webnovel

CHAPTER 10

AN: Hello po sa lahat, sobrang natuwa ako at ginanahan mag-update ulit dahil sa inyo. Sana'y nariyan kayo palagi upang magkaroon ako ng inspirasyon para magsulat. ❤️😍😍

--------------

RUBY P.O.V

Dito sa loob ng taxi, tahimik na nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga nagkalat na ilaw sa daan. Habang ang mama ko naman ay mukhang nakaidlip na.

"Ate, alam mo ang gwapo ni Nigel. Una ko pa lang siyang nakita parang may kakaiba na talaga sa kanya, at 'yung labi niya ang pula-pul-"

"Anna, tumahimik ka na nga. Muntikan na ngang may masamang mangyari sa'yo, tapos ganyan ang nasa isip mo?" Mainit ang ulong sita ko sa kanya, dahil kahit kapatid ko siya hindi mawaglit sa isipan ko ang halik na ginawa niya kay Nigel, na kanina lang ay kahalikan ko.

"Alam mo Ate? Napaka-OA mo, ok na nga ako diba at dahil iyon sa kanya. Kaya hayaan mo na lang ako dahil talagang na-curious na ako sa kanya,"

Napapikit na lang ako sa sagot ng kapatid ko dahil parang nag-iiba ata ang ugali niya ngayon. Hindi ko na pinansin ang mga bulong niya dahil baka kung ano pa ang masabi ko.

Hindi ko alam pero talagang parang kinukurot ang puso ko kanina, selos? Iyon ba talaga 'yon? Nakakainis ayokong maramdaman ito. Pilit na pinikit ko ang mata ko dahil sa tagpong naabutan namin na hindi ko inaasahan na makikita namin ang kapatid ko kasama si, Nigel.

Padating sa bahay nagpuntahan na agad kami sa higaan upang magpahinga, lalo na ako masakit pa ang buong katawan ko.

-------

Kinabukasan maaga akong nagising, napansin ko ang magandang ayos ng aking kapatid habang paikot-ikot sa harap ng salamin, dito sa maliit na sala namin. Naisip ko na baka mayro'n siyang lakad ngayon kaya nakaayos siya.

"Ate! Maganda ba? Sa tingin mo ba magugustuhan ito ni, Nigel?"

Kunot noong tiningnan ko siya dahil sa kanyang sinabi. Umupo ako sa kalapit na upuan at napapaisip bago magsalita.

"Pero palagay ko mukhang magugustuhan niya ang ayos ko ngayon, ang ganda ko kaya sa pulang bistida na ito."

Todo ang ngiting pagkakawika nito at hindi ko magawang magsalita.

"Nako, ewan ko ba sa kapatid mo na iyan. Ang aga-aga 'ay inistorbo ako upang magluto raw ng makakain sa pagdating ni, sino ba 'yon?"

Napaangat ako ng mukha dahil gising na rin pala si mama at hindi ko siya napansin.

"Nigel, ang pangalan niya ma. At hindi na ako makapaghintay na makita siyang muli,"

Matamis ang ngiting sumilay sa labi nang aking kapatid sa kanyang pagkakasabi. Ako naman natahimik at hindi malaman kung paano magre-react.

"Sigurado ka ba na pupunta siya?" Wala sa loob na bigkas ko habang hinihimas ang batok ko.

Tiningnan ako nito at napangiti habang sinusuklay ang kaniyang natural na tuwid na buhok. Oo ang ganda nga niya sa pulang damit na ito at hindi ko iyon maitatangi, dalaga na pala siya ngayon ko lang napansin. Pero teka? Yung suot niyang damit, akin 'yun ah? Binili ni Nigel sa akin noon nong muntik na akong magahasa.

"Hmm, Ate. Alam ko iniisip mo na hindi ako nagpaalam dahil kinuha ko lang ang damit na ito. Ngayon ko lang naman 'to gagamiti at lalabhan ko agad,"

"H-hindi, ok lang sige lang. Damit lang 'yan saka binigay lang iyan sa akin kaya huwag ka na mag-isip ng kung ano pa." Nakangiting sagot ko at tumayo na ako, saktong nakarinig kami ng katok.

"Ate, nandiyan na si Nigel!" Pigil ang ngiting wika nito at nagmamadaling nagpunta sa pinto.

Napasunod na lang ako ng tingin doon sa may pinto, seryoso ang mukha nito pagpasok sa loob ng maliit na bahay namin.

"Oh my god! Dumating ka! Napakasaya ko ngayon."

Masayang salubong ng kapatid ko dito nagkasalubong naman ang mata namin ni Nigel, umiwas ako dahil nakita ko ang kakaibang tingin ni Anna sa akin.

"Halika tuloy ka at pasensya na sa aming bahay,"

Nakangiting anyaya ni mama samantala, hinawakan agad sa braso si Nigel ni Anna at dinala sa lamesa na may nakahain na mga pagkain.

