webnovel

♥ CHAPTER 16 ♥

(Continuation)

Habang nakapikit ang mga mata ko, nararamdaman ko ang init. Sa pagpatak ng luha, nararamdaman ko ang unti-unti pagdikit sa akin ng apoy.

Bigla kong narinig ang pabagsak na bukas ng pintuan. Kaya iminulat ko ang mga mata ko.

Isang lalaki na naka-blackhood kaya hindi ko makilala o makita ang mukha niya. Lahat kami nakatingin lang sa kanya. Unti-unti kong naramdaman na nawala ang higpit ng pagkahawak nila sa akin.

Lumapit sa amin yung lalaki at sinuntok niya ng malakas ang pumapaso sa akin kaya napaatras ako. Isa-isa nila siyang nilabanan. Lahat silang apat, natumba at nawalan ng malay dahil sa malalakas niyang suntok.

Hanggang sa isa na lang ang natira, pero nilapitan niya ito at may binulong siya. Pagkatapos niyang bulungan ang lalaking 'yon...nabigla ako dahil sa ginawa niya.

Napaupo ang lalaking isa sa mga humahawak sa akin kanina dahil sinaksak siya hanggang sa napahiga na siya sa sahig.

Napatumba niya ang limang member ng Phantom Sinners, maliban sa akin. Nang makita niyang wala na silang malay, nilapitan niya ako. Dahil nakita ko kung paano niya sila patumbahin, inakala kong papatumbahin niya rin ako kaya habang lumalapit siya, umaatras ako.

Pero biglang pumasok ang ibang Phantom Sinners sa back door, kaya napatingin kaming dalawa. Nakita nila kami at ang mga kasama nilang walang malay sa sahig. Humarap siya sa akin at in-offer niya ang kamay niya, noong una nagdadalawang-isip ako. Pero dahil nakita nila ang mga kasamahan nilang walang malay at duguan, naisip kong humawak sa kamay niya, kaya tumakbo na kami dahil hinabol kami ng ibang Phantom Sinners.

Binilisan namin ang takbo dahil marami silang humahabol sa amin. Dire-diretso lang kami sa pagtakbo pero may mga Phantom Sinners pa na makakasalubong namin kung itutuloy namin ang pagtakbo. Nag-ibang way na lang kami dahil may Phantom Sinners sa harapan at likuran namin, kaya kumaliwa kami.

Dahil corner na kami, umakyat na lang kami sa hagdanan hanggang sa mapunta kami sa rooftop. Pero ang mahirap, nasundan pa rin kami.

Wala na kaming matakbuhan kaya huminto na kami. Hinarapan namin sila at hinila niya ako papunta sa likuran niya.

Hinihingal ako dahil sa pagtakbo namin, pero siya parang hindi man napagod. Hindi ko siya makilala dahil nga naka-hood siya ng kulay black. Napapalibutan kami ng Phantom Sinners at kami lang dalawa ang magkakampi. Lumusob ang isa sa kanila pero agad niyang napalipit ang kamay nito kaya napaatras sila.

"One step, You will feel your last breath" mukhang nagulat sila sa sinabi niya kaya nagtinginan silang lahat.

Pero hindi pa rin sila umatras at lulusob sana sila pero bigla silang umatras ng dahan-dahang tinanggal ng lalaki ang hood niya. Pero hindi pa namin siya makilala dahil nakayuko siya. Unti-unti niyang iniangat ang ulo niya. Nabigla sila na parang kilala nila kung sino siya. Ako naman hindi ko pa makita ang itsura niya dahil nasa harapan ko siya.

Lalo pa silang napaatras ng makita nila siya hanggang sa isa-isa na silang nagsi-alisan.

Kami na lang ang natira dahil natakot sila sa kanya. Tinitignan ko siya pero hindi niya ako hinaharapan.

"I guess, it's time" humarap siya sa akin at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino siya.

"Ikaw nanaman?!" gulat kong tanong.

Siya ang lalaking tumulong sa akin para matakasan si Clyde noong hinahabol niya ako hawak ang kutsilyo, siya din yung lalaking nakausap ko dito sa rooftop at siya din yung hinabol ko pero biglang nawala.

Ngumiti siya,

"Sino pa ba?" pagmamayabang niya.

