webnovel

♥ CHAPTER 17 ♥

(Continuation)

Bumaba na ako mula sa rooftop para pumasok sa classroom. Mahapdi pa rin ang pagkakapaso sa akin kanina pero napag-isipan kong mamaya na lang gamutin after class dahil gusto kong magpahinga.

Nakabukas na ang pintuan pero hindi muna ako pumasok kaagad dahil inalala ko muna ulit ang sinabi sa akin ni Nash.

("Bumalik ka na sa classroom. Just pretend infront of Clyde na talagang pinahirapan ka ng mga member niya. Ipakita mong takot na takot ka sa ginawa nila para mapaniwala mo siya, nang sa ganon hindi na siya magtanong sa mga members niya at para hindi niya malaman na nakaligtas ka sa parusa niya")

Kapag daw kasi nalaman ni Clyde na hindi ako naparusahan, siya raw mismo ang magbibigay ng parusa sa akin. Kaya kailangan ko siyang mapaniwala.

Minabuti kong pumasok na sa classroom. Tumahimik sila ng makita nila ako. Talagang ipinakita ko sa kanila ang mga pasa ko sa katawan at dahil napagod din naman ako sa pagbaba sa hagdanan kanina, pinagpapawisan ako. Kailangan ko lang um-acting na natakot ako at pinahirapan talaga ako.

Naglakad ako na parang nanginginig ang mga paa ko sa takot at dahan-dahan akong umupo. Tinignan ko si Clyde na nakaupo pa rin sa likuran ko at nakangisi siya.

Gusto ko siyang suntukin at tadyakan dahil sa nangyayari sa akin.

Pagkatapos ko siyang tignan, inilipat ko naman ang paningin ko kay Roxanne na masaya akong nakikita na sugatan habang si Carson naman tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Effective ang acting ko.

Nag-umpisa na ang ingay sa loob ng classroom kaya umupo na ako para makapag-pahinga. Ilang minutes na lang naman, break time na kaya magrerelax muna ako.

Pero bigla kong naalala si Nash. Wala siya ngayon dito sa classroom at hindi pa siya bumabalik. Tumingin ako sa pinakaharap pero walang naka-hood. Tinignan ko isa-isa ang mga kaklasi ko pero wala talaga siya.

Saan naman kaya siya nagpunta?

Habang maingay ang buong classroom, naririnig kong ang sweet na pag-uusap or in short, paglalandian ng dalawa sa likuran ko. Si Carson at Roxanne.

Mukhang magiging masaya ako kung titignan ko ang reaksyon ni Clyde kaya ngumiti muna ako bago ko siya tinignan.

Tumingin ako ng normal sa likod na parang tinitignan ko lang ang buong classroom, pero si Clyde lang talaga ang pakay ko.

Nakikita ko ang itsura niya dahil malakas ang boses ni Roxanne at Carson, nakayuko lang si Clyde, namumula at halatang inis na inis na. Pero wala siyang magawa.

Napansin niya atang tinitignan ko siya at ang couple sa tabi niya kaya tumingala siya at nakita ang mapang-asar kong ngiti.

Sh*t! Nahuli ako!

Dahil nakita niyang pinagtatawanan ko siya, tinignan ko ang mga kaklasi ko na nasa likuran at nagkunwaring sila ang pinagtatawanan ko. Humarap na ako dahil hindi ko gugustuhing makita pa ang itsura niya, baka parusahan niya nanaman ako.

Sana nga napaniwala ko siya sa acting ko.

Malakas pa rin ang boses ni Roxanne at Carson na sweet nag-uusap. Ako naman pinagtatawanan lang si Carson. Ang sweet nilang nag-uusap as if namang totoong mahal siya ni Roxanne. Pinagtatawanan ko lang sila ngayon dahil napapaikot silang dalawa ni Roxanne.

Kawawa naman!

Minabuti ko munang tumigil sa paghalakhak ng mahina dahil baka isipin nilang nabaliw ako. Kaya sinubukan kong tumahimik. Pero kahit anong pigil kong tumawa, hindi ko talaga mapigilan. Pagkatingin ko sa right side, nakatingin sa akin ang mga Blood Rebels, naiisip siguro nila na baliw ako kaya pinigilan ko na talaga ang sarili ko.

Pero deep inside, tawang-tawa ako na parang baliw. You know the feeling na makakakita ka ng sweet couple pero sa kaloob-looban mo pinagtatawanan mo sila dahil alam mong manloloko ang isa sa kanila.