"Salamat ho," sagot lang ni, Nigel.

"Anak halika na dito at saluhan natin sila kumain-"

"Ma? Puwedeng mamaya na muna kayo ni Ate?"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Anna, dahil parang hindi maganda ang dating ng sinabi niya.

"Ha, o-oo naman. Sige anak kumain na kayo, oo nga naman bisita mo siya." napapangiting sagot lang nito.

"It's ok, mas magandang sumabay na silang sa atin." wika ni Nigel.

Nakita ko ang pagsimangot ni Anna at biglang naupo sa tabi ni Nigel.

"Sigurado ba kayo?" Muling salita ni mama.

"Wala hong problema," muling bigkas ni Nigel.

Alangan na umupo si mama at sumenyas sa akin na lumapit na habang ang kapatid ko tahimik lamang.

Tahimik na lihim na pinagmamasdan ko ang kanilang mga galaw, nagsimulang kumuha ng kanin at ulam si Anna. Nilagay ito sa plato ni Nigel, habang si mama ay ang taga abot ng iba pa. Nagtataka ako paano nakabili ng mga ganitong pagkain? Kanino galing ang pera? May menudo, pritong manok at shanghai.

"Sumandok ka ng pagkain mo,"

Nagulat pa ako sa sinabi ni mama dahil ako na lang pala ang walang pagkain sa plato. Nahiya tuloy ako bigla at napayuko at dito ko napansin na wala pala akong suot na bra, bigla akong naalarma at hindi ko malaman kung paano ikukubli ang dibdib ko dahil kapag gumalaw ako bumabakat ang dibdib ko.

Napansin ko ang patingin saglit sa akin ni Anna at pati na rin si Nigel, kailangan kong bilisan kumain.

"Tikman mo na ang pagkain masarap yan at pinaluto ko iyan para sa'yo," matamis ang ngiti ni Anna.

Tumango naman si Nigel at hinawakan na ang kutsara at tinidor, sandali hindi bampira siya? Hindi puwede sa kaniya ang pagkain na ito paano siya kakain? Nagulat ako at titig na titig siya sa akin at hindi ko alam parang biglang tumigil ang oras at biglang tumahimik. Kahit si Anna at mama hindi gumagalaw, sandali anong nangyayari??

"Masarap ba?"

Napakurap akong bigla nang marinig ang boses ng kapatid ko at nagulat ako dahil konti na lang ang pagkain sa plato ni, Nigel.

"Napakasarap," husky ang boses na sagot nito.

Hindi ko alam pero nailang ako dahil sa akin siya nakatingin pagkasabi ng napakasarap.

"Talaga? Salamat naman kumain ka lang at sana'y hindi ito ang huli," malambing na pagkakasabi ni Anna.

"Kapag hindi ako busy wala namang problema, siya nga pala hindi na ako magtatagal dahil mahalaga akong pupuntahan. Salamat sa masarap na pagkain at sa luto ng mama mo,"

Nakangiting sabi nito at tumayo na.

"Sandali paano mo nalaman na si mama ang nagluto?" Nagtatakang sagot ni Anna.

"Nothing, salamat sa pag-imbita."

"Ok, pero sandali lang hindi mo ba pupunahin ang suot ko ngayon?"

Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi nito, tumayo naman si mama at nagtungo sa lababo.

Tiningnan siya ng mapanuring tingin simula ulo hanggang paa at tumingin sa akin.

"You look so beautiful, dahil sa pulang damit na iyan at isa ito sa paborito kong kulay. " kaswal na sagot lang nito.

"Talaga? Salamat," impit ang tuwang sagot ni Anna.

"Pero may isang babaeng nagsuot ng pulang damit na hanggang ngayon 'ay hindi ko makakalimutan."

Makahulugan na wika nito na tumagos sa buong kaluluwa ko at kahit ayokong isipin na ako iyon. Alam ko na ako talaga dahil ramdam ko ito.

"Talaga ba? Anyway sabi mo naman maganda rin ako at siguradong mas maganda ako."

Masayang sabi nito.

"Magpapaalam na ako at salamat ulit sa masarap na agahan, pasensya at may mahalaga akong lakad ngayon."

"Sige hijo mag-iingat ka at salamat sa pagpunta." Magalang na wika ni mama.

"Sige mag-iingat ka Nigel at sanay bumalik ka ulit o kaya lumabas tayo't mamasyal."

Pahabol pa nang kapatid ko bago lumabas ng pinto.

"Hayys, sayang naman umalis siya agad. Ang gwapo talaga niya sobra!"

Kinikilig na salita ni Anna at naupo na tila nangangarap. Nagmadali naman na akong kumain upang humiga ulit sa higaan.

"Siya ang dream man ko,"

Napalingon ako dahil sa sinabi nito at hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil para siyang nahihibang na. Nagkatinginan na lang kami ni mama at parang iisa ang nasa isip namin.

-------------

Pasensya na at bitin.... 😍😘

Nächstes Kapitel