Umupo siya sa dati naming pwesto kung saan kami nakaupo kaya umupo rin ako sa tabi niya.

"B-bakit mo ako tinulungan?" tumingin ako sa kanya habang nagrerelax siya sa kinauupuan niya.

"D'ba sabi ko sa'yo noong isang araw, ayaw kitang tulungan...Pero walang magliligtas sa'yo kaya no choice ako" patawa niyang sabi habang nakatingin pa rin siya sa malayo at malakas ang hangin.

Kumunot ang noo ko, "Pero bakit mo nga ako tinulungan kung ayaw mo naman pala?" pangungulit ko sa kanya.

"Baka kasi patayin ako ng kaibigan ko kapag nalaman niyang patay ka na" pabiro niyang sabi.

Bakit ba ganito kausap 'to?

"Sino ba kasing kaibigan ang tinutukoy mo?" tanong ko.

"I can't tell. Hayaan mong siya ang magpakilala sa 'yo" sambit niya.

Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya habang siya malayo pa rin ang tingin. Ang mga mata niya hindi na rin gaanong mapula, pero ang cute niya kung titignan ng maayos. Mukha nga lang bad boy.

Tinignan niya ako dahil siguro napansin niyang tinititigan ko siya, pero napatingin siya sa braso ko.

"Sinaktan ka nanaman niya?" tanong niya habang nakatingin sa braso ko.

"H-ha?!" napatingin ako sa braso ko dahil kanina niya pa tinitignan.

Nakita ko ang pinaso nila sa braso ko gamit ang sigarilyo, medyo mahapdi at nangingitim din ito. Tinakpan ko na lang ito gamit ang kamay ko para hindi na niya tignan at nginitian ko lang siya.

"Phantom Sinners ka d'ba? Pero bakit pinapahirapan ka niya?" seryoso niyang tanong.

Napaisip ako kung bakit nga ba. Nag-join ako sa kanila para matahimik na si Clyde pero bakit parang pinapahirapan niya pa rin ako.

"Sinubukan ko kasing gantihan si Roxanne kanina. Kaya siguro nagalit siya sa akin" mahina kong sabi. Tumingin ako sa malayo habang malakas pa rin ang hangin.

Marami siyang alam tungkol sa akin. Pero hindi na ako magtataka dahil siya na mismo ang nagsabing sinusubaybayan niya ako, kaya hindi na ako dapat magtaka sa mga tanong niya kung bakit marami siyang nalalaman tungkol sa akin.

"Sikat si Clyde sa pagsasabi na inaalagaan niya ang mga member niya. Bakit wala siyang ginawa kanina para pigilan ang Redblades noong binabato ka nila?" tanong niya.

"Wait?!" tumingin ako sa kanya.

"Paano mo naman nalaman na walang ginawa si Clyde kanina para pigilan ang Redblades?" kung sinusundan niya ako, imposibleng makita niya lahat ng nangyari kanina sa classroom ng Blood Rebels dahil nakasara ang mga pinto.

"Bulag ka ba? Magkaklasi kaya tayo!" sabi niya.

What?! Bakit hindi ko siya napansin?

"Seryoso ka ba?!" gulat kong tanong sa kanya.

"Mukha ba akong nagbibiro?!" sigaw niya pabalik.

"Nakaupo kasi ako sa pinakaharap at natutulog ako kaya siguro hindi mo ako napansin, at saka kanina pa ako naka-hood sa classroom para hindi nila ako makilala" dagdag pa niya.

"Bakit naman ayaw mong magpakilala? Sino ka ba ha?" tanong ko sa kanya.

"Bago ko sagutin ang tanong mo. Sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit wala siyang ginawa kanina para pigilan ang Redblades noong binabato ka nila?" seryoso niya akong tinignan.

"Hindi ko rin alam" I guess.

Ngumiti lang siya dahil sa sinabi ko. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi kaya mahal niya pa si Roxanne kaya pinigilan ka niyang gantihan ang ex niya?" tanong niya.

Yun nga ang dahilan pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoo.

"Hindi naman siguro" maikli kong sagot.

Pinagtawanan niya ako kaya tinignan ko lang siya.

Para siyang nababaliw.