Natahimik na ang kalooban ko ng bigla pinalo ni Clyde ng malakas ang table niya. Napatingin kami lahat sa kanya, at nakatayo siya. Namumula at mukhang galit na galit.

Umalis siya sa lugar niya at dumiretso palabas ng classroom. Pagkalabas niya, sumakto naman na nag-ring ang bell para sa break time. Kaya kinuha ko na ang bag ko at tumayo para puntahan si Raven.

Pumunta ako sa classroom nila at sumilip sa pintuan para hanapin siya. Dahil marami din akong kasabay sa hallway, lumapit ako sa pintuan para agad ko siyang makita.

"Ay! Kabayo!" ginulat niya ako mula sa likuran kaya napatingin ang ibang estudyante sa akin dahil napasigaw ako.

Hinarapan ko siya,

"Ano ba Raven!?" inis kong sabi niya.

Ngumiti lang siya kahit alam niyang nainis ako sa ginawa at inakbayan niya ako,

"Tara na" sambit niya habang ako, hindi ako naglalakad at nakatingin lang ako sa kanya.

"Gutom na'ko" naglakad na siya at dahil nakaakbay siya sa akin, napasama na rin ako sa lakad niya.

Pagkarating namin sa cafeteria, tumingin-tingin muna kami sa paligid para hanapin sina Icah.

"Syden!!" narinig ko ang pangalan ko somewhere kaya hinanap ko.

Pagtingin ko sa dulo ng cafeteria, nakita ko si si Hadlee kasama sina Icah at Maureen. Kinakawayan niya kami kaya agad ko siyang nakita. Nilapitan namin sila at umupo na kami.

"Hi twins!" bati sa amin ni Icah habang si Maureen at Hadlee naman masayang nag-uusap.

"Hi" maikli kong sagot.

"Icah? Kuha lang kaming pagkain ha?" sambit ko.

"Sure. Go on" sagot niya habang busy sa pagkain ng noodles.

Tinignan ko si Raven at tumayo na'ko,

"Tara na Raven"

Binaba ko na ang bag ko sa upuan para kumuha ng pagkain at ganoon din si Raven.

Pumunta na kami at pagkakita ko sa pagkain, nagutom ako ng sobra. May asado, tinola, adobo, fried chicken, fish fillet, barbecue, lechon, lumpia, kaldereta, dinuguan, chicken pastel at higit sa lahat, ang paborito namin ni Raven, shanghai..pero iisa na lang natira. Nagkatinginan kaming dalawa dahil sa bahay, palagi naming pinag-aawayan ang shanghai.

Sabay naming nakuha yung pinakalast na shanghai gamit ang tinidor kaya nagkatinginan ulit kami.

"Ako ang nauna" seryoso niyang sabi.

"Mas nauna ako ng point 5 seconds sa'yo" inis kong sabi sa kanya.

Nag-iinit din ang mga mata namin ng ilang segundo. Pero nabulabog kami dahil naglapag ang chef ng maraming shanghai sa tabi namin, kaya naiwan namin ang pinag-aawayan namin kanina at kumuha ng maraming shanghai.

Inisnob ko si Raven at bumalik na ako sa upuan namin.

"Kamusta ang Class no. 10?" salubong ni Icah pagkaupo ko. Tapos na kasi silang kumain.

"Ayon...kasama ko lang naman ang Redblades, Phantom Sinners at Blood Rebels" sagot ko habang kumakain ng shanghai.

"I can't say kung maswerte ka o minamalas" malungkot na sabi ni Icah.

Minamalas ako.

"Swerte? Paano mo naman nasabing swerte ang mapunta sa classroom na 'yon?" sarcastic kong tanong habang nginunguya ang pagkain ko.

Si Raven busy siyang kumakain habang silang tatlo naman sa harapan namin, nakatingin lang sa amin at pinapanood kaming kumain ni Raven.

"Hindi ko rin alam. Pero may nangyari bang hindi maganda? May ginawa ba sa'yo ang Redblades or Phantom Sinners?" tanong Maureen.

Kung sasabihin ko sa kanila ang mga nangyayari sa akin sa Phantom Sinners, baka madamay sila at ayaw kong mangyari 'yon. Kaya mas mabuti sigurong huwag ko na lang sabihin.

Nilunok ko muna ang kinakain ko at kumuha ng panyo sa bag ko para magpunas ng kamay,

"Wala naman" sambit ko. Uminom ako at kumain ulit.

"Nandoon din ang mga leader nila" dagdag ko pa.

