webnovel

Chapter 11

ELLA

Pagkapasok ko sa bahay ay hindi pa nakakauwi si mama. Sila ate naman ay malelate din ng uwi dahil nag iwan si ate Stella sa akin ng note.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nag shower na. Agad agad din naman akong natapos mag shower dahil madali akong sipunin lalo na't gabi na.

Humilata ako sa kama pagkatapos kong magbihis at mag ayos ng gamit. Ilang sandali pa lang ay biglang nagvibrate ang phone ko sa uluhan ko.

Pikit matang kinapa ko ito sa uluhan at sinagot kahit di ko alam kung sino ang tumawag.

"Wrong number ka po." Sabi ko at inend agad ang call. Binitawan ko na ang phone at tumagilid na para makaayos ng pwesto sa pagtulog.

'Brrrrtt' 'Brrrrtt' 'Brrrrtt'

Kinuha ko muli ang phone at sinagot ulit ang tumatawag.

"Sino ba 'to?" Antok na sambit ko at humikab pa sa tapat ng phone ko.

"Hello. This is Nicholas Ford. Ahm. The phone you are using is mine."

Ford daw? Tsaka ano daw? Phone niya 'to? Oh common! Scammer 'to!

"Ha-ha-ha. Scammer! Anong sa'yo tong phone na ito? Kabago bago inaangkin mo na! Bye!" Ibinaba ko na ang phone ko.

Unti unti na akong dinadala ng pagod sa pagtulog nang mag vibrate muli ang phone. Napadilat ako at kunot noong umupo sa kama ko.

Sinagot ko ang phone at sisigawan na sana siya nang bigla niyang banggitin ang isang pangalan.

"Kelly Morales? Right? You're the date of my cousin in the party and the one who called us gay. Am I right?" Tuloy tuloy niyang sabi na para bang kinukumpirma niya na at hindi na itinatanong.

Bigla akong dinalaw ng kaba dahil sa sinabi niya.

"Now Miss Kelly, I have your phone and you have mine. Seems like our phones was switched."

Inopen ko naman ang phone at tinignan ang wallpaper. Nalaglag ang phone sa kama ko at sinabunutan ang sarili.

'Shet na malagkit naman oh! Pano nangyari na nagkapalit kami?!'

Inisip ko kung kailan ba kami nagkita sa party at kung papaano nagkapalit ang phones namin. Biglang nanlaki ang mata ko ng may naalala ako sa nangyari kanina.

"Hey Kelly? Are you there?"

Dali dali kong kinuha ko ang phone at kinausap siya.

"I-ikaw ba yung nasa room kanina? Yung natulog dun sa private room?"

Bahagya siyang natawa pero sinagot ang tanong ko.

"Uh-huh. Are you there in the room that time?"

Napatango ako at sinagot siya ng "Oo".

"Then that explains how our phones switched up. I'm thinking maybe you didn't know at first that the private room is for you and also for the Ford's. And because you were shocked that I came in the room, you hid and grabbed your phone which is my phone and sneaked out of the room. Am I right?" Tanong niya sa akin.

Napatango ako muli kahit alam kong di niya ako nakikita. Grabe! Napanganga ako sa sinabi niya. Nakakanose bleed. Ambilis niya mag isip ng conclusions.

Mahinhin siyang tumawa at nagsalita ulit.

"Silence means I'm right. I'm gonna wait for you here in front of SNA's church right now. Bye!"

Agad agad akong tumayo sa kama at binuksan ang cabinet ko. Dinampot ko ang isang hoodie jacket na pink at kinuha ang ripped jeans ko. Pinusod ko ang buhok ko at sinuot ang glasses ko.

Isinarado ko na muli ang bahay. Pumara ako ng tricycle at sinabi ang pupuntahan ko.

Kita ko na ang simbahan ng biglang niliko nung driver ang sasakyan papunta sa medyo madilim na bahagi. Itinago ko sa bulsa ng jacket ko ang salamin ko.

Automatic na napairap ako sa kawalan dahil sa nangyayari.

Umalis sa trike ang driver at lumapit sakin. Nagkunwari naman akong natatakot para makalapit siya sakin ng maayos.

Nakangisi siya at parang sabik na sabik sa gagawin niya.

'Manyak! Bwisit!'

Hinila niya ang kanang kamay ko palabas ng trike at dinala sa mas liblib na lugar.

Lihim akong napangisi dahil sa ginawa niya.

'Wrong move boy!'

Hinawakan ng kaliwang kamay ko ang kamay niya. Kita kong napangiti siya sa ginawa ko.

'Oh no no! I'm gonna wipe that smile out of your face!'

Ngumiti din ako sa kanya pero bigla siyang nagtaka sa pagngiti ko. Demonyitang ngiti kasi ang ipinakita ko sa kanya.

Mabilis na tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at sinuntok siya sa mukha. Napaatras naman siya at napasigaw hawak hawak ang ilong niya. Tinignan niya ako ng masama at maya maya ay may dinukot siya sa bulsa ng pantalon niya.

Pagtingin ko sa nilabas niya ay isang kutsilyo. Napangisi naman siya at sinugod ako.

'Tsk. Marumi maglaro ang isang 'to.'

Isasaksak niya na sana sa tagiliran ko ang kutsilyo ng pigilan ko ito at tinuhod siya sa tagiliran. Natumba naman siya at ininda ang tagiliran. Maya maya ay tumayo siya muli at susuntukin dapat ako. Hinawakan ko iyon at di ko namalayang nahiwa ako sa kanang braso ko.

Uminit ang ulo ko ng makita kong dumudugo na ang braso ko. Bago pa siya sumugod ay sinuntok ko siya sa mukha at sinipa ang kayamanan niya. Napahiga naman siya at nagsisisigaw kaya naman sinuntok ko siya muli sa mukha. Boom tulog!

Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at itinali yon sa may hiwa para tumigil ang pagdugo. Inayos ko din ang buhok ko at kinuha na ang salamin sa jacket ko.

Tinignan ko ang lalaking ito na nakahiga at tulog. Hinila ko siya papunta sa trike niya at itinali siya rito. Inilagay ko malapit sa nakikitang lugar ang tricycle para agad na mahuli siya.

Pumunta muna ako sa harap ng simbahan at hinanap ang lalaking Ford din. Wala naman akong makitang lalaki dito kundi isang sasakyan na blue lang.

Lumapit ako dito at kinatok ang salamin. Bumaba naman ang salamin at nakita ang nakangiting lalaki.

"Hi Kelly!" Bati niya sakin.

Di ko naman pinansin ang pagbati niya at tinanong siya.

"May marker ka jan? Or lipstick?"

Kita ko namang naguluhan siya sa tanong ko pero napatango din naman siya.

"May marker ako. Pero para saan?" Tanong niya sakin at kitang kita parin sa mukha ang pagtataka.

Napangisi ako sa tanong niya.

"You want to know?"

Napatango naman siya.

"Come with me."

Kinindatan ko siya at kita ko naman ang pamumula niya.

Nächstes Kapitel