"Mahal na mahal din kita tita" bulong nito na ikinangiti ko. Napatingin ako kina madam at Tina dahil sa gulat nila nang gawin at sabihin ito ni Chaika.
"How 'bout kuya?" tanong ko at binaliwala nalang sila madam at Tina.
Tinanggal nito ang pagkakayakap sakin at bumaba sa lap ko at pinuntahan ang kuya nitong nakatingin din sa kaniya.
"Mahal na mahal din kita kuya" ani nito at yinakap ang kuya niya. Mukhang nagulat si Kurt sa ginawa ng kapatid niya ngunit yinakap din niya ito pabalik.
"Wala bang sorry at thank you para kay kuya?" tanong ko.
"Sorry kuya. Thank you?" ani nito na ikinatawa ko dahil mukhang hindi niya makuha kung bakit siya magtithank you.
"Kasi mahal ka ni kuya" maiksi ko nalamang na sagot at naniniwala naman ako na malalaman niya rin balang-araw kung bakit.
Hindi man niya alam kung bakit niya kailangang magpasalamat ay nagpasalamat pa rin ito sa kuya niya.
Tumingin ulit ako kina madam Karen at Tina ngunit hindi pa rin sila nagsasalita. Manghang-mangha sila sa nakikita nilang pagyayakapan ng dalawang bata.
Pati si sir Jameson ay hindi pa bumabalik kaya umayos ako ng upo at tiningnan kung nasaan ito kanina.
Nakatayo lang ito at nakatingin sa dalawang anak nito. Tumingin ulit ako sa dalawang bata na kumalas na sa pagyayakapan habang malawak ang mga ngiti nila.
"Oh sige na at kumain na tayo. Malamig na yung pagkain. Naghugas na ba kayo ng kamay?" pag-agaw pansin ko sa kanila dahil wala na ata silang balak kumain.
Tumayo ako at kinuha ang kamay ng dalawang bata para sumunod sakin at pumunta sa pinanggalingan ni madam Karen kanina na hawak ang mga plate.
Tama nga ang hinala ko na may saktong lawak lang na kusina dito at kompleto din ang gamit pangkusina.
Kinuha ko ang isang upoan sa 3 seats na mesa at linagay sa tapat ng sink at binuhat si Chaika para ipatong dito at tulongan sa paghugas ng kamay. Ganun din ang ginawa ko kay Kurt, bubuhatin ko na sana siya nang biglang may humawak sa braso ko.
Nagulat ako kaya sinundan ko ng tingin ang maugat na kamay.
"Ako na" ani ni sir Jameson kaya tumabi agad ako.
Binuhat niya si Kurt at pinatong sa upuan at siya na ang na ang naghugas sa kamay nito.
Binuhat ko na rin si Chaika, ngunit pagtalikod ko pa lang at nakakaisang hakbang na ako ay "Tita hintayin na po natin si daddy at kuya" ani ni Chaika.
"Huh? A si-sige" nauutal kong tanong dahil bakit parang kanina pa nangyayaring dapat mapasama ako kung nasaan si sir Jameson.
Natapos ng maghugas si sir Jameson at binuhat na niya si Kurt. Hindi na rin niya binalik yung upuan at nauna na silang maglakad kaya sumunod nalang kami ni Chaika.
Pagkaupo namin at ibababa ko na sana si Chaika sa gitna namin ni sir Jameson nang "Huwag! Ganiyan lang kayo, huwag kayong gagalaw" ani samin ni madam Karen at saka tumayo para kunin ang bag nito at ilabas ang cellphone niya.
"Pipictureran ko kayo" ani nito na ikinagulat ko. "Sige na. Lumapit ka kay Jameson, Celeina" utos ulit ni madam Karen.
Hindi ako gumalaw kaya binigay niya kay Tina yung cellphone para siya ang magpicture at makikisali nalang daw. Napalapit din ako kay sir Jameson dahil sakin tumabi si madam at pinausod niya ako ng husto kay sir Jameson.
Nakadalawang shots kami at ng tumayo na ito ay pinigilan niya ulit ako sa paglayo kay sir Jameson at sinabing kami lang daw.
