Chapter 1723: Pinaka-cute Na Mga Sanggol (4)
Dahan-dahan lumapit si Su Yu kay Huo Mian, tiningnan niya ito nang may kirot sa kanyang puso.
Ang unang tanong nito ay, "Masakit pa ba?"
Tumawa si Huo Mian at umiling. "Hindi na masakit… Akala ko nga mamamatay ako sa sakit… Noong nurse intern pa ako sa OB/GYN department, sinabi sa amin ng attending physician na ang panganganak ay katumbas ng pagkabali ng 12 ribs… Akala ko mataas ang pag-inda ko sa sakit, pero akala ko mamamatay pa rin ako…"
"Para kang ewan, tapos naman na…" Sabi ni Su Yu.
"Mhm."
"Sisilipin ko ang mga sanggol maya-maya… Magpahinga ka na."
"Sige." Ngumiti si Huo Mian.
Malinaw na makikita ang mainit na awra ng isang ina ay makikita sa mukha niya.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com