV
"Hey! It's you again. What are you doing here?"
Dali-dali akong tumakbo palabas ng gate mula sa paglalaro nang makita ko ang batang lalaki na tumulong sa 'kin para makatakas no'ng nakidnap ako.
"Hello? Can you hear me?" I waved my hand in front of him, but he didn't even blink and still stared at me with a blank expression.
"I didn't have the chance to say thank you last time. So, thank you," I shyly said.
But still, he didn't respond.
Pero kung snob siya, pwes makulit ako. "By the way, I'm Nicole. And you are?" I extended my arm on him, then smiled.
He was finally about to speak when I suddenly heard a loud beep coming from a car.
Everything went so slow. My eyes were wide opened while waiting for the car to bump on me, when I suddenly felt a pair of strong hands that pulled and hugged me from behind.
That made my eyes shut and I felt that the wind blows so hard. It feels like something had passed by quickly.
And the moment I opened my eyes, he's no longer in front of me. Again.
Naimulat ko ang aking mga mata. It's him again. Hindi ko alam kung bakit palagi kong napapanaginipan ang batang lalaking 'yon nitong mga nakaraang araw. Usually, blurred lang. Pero alam kong siya pa rin 'yon.
And it bothers me. Para kasing may ibig sabihin ang mga panaginip kong 'yon.
"Good morning, Nicole."
Napalingon ako kay Steph na kalalabas lang ng banyo at kasalukuyang pinupunasan ng twalya ang basa niyang buhok.
Tinanguan ko lang siya at agad na bumangon para makaligo at makapag-asikaso na rin ako.
"Kain muna tayo ng agahan sa dining hall." Pagyaya sa 'kin ni Steph ng matapos na ko sa pag-aayos.
I took my bag before I looked at her. "Ikaw na lang. Wala kong gana, eh."
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at dali-dali na kong lumabas ng kwarto. Tulala lang ako habang naglalakad rito sa hallway. Mabuti na lang at wala pang mga estudyante na nakakalat dito dahil gusto ko muna ng katahimikan ngayon. Isang linggo na rin atang wala sa wisyo ang utak ko.
Those letters and about that little boy.
But it seems like faith was not on my side right now.
"Ang lalim ng iniisip natin, ah. Okay ka lang ba, Nics?"
Halos mapatalon pa ko sa gulat nang may bigla na lang bumangga sa 'kin.
Napalingon naman ako kay Mikan. "Yeah. I'm fine." Pilit kong binabawi ang braso ko na yakap-yakap niya ngayon.
Pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa 'kin. She sure has a death wish.
"You're not a good liar. Come on, tell me. I'm listening." Inilapit niya pa ang tainga niya sa 'kin.
Talaga naman. Do I have any other choice? Eh, alam ko namang hindi ako tatantanan ng isang 'to, eh.
I stopped walking, so she is. I turned to her and sighed. Sa ngayon ay wala munakong ibang mapagsasabihan kung hindi siya lang.
"Well, can you help me to look for someone?" halos pabulong kong tanong sa kanya.
Napakunot siya ng noo, pero tumango rin. "Of course. Ikaw pa ba. But, who's that someone that you want to look for? Baka magselos si Kyle niyan, ah." She chuckled.
Napangiwi ako sa tanong at sinabi niya. Paano ko nga ba sasagutin 'yon? Eh, wala nga kong kaalam-alam ni katiting na impormasyon tungkol sa batang lalaking 'yon. Well, aside from his face.
But that was 10 years ago. Malamang na nagbago na ang hitsura niya ngayon.
Napakamot naman ako sa ulo ko. "Actually, I don't know?"
Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya kaya napabuntong hininga na lang ako, bago nasimulang magpaliwanag.
"Ganito kasi 'yon. I met this little boy when I was around eight years old. He used to be always there and help me whenever I'm in danger. But I didn't have the chance to know him. Parati na lang kasi siyang bigla na lang nawawala."
Napatango-tango naman siya. "Pero Nics, paano naman natin mahahanap ang isang tao na ni hindi mo man lang alam ang pangalan? Pagkatapos ay wala ka rim kahit picture man lang niya. Wala ka bang ibang palatandaan na pwede mong mapagkakilanlan sa kanya?"
Napaisip naman ako at muling inalala ang batang lalaki. Pero iisa lang ang nasisiguro ko sa ngayon.
He's not a human. He's a vampire. Base pa lang sa kakayahan na ipinakita niya no'n. But I didn't care and notice about it that time because I still don't have an idea of such things.
Besides, I know that there was still something strange with him.
Pero hindi ko naman pwedeng sabihin kay Mikan 'yon. Baka bigla na lang siyang mawalan ng malay.
Kung bakit naman kasi sa kanya ko pa naisipan magsabi at humingi ng tulong? Sana pala ay hinayaan ko na lang na mangulit siya ng mangulit kahit marindi pa ko.
"Wala, eh. Pero kapag nagkaroon ng pagkakataon na makakita ako ng picture niya, paniguradong matatandaan ko tin siya."
She just pouted and nodded in defeat. Parang gusto pa niya kumontra. Pero mas pinili na lamang niya ang manahimik.
Agad na hinila ko siya paalis. I know that I'm going to have a hard time finding him. But I'm still hoping that I'll be given a chance to meet him.
