Chapter 1724: Pinaka-cute Na Mga Sanggol (5)
"May alam k aba? Ganito lahat ng kapapanganak lang na sanggol, hindi mo pa makikita ang detalye ng mukha nila hanggang sa unang buwan nila… Noong pinanganak ka, mas panget ka pa sa kanila. Akala ko pinanganak ko ang isang pangit na nilalang, nadismaya pa nga ako eh."
Walang nasabi si Su Yu.
Mapagmahal pang tiningnan ng ilang sadali nina Su Yu at Mrs. Su ang mga sanggol.
Lalo na si Su Yu, hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Mahal na mahal niya ang kambal na ito.
Noong lumabas sila ng NICU, inilabas niya ang kanyang telepono at nag-post a group chat tungkol dito, "Magandang balita! Ipinanganak ni Doctor Huo ang dalawang magagandang sanggol, isa noong 1:36 ng umaga at ang isa naman ay 1:38 ng umaga noong Oktubre 23. Parehong mabuti ang kalagayan ng mag-ina."
Hatinggabi na noong ipinadala ni Su Yu ang mensahe sa WeChat, pero agad pa rin na sumagot ang mga tao.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com