webnovel

CHAPTER 9

AN: Pasensya na po sa mahabang paghihintay. Nababasa ko po ang lahat ng comment niyo, maraming salamat po sa mga sumusuporta at nagmamahal sa mga gawa ko. Love you all guys! 😍 busy lang talaga si author.

-----------

NIGEL FELIX

DAMN IT! Mura ko sa isipan ko habang nakaupo dito sa loob ng opisan ko dito sa mansyon. What the hell, Nigel? Sabi mo hindi mo na lalapitan pa si Ruby? Bakit ngayon 'ay muli mo siyang inangkin?

Napabuga ako ng hangin dahil sa tumatakbo sa isipan ko, dahil iyon naman talaga ang dapat ang kalimutan at mawalan na ng pakialam sa kanya. Pero hindi ko alam sa tuwing mararamdaman ko ang presensya niya lalo na ang kanyang amoy. Para akong nakakita at nakaamoy ng isang sariwang dugo.

The time na nagpunta siya at hanapin kung saan kami nakatira, i saw her angelic face and I'm so verry happy inside my mind with my fucking body.  I decide to forget all of her, son only is my need. But, standing in a front of my house while she's curious about her mind if where is my house. Itinago ko ito mula sa mga isipan ng mga nakapunta dito kaya kahit magpabalik-balik ka sila, hindi nila ito makikitang muli.

Hindi ako makatiis na hindi siya harapin kaya naman nagpanggap ako na isang matandang lalaki. Habang nakikita ko ang pawisan niyang mukha at ang mamula-mula niyang labi, para akong nauuhaw at gusto ko ng hagkan ito.

Napukaw ako sa malalim na pag-iisip nang makarinig ng dalawang magkasunod na katok, pagbukas ng pinto inulawa nito si, Michael.

"Nigel, may tawag mula 'kay Sandiego. Nandoon na raw lahat ng mga kargamentong nakuha nila mula sa probinsya. "

Napatango naman ako sa sinabi ni Michael, mabilis na tumayo ako at magkasabay na lumabas na kami ng opisana.

Sakay ng itim na kotse patungo kami ngayon sa Club ng isa sa mga ka-negosyo ko.

----------

"Mr. Felix, mabuti at nakarating ka na. Siya nga pala maupo muna kayo habang nagrerelax," nakangiting mabuti sa kanila ni, Sandiego.

Naunang umupo si Michael at bago ako umupo lumibot muna ang mata ko sa paligid. Naglapitan naman ang tatlong sexy na babae papunta aa amin na may dala-dalang mamahalin na alak.

"Maiwan ko muna kayo dito kakausapin ko ang mga tauhan ko upang ipakita sa inyo ang mga epektos at mga kargamento."

Tinanguan ko ito at nagsalin ako ng alak sa baso, habang tahimik na sinisim ko ang laman ng baso. Napansin ko sa entrance ang isang lalaki na bagong dating, lumibot agad ang mata nito sa paligid na tila may hinahanap. Naka-all black rin ito kagaya ng suot namin, na-curious akong bigla sa kanya kaya sinubukan kong basahin ang kanyang isipan.

Bigla akong nagtaka dahil hindi ko ito mabasa dahil blangko lang ito, napalingon sa akin ang lalaki at nagkatinginan kami. May kung ano akong naramdaman sa kanyang presensya.

"Nigel, may problema ba?"

Napailing ako sa tanong ni Michael, sinundan niya ng tingin ang lalaki na tinitingnan ko na ngayon ay nakaupo na.

"Mukhang bagong customer siya ni Sandiego, ngunit ang pinagtataka ko bakit parang may kakaiba sa kanya?" Seryosong wika ni, Michael.

Sumangayon ako sa sinabi nito, binalik ko na ang atensyon ko sa baso at ilang segundo lamang. May naglabasan na dalawang lalaki doon sa pinasukan na hall way ni Sandiego, may dala silang babae na nagpupumiglas.

"Bitiwan niyo ko! Pakawalan niyo na ako, parang awa niyo na po!"

Napatitig ako sa babae at hindi ko malaman dahil parang pamilyar siya sa akin. Dinala ito doon sa harapan  ng lalaki at patulak na pinaupo sa tabi nitong seryoso na lalaki.

"Kawawang bata, mukhang napakabata pa ng babae na iyon dahil naka-school uniform pa."

Naiiling na litanya ni Michael, hanggang doon lang naman kami dahil unang-una wala kaming pakialam sa ganitong bagay.

"Mr. Felix, tayo na sa loob at ng makita niyo na ang mga items."  nakangising aya ni, Sandiego.

Tumayo na kami at sumunod sa sinasabi na titingnan namin, habang naglalakad kami hindi mawala sa isip ko ang babae na iyon.

Ate Ruby...

Hindi ko alam pero bigla akong napatalikod at bumalik doon sa puwesto kung saan naroon ang babae at lalaki.

"Nigel!"

Sigaw ni Michael, hindi na ako lumingon at nagmamadaling nagbalik sa mga lamesa doon. Ngunit wala sila doon, nakarinig ako ng ugong ng sasakyan kaya dali-dali akong lumabas at hinanap ang mga ito.

Nakita ko pa na nilingon ako ng lalaki na sakay ng kotse at katabi nito ang umiiyak na babae. Gamit ang kakayahan ko mabilis na nakarating ako sa kotse ko at sumakay agad doon,  mabilis na sinundan ko ang kotse nila.

