webnovel

Chapter 34 | Plans

Chapter 34 | Plans

Nicole Jane's POV

"Where have you been?"

Natigilan ako nang marinig ang malamig niyang boses pagkababa na pagkababa ko pa lang ng kotse.

I took a deep breath and gave Mikan an assuring smile who looked so stunned, before I turned to him.

"Can we talk somewhere?" Ayoko lang kasi na kung magtatalo man kami ay sa harap pa mismo ni Mikan.

Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. Pero mababanaag sa mga mata niya ang galit.

Can't blame him though. Kasalanan ko rin naman dahil ang hilig kong umalis ng hindi nagpapaalam sa kanya o sa kung kanino man sa kanila.

Tumingin muna siya kay Mikan bago muling binalik ang atensyon sa 'kin.

"We really need to talk."

Magsasalita pa sana ko ng bigla na lang niyang hinigit ang kamay ko at kinaladkad paalis. I looked back to Mikan and saw her worried face. I mouthed It's okay, then smiled to her.

Habang naglalakad ay tahimik lang kami pareho at ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa 'ming dalawa. Kinagat ko ang ibabang labi at hinayaan ko lang siya na dalhin ako sa kung saan. I don't know if it's just me or he was really mad about something aside from the fact that I sneaked out of the academy without him knowing.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa mansyon at nagulat pa ko nang makita ko silang lahat na nando'n. Tila hinihintay talaga nila kami. Even Steph was there.

"What's going on? Is everything okay?" I roamed my eyes and looked at each one of them. They were freaking serious and in deep thoughts. Hindi ko tuloy mawari kung dapat ba kong kabahan o ano.

"Hindi ba dapat kami ang magtanong niyan?" Kyle asked back while giving me a deadly stare.

"Calm down, Kyle. Let's hear her first." Kira smiled at me.

Napakunot noo naman ako dahil wala kong maintindihan sa mga sinasabi nila.

Akmang magtatanong pa ko nang makuha ng tatlong pirasong papel na nakalatag sa ibabaw ng bilugang mesa ang atensyon ko.

Napasinghap ako nang mapagtantong ang mga sulat na natanggap ko 'to. How did they get it?

Sinamaan ko ng tingin si Kyle nang may maisip.

"Pinakealaman n'yo na naman ba ang mga gamit ko?"

Ayoko pa naman sa lahat ay 'yong may gumagalaw ng mga gamit ko. Lalo na kung walang paalam. Ginawa na rin kasi nila 'to rati at kahit papaano ay pinalampas ko naman 'yon.

Pero blangko lang ang ekspresyon niya at tila wala lang sa kanya ang ginawa kong pagsigaw.

"It doesn't matter anymore. The mere fact that you didn't tell us about those threats and your suddenly missing in action for the whole day means that you're hiding something. Now, care to tell us when did you received those letters and where the hell did you go with Mikan?" Mababa lang ang tono ng boses niya, pero mababakasan pa rin 'to ng awtoridad.

"Ang mga 'to ba ang dahilan kung bakit parang balisa ka nitong mga nakaraang araw, Ate?" may pag-aalalang tanong ni Miley.

Hindi ko naiwasan ang makaramdam ng guilty. Wala man lang akong kamalay-malay na nahahalata at naaapektuhan na pala sila ng mga ikinikilos ko.

Lahat sila ay matamang nakatingin sa 'kin. Kaya naman ay wala na kong ibang nagawa kung hindi ang tumango.

Umupo ako sa bakanteng couch at sinimulang ikuwento sa kanila ang lahat. Kung kailan at saan ko nakuha ang mga sulat. Pati na rin ang tungkol sa batang lalaki na nagligtas sa 'kin noon. Sa pagkakaroon niya ng parte sa nakaraan ko at ang plano kong paghahanap sa kanya. Maging ang tungkol sa mga panaginip ko at pati na rin ang ginawa naming pagpunta ni Mikan sa puntod ng nakatatanda niyang kapatid ay binanggit ko rin.