Nabigla sila kaya lumapit sila sa akin.

"Seryoso ka ba?! As in si Clyde nandoon?!" tanong ni Hadlee pero tinignan ko lang siya.

"Or baka si Roxanne?!" dagdag naman ni Maureen.

"Ano ba? Kakasabi ko pa nga lang na lahat ng leader kaklasi ko. Si Clyde, Roxanne at Carson" pagkasabi ko noon, tinuloy ko na ulit ang pagkain.

"Weh?!" sabay na sabi ni Maureen at Hadlee.

Tumingin lang ako sa kanila at tumango bago uminom ng tubig.

"So, anong nangyari? May away bang nangyari?" tanong ni Icah.

"Wala naman. Mainit lang ang temperatura" sambit ko.

Dahil bigla akong nawalan ng ganang kumain, tinabi ko na ang plato ko habang si Raven naman, punung-puno ang bibig at hindi pa tapos kumain.

Tumingin si Raven sa akin dahil nakita niyang tinabi ko na ang plato kong may laman pa.

"Sy? Ba't hindi mo naubos?" sambit niya kaya napatingin ako sa kanya.

Umiling na lang ako kaya alam na niya na nawalan ako ng gana.

Napatingin siya sa mga braso ko kaya napatingin din ako.

"Anong nangyari sa braso mo?" tanong niya habang ngumunguya. Kaya napatingin din sina Icah sa akin.

"A-ahhh nadapa kasi ako kanina kaya nagkapasa. Kasi d'ba madumi at magulo sa hallway kaya nadapa ako" pagsisinungaling ko dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na sinuntok ako ni Nash.

Sana mapaniwala ko sila.

Si Maureen naman, tumingin sa kanang braso ko.

"Hmm. Saan mo naman galing 'yan, bakit may paso ka?" tanong niya.

Patay...Ano nanaman kayang sasabihin ko?

"A-ahhh kasi...kanina may nagyoyosi sa hallway, eh hindi ko siya napansin at nagkabanggaan kami tapos dumikit sa akin yung sigarilyo niya kaya napaso at nadapa ako. Pinansabat ko ang kaliwang braso ko noong nadapa ako kaya nagkapasa ako" ngumiti ako para isipin nilang okay lang ako.

Seryoso lang silang nakatingin sa akin.

"Totoo ba 'yan?" sarcastic na tanong ni Icah.

"Mukha ba akong nagsisinungaling?" sagot ko naman.

"Sa susunod kasi mag-iingat ka" sarcastic naman na sabi ni Raven dahil natapos na siyang kumain.

"Nag-iingat naman ako!" sigaw ko sa tainga niya.

Nilayuan niya ako at inisnob ko lang siya habang umiinom siya.

Sila Icah naman tumingin sa gilid nila kaya sinundan ko rin ang tingin nila, may nakaupo din sa table namin, lalaki at mukhang nerd. Nagbabasa siya at naka-salamin.

"Julez, kumain ka na ba?" tanong nila sa kanya habang yung lalaki naman, busy na nagbabasa.

"Hindi niyo ba nakikita?" tinuro niya ang plato niyang wala ng laman.

Natawa ako sa sinabi ng lalaki kaya napatingin lahat sila sa akin.

Paano ba naman kasi diretso siyang magsalita kahit nerd siya.

Hindi sila nakakibo sa sinabi niya at mukhang nainis sila Icah. Kami naman ni Raven natatawa.

"Bakit pa ba natin siya sinama?" inis na tanong ni Maureen.

Nakahawak silang tatlo sa mga ulo nila na parang masakit ang ulo.

"Kasi may utang na loob tayo sa kanya" sambit ni Icah habang nakayuko siya.

Mukhang kilala nila siya at ako lang ang hindi nakakakilala sa lalaking nerd.

"Sino ba siya?" tanong ko sa kanila.

"I'm Julez" sagot niya kaya napatingin kami sa kanya.

"If you are asking for someone's name, you should ask them directly" seryoso niyang sabi.

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya at hindi ko alam kung dapat ba akong mainis. Tahimik lang lahat kaming nakatingin sa kanya habang siya naman, bumalik sa pagbabasa ng libro.

"Paano niyo ba siya nakilala?" bulong ko kina Icah.

"Siya kasi yung nagbigay ng gamot sa amin para gamutin si Raven noong time na pinapahirapan ka ni Clyde para mag-join sa Phantom Sinners" mahinang sabi ni Icah.

Ah kaya pala.

