Tumayo ito at tinitigan ako. Kinakabahan na ako dahil palapit pa ito ng palapit, ngunit agad akong umiwas at aalis na sana pero mabilis niyang hinila ang kamay ko at pinaharap ulit sa kaniya.
Pinulupot niya ang mga kamay nito sa bewang ko kaya tinulok ko siya pero mas hinigpitan pa niya ang yakap nito sakin.
Wala siya sa tamang pag-iisip dahil lasing siya at natatakot na rin ako sa maaari niyang gawin.
"Ano ba! Bitiwan mo ko sir Jameson!" mahina kong pagsigaw habang tinutulak pa rin siya.
"Look at me" bulong nito habang mahigpit pa rin akong yakap nito. Ramdam ko ang tigas ng katawan niya at pati mga braso niyang mas tumigas pa dahil sa pilit kong pagtulak sa kaniya.
Hindi ko siya pinansin at tinutulak ko pa rin siya. Ayokong sumigaw at baka marinig kami at magising pa ang mga bata.
Yumuko siya at linapit ang ilong nito sa kanang pisngi ko at saka linipat sa tainga ko.
"Titingnan mo ako o gagawin ko yang iniisip mo?" ani nito kaya agad kong inangat ang ulo ko. Sa ginawa kong yun ay linayo na rin niya ang mukha niya sakin.
Hindi ko pa rin kayang tumingin sa mga mata niya kaya palipat-lipat ang tingin ko sa ilong nito, sa kanang tainga, noo at babalik ulit sa ilong nito para lang masabing nakatingin na ako sa kaniya. Hanggang sa tinanggal na niya ang isang kamay nito sa bewang ko at hinawakan ang suot kong robe at unti-unting tinataas kaya agad akong naalerto at hinawakan ang kamay niyang nakahawak dito.
"Si-sir Jameson. Bitiwan niyo na po ako" pagmamakaawa ko dahil takot na takot na ako.
"Don't put sir when you're calling me" ma-autoridad nitong utos.
Wala akong maramdaman kundi takot at pangamba sa maaari nitong gawin kaya mahigpit ko pa ring hinahawakan ang kamay nito. Maliit man ang kamay ko kumpara sa magaspang at malaki nitong mga kamay ay pilit ko pa ring linalayo ang mga kamay nito.
Titingin lang naman ako sa kaniya, yun lang naman ang hinihiling niya.
Linakasan ko ang loob kong tignan siya sa mga mata, linabanan ko ang kidlat na binibigay nito sa buong organs at lahat na ata ng bumubuo sakin na cells, at lakas loob kong sinabing "Jameson. Alam kong lasing ka lang. Ano man ang nangyari ngayon kung bakit ka naglasing at ganitong dumating ay pag-usapan nalang natin to bukas. Sa ngayon magbihis ka na o maligo para magising ka sa diwa mo at matulog."
Kung magagalit ako ay mas lalo lang din itong hindi makikinig sakin kaya sinubukan kong kausapin siya ng maayos.
Ngayong tinititigan ko na siya ay ngayon ko lang nakitang pagod na pagod ito. Hindi siya nagsasalita at tinititigan lang ako. Magulo ang buhok nito, ngunit bakit ganun mas nakakaakit pa siyang tignan. Napakaganda ng mga mapupungay nitong mata at bagay na bagay sa masungit nitong kilay.
Hindi ko namamalayan ay hinahawakan ko na pala ang pisngi nito.
"Magpahinga ka na. Alam kong pagod na pagod ka ngayon. Halika" malumanay kong pagtawag at sinubukan kong kumalas sa yakap nito.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nitong nakayakap sakin kaya nang tuloyan niya akong pakawalan ay hindi ko pa rin binitawan ang kaliwang kamay ko na nakahawak sa kanang kamay nito at hinila siya papasok sa banyo nito.
Napakaliwanag ang kwarto nito dahil binuksan ko lahat ng ilaw kaya kitang-kita ko ang bawat sulok ng kwarto niya. Naaapakan na rin namin ang ilang piraso ng nagkalat na ashtray. Mabuti nalang at nakasuot pa rin ito ng sapatos at naka tsinelas pambahay din ako kaya hindi namin alintana ang mga ito.
Pinaupo ko siya sa nakasara nitong inodoro at saka kumuha ng maliit na towel sa tabi ng sink kung nasaan ang iba't ibang klase ng towel.
Hawak ko na ang towel at babasahin ko na sana ito ng maligamgam na tubig dahil pwedeng ma adjust ang temperature ng tubig nito sa sink, nang tumigil ako at tinanong muna ito kung "Gusto mo bang punasan nalang kita or maligo ka nalang?"
"Kapag ba gusto kong maligo, papaligoan mo din ako?" nakangisi nitong tanong habang nakatingin pa rin ito sakin.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito "Gusto mong maligo? Sige maligo ka na kung ganun at iyaayos ko nalang ang isusuot mo sa kama mo bago ako umalis" ani ko at saka ibabalik ko na sana ang towel na hawak ko pero tumayo ito at pinigilan ako.