"Wait. What? She had a sister? At mag-isa lang siya ngayon na nandito dahil nasa ibang bansa na ang mga magulang niya?" gulat na tanong ni Hiro.

Napataas ang kilay ko nang dahil sa naging reaksyon niya. Bakas din naman ang pagkagulat sa iba. Pero masyado naman atang OA ang kanya?

"Yes. At kanina ko lang din nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon."

Napabuntong hininga ko nang maalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Mikan kanina. Limang taon na raw ang nakalilipas magmula ng mamatay ang Ate niya. Pinatay raw 'to sa hindi nila malamang kadahilanan. Basta isang araw ay bigla na lang daw 'tong nawala at kinabukasan ay isang masamang balita na ang bumungad sa kanila. May kapitbahay na nagsabi sa kanila na natagpuan nito ang kapatid niya na wala ng buhay. Ni hindi na raw nila nalaman ang pagkakakilanlan no'ng taong pumatay.

Samantalang ang mga magulang pala niya ay matagal ng nasa ibang bansa at nagpapadala na lamang ng pera sa kanya. Isinasama raw siya ng mga 'to, pero siya na raw ang tumanggi. Susunod na lamang daw siya ro'n sa oras na makapagtapos na siya ng highschool dito. Tanging ang katiwala na lang pala nila na matagal ng naninilbihan sa kanila ang nando'n sa bahay nila at siyang dinadalaw niya sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon na umuwi at lumabas sa academy.

I felt pity for her because of that. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit iniwan siya rito ng mga magulang niya. Hindi ba nila naisip na kung paano na lang ang anak nila rito? Hindi ba sila nag-aalala lalo pa at wala na ang isa nilang anak? Dapat ay hinintay na lang nila na tuluyan 'tong makapagtapos bago sila nangibang bansa.

"Kung gano'n ay mayroon talaga tayong kalaban na nakapasok dito sa loob. Dahil nagawa rin niyang makapasok sa kwarto mo ng hindi man lang natin nalalaman," Kyle said.

That made me back to my senses. Napatango naman ako dahil naisip ko na nga rin ang tungkol sa bagay na 'yon.

But seriously, I don't still have an idea up to this moment with whoever it is.

"Kailangan na talaga natin siyang mahanap sa lalong madaling panahon. Dahil hindi natin alam at baka magsimula ulit siya ng gulo rito mismo sa academy. At sa pagkakataong 'to ay baka mas malala pa kaysa sa nangyari no'ng acquaintance party," Rei said.

"Everyone is a suspect. Kaya kailangan nating bantayan ang kilos ng bawat isang nandito sa loob. We'll never know. Mamaya ay kakilala lang pala natin ang espiya rito," Vince said while leaning his back on the wall with his arms crossed and eyes closed.

Napatango ako. We should avoid that chaos to happen again. Kailangan naming masiguro ang kaligtasan ng mga taong estudyante rito.

"Right. Sa pagkakaalam ko ay bukas na darating ang maaaring makatulong sa 'tin pagdating sa bagay na 'yan," pagdadagdag pa ni Steph.

Naguguluhan akong napatingin kay Steph. "And what is that?"

"See it for yourself tomorrow." She winked at me.

Nagsalubong ang kilay ko. Talaga namang pabitin pa ang babaeng 'to!

"Pero..."

Napatingin kaming lahat kay Kyle nang bigla na lang siyang nagsalita.

Bakit parang namumula ata ang tainga ng bampirang 'to?

"Tungkol nga pala ro'n sa lalaking hinahanap mo. Bakit mo pa ba siya kailangang hanapin? At nagagawa mo pa kong takasan ng dahil lang sa kanya? Is he that special?"

Napanganga na lang ako nang dahil sa tanong niya. Gano'n din ang iba pa na nandito. Kasi naman ay ang seryoso na ng pinag-uusapan namin. Pagkatapos siya ay mas una pang inalala ang tungkol sa bagay na 'yon!

Nakita kong lihim na natawa sina Rei, Miley at Kira. Habang nailing na lang si Hiro at Steph. Si Vince naman katulad ng inaasahan ay walang reaksyon.