"Wala ka bang balak na umalis sa kanila?" nakangisi siyang nakatingin sa akin.

Gusto ko. Gustung-gusto. Pero hindi ko alam kung paano.

Nginitian ko lang siya dahil hindi ko naman masabi sa kanya ang totoong dahilan kung bakit na sa Phantom Sinners ako.

Tinawanan niya nanaman ako kaya naisip kong adik talaga siya.

"Adik ka rin eh no?" weird kong sabi sa kanya.

Bigla siyang nanahimik at naging seryoso ang itsura niya.

May nasabi ata akong mali. Gosh!

"Buti naman alam mo? Pero dati lang 'yon, kasi ngayon nagbabago na'ko" mahina niyang sabi kaya nagtaka ako sa kanya.

"Nagbabago? Bakit naman?" tanong ko.

Tinignan niya ako at ngumiti siya,

"That's my secret" at tumingin siya sa palad niya.

Tinignan niya ako ng matagal kaya umiwas ako sa tingin niya,

"Let me introduce my name to you. But promise me just one thing" sabi niya.

Tinignan ko siya at mukhang seryoso ang sasabihin niya,

"Sure. I promise" tinaas ko ang kamay ko para maniwala siyang nagpra-promise talaga ako.

Nginitian niya ako at tumingin siya sa malayo,

"I'm Nash" seryoso niyang sabi.

Pero parang may mali sa name niya. Habang binabanggit niya ang pangalan niya, bigla siyang natahimik.

"Nash?" sabi ko.

"Don't ever tell anybody about my name, or even mention it" seryoso niyang sinasabi at ang mga mata niya, halatang nakikiusap talaga.

Bakit kaya?

"Don't worry. I won't tell anybody" nginitian ko siya para paniwalaan niya ako.

Pero bigla akong napalayo sa kanya noong sinabi ko 'yon.

Bigla kong naalala ang nangyari sa akin noong nangako ako kay Clyde. He threatened me using my friends para lang mag-join ako sa Phantom Sinners.

Napatayo ako at napaatras kaya nagulat din siya sa ginawa ko.

"Is there something wrong?" sinubukan niya akong lapitan pero nilayuan ko siya habang nanginginig ako.

Tinignan niya ako ng matagal at mukhang napansin niya kung bakit ako lumalayo sa kanya.

The promise.

Tumingin siya sa paligid at huminga ng malalim,

"I know my secret is safe with you. But, you don't need to be afraid of me. I won't ask you anything para paniwalaan kita. Huwag mo akong itulad kay Clyde. I already trust you" nakayuko siya habang sinasabi 'yon pero tinignan niya ako at ngumiti siya.

Biglang pumasok sa isip ko ang ginawa niya kanina sa isang member ng Phantom Sinners. Pagkatapos niya itong bulungan, sinaksak niya ito.

Kaya nagdadalawang-isip pa rin ako sa mga sinasabi niya.

"Bakit mo sinaksak, yung lalaki kanina?" I asked. Tinignan ko rin siya ng diretso habang sobrang bilis ng paghinga ko.

Hinawakan niya ang ulo niya dahil na rin siguro sa mga tanong ko.

"I stabbed him to save you from Clyde" mabilis niyang sagot.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya,

"To save me from Clyde? B-bakit?" pagtataka ko.

"I'm sure kapag nalaman niyang hindi ka nabigyan ng lesson sa pagganti mo sa ex niya, he would be the one to give you a lesson. Remember, bago ko sinaksak ang member niya, binalaan ko siya. If ever na sabihin nila kay Clyde na iniligtas kita, I will definitely kill them" nag-iba ang tono ng pananalita niya at naglabas siya ng kutsilyo galing sa bulsa niya. Hinagis niya 'yon ng pabalik-balik na parang pinaglalaruan niya.

"Kung binalaan mo na pala sila...bakit kailangan mo pa siyang saksakin?" nanginginig kong tanong habang nilalaro niya pa rin ang kutsilyo sa kamay niya.

Tumigil siya sa paglalaro at hinawakan niya ng mabuti ang kustilyo. Tumingin siya sa akin at lumapit siya kaya napaatras ako.

