ELLA
"You want to know?"
Napatango naman siya.
"Come with me."
Kinindatan ko siya at kita ko naman ang pamumula niya.
Natawa naman ako sa reaksyon niya at tumalikod na.
Narinig ko naman na nagbukas sara ang pintuan ng kotse niya. At mabilis na humabol sa akin.
"Where are we going?" Tanong niya dahil nawiweirdohan na siya sa akin.
Sino ba namang hindi? Eh sinasama ko siya sa madilim na lugar hehe.
"I have a secret. Kaya wag kang maingay."
Napatango naman siya at luminga linga sa lugar.
"Ang dilim naman dito!" Reklamo niya at nag flashlight siya.
Natawa naman ako.
"Oo nga eh. Teka dito na tayo."
Humarap ako sa trike na sinakyan ko at inilawan naman ito ng lalaking kasama ko.
"Holy Sh*t! Is he dead?!" Tarantang tanong niya at di na siya mapakali.
Tumawa ako ng malakas ng dahil sa reaksyon niya. Tumingin naman siya sa'kin at kitang kita ang pagkalito at pagkagulat.
"No he's not dead. Pinatulog ko lang."
Inextend ko naman ang kamay ko sa harap niya. At naguluhan na naman siya.
'Seriously, ang cute niya maguluhan. Hahahaha!'
"Akin na ang marker dali."
Agad niya namang binigay sa akin ang marker. Humarap ako sa trike at sinimulan na ang plano ko.
~~~~~~~~~~~~~~
"Done!"
Nag inat inat ako at ibinalik na sa lalaking ito ang marker. Naglakad na ako palayo at nakitang sumunod na din sakin ang lalaki.
Dumiretso ako sa park at umupo sa duyan. Umupo din naman ang lalaki sa duyan.
"So that guy's a pervert?" Tanong ng lalaki sa akin.
"Yeah. Dinala niya ko kanina dun sa liblib na lugar. "
Humarap naman siya sa akin kasama ang nanlalaking mata niya.
"I-ikaw ang gumawa non sa kanya?"
Natawa naman ako muli sa reaksyon niya. Tumango ako at tinignan siya.
"Kailangan eh. Kung hindi ko siya binugbog di matututo yon." Sabi ko at nag kibit balikat.
"Ay oo nga pala!" Tumayo ako at kinuha sa bulsa ko ang phone niya. Inabot ko naman ito sa kanya. Tumayo na din naman siya at kinuha din sa bulsa ang phone ko. Nagpalitan na kami ng phones kaya naman tumalikod na ako at naglakad na palayo.
"T-teka! Kelly!"
Huminto naman ako at humarap dun sa lalaki. Pero bago pa ako magsalita ay unti unti akong nahilo at nagblack out na ang lahat.
~~~~~~~~~~
NICHOLAS
Hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo at saluhin siya bago pa siya lumapag sa lupa.
Binuhat ko siya papunta sa sasakyan ko at inupo sa shotgun seat.
Kinuha ko ang kanang braso niya na may panyo at tinanggal ito. Sabi na eh. Dumudugo ito. Pinunit ko na ang sleeves ng jacket nito at tinignan ang sugat. Medyo malalim. Patuloy pa rin sa pagdugo ang braso niya at namumutla na siya kaya naman napagpasyahan ko ng pumunta sa bahay.
Narinig kong magvibrate ang phone ko kaya naman sinagot ko ito.
"Yo! Little bro. Have you seen my brother?" Tanong ng isang babae sa akin.
"Great timing Ate Leanna. I need you to come home. I have a patient. Please do hurry." Ibinaba ko na ang phone at mas binilisan pa ang pagdrive.
Pagdating ko sa tapat ng bahay namin ay pinagbuksan ako ng butler namin at binuksan din ang pintuan sa kanan.
Nakita kong nagulat si Butler John dahil puno na ng dugo ang damit ni Kelly.
Nagmadali akong buhatin si Kelly at idineretso sa guest room.
Palakad lakad ako sa labas ng pintuan ng room ni Kelly dahil hanggang ngayon ay hindi pa din dumadating si ate Leanna.
"Little Bro!" Sigaw ni ate Leanna.
Tumakbo ako palapit kay ate.
"Anong nangyari?" Tanong ni ate.
"Cut of a knife. Medyo malalim at marami na din ang dugong nawala. Pero napigilan naman dahil sa panyong nakatali."
Tumango siya at binuksan na ang pintuan. Kita kong kumunot ang noo niya at may sinigaw siyang pangalan.
"Ella!"
'Ella? I thought her name is Kelly?'
Litong lito na ako sa nangyayari pero mas pinili ko munang manahimik.
Tinignan ni ate ang braso ni Kelly— I mean Ella at may itinurok siya sa pulsuhan nito.
Tumingin si ate Leanna sa akin.
"Call Jeremy. And please get her some spare clothes."
Tumango naman ako at lumabas na. I know Ate Leanna can treat her.
Dumiretso muna ako sa kwarto. Pagkapasok ay inilinga ko muna ang mata sa kabuuan ng kwartong ito.
Malinis, makulay, maganda ang pagkakaayos ng gamit pero wala siya.
Napabuntong hininga nalang ako at tumungo sa closet niya.
"Pahiram si Kelly ng damit mo ha. Wag mo kami mumultuhin." Bulong ko sa hangin dahil kinakabahan ako baka mamaya ay magparamdam siya sa'kin.
Kumuha ako ng blue na bistidang pangtulog at kumuha din ng undies at bra.
Namula naman ako sa ginagawa ko.
'Chill ka lang Nicholas. Ngayon ka pa ba kakabahan? Eh ilang models na ang nakita mong nakaganyan!'
Napatango naman ako. Tama. Sanay na dapat ako dahil madami na akong nakitang model na naka ganito.
Sinarado ko na ang closet niya at pumunta na sa kwarto ni Jeremy.
Walang katok katok na pumasok ako sa kwarto niya and only to find out that he's watching.
"Tol."
Tinignan niya lang ako at bumalik sa ginagawa niya. Alam ko naman ang pakiramdam lalo na't mainit na ang scene na ito.
"Ipasok mo na. Dali. I shoot mo na!"
"Three points!"
Napasuntok naman sa hangin si Jeremy at nakahinga naman ako ng maluwag. Ngiting ngiting tumayo siya sa upuan at hinarap ako.
"I know that they would win haha!"
Napailing naman ako.
"Bro. Anong ginagawa mo dito?"
Tinignan niya naman ang dala ko at nanlalaking mata ang sumalubong sa akin.
"Bakit ka may ganyan?! May dinala kang babae dito? Nakooo! Lagot ka kay Lolo."
Natawa naman ako. Totoong may dinala akong babae eh.
"Meron nga."
Ngumanga naman si Jeremy sa sinabi ko.
"P*cha bro. Sa ating lahat ikaw lang ang good boy. Anong nangyari?!"
Napailing naman ako sa iniisip ng lalaking 'to.
"Kel— I mean si Ella."
Nawala ang ngiti niya at agad napalitan ng pagkunot ang noo niya.
"What about her?"
"Hinimatay siya. Nasa guest room siya."
Kitang kita ko naman ang pag aalala sa mata niya ng sinabi ko iyon. Agad niya akong nilagpasan at dumiretso papunta sa room ni Ella.
Ang mata ni ate Leanna, pati si Jeremy, at ako.
Napangiti ako sa nangyayari.
'From there I knew, Ella changed our life.'