Napangiwi naman ako.

"Kyle, pero kasi—"

"No buts. Just focus on what we need to do right now. Isantabi mo muna ang tungkol sa bagay na 'yan. It will just distract you and divide your attention." Humalukipkip siya at sumimangot na parang bata. Gusto kong matawa dahil sa inaasta niya, pero hindi ngayon ang tamang panahon para ro'n.

May pagdadalawang isip man ay napatango na lang ako at ngumiti.

"Okay. I will."

Siguro nga ay may tamang panahon para sa bagay na 'yon. Sa ngayon ay kailangan na muna naming maghanda sa posibleng maging galaw laban sa 'min ng kalaban.

-----

"Hey. Ano bang mayroon at parang ang sigla ata ng lahat ngayon?"

Nagtataka kung tanong kay Mikan habang papunta kami ng classroom namin. Kasunod naman namin si Steph.

Para kasing mga bubuyog ang mga estudyante ngayon at tila kahit saan ata ako mapatingin ay may mga pinag-uusapan sila at pawang masasaya.

"Oh. You don't know? Field trip kaya nating mga seniors bukas!" Biglang nagningning ang mga mata ni Mikan sa excitement.

Nilingon ko si Steph. But she just shrugged. Sabagay ay bago pa lang din naman siya rito sa academy.

"Field trip? I didn't know that field trip exist in this academy," nagtataka kong sabi.

Napatigil sa paglalakad si Mikan at hindi makapaniwalang lumingon sa 'kin.

"Oo naman! At bakit hindi? Lahat naman ng school ay mayroong field trip, ah." Natawa siya.

Napailing na lang ako. Pero hindi ko naiwasan ang mapaisip. Kung ang mga taong estudyante rito ay wala namang problema. Pero paano kapag nawalan ng kontrol ang mga bampirang estudyante habang nasa labas?

"Here we are. You're idling, Nics. Tara na at pumasok na tayo dahil baka dumating na si Sir Maurer."

Nagulat pa ko nang makitang nasa harap na pala kami ng classroom namin kaya dali-dali na rin akong pumasok.

History ang first subject namin para sa araw na 'to. And I know that I'm going to be sleepy again. Though the field trip thingy still bothers me.

Napasimangot naman ako nang makitang bakante ang upuan nina Kyle, Kira, Hiro at Vince.

Nasaan na naman kaya ang apat na bampirang 'yon?

"Mayroon lang silang kinailangan kuhain," Steph said out of the blue as if she reads my mind.

"Ano naman 'yon?" bulong ko sa kanya.

Sasagot na sana siya ng bigla na lang pumasok si Sir Maurer. "Good morning, everyone. I believe that you guys already know about the field trip tomorrow."

Nagsigawan naman ang lahat ng mga kaklase namin. Habang ang iba naman ay talagang kinalabog pa ang mga upuan nila. Halata ang excitement sa bawat isa.

Well, except for me. Dahil hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin ako sa posibleng mangyari.

"Okay, quiet. So, tomorrow all of the senior students will be going out for a trip. And we are all advised not to teach for this day—"

Hindi pa man tapos magsalita si Sir ay naghiyawan na naman ang mga kaklase ko. Napailing na lang ako. Masyado kasi nilang pinapahalata na ayaw nilang magklase, eh.

"Quiet! Let me finish first."

Bigla namang tumahimik ang lahat ng hampasin ni Sir ang ibabaw ng mesa. Napaayos siya ng tayo, bago tumikhim at nagpatuloy.

"As I had said, we are not going to teach for this day. But, I'm going to leave an assignment. I want you to create an essay regarding your trip tomorrow."

All of my classmates grunted. But Sir Maurer didn't mind them at all.

"Okay. That's all for today. Enjoy the rest of the day and ready yourself for tomorrow's trip," nakangiting sabi ni Sir bago tuluyang lumabas. Mabilis namang sumunod ang mga kaklase namin at agad ring nagsilabasan.