"I know Phantom Sinners. If you will give them a warning, hindi sila maniniwala kung hindi mo sila bibigyan ng leksyon. That's why I stabbed him. Para maniwala siya na talagang papatayin ko sila. And I'm sure sasabihin niya 'yon sa lahat ng Phantom Sinners' members except their leader. Why? Because the Phantoms are afraid to die although makapangyarihan sila" habang papalapit siya sa akin, tinignan niya ako ng masama kaya lalo akong natakot sa kanya.

"P-paano niya naman...masasabi sa mga members 'yon kung patay na siya?" nanginginig kong tanong.

Lumapit nanaman siya at umatras ako hanggang sa marating namin ang dulo ng rooftop. Pagkatingin ko sa baba, sobrang lalim at walang pag-asang mabuhay kung mahuhulog ako dito. Wala na akong maatrasan kaya huminto na'ko. Nasa harapan ko siya at seryoso lang kaming nagtitinginan.

Kinulong niya ako sa mga braso niya at lumapit siya sa mukha ko.

"That's the problem. Paano nga niya masasabi sa mga ka-member niya kung patay na siya?" sobrang dikit ng mga mukha namin at nararamdaman ko ang paghinga niya.

Tumayo na siya ng maayos kaya hindi na magkalapit ang mga mukha namin. Pero biglang akong napahawak sa kaliwang braso ko dahil sinuntok niya ako ng sobrang lakas.

Oucchhh!! Ano bang problema nito? Bakit sinuntok ako?!

"Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kanya habang nakahawak ako sa braso ko.

Nginitian niya lang ako na parang masaya siyang sinuntok niya ako.

"Bumalik ka na sa classroom. Just pretend infront of Clyde na talagang pinahirapan ka ng mga member niya. Ipakita mong takot na takot ka sa ginawa nila para mapaniwala mo siya, nang sa ganon hindi na siya magtanong sa mga members niya at para hindi niya malaman na nakaligtas ka sa parusa niya" sambit niya.

So kaya pala sinuntok niya ako, para magmukhang pinarusahan nila ako.

Tinignan ko lang siya habang nakakunot ang noo ko. Kahit masakit ang pagkakasuntok niya sa akin, I know deep inside na maliligtas naman ako kay Clyde. I just need to be a good actress pagkadating ko sa classroom.

Tumalikod na si Nash para umalis, pero tumigil siya at tinignan ako.

"Don't worry. Hindi mamamatay yung sinaksak ko kanina. Sinugatan ko lang siya gamit ang talim ng kutsilyo para matakot siya sa sinabi ko. Hindi pa siya mamamatay" pagkatapos no'n umalis na siya at ako na lang ang naiwang mag-isa sa rooftop.

Tinignan ko ang sarili ko at puno ako ng sugat. Nakikita ko parin ang mga sugat na natamo ko noong pinaglaruan at tinorture ako ni Clyde, pati ang saksak ko sa binti, minsan nararamdam ko pa ang hapdi kahit magaling na.

Sa kanang braso ko naman, mahapdi pa rin ang pagkapaso sa akin kanina gamit ang sigarilyo at sa kaliwang braso naman, ang maituturing kong remembrance sa akin ni Nash, kahit masakit at least maililigtas ako ng napakalakas na suntok niya.

Nakalimutan ko siyang pasalamatan sa mga ginawa niya sa akin. I hope magkita ulit kami for me to say thanks. Sana rin makilala ko na ang sinasabi niyang kaibigan niya para makabawi ako sa kanilang dalawa. Ang kaibigan niya raw kasi ang nag-utos sa kanyang subaybayan ako.

Bago ako umalis sa rooftop, tumingin muna ako sa ilalim. May nag-aaway at nagsusuntukan, ang iba sa kanila, duguan na at hindi na makalaban.

Naisip ko lang, paano kung dumating ang oras na tuluyan na kaming pabayaan ng council at magpatayan na ang mga estudyante dito sa Prison School?

Lalaban ba ako o magtatago na lang?

Paano kung sa pagtitiis ko sa pagpapahirap nila sa akin, hindi ko na makayanan at makapatay ako?

Tinignan ko ang mga palad ko at tumulo ang luha ko dahil nakita kong puno ng dugo ang kamay ko.

To be continued...🔫🔫🔫

Nächstes Kapitel