Dahil gabi na at walang gaanong mga sasakyan sa daan, malaya kong napaandar ng mabilis ito. Hanggang sa nalagpasan ko sila at umikot ang kotse ko ng walang kahirap-hirap paharang sa harapan nila.

Tumigil naman ang kotse at nakipaglabanan ako ng tingin dito sa lalaki, napansin ko na parang may binulong siya sa babae at kusa pumikit ang mga mata nito. Paano niya nagawa ang bagay na iyon? Dahil ang mga katulad lamang namin ang may kakayahan na magpatulog sa tao sa pamamagitan ng isang salita lamang.

Bumaba ng kotse ang lalaki habang nakatingin pa rin ito sa akin, nagpasyang bumaba na rin ako upang harapin ito.

"Kukunin ko ang babae na iyan dahil sa mga oras na ito ay pinaghahanap na siya ng kanyang pamilya." seryoso na wika ko sa kanya.

"Kailangan ko siya at wala kang karapatan na bawiin siya dahil pag-aari ko na siya," mahina ngunit may diin sa kanyang tono.

Hindi na ako sumagot pa at naglakad papunta sa kabilang side upang kunin ang babae. Ngunit nagulat ako sa mabilis na paglapit sa akin nitong lalaki at mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko.

Naramdaman ko ang malakas na puwersa at biglang humangin ang paligid.

"Hindi ka pangkaraniwang tao lamang, maaaring katulad rin kita ngunit hindi ko hahayaan na may gawin ka sa babae na iyan." mariin na wika ko at malakas na tinabig ko ang kamay niya, nagulat at bigla itong tumawa na nakakaloko.

"Dahil ba sa kapatid siya ng babae na nagdala sa iyong anak na lalaki?"

Natigilan ako at napatingin sa kanya, naghahanap ng kasagutan dahil sa kanyang sinabi.

"Marami akong alam sa loob ng dalawang daang libong taon, sa ngayon sige maaari kitang pagbigyan ngayon. Ngunit kapag nakita kong muli ang babae na iyan 'ay hinding-hindi mo na siya makukuha pa. At siya nga pala, igagalang mo ako dahil ako ang kataas-taasang sinaunang bampira, bago ka pa naging isang hari."

Hindi ko na nagawang magsalita sa aking mga narinig, naglakad na palayo ang lalaki at tuluyan na itong naglaho. Maraming tumatakbo sa isipan ko ng biglang magmulat ang mga mata nang babae, dahan-dahan itong lumabas sa kotse.

"S-salamat!"

Malakas na wika nito at biglang yumakap sa akin, matagal at sobrang higpit.

"Maraming salamat po talaga at hindi ko ito makakalimutan,"

Nakangiting wika nito na may luha sa gilid ng mata. Ngunit ang hindi ko inaasahan ang biglang paghalik nito sa pisngi ko at sinundan ng pagdampi sa labi ko.

"Anna!"

Sabay na napalingon kami at nakita ko si Ruby at ang isang babae na may katandaan na. Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni, Ruby.

"A-Ate, ma."

Biglang tumakbo papunta itong nasabi na si Anna, yumakap agad sa kanilang dalawa. Ramdam ko ang tingin at mga katanungan sa isip ni Ruby.

"Saan ka ba nangaling anak? Alam mo ba na hindi na ako makatulog dahil sa pag-aalala sa'yo."

Balak ko na sanang umalis dahil ayoko na silang istorbuhin pa sa kanilang pagkikita.

"Saka ko na po ikukuwento ma, ang importante mo niligtas niya ako. Kuya sandali halika po at ipapakilala ko kayo sa Ate at Mama ko."

Nagkatinginan naman kami ni Ruby, napansin ko na umiwas siya ng tingin sa akin. Lumapit naman sa akin ang kapatid niya at bigla akong hinatak papalapit sa kanila.

"Ano po ba ang pangalan niyo?" nakatingalang tanong nito.

"Nigel," sagot ko lang.

"Ang gwapo naman pala ng name niyo at bagay na bagay sa inyo, siya nga pala ma si, Nigel. At ko naman siya," pagpapakilala nitong si Anna.

Inabot ko ang kamay  ng mama nila at sumunod kay Ruby, matagal bago ko ito binitawan. Ngunit bigla itong pinaghiwalay ng kapatid niya.

"Ah, sige po. Salamat ulit at sana magkita tayong ulit, o kaya naman po maaari ka bang magpunta sa amin upang mapasalamatan ka namin ng tuluyan. Masarap kasi magluto ang mama ko,"

Masiglang wika nito pilit na ngumiti na lang ako at tumango.

"Ihijo, maraming salamat ulit sa ginawa mong tulong sa anak ko at tama siya dumalaw ka sa amin ng sa ganon ay mapasalamatan ka namin. Hindi ba, Ruby?"

Napatingin ako kay Ruby na tahimik lamang na nakatingin sa akin.

"Ate, ayos ka lang ba?" Tanong naman ng kapatid nito.

"Ha? Oo ayos lang ako, halika na at umuwi na tayo dahil may pasok ka pa bukas." sagot naman ni, Ruby.

Tumango na lang ako at naglakad na sila, nilingon pa ulit ako ni Anna at nagpaalam. Bumalik naman ako sa kotse ko upang magbalik sa Club.

------------

Try to read this my new story siya at ongoing pa. I'm sure na magugustuhan niyo ito. 👍❤️

Nächstes Kapitel