Natigilan naman ako nang maalala na tila may kulang sa inanunsyo ni Sir.

"Teka, saan ba ang field trip natin bukas? Ni hindi man lang kasi nabanggit ni Sir," tanong ko kay Mikan. Kaming tatlo na lang kasi ang nandito sa loob ngayon.

Mikan smirked. "Nakalimutan lang siguro banggitin ni Sir, dahil bago pa man magsimula ang formal classes each year ay inaanunsyo na ahead of time ang mga magiging event for the rest of the year. Kaya baka inisip niya na aware na ang lahat kung saan ang lokasyon ng field trip," mahaba niyang paliwanag kaya napatango na lang ako.

Hindi ko naman kasi naabutan ang tungkol do'n dahil no'ng dumating ako rito ay simula na talaga ang klase.

"Pero saan nga tayo pupunta?" pangungulit ko pa. She looked at me with amusement in her eyes.

"We are going to the National Museum and Fort Santiago!"

Oh. In fairness. Sounds exciting. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa mga lugar na 'yon, eh. Mukhang educational field trip naman pala ang magiging lakad namin bukas. History na history ang dating.

At kaya naman pala excited din ang isang 'to. Sa pagkakaalam ko kasi ay mahilig siya sa mga historical na lugar.

"Well, I just hope na puro fun lang talaga bukas at walang mangyari na kung ano," bulong ni Steph pero narinig ko naman.

I looked at her and nodded. Pareho lang pala kami ng iniisip.

"Let's go to the dining hall! Nagugutom na ko dahil wala pa kong breakfast. Nagmadali kasi ako kanina dahil late na kong nagising. Pagkatapos ay wala naman palang klase." Mikan pouted while holding her stomach.

Napatangon na lang ako sa kanya. Palabas na sana kami ng may bigla namang humigit sa 'kin.

"I have something to show you."

Hindi ko na nagawa pang umimik dahil kinaladkad na niya ko.

What's up with this vampire prince?

"Saan na naman ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pero hindi naman siya umimik.

I rolled my eyes.

Nagtaka pa ko nang bigla kaming tumigil at pumasok sa loob ng Student Council Office. Ano naman kayang mayroon dito? Naabutan namin dito ang lahat ng royalties habang sinusuri ang mga...

Teka. Ano ba ang mga tila metal na hawak nila?

Pinaningkit ko ang mga mata. At do'n ko lang napagtanto kung ano ang mga 'to.

"What's with those necklaces?" takang tanong ko at nakisuri na rin. Pero muntikan ko na 'tong maibagsak nang dahil sa sobrang bigat.

"Ito ang ipapasuot namin sa lahat ng mga vampire students bukas. That thing will help them to control their bloodlust and to stop them from using their ability if ever," Kyle explained. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang field trip bukas.

"Itong bilog na 'to." Turo niya sa maliit na bilog na nasa gitna. "Iilaw 'to sa oras na magtangka sila ng kahit anong masama. Kaya madali nating matutukoy kung sino ang mga lalabag."

Napatango naman ako. Kung gano'n ay ito pala ang nabanggit nila sa 'kin noon. Dito sa loob ay ang mga human students ang mayroong kailangang suotin for their protection. While when outside the academy, the vampire students has something to wear as well to control themselves.

But this is not just a simple necklace. Gawa kasi 'to sa metal at halatang makaluma at sinauna ang disenyo nito.

I sighed. "I'm just hoping that everything will be okay tomorrow. Is that trip really necessary?" I asked worriedly.

"Yes. Dahil kahit papaano ay kailangan naman nating ipakita na isang normal na academy pa rin 'to. Hindi 'yong nakakulong lang sila rito dahil baka magtaka sila. Especially those human students," Kira explained.

"Sabagay."

Kyle came near me and cupped my cheek. "Don't worry, my princess. I won't let anyone or anything to ruin the trip tomorrow," he assured me.

Napangiti na lang ako at napapikit nang maramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa noo ko.

I just hope so.

"Rei? Are you having a vision again?"