"So...bakit kasama natin siya ngayon?" tanong ko.

"Kaklasi kasi namin siya ni Maureen sa Class no. 5 kaya sinama namin siya" sambit ni Hadlee.

Tumango ako dahil sa sinabi nila. Kaya pala kasama nila siya.

Isang nerd na matalas kung magsalita pero kung titignan mukhang tahimik at inosente.

Dahil tapos na kaming lahat kumain at marami pang oras, naisipan naming magpahinga muna at tumambay dito sa cafeteria. Kumokonti na rin naman ang tao dahil nagaalisan na ang iba.

"Nasaan na kaya ang leader ng Street Cheaters?" malungkot na tanong ni Hadlee habang nakatingin sa malayo.

"Sino ba?" tumingin ako sa kanya.

"Hindi ko rin alam ang pangalan" mahina niyang sabi.

"Bakit mo ba siya hinahanap? Saan ba pumunta?" tanong ko.

"Bago na ang leader sa club kaya wala na siya doon. Simula nung napalitan siya, hindi ko na siya nakita. Ikaw ba Syden nakita mo?"

Malay ko ba kung sino 'yon.

"Mas lalo namang hindi ko alam. Hindi ko pa nga nakikita at higit sa lahat hindi ko kilala" sarcastic kong sabi sa kanya.

"Maputi siya, matangkad at higit sa lahat cute" paliwanag niya.

"Sige kapag nakakita ako ng maputi, matangkad at cute sasabihin ko sa'yo"

sambit ko.

Tumingin siya sa akin at mukhang sobrang masaya siya,

"Talaga?! Yieeee, thank you Sy!" lumapit siya sa akin at niyakap ako habang sina Icah at Raven nakakunot ang noo na tinitignan si Hadlee.

Sino ba kasi ang hinahanap niya, ni hindi niya alam ang pangalan.

"Bliss Syden. Kanina ka pa tinitignan ng masama ng Blood Rebels" biglang nagsalita si Julez kaya napatingin kami sa kanya.

Inayos niya ang salamin niya habang nakatingin sa likuran namin.

"H-ha? Paano mo naman nasabi 'yan eh d'ba nagbabasa ka?" sambit ko.

Inayos niya ulit ang salamin niya at tinignan ako.

"Kahit nagbabasa ako, alam ko ang nangyayari sa paligid ko" seryoso niyang sabi.

Sa lahat ng nakilala ko, kakaiba ang lalaking 'to. Ang hirap niyang intindihin.

Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko ang mga Blood Rebels with their leader, Carson. Tumitingin-tingin sila sa amin at masama ang mga tingin nila lalo na si Carson. Nagkatinginan kami pero seryoso lang ang mga mata namin.

"Huwag mong kalimutan na may Phantom Sinners sa tapat nila" sabi ni Julez habang nagbabasa siya.

Lagi siyang nagbabasa pero paano niya naman nakikita ang nangyayari sa paligid niya?

Tumingin ako sa tapat ng Blood Rebels at nandoon ang Phantom Sinners kasama si Clyde. Nakatingin din siya sa akin ng sobrang sama.

Bakit ba nakatingin sila sa akin?

Nakita rin ng mga kasama ko na nakatingin sila sa amin kaya lahat kami nagtinginan at nanlaki ang mga mata namin.

"Sy, may ginawa ka bang hindi maganda o napaaway ka?!" kinakabahan na tanong ni Maureen.

"W-wala akong ginagawang masama" umiling ako dahil hindi ko din alam kung bakit ganoon ang tingin ng dalawang grupo sa akin.

"Sy? Alam kong may kasunduan kayo ni Clyde. Pero kailangan mo silang iwasan habang maaga pa. Hindi na maganda 'to. Baka mapahamak ka...at nakikita ko iyon sa mga mata nila" nag-aalalang sambit ni Icah. Hinawakan niya ang kamay ko at seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Did you join Phantom Sinners?" napatingin kami kay Julez.

Nabigla kami dahil narinig ni Julez 'yon kaya tumingin kami sa kanya. Walang dapat makaalam pero narinig niya.

Hindi kami kumibo at nanahimik kaming lahat.

Sinara niya ang binabasa niyang libro at inayos niya ang salamin. Seryoso niya akong tinignan.

"Don't worry. Hindi ko sasabihin ang narinig ko. Pero mag-ingat ka, dahil kontrolado ka na ni Clyde" pagkatapos niyang sabihin 'yon, tumayo na siya.

To be continued...

Nächstes Kapitel