Iisang elevator lang ang ginamit nina Lu Jinnian at Qiao Anhao papunta sa
pinaka taas na palapag. Wala ni isa sakanila ang gustong magsalita at bukod
sa dalawang staff na kasama nila, wala ng ibang tao sa elevator.
Tahimik lang na nakatayo si Lu Jinnian sa isang gilid habang nakahawak ang
isa niyang kamay sa maletang dala niya, samantalang si Qiao Anhao naman na
nakatayo sa tabi kanyang tabi ay nakatitig lang sakanya. Sa buong oras na
magkasama sila, ni minsan ay hindi niya ito pinansin o tinignan manlang.
Medyo nasasaktan na si Qiao Anhao sa ginagawang pagiwas ni Lu Jinnian.
Mula noong nakita niya ito sa sementeryo, wala siyang ibang gustong gawin
kundi ang ipaliwanag ang lahat ng nangyari pero noong sandaling makita siya
nito, bigla nalang itong umalis; sa bahay naman ng matandang babae, pinaalis
din siya kaagad nito; noong binaggit niya ang tungkol sa Valentines Day noong
pinuntahan niya ito sa hotel, nagalit ito sakanya ng sobra at pinalabas siya.
Ngayon na nasa loob sila ng iisang elevator, bakit hindi siya kayang kausapin
nito…
Kaya noong sandaling 'yun, hindi na kinaya ni Qiao Anhao at tuluyan niya ng
binasag ang katahimikan.
Natatakot siya nab aka bigla nanaman siyang sakalin ni Lu Jinnian habang
nagsasalita kaya hindi na siya nagpaligoy ligoy pa at sinabi niya na kaagad ang
gusto niyang ipunta. "Nasa ospital ako 'nun."
Parehong Caucasians ang dalawang staff na kasama nila sa elevator at hindi
nakakaintindi ng Chinese ang mga ito. Noong una, ang akala ng mga ito ay sila
ang kinakausap ni Qiao Anhao kaya tumingin ang mga ito sakanya parea
ngitian siya, pero nang makita ng mga ito na si Lu Jinnian ang tinitignan niya,
muli nalang tumalikod ang dalawa at hindi na nagsalita.
Sa wakas, nasabi na rin ni Qiao Anhao ang mga salitang matagal niya ng
gustong sabihin kaya medyo gumaan na ang pakiramdam niya. Hindi nagtagal,
muli siyang nagsalita para magpatuloy, "Noong gabi ng Valentine's Day, nasa
ospital ako kaya hindi ako nakapunta…."
Biglang humigpit ang hawak ni Lu Jinnian sakanyang maleta. Huminga siya ng
malalim at hindi nagtagal ay biglang nagbago ang kanyang itsura na para bang
hindi siya kuntento sa paliwanag nito.
Pero noong narinig niya na na'ospital ito, hindi niya maintindihan pero nasaktan
siya.
Siguro hindi niya na talaga ito maalis sa sarili niya, na kahit sobrang nasaktan
na siya ni Qiao Anhao, may nararamdaman pa rin siya para rito.
Noong nalaman niyang pumunta ito sa America ng magisa, alam niyang
sinusundan siya nito kaya sinadya niyang maglakad ng mabagal para hintayin
ito ng ilang beses.
"Sinabi ko naman na sayo diba na ayoko na 'yang pagusapan!" Hindi malinaw
kay Lu Jinnian kung kay Qiao Anhao ba talaga siya nagagalit o sa sarili niya
pero noong sandaling magsalita siya, ramdam ang galit sa tono ng kanyang
boses. "Wala akong pakielam kung totoo ba ang sinasabi mo o nagdadahilan ka
lang. Wala na akong pakielam at ayoko ng malaman pa! Sigurado naman ako
na pareho nating alam na hindi lang ang hindi mo pagsipot ang problema…."
Biglang huminto si Lu Jinnian.
Lu Jinnian, gaano katagal mo ba balak saktan ang sarili mo?
Pinangako mo ng kakalimutan mo na ang lahat, kaya bakit ang dami mo pang
sinasabi?
Maliban nalang kung gusto mo nanamang ulitin ang mga naging pagkakamali
mo noon?
Ipinikit ni Lu Jinnian ang kanyang mga mata at hindi na nagpatuloy. Nang
sandaling mahimasmasan siya, muli siyang nagsalita, "Kalimutan mo na."
Pagkamulat niya ng kanyang mga mata, di hamak na mas kalmado na siya at
nanumbalik na ang kanyang walang kaemo-emosyong awra. "Miss Qiao, wala
akong pakielam kung bakit ka nandito, pero gusto ko lang linawin sayo na
ayoko ng magkaroon ng anumang ugnayan sayo."