Napamulat ako bigla nang marinig ang nag-aalala at natatarantang boses ni Vince.

Napatingin naman ako kay Rei na ngayon ay nakapikit at nakaupo sa sahig. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Halos pigil ang hininga naming lahat habang hinihintay siyang magsalita.

"Gubat. May mga nagtatakbuhan. May mga naglalaban. Ang dami nila. Masyadong malabo. Hindi ko matukoy kung sinu-sino," biglang sabi ni Rei habang nakapikit pa rin. Tahimik lang kaming lahat na nakatingin sa kanya.

"May isang lalaki at babae. Hindi ko masiguro kung kailan at saan. Pero isa sa kanila ang mamamatay." Bigla siyang napadilat at napaupo na tila ba nanghihina. Agad naman siyang inalalayan ng Kuya niya at ni Hiro.

Napatakip naman ako bigla sa bibig ko at napatingin kay Kyle.

Who the hell was she referring to?

-----

Dave's POV

"Pakawalan mo ako rito, Dad!" Pilit akong nagpupumiglas mula sa pagkakaposas ko. Pero ramdam ko na mas lalo lang akong nanghihina ng dahil sa kapangyarihan na nakapalibot dito, dahilan para hindi ko magamit ang kapangyarihan ko.

Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin na mayroong galit sa kanyang mga mapupulang mata. Nakalabas din ang dalawa at matutulis niyang pangil na para bang handa siyang atakihin ako anumang oras.

"Not until you learn your lesson, Dave! Kahit kailan talaga ay wala kong pakinabang sa 'yo. Ano ba ang ipinakain sa 'yo ng babaeng 'yon at nagkakaganyan ka? Pagkatapos ay nagagawa mo pa kong traydurin!"

Bahagyang napaurong sa takot ang iba pa niyang mga tauhan ng dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Hindi ako nagkaganito nang dahil lang kay Nicole. Ganito na ko magmula nang malaman ko ang ginawa mo kay Mom at sa kapatid kong ni hindi pa naisisilang!"

Nakipagtitigan lang ako sa kanya at halos manginig ang buo kong katawan nang dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon.

Mas lalo akong nainis nang tumawa siya nang malademonyo. I can't believe that I had a such demonic father. At hindi ko ikinararangal na naging ama ko siya. Never.

"Balang araw ay maiintindihan mo na para rin sa ikabubuti at ikalalakas ng angkan natin ang ginawa ko. Mabuti pa siya ay naiintindihan ang tungkol sa bagay na 'yon at malaki ang naitutulong sa 'kin." He smirked and how I want to scratch that on his filthy face.

Naikuyom ko na lang ang kamao ko. He is really selfish. "I won't let you to continue to drag her on this."

Napailing siya. "Wala ka ng magagawa. Ginusto naman niya 'yon. Masunurin siya hindi kagaya mo." He tapped my head and I tilted it on the side to get off his hands.

"Let's see." Dinuraan ko lang siya at napangisi na lang ako.

Nanlaki naman ang mga mata niya nang dahil sa ginawa ko. Halatang hindi niya inaasahan ang bagay na 'yon.

"Walanghiya ka! Wala kang utang na loob! Kung alam ko lang na lalaki kang suwail ay ikaw na lang sana ang pinatay ko!"

Halos matanggal ang pisngi ko nang dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa 'kin. But I don't care. Wala ng mas sasakit pa sa lahat ng mga pinaggagagawa niya sa pamilya namin.

"Wag n'yong hahayaan na makatakas 'yan! Bantayan n'yong maigi at baka makasagabal pa 'yan sa plano ko bukas," rinig kong sabi niya sa mga bantay bago tuluyang lumabas.

That made me stilled for a moment. Hindi ko alam ang tungkol sa plano niyang 'yon at wala rin akong ideya sa maaari niyang gawin.

No. Whatever it is, I shouldn't let it happen. I need to get out of here as soon as possible.

"I won't let you win this time, Dad. I will protect her and Nicole with all my will. Even if it cost my life."

Nächstes Kapitel