Nakailang shots kami dahil kung anu-ano ang gustong anggulo at ayos ni madam Karen at ipapadala daw ang mga letrato sa mga lolo at lola nila sa tuhod.
Hinihintay kong sabihin ni sir Jameson na tama na pero mukhang naenjoy na rin ata niya na makapicture ang mga anak niya.
Ilang beses ko ding sinabi na mas maganda kung silang tatlo lang pero hindi daw pwede at may superstitious beliefs daw sila na hindi maganda ang tatlo lang sa letrato dahil yung nasa gitna daw ang unang mamatay sa kanila. Hinayaan ko nalang at naniwala nalang din sa kanila.
***
"Iha, ikaw na ang bahala sa mga apo ko ha?" bilin ni madam Karen sakin.
Gabi na at nandito kami sa tapat ng kotse ni madam Karen kung saan ihahatid siya ng driver nito at ang ilang bodyguard niya sa Maynila. Ngayong gabi daw ang alis nito para pagkadating nilang Maynila ay umaga na. Marami daw kasi siyang kailangang daanan bago sila dumiretsong airport para sa flight nito papuntang states kung saan naghihintay ang asawa nitong si sir Manuel.
"Don't worry grandmama. Hindi namin pasasakitin ang ulo ni tita Celeina tulad ng lagi niyong sinasabi samin" natawa kami sa sinabi ni Kurt kahit na mukhang seryoso nga siya sa sinabi nito.
"Yes, grandmama. Huwag po kayong mag-alala at hindi po kami magiging pasaway kay tita" pagsang-ayon naman ni Chaika na ikinatuwa din namin.
Tuloyan ng nagpaalam si madam Karen sa aming lahat at maging ang ilang kasambahay ay binilin niya ng husto dahil tatlong linggo itong mawawala at si sir Jameson naman ay lagi ding wala. Tulad nalang ngayon, dalawang araw na rin ang nakalipas nang maglunch kami sa office niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi dahil kailangan daw nitong pumuntang Cebu para sa nangyaring aberya sa negosyo nila roon kaya tinawagan nalang din siya ni madam at nagpaalam na ngayon ang alis niya.
Naglakad na kami papasok ng bahay habang hawak-hawak ko na naman ang dalawang bata. Simula nang maglapit silang magkapatid ay hindi na sila mapaghiwalay, at maging ako ay lagi na silang nakahawak sakin.
"Tita kwentohan mo muna kami bago matulog a?" pakiusap ni Chaika habang paakyat na kami ng hagdan patungo sa kwarto ko.
Tapos na din kasi kaming magdinner at mapaligoan sila. Makikitulog din daw si Kurt samin dahil pinilit pilit ito ni Chaika.
Kinuwentohan ko nga sila at ilang minuto lang ay nakatulog na sila.
Bumaba ako ng kama at inayos ang higaan para hindi sila mahulog. Kailangan kong bumaba para uminom ng gatas dahil siguradong hindi na naman ako makakatulog kung hindi ako iinum.
Didiretso na sana ako para bumaba nang paglabas ko ng kwarto ay nakita kong nakabukas ang pintuan sa kwarto ni sir Jameson. Hindi naman nakabukas ang ilaw at ang alam ko ay lagi din nilang sinasara ang kwarto nito pagkatapos nilang linisan.
Baka nakalimitan lang isara, nakakadalawang hakbang pa lang ako paalis nang marinig kong may nabasag mula sa kwarto nito. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad tumakbo para tingnan ito.
Agad kong binuksan ang ilaw at tumambad sakin ang nakaupong si sir Jameson at sa tabing sahig nito ay ang basag na ashtray. Naninigarilyo ito kaya agad kong sinara ang pintuan at inagaw sigarilyong hawak nito at hihithit na naman sana.
"Bakit ka naninigarilyo dito? Alam mong may mga anak ka" suway ko sa kaniya.
Ngayong nakalapit na ako ay naamoy kung amoy alak din ito.
Tumayo ito at tinitigan ako. Kinakabahan na ako dahil palapit pa ito ng palapit ngunit agad akong umiwas at aalis na sana pero mabilis niyang hinila ang kamay ko at pinaharap ulit sa kaniya.