Para akong napapaso sa mga kamay niya at magkakaron ng kidlat sa buong katawan ko kaya kinuha ko agad ang kamay ko at saka binasa na ang towel. Umupo na rin ito pabalik.
Sinimulan ko ng punasan ng marahan ang mukha nito at sinunod ko ang leeg nito. Para itong bata na sumusunod sa ina niyang hinuhugasan ang marumi nitong mukha gamit ang wipes.
"Alam mo nakalimutan kong hindi ka pala bata. Dapat sinabi kong maghilamos ka nalang" ani ko at natawa sa sarili kong katangahan.
"May asawa ka na kaya? May sarili ka na kayang pamilya? Ganito mo din kaya siya alagaan? Siguro nga may pamilya ka na, kasi parang sanay na sanay kang mag-alaga" tanong nito na ikinatigil ko sa gagawin ko sanang pagpunas sa bahaging kamay nito kung saan hindi na natakpan ng kaniyang sleeve dahil sa pagtupi nito.
"Wala naman siguro. Pakiramdam ko naman sa sarili ko ay hindi pa ako nagkaroon ng anak. Hindi ba nasabi sayo ni madam Karen na pinatest din ako agad nang matagpuan ako at baka ginahasa daw ako pero sinabi naman sa result na vi-- um hindi" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nahiya na ako.
"Wala ako noong natagpuan ka. Tinawag nila sakin pero hindi ako pumunta. Hindi din kita dinalaw ni minsan at mas lalong nagtanong kung ano ang kalagayan mo. Ako lang ang tumatawag para sa paghahanap kung sino ka. Ginagawa ko lang ang hinihiling ni mamma. Hindi ko din siya maintindihan noong una at bakit gustong gusto ka niyang tulongan at mas pinili pa niyang bantayan ka paminsan minsan sa hospital kaysa ihatid ang mga anak ko. Ngayon alam ko na" diretso nitong sabi at ngumisi pa.
"Bakit?" takang tanong ko na rin at tinapos ang pagpunas sa kaniya.
At saka ko siya hinila para tumayo, na sinunod naman niya.
"Hugasan mo yang kamoy mo, nanigarilyo ka kanina" inis kong utos dahil ito talaga ang ikinagalit ko sa kaniya kanina. Hindi maganda sa mga bata ang usok ng sigarilyo at maging second smoker pa sila.
Pero napakagat lang ito sa pang-ibaba nitong bibig at tinititigan pa rin ako.
"Bakit ka ba ganiyan makatingin? Sige na maghugas ka na, or mas mabuting maligo ka nalang pala kasi baka magising yung mga bata at puntahan ka sa kwarto mo bukas. Kailangan ko ng umalis at baka magising sila, hanapin pa ako" ani ko at aalis na sana kaso pinigilan na naman ako.
Kanina pa siya nakatingin pero 'di naman nagsasalita o sagotin man lang ang mga sinasabi ko.
"Pagpapanggap lang ba ang mga ginagawa mong to?" biglaan nitong tanong. Tumingala agad ako sa kaniya at nakipagtitigan.
Kanina ko pa tinitiis ang amoy nito, mabango ang banyo nito at amoy na amoy na banyo ng lalaki pero mas tumapang pa dahil sa amoy alak at sigarilyo nito. Ngunit hindi na talaga ako makapagtimpi pa, "Ito lang ang kaya kong ibigay bilang kabayaran sa lahat ng nagawa niyo sakin - ang alagaan ang mga anak mo at ang ibigay lahat ng maaaring tulong na kaya kong ibigay. Kung kinakailangan kong maging katulong o yaya ng mga anak mo habang-buhay ay gagawin ko. Bakit ako magpapanggap? Kung iniisip mong pagpapanggap lang ang mga ginagawa ko ay wala na akong magagawa dun. Ano naman ang makukuha ko sa pagpapanggap? Hindi kita gusto, kung yan ang iniisip mo. At mas lalong hindi ko ginagamit ang mga anak mo para lang magustohan mo. Kahit pa siguro magdamag tayong nandito sa banyong ito. Wala, wala akong mararamdamang pagnanasa sayo.
Hanggat wala akong naaalala ay hindi ako pwedeng umalis sa inyo. Wala akong mapupuntahan, alam mo yan. Pero kung gusto mo na talaga akong paalisin. Sige, aalis nalang a-" hindi ko napaghandaan ang ginawa nito.
Mabilis niya akong hinalikan at hinapit ulit ang bewang ko at marahas na hinila ang leeg ko para halikan ako.
Hi-hinahalikan niya ako. Yung labi niya... Yu-yung amoy nito at ang lasa ng bibig niya - pinaghalong pait at amoy ng sigarilyo.