Again.
-----
"Siguradong mananagot ka na naman kay Kyle sa oras na malaman niyang umalis ka na naman ng academy ng walang pasabi."
Magmula sa ginagawa kong pagtingin-tingin ng mga lumang yearbooks dito sa dati kong school ay napaangat ako ng tingin may Mikan. Nagbabakasakali kasi ako na baka schoolmate ko lang no'n ang lalaking tumulong sa 'kin at hindi ko lang napapansin. Mabuti na lang at pinayagan pa rin akong makapasok ng guard at ng librarian dito sa library.
"Don't worry. Ako ng bahala sa kanya," I assured her.
Napailing na lang siya at muling tumingin sa labas ng bintana.
Wala naman talaga kong balak na gawin 'to ngayon. Pero ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kukote ko at bigla-bigla ay gusto kong malaman ang tungkol sa lalaking 'yon.
Imbis tuloy na sa classroom kami dumiretso kanina ay sa gate kami napapunta. Nagsabi naman ako ng maayos sa bantay na guwardiya kanina. Mabuti na lang at pinayagan niya kami, kahit bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan.
Nagtaka pa si Mikan kung anong sinabi ko at napapayag ko si Manong guard. Pero nagkibit balikat na lang ako. Kaya hindi na rin ako nagkaroon pa ng pagkakataon na makapagsabi kina Kyle.
Bahala na mamaya.
Ilang oras na rin akong naghahanap mula sa mga yearbook ng batch ko at mga kalapit ko pang batch dahil baka mas matanda siya sa 'kin o di kaya ay mas bata.
Pero wala talaga.
"Bakit ba kasi hindi ka na lang magpatulong kay Kyle?" she asked out the moment we went out my old school's library.
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. "Para namang tutulungan ako ng isang 'yon. Ni ayaw nga niya kong napapalapit sa kahit na sinong lalaki hangga't maaari. Ano pa kapag nalaman niyang may hinahanap akong lalaki? Saka ayoko ng mag-isip pa siya ng kung anu-ano."
"Then why bother to look for him? Bata pa naman kayo no'n, Nics. Siguro nagkakataon lang na siya, kung sino man 'yon, ang nandiyan parati sa tuwing napapahamak ka."
That made my mouth shut. Bakit nga ba sa isang iglap ay gusto ko siyang makita at makilala? Ni hindi ko naman siya kaano-ano, kahit kaibigan ay hindi.
But a part of me keeps on bugging that there is something on him that I need to know. At hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman 'yon.
"Ahm, Nics? Pwede ba tayo bumili muna ng bulaklak? May dadaanan lang din ako sandali."
That made me back to my senses. Nandito na pala kami sa parking lot. Napahinto ako sa akmang pagbukas ng pinto ng kotse at kunot noong napatingin kay Mikan.
"Bulaklak? Para saan?"
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumuo ng luha at lungkot sa kanyang mga mata. But she blinks those tears away.
Did I say something wrong?
"Hindi ko pa nga pala nababanggit sa 'yo," nakayuko at malungkot niyang sabi.
"Ang alin?" I asked out of curiosity. Tila ibang Mikan ang nasa harap ko ngayon. Sanay kasi ako na palagi siyang makulit, maingay at masayahin. Hindi 'yong ganito na malungkot.
She looked up and faked a smile. "I had a sister."
Napakurap ako. Hindi ko nga alam ang tubgkol sa bagay na 'yon dahil wala naman siyang nababanggit sa 'kin. Actually, wala pa kong alam na kahit anong impormasyon tungkol sa pamilya niya. Akala ko nga ay only child siya, eh.
But wait. Had?
"Had? You mean—"
She nodded as if she reads my mind. "She's dead already."
-----
Third Person's POV
"Oh, hijo. You're finally here." Hinalikan ng ginang ang kanyang anak na kararating lang.
"Yeah. Where's Dad?" Inikot nito ang paningin bago umupo sa couch.
"Well, he just needs to do something important, before we finally move to the Philippines in a few weeks. For good."
Matiim nitong tiningnan ang anak na para bang sinusuri ang magiging reaksyon nito.
Gulat at nanlalaki ang mga matang napalingon 'to sa kanyang ina.
"What? For real?" he said excitedly like a boy that was being surprised with a trip.
"Yes. Me and your Dad had decided already. It's now the right time for the two of you to finally meet. Personally." malawak ang ngiting sabi ng ginang. Maski siya ay hindi matago ang tuwa.
Pero sa loob-loob ng ginang ay nando'n pa rin ang kaba. Kaba sa kung anong maaaring mangyari sa oras na umuwi ang kanyang anak.
"Finally! Thank you, Mom! You and dad are the best!" Tumayo ang binata at agad na lumapit sa ginang upang yakapin 'to.
"You're welcome, son. Besides, we should have done this a long time ago." Tinapik-tapik ng ginang ang likod ng kanyang anak. Pero halata pa rin sa mukha nito ang samot saring emosyon.
Mahigpit pa rin ang yakap nilang mag-ina ng mapaangat ang tingin ng binata at dumako sa isang picture frame nila na naka-display.
May ngiti sa labing tinitigan niya 'to, partikular ang larawan ng isang kaygandang dalagang babae.
"Wait for me. I'm going to finally go back there. Our princess."